CHAPTER 10
CHAPTER 10
Hinila n'ya ako sa gilid ng pader, tila may pribado kaming pag-uusapan na hindi p'wedeng marinig kahit sinuman.
“Halata naman kasi, be. Kahit si Kuya alam, eh. Hindi maka-concentrate si Xandro sa pagtuturo sa dance troupe kanina,” kuwento n'ya. “Halos ilang oras n'yang hawak ang kan'yang cellphone na tila may hinihintay na text. Eh, sigurado akong ikaw ang hinihintay n'ya.”
Nai-imagine ko tuloy na hindi mapakali si Xandro. Baka naapektuhan ko na ang ginagawa n'ya at ayaw ko na ako ang dahilan.
“H-Hindi ko pa s'ya kayang harapin ngayon,” kinakabahan kong amin. “Naguguluhan ako, Zendra. Gusto kong makapag-isip-isip at hindi ko iyon magagawa kapag magkasama kami.”
“Tungkol ba ito sa magulang mo, Nov?” tanong n'ya na ikinatango ko.
Saglit n'ya akong tinitigan. Marami s'yang gustong sabihin sa akin pero nanaig ang kagustuhan n'yang hayaan muna ako. I know she always understand me. She will eventually know my plans. Hindi rin naman magtatagal ay malalaman pa rin nila.
“Tomorrow will be your last practice with him. Hindi ka ba mag-e-ensayo ngayon?” tanong ulit ni Zendra.
“Hindi muna sa ngayon, saulo ko naman. Bukas na lamang at hindi ko kakayanin ngayon,” matamlay kong sagot.
Wala akong lakas na harapin si Xandro ngayon. Nanghihina ako at baka tumakbo na lamang ako sa kan'ya at yakapin ito ng mahigpit.
Hindi n'ya ako tinanong kung ano ba ang malalim na dahilan ko kung bakit iniiwasan ko si Xandro. Siguro may ideya na s'ya pero hindi lang s'ya nagsasalita. I could see that she wanted to help me, pero ako lang ito ang umaayaw.
Titig na titig si Zendra sa akin habang nagmamadaling hinila ko s'ya upang makarating kaagad sa kotse ng kan'yang Kuya. Rinig ko ang pagbuga n'ya ng hininga nang buksan ko kaagad ang backseat at pumasok.
“Zendra, pakikuha nga—” natigilan si Kuya Nap nang makita ako sa backseat.
Umupo na si Zendra sa passenger seat at nagkatinginan silang dalawa na tila nag-uusap at naiintindihan nilang dalawa ang isa't isa.
“Nakausap mo na ba si Xandro, Nov?” maingat na tanong ni Kuya Nap. Siguro pansin na n'ya ang mayro'n sa amin ni Xandro.
Inilihis ko ang tingin at tumingin na lamang sa bintana. “Nag-text lang kaming dalawa, Kuya. Bakit?”
Umiling ito at pinaandar na ang kotse. Tulad ni Zendra ay may gusto rin itong sabihin sa akin ngunit may pumipigil lamang sa kan'ya.
Gaano ba kalala ang pagka-distract ni Xandro at gan'yan sila makaalala? Alam nilang dating na kami ngayon ni Xandro. Alam kong pansin nila na pareho lang din ang nararamdaman namin.
Masyadong halata si Xandro na may pagtingin ito sa akin basi sa kan'yang kinikilos. Pati tuloy ako nahahawa rin. Nagugustuhan ko naman kasi.
Concern din sila sa amin. Kaibigan nila kami at siguro kinakabahan din sila sa magiging desisyon ko kapag tapos na manligaw si Xandro.
Kung sakali man na i-basted ko si Xandro, this will be his first heart break and it pains me. Kasi s'ya rin ang unang lalaki ang iniyakan ko. Naiipit ako sa sitwasyon.
Nagtaka ako kung bakit huminto ang kotse at hindi pa kami nakalabas ng university. Bigla na lang bumukas ang pinto ng kotse sa kaliwa ko.
Mabilis ang pangyayari at namalayan ko na lamang na si Xandro ang pumasok. Isinara n'ya ang pinto sa gilid n'ya. Seryoso at naguguluhan n'ya akong tinignan. Para bang kanina pa s'ya hindi mapakali na makausap ako.
“Novale,” namamaos n'yang sabi, nanghihinang hinawakan ang aking kamay, na hindi ko na nagawang iwasan.
Nanigas ako. Hindi ko pa s'ya kayang kausapin. Hindi pa dapat kami nagkita ngayon.
Nakaiwas ang tingin ng dalawang magkapatid sa amin. Pinaandar na kaagad ni Kuya Nap ang kotse habang may pinagkakaabalahan si Zendra sa kan'yang cellphone. They planned this!
“Honey, bakit hindi mo ako kayang harapin?” Ayan na naman ang endearment n'ya.
Bumalik ang tingin ko sa kan'ya. Nahihirapan na bumuo ng salita na maaaring itugon sa kan'ya.
“Xandro...”
Napatitig s'ya ng ilang segundo sa akin bago may sinenyas kay Kuya Nap. Gano'n na lang ang gulat ko nang biglang sumara ang nasa pagitan ng unahan at sa likuran ng kotse. Sinadya talaga na may privacy kami rito.
“Now, talk to me. Iniiwasan mo ba ako? Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo ako hinayaan na ihatid ka.”
Sinubukan kong alisin ang kamay n'ya sa akin ngunit mas mahigpit n'yang hinawakan ito. Napaamang ako nang dinala n'ya ito sa kan'yang labi. Hindi n'ya inaalis ang titig sa akin nang patakan n'ya ng halik ang likuran ng palad ko.
The way he kissed the back of my hand made me felt different kind of feelings. Nanginginig at nagugustuhan ko ang paraan n'ya.
Napalunok ako sa sariling laway. “I already told you na sasabay ako kay Zendra dahil m-miss ko na s'ya. We'll talk tomorrow...or some other day,” pahina nang pahina kong sabi.
He clenched his jaw and looked away, kumunot ang noo n'ya.“Pero bakit pakiramdam ko iniiwasan mo ako? Hindi mo ako pinansin. Hindi tayo sabay kumain sa canteen kanina. W-We're okay, right?”
“We're okay, Xan...” Ako lang talaga ang may mali sa sarili.
Pinatong n'ya ang kamay naming magkahawak sa aking hita habang nakayuko ito. Kinakabahan na ako sa katahimikan n'ya. Dagdagan pa ang kaseryusuhan ng kan'yang mukha.
“May problema ba tayo?” bigla n'yang tanong, seryoso pa rin nakatitig sa ibaba.
Agad akong umiling, taranta. “Wala.”
“But I know there's something bothering you.” Inangat na n'ya ang tingin sa akin, sinusubukan na basahin ang mga mata ko na kaagad kong iniwasan. “May ginawa ba akong hindi mo nagustuhan?”
Agad akong umiling at kaunti na lang tutulo na ang aking luha. Ramdam kong nasasaktan s'ya sa isipang may ginawa s'yang kasalanan.
Ayaw kong isipin n'yang may pagkakamali s'ya dahil wala naman talaga. Ayaw kong isipin n'yang may pagkukulang s'ya dahil sobra...sobra pa ang binigay n'yang assurance sa akin na pakiramdam ko ako ang buhay n'ya.
“W-Wala kang ginawang mali, Xan. May problema lang sa pamilya at saka...gusto ko talagang sumabay kay Zendra.” I took a deep breathe. “Just give me time to think. Focus ka muna sa practice n'yo at sa mga gawain mo.”
Nakahinga ito nang maluwag nang marinig sa akin na hindi s'ya ang problema ko. “You can always talk to me, hon. Gusto kong hatid-sundo kita, h'wag kang mag-alala sa akin. I can handl—”
“Gusto kong pahinga ka muna, Xan,” agap kong sabi at napapikit nang mariin. “Let's just talk tomorrow. Pagod ako ngayon. ”
Nakokonsensya naman ako sa aking dahilan. Hindi naman ako pagod. Emosyonal na pagod lang ako ngayon dahil sa aking sitwasyon. Ayaw kong baliwalain s'ya pero ito na lang ang paraan ko para tumigil na s'ya muna sa ngayon.
Ang kan'yang mga titig ay mas lalo lamang naging mabagsik. Kahit gano'n, I can felt the gentleness and softness of his touch.
Naging tahimik kami sa buong byahe. Hinayaan ko na lamang s'yang hawakan ako sa kamay at paglapit n'ya sa akin. Kanina nang iwasan ko kasi s'ya ay tila nagmamakaawa ito para mahawakan lamang ako.
Mabilis akong nagpaalam sa kanila nang nakarating kami sa tapat ng apartment ko. Hindi ko man lang nilingon pa si Xandro na alam kong mariin ang titig sa akin.
He have an idea that I don't want to be with him while we're in the car. But he remained silent. Iyon nga lang kanina gusto n'yang pinapansin ko s'ya at nahahawakan kahit mga daliri ko man lang. He was such a clingy baby.
Hindi na naman ako nakatulog ng maayos kagabi. Buti na lang naintindihan ni Xandro na hindi muna n'ya ako maihahatid at sundo. May plano na akong pigilan s'ya sa panliligaw. Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari sa amin kapag gano'n.
Ramdam ko ang bawat titig n'ya sa tuwing nagtatagpo ang landas namin sa eskwelahan. Gaya nga sa sinabi ko sa kan'ya, hindi s'ya lumapit sa akin kahit gustong-gusto na n'ya.
Iiwas lang ako ng tingin at sasabay kay Venny o 'di kaya kay Oven at Zendra. Pansin na nila ito ngunit hindi sila nagsalita. Mas mabuti nga kung gano'n muna. Ang hirap pala na ganito ang sitwasyon namin. Ang hirap din na magpaliwanag sa kanila.
“Uwi na tayo?” tanong ko kay Zendra nang hintayin ko ito sa labas ng comfort room.
She fixed her blouse then she went to me. Kinuha n'ya ang kan'yang bag sa aking kamay at hinila ako. Uuwi ulit kaming magkasabay.
“Kunin mo muna ang romance book ko sa dance studio, Nov,” bigla n'yang sabi at lumiko ng daan patungo sa dance studio. “Nakalimutan ko palang kunin do'n. Ikaw na sana kumuha.”
Bumaba ang tingin ko sa paa n'ya na kanina lamang ay nakita ko ang paika-ika n'yang lakad.
“Upo ka muna rito,” aya ko rito at inalalayan na umupo. Kunot ang noo ko kung saan n'ya galing ang paika-ika n'ya. Mamaya tatanungin ko nga.
“I'll go ahead. Ako na kukuha,” ani ko at lumayo sa kan'ya. Matatagalan kami kung isasama ko pa s'ya.
“Bilisan mo, ah!”
Hindi ko na ito pinansin at mabilis na pumasok sa dance studio. Wala kaming practice ngayon ni Xandro dahil nga hinayaan kaming magpahinga muna ng mga candidates. Bukas na kami sasabak sa pageants.
Mabuti nga iyon. Balak ko bukas na patigilin s'ya. Ako lamang ang magiging dahilan ng pagkagulo ng pag-aaral n'ya. He was never been like this before. Isang taon na lang ay malapit na s'yang makapagtapos. Tingin ko hadlang ako sa pangarap n'ya.
Pumasok ako sa loob ng studio at agad nakita ang mga libro ni Zendra sa 'di kalayuan nakatungtong sa malapad na upuan, malapit mismo sa locker. Kinuha ko ito.
As I switched my body and ready to leave when suddenly I was bumped into something hard wall. Tumilapon ang librong hawak ko at muntik nang mapaupo sa lakas ng pagkabangga nang biglang may humigit sa aking beywang.
Napatili ako at napahawak sa kan'yang braso sa takot. Nanlaki ang mga mata ko. Bakit s'ya nandito?
“Damn,” rinig ko ang mura ng lalaking hindi ko inaasahan na nahawakan ko na ngayon.
Mas lalong akong napasinghap. Nang matandaan ang kalagayan namin ay pilit kong kumawala sa kan'ya ngunit mas mabilis ang galaw n'ya. Mabilis n'yang tinulak ang magkabilang beywang ko hanggang sa nakasandig na ako sa pader.
“Xandro!” gulat kong singhal ngunit seryoso lamang n'ya akong tinignan. Medyo masakit lang ang likuran ko sa pagtulak n'ya na kaagad namang nawala ang sakit.
Sobra ang pagkakunot ng noo n'ya na tila hindi nagustuhan ang reaksyon ko. Pakiramdam ko kaya n'yang basahin ang nasa isip ko ngayon.
“I already asked you if I did something wrong, Nov,” mariin n'yang banggit sa usapang iyon. “Trying to avoid me, huh? What the f*ck is our problem?”
Mas lalong nagwala ang dibdib ko sa sobrang takot. Minsan lang s'ya magmura ng ganito at ramdam ko ang kaseryusuhan at galit n'ya. Galit sa sitwasyon namin. We are both alone here. Mukhang hindi na ako makatakas nito.
I tried to push him but he gripped my waist at pushed it even more to the wall. Napasinghap ako nang marahas. Talagang walang balak akong bitiwan.
“Xandro, please... Bitiwan mo ako,” I begged, hinawakan ko nang marahan ang kan'yang braso na tingin ko'y nagpaapekto sa kan'ya.
Mariin s'yang pumikit, he breathe heavily. “D-Don't...Don't begged like that, hon. Hindi mo ako madadaan sa lambing mo.”
Napakagat ako sa sariling labi, hindi ko maiwasan. Nang tignan n'ya ang labi ko ay mas lalong dumilim ang kan'yang mga mata. He clenched his jaw, trying to be patient on something.
“S-Stop this, Xan. Aalis na ako.”
“You're not leaving me hangga't hindi mo nasasabi sa akin kung ano ang problema natin,” mariin n'yang sabi, pinipilit akong magsalita.
“Wala nga tayong problema!” I tried to get away but he was too strong. Damn it.
Mabilis n'yang hinuli ang kamay kong pilit s'yang tinutulak. Napasinghap ako nang pinagdikit n'ya ang aming noo. Langgap ko ang amoy n'ya nanunuot sa aking ilong.
“There is, and you're not telling me about it,” he darkly said, his eyes shifted to my lips. “Tell me or else I'll kiss you here. You choose, hon.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro