Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 09

CHAPTER 09



Alam mo 'yong pakiramdam na lahat ng gusto nila ay sinusunod mo palagi. Ngunit nang may isang bagay kang gusto ay tutol sila?

Bakit gano'n? Bakit ang hirap na sundin ang gusto ko?

Noon pa man hindi ako tumututol sa desisyon ng magulang ko. Hindi ko naman narinig mismo sa bibig nila na hindi sila sang-ayon sa desisyon ko, ramdam ko naman iyon. Hindi lang nila kayang sabihin pero ang gusto ko ay tutol sila.

Kung hindi man ay nagkakataon lang na nagugustuhan ko rin ang suhestiyon nila sa akin. Like modeling. Mama trained me to be a good model. At sa tuwing sasali ako sa pageant, palagi n'yang sinasabi na dapat manalo ako.

Of course, gusto kong manalo. But there are times na hindi sumasang-ayon ang panahon sa akin. May pagkakataon na hindi sa akin ang spotlight.

Ngunit ang problema, naiipit ako sa sitwasyon. I always felt a disappointment to myself whenever I did something bad, or anything that could make my parents disappointed.

I always sinked to my mind that I should win this. Dapat hindi ako papalpak. Kasi bumababa ang loob ko sa tuwing nakikita ang lungkot sa kanilang mga mata.

Remembering the moments whenever I'm with Xandro, makes me so happy and special. He always assuring me that I'm the woman he only love, and no one else.

Dahil minsan nai-insecure ako sa tuwing may nagkakandarapang babae sa kan'ya. Tulad na lang ngayon, umamin ang babaeng sa kan'ya.

Ni hindi man lang nagulat si Xandro at tinignan ng ilang segundo ang babae, umiling s'ya bago bumaling sa akin. Tinuon n'ya ang buong atensyon sa akin.

Hinawakan n'ya ang aking kamay at nilagay ang braso sa sandalan ng upuan ko.

“Magpahinga muna tayo sa practice. I'll send you home at saka susunduin din kita bukas,” he said with his concerned voice.

Napunta ang tingin ko sa isang babae na lakas loob na umamin na may gusto kay Xandro, nasa likuran n'ya ang dalawang kaibigan n'ya.

While I'm staring at the woman, who I think older than me, Xandro was preparing my home made spaghetti, carefully mixing it with sauce. He cooked this for me. Sobrang magkadikit ang katawan namin na halos ikalong na n'ya ako.

Hilaw na ngumiti sa akin ang babae. Kahit gano'n, kita ko naman ang galit sa mga mata n'ya.

Lumapat nang mariin ang ngipin ko at binalingan si Xandro na busy sa paghahalo ng aking milk choco. Binaliwala n'ya ang babae.

Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba iyon. Ngunit naiinis talaga ako sa babaeng ito. Kita naman na magkasama kami at halos lahat naman yata alam na nililigawan ako ni Xandro.

“Xandro,” tawag ko rito.

“Yes, hon?” Napatingin na ito sa akin. Kinuha n'ya ang nakasabit kong bag sa kabilang balikat at nilagay sa tapat na upuan na pinaggigitnaan ng lamesa.

“May kumakausap sa 'yo,” mariin kong sabi at tinignan ulit ang babae na mukhang nabuhayan ng loob.

Akala siguro nito pinagbibigyan ko s'yang kausapin si Xandro. Depende pa rin kay Xandro kung papansinin n'ya ba ito.

Salubong ang kilay na sinuklay ni Xandro ang kan'yang buhok sa unahan. Tuluyan nang binalingan ang babaeng nasa gilid n'ya.

Napaikot ang mga mata ko at nagsimula nang kumain. Medyo guminhawa ang pakiramdam ko nang malasahan ang luto n'ya. Pinaghirapan n'ya kaya appreciated ko.

“Ano pa ang kailangan n'yo?” mahinahon na tanong ni Xandro.

“H-Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?” kinakabahang ani ng babae.

“Narinig ko, tapos? Anong gagawin ko?” bagot at naiinis na turan ni Xandro. “Kumakain pa kami.”

“G-Gusto ka ng kaibigan ko, Xandro. 'Di ba nagt-text kayong dalawa nakaraan pa?”nakisingit ang babae.

Napataas ang kilay ko at binalingan ulit si Xandro ng tingin. Mas lalong kumunot ang noo nito.

“I don't know what you're saying. Hindi ako nakikipag-text sa hindi ko kilala.”

“Pero totoo talag—”

“You see, kumakain kami. Pasensya na at hindi ko alam ang pinagsasabi n'yo,” tuluyan nang nainis pero pilit na pinapahinahon ang boses. “At sana h'wag na kayong gumawa ng mga istorya. Do you see my woman here? Respeto sana. You're trying ruin our relationship.”

Napahiya silang tatlo lalo na iyong sa gitna. Dali-dali tuloy silang umalis. May ibang estudyante nakarinig sa sinabi ni Xandro.

Napabuga nang marahas na hininga si Xandro at tinignan ako. “Don't mind them. Sinisiraan ka lang nila sa akin.”

I trust him. Palagi akong naglalaro ng games sa cellphone n'ya kaya hawak ko ito. Nabisita ko rin ang contacts n'ya, pumayag s'yang tignan ko ito.

Tanging Ina n'ya at ako lamang ang babae sa contacts n'ya. And the rest is 'yong mga kasama n'ya sa grupo at student council. Totoo nga na hindi s'ya interesado sa mga babae.

Wala si Perry at ibang babae sa contacts n'ya. Okay naman sa akin kung may contacts s'ya ng kakilala n'ya. Kilala ko na ang kasama n'ya sa grupo, si Perry lang talaga ang pinagseselosan ko.

Hindi iyon alam ni Xandro. I'm afraid to admit myself to myself that I'm also in love with him.

“Anong masasabi mo sa confess ng babae? Wala kang reaksyon,” ani ko at pinatitigan s'ya.

Kumunot lang lalo ang noo n'ya. “Wala akong pakialam sa kanila, okay? Anong gusto mong maging reaksyon ko?”

“Maging proud?” patanong kong sabi, bahagyang tumaas pa ang kilay.

Ngumisi ito at napailing. He gently kissed my hand that he was holding.

“Iyong confession lang naman ang gusto kong marinig. Surely, I'm going to be the most happiest man in this world if that would happen.”

Oh, boy, through my heart, he hitted the spot in there. I know that he saw how I blushed. That's why umiwas na ako ng tingin at tumuloy ako sa kinakain ko. His laugh echoed to my ears like an harmony.

“Nanliligaw pa rin ba sa 'yo ang criminology na sinasabi mong iyon?” tanong ni Papa sa akin sa kabilang linya.

Napatitig ako sa screen kung saan ka-video call ko si Papa. Nasa tabi n'ya si Mama hinihintay rin ang sagot ko.

“Oo naman, Pa. Pursigido s'yang ligawan ako,” sagot ko, gusto ko pa sanang dagdagan ngunit nababahala ako sa itsurang pinapakita nila sa akin.

Sa tuwing sasalubong ang kilay nila o ikukunot ang noo ay hindi na ako mapakali. Gusto kong magustuhan din nila si Xandro. Alam ko kasing tutol sila pero hindi lang kayang sabihin.

“Mahal mo ba?” tanong ulit ni Papa na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Nahihirapan akong huminga. Aaminin ko na sa aking sarili na napamahal na ako kay Xandro. Kahit halos isang buwan na kaming nagkakilala ay alam kong higit pa sa gusto ang nararamdaman ko.

Nagkakagusto ako sa mga lalaki noon pero nang malaman din na may gusto sila sa akin, kaagad kong tinigil. Alam kong paghanga o na-attract lang ako sa kanila kaya ayaw kong pumasok sa relasyon kung iyon lamang ang dahilan.

I always dreamed na 'yong first boyfriend ko ang magiging last ko rin. Nakakagaan sa loob iyon. Gustong-gusto ko ng gano'n. Gusto kong s'ya rin mismo ang makakasama ko pagtanda.

Posible kaya iyon? Moderno na ang panahon ngayon at saksi ako sa mga nakapalibot sa akin na halos lahat ng kilala ko ay nagkikipaghiwalay sa kanilang relasyon. Ang iba rin ay nagloloko at kung sino-sino na ang nagiging karelasyon para lang sa uso.

“Baka puppy love lang iyan, anak. Nanggaling din kami sa gan'yan ni Papa mo. Minsan inaakala natin na ang attraction at love ay iisa lamang,” sabi naman ni Mama.

Hindi ko magawang ipagtanggol ang nararamdaman ko at natahimik lamang. Alam kong makikipagtalo pa s'ya sa akin. Kesyo hindi ko iyon naranasan kaya madali lang sa akin sabihin. Dapat daw sumunod ako sa kanila dahil matanda sila at marami na silang pinagdaanan.

I get what they wanted to say. Maiintindihan ko sana kung hindi ko lang alam na iba ang gusto nilang mangyari. Hindi ako tanga, pero nagpapakatanga lamang dahil sa ayaw kong magalit sila sa akin.

Gaya nga sa sinabi ko, gusto nilang lalaki para sa akin ay iyong business man, doctor o engineer. Ayaw siguro nila sa kurso ni Xandro o ang pagkatao mismo.

“Magulo at delikado ang magiging tarbaho ng police...kahit sundalo. Palaging may labanan at banta sa buhay mo,” maliit na ngumiti si Papa ngunit nakitaan ko ang lungkot do'n.

“Natatakot ako, anak, na baka seryoso na talaga ang pagmamahal mo sa lalaking iyon. Hindi mo alam ang magiging kahinatnan kapag naging kayo, kapag nakapagtarbaho na kayo. Hindi magiging payapa ang buhay mo sa piling n'ya.”

Pinipiga ang puso ko habang nakikitang nahihirapan si Papa sa akin. Alam n'ya na seryoso ako sa pakikipag-relasyon at ang mga mata kong puno ng pagmamahal sa lalaking ngayon ko lang nararamdaman.

The way I talk about him is like I'm telling a wonderful story. Hindi mapakali, palagi akong na-e-excite at hindi makaalis.

“Alam mong naging police ako noon, anak. Kaya nga ako umalis do'n dahil nilalagay ko sa panganib ang buhay natin. Marami akong nakakaaway. Palagi na lang tayong natatakot sa bawat galaw natin,” dugtong pa ni Papa.

Alam kong naging police s'ya noong elementary ako. Pilit konna iyon binabaon sa limot pero ngayon na naungkat, pumasok ulit sa aking alaala ang lahat.

Tumigil s'ya dahil palaging nasa peligro ang buhay namin lalo pa't malaking tao ang kinakalaban din ni Papa. Muntik na tumaas ang rangko n'ya pero sinuko na lang n'ya bigla ang pagiging police.

Noon ayaw kong nakikitang nakasuot o may hawak na baril si Papa dahil sa takot. Bata pa lang ako no'n pero dala-dala ko hanggang ngayon. Naaalala ko lang kasi ang bawat pagputok ng mga baril n'ya sa mga kalaban nang minsan pumasok sa bahay namin.

Agad namang nataranta si Mama nang makita akong malungkot at hindi na magawang tumingin sa kanila. Kaagad kong pinahid ang mga luha ko nang bumagsak ito. Ayaw kong umiyak pero hindi ko maiwasan sa tuwing ganitong sitwasyon.

Ngayon naiintindihan ko kung bakit ayaw ni Papa kay Xandro para sa akin. Dahil ayaw n'yang matulad kami noon. Ayaw n'yang masaktan ako.

May parte sa aking isipan na hindi naman magiging delikado ang buhay namin ni Xandro kung sakaling...s'ya talaga ang makakasama ko. Bakit ang iba naman ay malayang nagmamahalan kahit delikado ang propesiyon nila? Kami ni Xandro...maaari naman sigurong malaya, 'di ba?

“I want you to think carefully, anak,” salita ni Mama matapos ang ilang minutong katahimikan. “I-If you really love him, then wala na kaming magagawa ng Papa mo. Ang amin lang, nag-aalala kami sa magiging future mo. Marami pa p'wedeng magbago.”

“N-Naiintindihan ko, Ma...Pa,” ngiti kong tugon at iniba na lamang ang usapan hanggang sa natapos na ang tawagan.

Masaya ako na binibigyan nila ako ng chance sa magiging desisyon ko. Pero dahil sa mga narinig ko, nagdadalawang-isip na ako kung ipagpapatuloy pa ba ang nararamdaman kong ito.

“I don't know what to do, babe. Mahal ko si Xandro pero naiipit ako sa sitwasyon,” ani ko kay Venny habang hawak ang kamay n'ya sa table. Halata sa aking kamay na kinakabahan ako. “Anong gagawin ko?”

Kinuwento ko na sa kan'ya tungkol sa nararamdaman ko kay Xandro. Gusto ko rin naman humingi ng advice kay Zendra ngunit baka umabot sa Kuya Nap n'ya at masabi kay Xandro. Besides, may experience na si Venny sa ganito.

“Kung susundin mo ba ang magulang mo, magiging masaya ka ba?” tanong n'ya at tinatantiya ang magiging reaction ko.

Agad akong umiling sa kan'ya. Surely masasaktan ako sa bawat araw no'n. Pero kasi masasaktan din ako kung nakikita ko sa mukha ng magulang ko ang disappointment.

“Kung sasagutin mo si Xandro, magiging masaya ka ba?” tanong ulit n'ya na mabilis ko namang ikinatango.

“Oo naman. Syempre mahal ko 'yong tao tapos pareho kami ng nararamdaman,” tugon ko. “Pero kasi kinababahala ko ang magulang ko. Alam kong ayaw nila kay Xandro pero hindi lang nila kayang sabihin.”

Ngumiti nang tipid si Venny at marahang pinisil ang kamay ko. “Mostly sa mga magulang hindi talaga tayo pinapayagan na magkarelasyon. May mga dahilan ngunit...kadalasan hindi tayo sumusunod sa kanila. Sa bandang huli puso pa rin ang nanaig.”

Pinakinggan ko s'ya. “Naranasan mo na ba iyan?”

Tumawa s'ya nang mahina na tila may naalala, ngunit sa tawang iyon ay may bahid na kalungkutan. Napakagat ako sa sariling labi dahil ngayon ko lang napagtanto na may problema rin sila ng kan'yang na hinaharap.

“Tutol ang magulang ni Marv sa relasyon namin. Siguro dahil sa mukhang ito.” Turo pa n'ya sa mukha na may peklat. “Hindi ko maintindihan...dahil no'ng una pabor naman. Pero kalaunan bigla na lang ayaw sa akin.”

Napapikit ang mga mata n'ya. “Pinilit namin kahit ayaw nila sa relasyon namin. Hindi ko na nga rin sinusunod ang utos ng magulang ko na hiwalayan si Marv. Pinili naming ituloy kahit lumalala na. But I'm happy though. Wala akong pinagsisihan dahil wala naman akong ginagawang masama.”

Gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko dahil sa kan'yang kuwento. Ngunit kahit gano'n hindi pa rin ako makapagdesisyon.

Si Venny kasi lumaki na sumusunod sa magulang ngunit kapag gusto n'ya, kukunin n'ya. Unlike me, sunod ako ng sunod. Ngayon lang ako naguguluhan kung p'wede ba sa pagkakataon na ito ay puso ko naman ang sundin ko?

P'wede ko naman tuparin ang pangarap nila para sa akin habang minamahal ko si Xandro. Kahit magkaroon ako ng relasyon, my study will be my first for now.

Sa isang oras na pag-iisip, nagdadalawang isip ako sa plano ko. Gusto kong sabihin kay Xandro ang iniisip ko ngayon pero ayaw kong dumagdag sa problema n'ya.

Nag-aaral s'ya ngayon at siguro ayos muna sa ngayon na hindi ko s'ya sinagot.

This love was the unexpected thing I ever felt. Yet it was wonderful. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng saya. Pakiramdam ko malaya ako. Malaya ako sa tuwing kasama ko si Xandro.

Hindi naman mali ang nararamdaman ko. Kailanman hindi naging mali na makaramdam ng pagmamahal.


I want to experience how to love myself, at mahalin ang nga bagay na nagpapasaya sa akin. I want to go with the flow, just like how the rivers flow every seconds.

“Iniiwasan mo ba si Xandro, be?” kuryuso at concern na tanong ni Zendra nang nakasalubong ko s'ya sa daan. “Tinatanong n'ya ako kung nasa'n ka at kung ayos ka lang ba. Hindi ka rin sumabay ng lunch sa kan'ya.”


Napahawak ako nang mahigpit sa aking bag. Nag-text na ako kay Xandro na h'wag muna n'ya akong ihatid-sunod dahil susunod ako kay Zendra. Nagdahilan lamang ako.

And I already told him na hindi ako s
sasabay. Bakit hinihintay pa rin n'ya ako?

Hindi ko rin inaasahan na mapapansin ni Zendra ang pag-iwas. Magkasama nga sila ng Kuya Nap n'ya at alam kong palaging kasama ni Xandro si Kuya Nap.

“Bakit ko naman s'ya iiwasan?” tanong ko kahit alam n'yang iniiwasan ko nga talaga si Xandro.

Lumamlam ang ekpresyon nito. Akala ko kung anong iisipin n'ya sa biglang pag-iwas ko. I know she know me well. Hindi ko naman gagawin iyon na walang sapat na dahilan.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro