Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 07

CHAPTER 07


Nagpumilit si Xandro na ihatid ako nakaraang araw. Kahit anong taboy ko ay hindi talaga s'ya umalis. Sa huli ay hinayaan ko na lamang s'yang ihatid ako.

Bumabagsak na ang talukap ng mga mata n'ya pero nagawa n'ya pa rin akong ihatid sa apartment ko. Inaya ko nga na pumasok muna sa loob at magpahinga saglit ngunit hindi n'ya ginawa.

Mukhang kuryuso s'ya sa loob ng apartment ko ngunit mariin s'yang umiling na para bang nakatatakot na pumasok sa loob. I don't know why he's acting like that.

"It's already late, bukas na lang kita susunduin dito," mahina n'yang sabi at kinuha bigla ang cellphone sa kan'yang bulsa.

Napasinghap ako nang matandaan na hindi ko pa pala nakuha ang number n'ya. I was about to ask him, but he suddenly handed me his phone, napatingin ako ro'n.

"Can...can I get your number so I can text you tomorrow?" napalabi ang labi n'ya at hinihintay na kunin ko ang phone.

"Right!" I exclaimed, kinuha ko ang phone n'ya at agad itong umiwas ng tingin. Nakapamulsang nililibot n'ya ang paningin sa paligid.

Pasalit-salit ang tingin ko sa kan'ya sa cellphone n'ya. Mabilis kong tinipa ang number ko at saglit na tinignan ang wallpaper n'ya. Para akong magnanakaw na ayaw mahuli sa akto.

I just want to know if there's a girl on his wallpaper. But as I pressed the home screen of his cellphone, halos atakihin ako sa puso nang makita ang mukha ko sa screen.

"Are you done?" tanong n'ya na ikinataranta ko. Bumalik ako sa contacts at binigay sa kan'ya ito.

"Oo," kabado kong ani.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Picture ko iyon no'ng sumali ako sa pageant no'ng first year college. Halatang s'ya mismo ang kumuha ng litrato ko.

Nakapuwesto s'ya sa 'di kalayuan ng stage. May mga criminology students na nakapalibot sa kan'ya kaya alam kong nasa upuan s'ya kung saan lahat sila'y nasa iisang department.

I was smiling widely to the crowd, wearing my evening gown.

"Aalis ka na?" tanong ko sa kan'ya, hindi ko muna inisip kung paanong nakilala n'ya na ako noon.

Tumango s'ya at hindi ko inaasahan na bigla n'ya akong yayakapin. Mukhang lumulutang na ang isip n'ya sa antok, para s'yang lasing sa kalagayan n'ya.

"Take good care of yourself. Always lock the door, hon," mahina n'yang bulong sa pagitan ng leeg ko.

Ang nga yakap n'ya'y nagbigay ginaw sa aking pakiramdam. Hindi pa rin s'ya bumitaw sa yakap kaya pinulupot ko ang aking braso sa kan'yang leeg, ginulo ko ang kan'yang buhok. I think I was doing a right thing, he likes it.

"Mag-ingat ka. Kita na lang tayo bukas," ani ko, hindi s'ya umimik pero alam kong narinig n'ya iyon.

He squeezed my small frame before he let me go. Hinawakan pa ang aking mukha bago nagpaalam sa akin.

Para namang pinipiga ang puso ko nang makitang mag-isa lamang s'yang naglalakad. Ngunit nang lumingon ulit s'ya sa akin para kawayan at ngitian ako ay nawala na ang kaba ko para sa kan'ya. He can make me feel better by his smile.

"Hindi ko alam, Nov, kung nasa'n ngayon si Kuya Nap. Hindi ko rin s'ya matawagan," ani Zendra nang tanungin ko s'ya.

Napakagat ako sa sariling labi at kinabahan. Kung ano-ano tuloy ang iniisip ko once na hindi sumasagot ang tao sa tawag. Sinubukan kong mag-isip ng positive.

"Nagr-ring lang ang cellphone ni Xandro at hindi sinasagot. Susunduin n'ya dapat ako ngayon para sa practice pero dalawang oras na akong naghihintay," nag-alala kong sabi.

Sa kabilang banda, naisip ko na baka ayaw n'ya lang talaga ako sagutin. Pero imposible naman. Simula nang ibigay ko ang number ko ay wala itong palya sa pag-text at tawag sa akin.

Sa tuwing magkikita kami sa practice o 'di kaya feel n'yang tawagan ako ay wala itong palya. Mabilis ang pag-respond n'ya palagi. Ngayon lang talaga s'ya hindi nakatawag o text man lang.

"W-What if ayaw n'ya na sa akin?" hindi ko maiwasang itanong.

Napasinghap sa kabilang linya si Zendra. Nai-imagine ko tuloy na umiiling ang kan'yang ulo.

"Gagi ka talaga, be! Baliw na baliw iyon sa 'yo kaya imposible ang sinasabi mo," histerikal n'yang usal at kulang na lang batukan n'ya ako.

Hindi ko maiwasang ngumuso. "I heard that mostly mga criminology students wasn't sticking to one girl. Can you blame me?"

"At hindi rin lahat ng sila ay gano'n. I know that Xandro is different from the guys out there. I'm sure hindi kabilang si Xandro sa mga lalaking hindi makuntento sa isa," mahaba n'yang pahayag, napabuntong hininga s'ya. "Ayaw ko sanang sabihin sa 'yo. Pero sige na nga!"

"Ano iyon?" tanong ko at sinimulan nang iligpit ang mga dadalhin kong importanteng gamit.

"Nasabi sa akin ni Kuya Nap na simula no'ng first year ka pa lang ay may gusto na sa 'yo si Xandro. Kaya torpe ang tawag sa kan'ya, ngayon lang naglakas loob na ligawan ka," natatawa pa ito sa sinasabi n'ya. "Imagine, Novale. He maintained to be loyal kahit wala pa kayo, kahit hindi mo pa s'ya kilala."

Natahimik ako ro'n. May ideya na akong matagal na akong kilala ni Xandro dahil sa wallpaper n'ya na kuha no'ng first year ko. Ngunit ngayon ko lang napagtanto kung bakit kinuhanan n'ya ako ng litrato. He likes me ever since then.

Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin ni Zendra. Habang hinihintay ang text o tawag ni Xandro ay naglinis muna ng apartment. P'wede naman akong magpalinis nito ngunit pinilit kong magpagod ngayon.

Nag-aalala na talaga ako kay Xandro. Tanghalian na at hindi pa rin ito nagpaparamdam.

Tulala akong nakaupo sa sofa ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko tuloy tinignan ang tumawag. Lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ang pangalan n'ya.

I immediately answered his call. "Hello, Xandro? Anong nangyari at ngayon ka lang tumawag? I texted you kanina pa. Anong oras mo ako susunduin?"

Inintindi ko kung bakit hindi n'ya ako sinundo. I wanted to hear his explanation. But I'm also afraid to the thought that he might leave me hanging.

"Baby honey?" Natigilan ako, hindi ito si Xandro. I don't know his voice. And why he's calling me baby honey?

Kumunot ang noo ko. "Sino ka? Bakit hawak mo cellphone ni Xandro?"

Rinig ko ang baritong tawa n'ya. "F*ck, my brother really have a girlfriend, huh?"

Mas lalong kumunot ang noo ko. Kapatid s'ya ni Xandro? Hindi ko man lang alam na may kapatid si Xandro.

"N-Nasaan si Xandro? Bakit hawak mo phone n'ya?"

Rinig ko ang pagtikhim n'ya. "May lagnat si Xandro. Ayaw n'yang magpaalaga sa akin at hindi rin ako marunong mag-alaga. Can you take care of him?"

Napatayo ako sa pagkakaupo. "Lagnat? Nasa'n s'ya ngayon?" I nervously asked.

Natandaan ko tuloy ang sunod-sunod naming pag-eensayo. Pagod s'ya no'ng nakaraang araw no'ng hinatid n'ya ako at mga ilang araw din ay gano'n din. Parang wala s'yang tinulugan.

Ano ba ang pinaggagawa ni Xandro? Tingin ko tuloy may kasalanan din ako. Palagi n'ya akong hatid-sundo at kalahating oras pa ang byahe.

"Nasa condo s'ya," sagot nito.

"Hindi ko alam kung saan ang condo n'ya," mahina kong sambit. Hindi pa ako nakapunta ro'n at iyon ang problema ko.

Paano ako makakarating do'n? Kahit may google map naman ako ay hindi ko kaya. Baka maligaw ako.

Natahimik s'ya saglit sa kabilang linya, parang may iniisip.

"P'wede rin na sunduin kita r'yan...if it is okay with you. Just send me your address," he uttured in a baritone voice.

Nahanap nga n'ya ako matapos kong ibigay ang aking address. Nakaabang ako sa labas ng apartment at mga kalahating oras ay may kotse nang nakaparada ro'n.

Mga kapit bahay tuloy napapatingin sa kotse. Alam ko na ang iniisip nila pero sinawalang bahala ko iyon. Hinintay kong lumabas ang kapatid ni Xandro.

Bahagyang namangha ako nang lumabas at lumapit kaagad sa akin ang kapatid ni Xandro nang makita ako. I don't know how did he recognize me. Or maybe he saw Xandro's wallpaper no'ng tinawagan n'ya ako.

He was also a tall foreign man ngunit mas mataas si Xandro. Magkapareho ang kulay ng kanilang mga mata. Xandro has deep eyes yet I could see how gentle he was when looking at me. But this guy got a sharp eyes. Parang naghahamon ng away.

May pagkakahawig silang dalawa pero para sa akin walang papantay na kay Xandro. Gosh, I'm comparing them and I can't help it. Namangha lang talaga ako na may kapatid pa pala si Xandro. Another kano na naman.

"Hello, baby honey," nakangiti n'yang sabi nang lumapit s'ya sa akin. Napangisi rin kalaunan nang tignan ang kabuohan ko.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa kan'yang tawag sa akin. Si Xandro lang tumatawag no'n sa akin. Why he's calling me in that endearment?

"Excuse me?"

Sumalubong ang kilay ko at mukhang napansin n'yang naguguluhan ako. Mahina s'yang tumawa at hinawakan ang ibabang labi n'ya. Tumagilid ang ulo n'ya na parang sinusuri ako.

"I don't know your name, baby honey ang nakalagay sa contacts ni Xandro. I called you to the thought that you're my brother's girlfriend."

Unti-unting nawala ang pagsalubong ng kilay ko. So that's why baby honey ang tawag n'ya sa akin dahil iyon lang ang pagkakaalam n'ya.

Hindi ko tinama ang kan'yang iniisip sa relasyon namin ni Xandro.

"Novale is my name," pakilala ko. "Take me to him. Kailan pa s'ya nilagnat?"

"Kahapon pa. Tinawagan ako kaninang madaling araw para bumili ng gamot at nadatnan ko lamang na nakahiga s'ya sa sofa. Tigas ng ulo, ayaw magpaalaga," umiiling-iling n'yang sabi.

I'm a bit uncomfortable around him since ngayon ko lang s'ya nakilala. Ngunit mukhang sanay s'yang makipag-usap sa hindi n'ya kilala.

Hindi na ako nagsayang ng oras at agad nang sumunod sa kan'ya. Hindi ko na inisip na sumunod kaagad ako sa taong hindi ko kilala. Mukha namang nagsasabi s'ya ng totoo. Subukan n'yang may gawing masama sa akin at si Xandro ang katapat n'ya.

My mouth hang up as I look up in the condominium building, kung saan nando'n si Xandro sa loob. I didn't expect that Xandro can afford this kind of condo. Mukhang mga mayaman lang maka-afford nito.

Buong akala ko apartment lang din ang tinutuluyan ni Xandro. That he's from the middle class. Basi sa kotse na ginamit ng kapatid ni Xandro ay mukhang mayaman nga talaga sila.

At first wala naman akong pakialam kung mayaman si Xandro. Hindi naman ako ro'n bumabase. Buong akala ko pareho ang estado ng buhay namin. Parang nanliit tuloy ako sa aking sarili.

"Lady first." Iginaya ako ako ng kapatid ni Xandro sa elevator. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan n'ya.

Mukhang napansin naman n'ya ang klaseng tingin ko. Tumawa ulit ito na para bang nakakatawa akong tignan.

"Xandre, dear," he playfully said when he got what I wanted to ask him.

Tumango lamang ako at hindi na umimik pa. Kahit gusto kong magtanong pa sa kan'ya ay hindi ko ginawa. Makikita ko naman si Xandro at malalaman ko rin ang kalagayan n'ya.

Wala masyadong naglilibot sa hallway nang makarating kami sa fifth floor. Tumungo kami sa pinakadulo at s'ya mismo ang nagbukas ng pinto nang napindot na n'ya ang passcode. Sumunod ako sa kan'ya.

"I'll go back to the guest room. Feel at home, dear," ani Xandre bago pumanhik paalis ng living room. Sumasayaw-sayaw pa s'ya habang lumalakad.

The living room was wide. Nakapuwesto ang TV sa gilid nang pagpasok ko, katapat ng malaking sofa kung saan ngayon si Xandro. Hindi ko na tuloy tinignan pa ang paligid at agad na lumapit kay Xandro na naka-sando ngayon.

"Xandro," tawag ko at nang mapansin ang kan'yang namumuong pawis sa noo ay kaagad ko itong pinahid.

May lagnat nga s'ya. Maaagapan pa naman siguro ito.

Gano'n na lang ang pagkabigla ko nang hulihin n'ya ang aking kamay. He firmly held my wrist, hindi naman masakit pero mahigpit. Nang bumukas ang talukap ng mga mata n'ya ay nagulat s'yang makita ako ngayon.

He immediately loosened the grip of his hand to my wrist a bit. Mabilis naman n'yang hinaplos ang palapulsuhan ko ng kan'yang hinlalaki.

His forehead wrinkled and touched my cheek, like he was making sure that I was really in front of him now.

"H-Hon, how did you get here?"garalgal n'yang sabi at tumikhim na parang may nakabara sa lalamunan n'ya.

"Your brother called me that you are sick. I came here to take care of you," sagot ko at hawak ko ang kamay n'ya at umupo sa tabi n'ya.

Pilit n'yang nilalabanan ang sakit ng ulo n'ya nang akmang uupo ito. Tinulak ko nang bahagya ang dibdib n'ya para pigilan s'ya at bumalik sa pagkakahiga.

Napapikit ulit s'ya na mukhang masakit na talaga ang nararamdaman n'ya.

"My brother? How?" Hinawakan n'ya ulit ang kamay ko nang binitiwan ko ito. "I'm sorry, hon. Hindi kita nasundo kanina. Naghintay ka ba sa akin? What time is it?"

Talagang iniisip pa n'ya iyon gayong may sakit s'ya. It doesn't matter kung ilang oras akong naghintay. Palagi na lang ako ang iniisip n'ya.

"Alas-dos na ng hapon. I'll take you to your room."

Inalalayan ko itong tumayo. Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil kahit papaano nakakapaglakad s'ya. S'ya mismo nagturo sa akin kung saan ang kuwarto n'ya kaya pumasok kami roon.

Pinahiga ko s'ya sa malaking kama at umupo sa tabi n'ya. Mainit ang noo at leeg n'ya nang damhin ito ng likod ng aking palad. Wala sa sariling sinuklay ng mga daliri ko ang kan'yang basang buhok na galing mismo sa pawis n'ya.

I suddenly frozed when I saw his weak eyes looking at me. Agad kong binitiwan ang buhok n'ya. May nakatagong ngiti sa kan'yang labi. He licked his lower lip.

"Nakita mo na ang kapatid ko? How did you know that I'm sick?" ulit n'yang tanong nang maalala ito.

"He called me earlier using your phone. Ayon sinabi n'yang may lagnat ka kaya sinundo n'ya ako sa apartment ko," sagot ko na agad na ikinasalubong ng kilay n'ya. Mukhang hindi n'ya nagustuhan ang narinig n'ya.

"Sinundo ka n'ya? Paano n'ya nalaman ang address mo?" nahimigan ko ang diin at galit sa boses n'ya, kahit alam kong hindi s'ya galit sa akin ay kinabahan ako. "He called you at hindi man lang s'ya nagpaalam sa akin?"

"Xandro."

Mabilis ko itong pinabalik sa pagkakahiga nang balak n'yang tumayo ulit para siguro puntahan si Xandre. He was mad, napatagis ang bagang n'ya.

"Pupuntahan ko muna s'ya. How dare him to call you without my permission. "

Napabuga ako ng hininga at pilit na tinutulak ang dibdib n'ya para pahigain ulit. Agad na dumapo ang tingin n'ya sa akin. Napakurap ito at inis ulit na bumaling ang ulo sa gilid.

"Don't be mad at him. Tinawagan n'ya ako dahil ayaw mong magpaalaga sa kan'ya kaya ako na lamang ang mag-aalaga sa'yo." I continued caressing his chest, mabibigat ang pagtaas-baba ng kan'yang dibdib.

Napalabi s'ya. "I'm sorry. I'm just...jealous." Bumaling ang tingin n'ya sa akin, his sea-green eyes glistening like cute creature. "I'm a selfish man, Nov. I know that my brother very well. Taranta kaagad ako nang sinabi mong sinundo ka n'ya. Ayaw ko. Dapat ako lang."

Bahagyang natigilan ako sa aking kinauupuan nang marinig iyon. Hindi makapaniwalang tinignan ko s'ya at agad naman s'yang umiwas nang makita ang ekpresyon ko.

Nakita ko na kung paano s'ya magselos pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa pinapakita n'ya. My heart won't stop beating in a fast paced.

Whenever he's jealous, I find him cute, but at the same time nervous. Baka kung anong gawin n'ya sa kapatid n'ya.

"You don't have to be jealous." I smiled at him, felt the happiness in my heart. Hinawakan ko ang pisngi n'ya para iharap sa akin, salubong pa rin ang kilay n'ya. "I don't like him, okay?"

"Sino ang gusto mo kung gano'n?" salubong pa rin ang kilay n'yang tanong.

Napaawang ang labi ko. "Ikaw..."

Unti-unting nawala ang pagkakunot ng noo n'ya at hindi napigilan na ngumiti nang malapad. Hinuli n'ya ang kamay ko at dinala sa kan'yang labi.

His eyes was shining like a sun was reflecting to his sea-green eyes. Nakakasilaw pero gustong-gusto ko naman tignan.

"F-For real?" he huskily asked. "I only like you too, more than that, hon." He keep on kissing the back of my hand. "I can't wait to be your boyfriend. I always prayed that you will love me, too. Hihintayin ko ang matamis mong oo."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro