CHAPTER 06
CHAPTER 06
Tapos na kaming kumain dalawa ni Xandro sa canteen. Sumabay na rin s'yang kumain sa akin ng lunch kahit kasanayan n'yang kumain kasama ang kaibigan n'ya raw sa apartment nito na malapit mismo rito sa university.
Nakita kami ni Oven sa canteen at tudo reklamo s'ya na hindi ko raw s'ya hinintay. Binilhan pala n'ya ako ng pagkain pero agad ding tumameme nang makitang may kasama ako.
Tudo pa-cute s'ya kay Xandro na seryosong sinasagot ang tanong n'ya. Halos umikot ang mata ko dahil do'n. Ang atensyon naman ni Xandro ay nasa akin pa rin. Hawak n'ya ang kamay ko sa ilalim ng lamesa at nakikinig sa chika ni Oven tungkol sa mga lalaki raw na lumalapit sa akin.
Syempre makikinig talaga si Xandro n'yan lalo na kung tungkol sa akin at sa mga nagkakagusto sa akin. Pinaninkitan pa nga ako ng mata nang marinig ang pagb-boys hunting namin. His eyes telling me that I need to explain everything to him later.
Ngisian ko s'ya at mas lalo lamang n'yang pinaninkitan ako ng mga mata. Napailing ito at nakinig ulit kay Oven.
Bumalik ulit ako sa gym para mag-ensayo sa magiging talent ko. Sumama pa rin sa akin si Xandro kaya nagtatakang hinarap ko s'ya.
“Wala ka bang gagawin? 'Di ba busy kayong mga officer?” taka kong tamong.
I tried to snatch my bag at his shoulder when he suddenly put it on the other side. Napanguso ako sa kan'yang ginawa at ngisian lamang n'ya ako.
“Kaya na nila iyon. Ginawa ko na ang duty ko kaya may free time ako.”
His sea-green eyes was dancing in so much happiness. I don't if it is because I'm looking at him right now and talking to him like we never did before.
“Eh, anong gagawin mo sa gym? Sasama ka ba talaga sa akin?” I nervously asked him. Baka may kikitain s'ya, 'di ba? Baka si Perry since kasama ko naman ito.
He smiled at me. “I'll watched you while you're practicing.”
“Huh?!” gulat na gulat kong usal at pinanlakihan s'ya ng mata. “P-Practice pa lang naman, Xandro. Y-You can still watch me next week in the final.”
He chuckled and caressed my hair. I froze in my spot and suddenly felt the electricity at the back of my neck.
“I think your manager didn't told you that I'll be your dance trainor, hon,” he playfully said that made me gasped. No way!
Hindi ko alam ito. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ko tinanong kanina si Oven. Ang gusto ko lang naman ay may trainor ako sa sayaw, ngunit hindi ko inaasahan na si Xandro pala iyon.
“T-Totoo?! P'wede ba yo'n? I mean, magkaiba ang department natin kaya baka bawal kang tumulong sa akin.”
Umiling s'ya at natawa ulit. “Hindi sumali ang department namin. Kaya walang problema kung magiging trainor mo ako ngayon. ”
Napaamang ako at hindi alam ang sasabihin sa kan'ya. Should I be happy? Ngunit dinagdagan lamang n'ya ang kaba ko dahil makakasama ko rin s'ya habang nag-e-ensayo ako sa pageant namin.
Magsisimula na ang ensayo namin kaya naman saktong pagkaupo ni Xandro sa upuan malapit sa stage ay kinuha ko ang bag sa kan'ya.
Nakadekuwatrong umupo s'ya at pinag-krus ang braso sa tapat ng kan'yang dibdib. He also played his heavy reddish lips while staring at me like I'm the most interesting girl for him.
Kinuha ko ang pulbo sa aking bag at nilagyan ang aking mukha pati na rin ang aking leeg. I bited my lips to made it reddish. Nang ibigay ko sa kan'ya ang bag ko ay ro'n pa lamang ako natigilan. He was shamelessly watching my every move! I didn't even noticed it!
His eyes field with amusement and bited his lower lip even more as his eyes landed to my lower lips. “You're not wearing a make-up...but still your beauty is natural as ever.”
Napakurap ako at hinampas s'ya nang mahina sa balikat para maibsan ang na-awkwardness namin. Talagang sinabi n'ya kung ano ba ang nasa utak n'ya.
“Stop it. Baka lumaki ang ulo ko n'yan,” usal ko at inikutan ito ng mata, he chuckled.
Iniwan ko na s'ya ro'n at tumungo sa backstage. Inayos ko ang aking suot at luminya sa mga kandidato. Ang iba ay nakasilip sa labas kung nasa'n si Xandro. I saw how they giggled knowing that Xandro will watched us. But I know he only wants to see me.
Tumingin ako kay Perry na nasa kabilang grupo ng linya lamang. Nakatingin din s'ya sa labas at naglalaro ang kakaibang emosyon sa kan'yang mga mata. I saw how she smiled and combed her hair to fix it. She was fighting her emotion. Disappointed and at the same time happy.
Kahit nahihiya akong rumampa sa gitna ay pilit kong nilalabanan ito. May parte sa akin na gustong ipa-impress si Xandro. Mas lalo lamang nag-boost ang confident ko nang makita ang mariin n'yang titig sa akin. Sa akin lang talaga s'ya nakatingin kahit madami akong kasamang babae na mas maganda sa akin.
Tutok na tutok s'ya sa bawat galaw ko at nakikitaan ko ang pagkamangha sa mga mata n'ya. I smiled at him that made him stunned for a while before I made my way back to the backstage.
“Ikaw ba ang hinihintay n'ya? Nililigawan ka ba ni Xandro?” bigla na lang tanong ng isang babae at kinikilig itong nakatingin sa akin sa labas kung nasa'n si Xandro.
Ayaw ko sanang sabihin ngunit nang makitang nakatingin at nakikinig si Perry ay may kung ano akong nararamdaman na hindi ko maintindihan.
“Ako nga ang hinihintay ng boyfriend ko,” I answered while smiling widely, medyo nilakasan ko ang boses. My heart was beating so fast of what I have just said.
Napaawang ang labi n'ya at kinikilig na niyugyog ako. We're not that close but I am comfortable around her. Kilala ko naman ito, mukhang ngayon lang talaga kami nag-usap ng ganito.
“My boyfriend is one of the dance troupe and I usually seeing him around. Hindi ko kailanman nakikitang may kasa-kasama itong babae at wala pa itong girlfriend ever since!” mangha n'yang bulalas. “That's why I'm still in a shock knowing right now that you are his girlfriend. ”
Napangiti ako dahil do'n. Ganito pala 'yong feeling na malaman na ako pala ang una n'ya naging girlfriend. He already told me this but until now I couldn't still believe that a guy like him had no experience in kind of love.
Nagtataka tuloy ako kung anong dahilan n'ya tungkol dito.
Nakuha na namin ang pagrampa kaya naman binigyan kami ng panahon para mag-practice sa aming talent. Mostly singing ang talent ng kasama ko. And I know that Perry's talent portion will be dance, knowing that she's part of the dance troupe.
“Sama ka kay Xandro, be. Pag-usapan n'yo na ang tungkol sa sasayawin n'yo,” ani Oven at kinindatan ako.
“Mag-usap talaga tayo mamayang gabi,” mariin kong sabi rito.
Pinaninkitan ko s'ya ng mata at naglalarong tingin lamang ang pinukol n'ya sa akin. He winked again at me at agad na umalis para hayaan kami ni Xandro.
Napalabi ako bago binalingan si Xandro na nakatayo lamang sa gilid ko. Bitbit n'ya ang bag ko na maliit tignan dahil sa malaki s'yang tao. Hanggang dibdib n'ya lang siguro ako at kung ikukumpara, maliit lamang ang pigura ko sa kan'ya.
“Saan pala tayo mag-uusap tungkol sa sasayawin ko?” I asked him and started.
Sumunod s'ya sa akin palabas ng gym. Kakaunti lamang ang estudyante at mukhang nasa labas na para mag-attendance.
“Sa dance studio sana. But it's already five and I'll be taking you home,” sambit n'ya at sinabayan ang lakad ko nang napagtantong nahuhuli ako sa lakad.
“Hindi ba natin pag-uusapan ang tungkol sa sayaw ko ngayon?”tanong ko.
“There will be no classes tomorrow so...it's fine with me if you could meet me tomorrow,” sagot n'ya at umiwas ng tingin nang tignan ko s'ya. I saw how his adam's apple gulped in nervousness that made me confused.
“Tomorrow?”
Tumango s'ya. “Sana...if you are free tomorrow, we can already start practicing.”
Tumango-tango ako. “P'wede rin para isahan na lang. Anong oras na kasi ngayon.”
Nang makitang kumukuha na ng stub ang mga estudyante sa labas ng gym ay kaagad kong hinila si Xandro para makapila. Xandro startled when I'm still holding his wrist. Agad ko itong binitiwan at ngitian ng hilaw.
Ngayon ko lang napagtanto ang aking ginawa at nagbigay iyon ng kakaibang kabog sa aking dibdib. Mukhang hindi rin n'ya inaasahan iyon. Mostly s'ya palagi ang unang hahawak sa akin lalo na kung alalayan ako.
Mahinahon ang kan'yang ekspresyon at ngitian din ako. Kinagat din n'ya ang ibabang labi at umiwas ng tingin.
“Novale!” tawag ni Zendra nang tapos na itong kunin ang stub sa unahan.
Kumaway ako at nawala na sa tingin ko ang pamumula ng taenga ni Xandro habang nakapila rin sa likuran ko.
“Hey, sino kasama mo sa pag-uwi?” tanong ko kay Zendra.
“Si Kuya Nap,” sagot n'ya at tinuro si Kuya Nap sa 'di kalayuan. May kinakawayan ito at mukhang si Xandro ito.
“Uwi na kami, ah?” Ngising tinignan n'ya ang lalaking sa likuran ko at saka ako kinindatan. “Usap tayo mamaya sa call. Pahatid ka na lang kay Xandro simula ngayon.”
Agad akong nataranta. “Huh? Sabay ako sa 'yo sa susunod. We have to talk about something.”
“Nah, kay Xandro ka na lang. Hindi ka kasya sa motor ni Kuya,” natatawa n'yang sabi at kumaripas ng takbo para salubungin si Kuya Nap.
Naiwan akong nakaawang ang bibig. Plano n'ya ito at alam ko kung anong gusto n'yang mangyari.
Napasimangot ako ro'n at naisip na baka nga palagi na kaming magkasama ni Xandro lalo pa ngayon na trainor ko s'ya.
Ang haba ng pila kaya naman naiinitan ako. Kanina ko pa pinapaypayan ang sarili at nahihirapan na rin akong makahinga.
Natigilan ako nang hawakan ni Xandro ang buhok ko at inayos ang pagkakabugkos. Hindi ko pa magawang lingunin ito dahil sa malakas na pintig ng aking puso.
Kumuha rin s'ya ng panyo at pinahid sa aking batok. I suddenly stopped then he gave me the towel.
“Here, take this. Ako na ang kukuha ng stub mo,” mahina n'yang sambit at iginaya ako sa puwesto na walang matao.
The way he hold my waist to guide me makes my knees weakened. And as I stared into his eyes, all I can see is the gentleness of it. He look like a strict and caring boyfriend.
Parang gusto ko na lang ibalik ang kamay n'ya sa beywang nang lumayo, s'ya mismo ang pumalit sa aking puwesto para pumila.
He looks so good while wearing his uniform. Napakagat ako sa sariling labi nang napagtantong ang guwapo n'ya tignan sa suot na police uniform. Dati palagi akong umiiwas sa mga police lalo na kung nakasuot ng uniform.
But right now, I appreciate how he was motivated to study hard and become a great leader in order for him to graduate. Nagtataka tuloy ako kung bakit gusto n'ya ang ganitong kurso. But somehow, bagay sa kan'ya.
Habang nasa multicab kami ay pansin ko ang paminsan-minsan n'yang paghikab. Binalingan ko s'ya ng tingin at nakitang nakapikit ito.
Nasa likuran ng inuupuan ko ang kan'yang kaliwang braso at gamit ang kanang kamay ay tinakpan n'ya ang bibig nang humikab s'ya.
I rested my left hand to his legs as I reach my right hand to his messy hair. Namumungay ang mga matang dumilat s'ya at pinatitigan ako.
“Pagod ka na? H'wag mo na akong ihatid sa apartment ko. P'wede namang dumiretso ka na sa bahay mo,” I softly whispered, enough for him to hear.
“It's already dark outside, kaya ihahatid kita,” he uttered, hinawakan n'ya ang kamay kong nasa hita n'ya.
Napakurap ako sandali. “P-Pero pagod ka na. Bakit hindi mo sinabi na marami pala ang ginawa mo ngayong araw?”
He weakly smiled at me, and suddenly he rested his forehead to my right shoulder. I gasped because of his sudden movements. Hinila rin n'ya ang katawan ko palapit sa kan'ya at kalahating katawan ko'y niyakap n'ya.
“Because I want to be with you...and watch you while on your practice.”
Napigil ko ang aking hininga nang sabihin n'ya iyon mismo sa harapan ng leeg ko.
Now I understand why he was exhausted. Tinapos n'ya ang gawain para lang makasama at mapanood ang practice ko. At nagbigay iyon ng mainit na haplos sa aking puso. Do I really deserve a man like him? He's good to be true.
Hinawakan ko ang aking dibdib para pakiramdaman ang kakaibang kabog ng puso ko. He's the only one who can make my heart beat like this.
I really like him and I don't know how to say it to him. I'm afraid that this feelings is just a temporary, even his feelings, too, for me. And I'm also afraid that I'm going to disappoint my parents because if my decision.
It is worth it to take a risk?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro