CHAPTER 05
CHAPTER 06
“Why did you say that to him?” histerikal kong tanong kay Xandro nang pumasok kami sa student council office kung saan s'ya kabilang. Dinala n'ya ako rito para ibigay sa akin ang stub n'ya.
Tumungo s'ya sa kan'yang table. Hinintay ko ang sagot n'ya at habang nakatagilid s'ya mula sa harapan ko. I saw how his jaw moved as if he was irritated on thinking of what happened earlier with Wastine.
Padabog n'yang binuksan ang drawer n'ya at kinuha ang stub. His serious sea-green eyes landed to me and made himself seat on his chair afterwards. Hindi n'ya inalis ang tingin sa akin na tila hinihintay n'yang lumapit ako sa kan'ya.
Nahihirapan na bumuga ako nang hininga at pinakalma ang sarili. Kaming dalawa lamang dito at dahil do'n, kung ano-ano na ang iniisip ko. Kinakabahan din ako na baka biglang may pumasok ngunit sinawalang bahala ko muna at alalahanin muna ang pusang ito na nagtatampo sa akin.
I slowly walked towards him. Ang kalmado n'yang titigan pero alam kong galit s'ya. Medyo kinakabahan lang ako na baka galit s'ya sa akin ngunit bakit naman s'ya magagalit sa akin?
Tumayo ako sa kan'yang gilid. Kunot-noong tiningala n'ya ako. Inayos n'ya ang kan'yang upo at hinawakan ang aking beywang gamit ang kan'yang kanang kamay.
“Sit on my lap first. Mag-uusap tayo. ” Tinapik n'ya ang kan'yang hita na ikinaatras ko sa gulat.
“Huh? P-Puwede naman do'n na lang ako uupo. ” Tinuro ko ang upuan na kaharap lamang ng table n'ya. Hilaw ko s'yang ngitian sa kaba ko.
“Hindi mo maiintindihan ang sasabihin ko kapag hindi ka umupo,” aniya, ayaw talagang paawat.
Tinitigan ko s'ya para malaman kung ano ang binabalak n'ya ngunit wala naman akong makita sa kan'yang itsura na may gagawin s'yang masama. Masyado lang siguro akong over thinking gaya ng sabi ni Zendra.
“Do you think I can hurt you?” Nakita n'ya siguro ang alinlangan sa aking mukha kaya medyo nag-alala s'ya. “I won't do that, honey. Just sit here, and we will just talk. I'm not mad at you, okay?”
Hindi ko naman iniisip na sasaktan n'ya ako. Hindi lang talaga ako sanay na uupo ako mismo sa hita ng lalaki. I know that most couple of this. Ang tanong, couple ba kami? We're still dating.
But even so, I obligated him. Inayos ko muna ang suot kong palda short bago dahan-dahang umupo sa kan'yang malakas na hita. His right hand automatically held my side waist that made the back of my neck trembled. Ramdam ko rin ang pagtaas ng balahibo ko sa katawan.
Kita ang kaputian ko sa hita nang bahagyang tumaas ito kaya nilagay ko na lamang ang dalawa kong palad do'n. Bahagyang napatalon ako ang katawan ko nang ilagay n'ya ang kan'yang malaki at maugat na palad sa aking magkadikit na kamay.
“So? What are we going to talk about?” tanong ko nang hindi pa rin s'ya nagsasalita.
He was just caressing my hands and busy staring at my face. Nakakahiya at baka sabog ang mukha ko ngayon.
He licked his lower lips. “That guy likes you, and he's expecting something from you.”
Si Wastine ba? I cringe my forehead.
“Hindi n'ya ako gusto. Paano mo naman nasabi iyan?”
“Because I'm a guy also, I know that very well,” tugon n'ya.
Napabuga ako nang hininga dahil siguradong-sigurado s'ya sa kan'yang paratang. May nobya na si Wastine so I'm sure he's loyal to her.
“So what's the problem with him if he likes me?” tanong ko na lamang.
Matagal s'yang napatitig sa aking mga mata. Madaming emosyon ang nakapalibot do'n at hindi ko na maisa-isa pa.
“I'm afraid that you will choose him over me.”
Natigilan ako sa kan'yang sinabi at napaamang. Iniwas n'ya ang tingin sa akin at sa magkahawak naming kamay s'ya nakapokus. Nahihiya s'ya sa akin dahil sa kan'yang naging sagot sa akin. And I can see through his eyes that he's afraid if that would happen.
“W-Why are you thinking that way? I don't like him so why would I choose him?” If you are more than enough for me.
Sasabihin ko sana iyon pero ayaw ko munang magsalita ng tapos. Gusto ko munang makasigurado. This is my first time, and getting into relationship is really hard for me. But being in love with a person is actually amazing.
Napaangat ang tingin n'ya sa akin. “You... You don't like him?”
Tumango ako at natatawang s'yang tinignan. He looks like an innocent guy as he asked me that. He's a mature guy, and I know that he had a lot of knowledge than me about relationships. Totoo kayang walang girlfriend 'to?
Kagat-labing napaiwas s'ya ng tingin sa akin at pilit na pinipigilan ang ngiti n'ya.
“But still, he likes you. What if you will like him in a future? You'll ignore me after that.”
“That's impossible,” iling-iling kong sabat at hinawakan ang kan'yang pisngi para mapatingin sa akin. Tudo iwas kasi s'ya para hindi ko makita ang kan'yang mga mata. “Stop over thinking that way. I will not like him in a romantic way, okay? Stop hurting yourself.”
Kahit sinabi ko iyon sa kan'ya ay gano'n din naman ang iniisip ko sa kan'ya. What if he will like someone else? Thinking about it makes me sad.
Napasimangot ako sa aking iniisip at binitiwan ang kan'yang pisngi na ikinabalisa n'ya. Nakita n'ya siguro ang biglang pagbago ng ekpresyon ko.
Binalik n'ya ang palad ko sa kan'yang mukha at hinigpitan ang pagkapulupot ng braso sa aking beywang. Nagustuhan n'ya ang hawak ko kaya hindi n'ya nagustuhan nang pagbitaw ko.
“Hey, what's wrong? May sinabi ba akong ma—”
“What if you likes someone then? Titigil ka na sa panliligaw?” nasasaktan kong tanong at inis s'yang tinignan kahit wala naman s'yang ginagawang masama. I just feel upset about it.
Natigilan s'ya at hindi makapaniwalang tinignan ako na may pagkamangha. He suddenly smirked of satisfaction. Gusto n'ya ang kan'yang nakikita ngayon sa akin.
“I only like you, nothing else, baby.” He fixed my hair at hinimas ang kamay kong nakahawak sa kan'yang pisngi.
Napaismid ako. “You're handsome and you maintained your high grades. You're almost perfect so I think mostly handsome guys wants a lot of girls to satisfy their needs an—”
“But I'm not one of those guys, Novale. I only want one girl to my life, and that is you,” kunot-noo n'yang sabi, buong pasensya n'ya akong tinignan. Mukhang na-offend ko s'ya. “And what satisfy are you saying? Tingin mo ba iyon lang ang kailangan ko sa 'yo? So you think I'm a kind of f*ck boy or play boy out there?”
Napakagat ako sa sariling labi nang makita ang inis sa mukha n'ya. I think I'm wrong about thinking of him that way. Iyon ang iniisip ko at natatakot ako na baka gano'n ang habol n'ya.
“So... You don't do a sexual activity with other women?” ingat na ingat kong tanong at baka sumabog talaga s'ya. Mukhang s'ya na naman ngayon ang stress sa pagpapaliwanag sa akin.
Mas lalong sumama ang tingin n'yang nakatingin sa akin. “Of course not! I'm a freaking clean, never been touch. I only satisfy my needs, hindi ko kailangan gumamit ng tao.”
Nanlaki ang mga mata ko sa kan'yang sinabi. Hindi lang ako nagulat na hindi pa s'ya nakikipagtalik sa iba kundi dahil nagsasarili s'ya! My god. He was straight forward!
Nakita n'ya ang pagkagulat ko kaya nahihiya s'yang umiwas ng tingin, suplado ang mukha. Mukhang ngayon lang n'ya napagtanto na inamin n'ya iyon.
“D-Don't look at me like that. You're embarrassing me,” sita n'ya sa akin. “I'm not kind of guys who love to play. I'm serious about being in relationship with you... Kung sasagutin mo na ako.” Tumikhim s'ya.
“I don't want a temporary relationship, Novale, if that's what you're thinking. I want a permanent. I really want you ever since I met you until now... for the rest of my life.”
My heart bursting in happiness. I never thought he will say that to me. Totoo ba 'to? Ang isang kagaya n'ya ay gustong matali habang buhay sa akin? At wala pa s'yang naging girlfriend.
Lumamlam ang mga mata ko at sumandig sa ang kalahati ng katawan ko sa kan'yang dibdib. Pinatitigan ko ang kan'yang mga mata na ngayon ay nakatingin na sa akin.
Sa tuwing nakatingin ako sa mala-karagatan at gubat n'yang mga mata, gumagaan ang pakiramdam ko. Gustong-gusto kong tinititigan ang mga mata n'ya dahil sa ganda nito.
“Okay, naniniwala na ako sa 'yo,” nakangiti kong sabi at tinapik ang kan'yang dibdib dahil sa malalim n'yang paghinga. “Talagang inalis mo ang pagiging over thinking ko.”
Lumamlam ang mukha n'ya nang makita ang nakangiti ko sa labi. Pinunasan n'ya ang pawis sa aking noo na ikinakurap ko. Hindi ko namalayan na pinapawisan ako.
“W-Wait, may panyo ako rit—”
“Ito na lang tissue,” aniya at kumuha ng ilan sa nakarolyo na tissue bago s'ya mismo ang nagpunas sa aking noo.
Ang nakaawang kong labi ay unti-unti kong itinikom. Hinayaan ko s'yang gawin iyon na sa tingin ko'y gusto naman n'ya. Binuksan n'ya ang aircon gamit ang remote control sa gilid n'ya. Kaya naman pala gano'n na lang ang pawis ko.
“Hindi ka na naiinitan?” tanong n'ya ang pinatitigan ako. Inayos n'ya pa ang buhok ko, sinusuklay-suklay ang mga daliri n'ya sa medyo basa kong buhok.
Umiling ako. “Hindi na, salamat.”
“Madali kang mamawis lalo na sa mainit na lugar. I'll take note about that,” sabi n'ya.
Hindi ko na s'ya natanong tungkol sa huli n'yang sinabi nang biglang bumukas ang pinto. Awtomatikong napatayo naman ako mula sa pagkakaupo at nakatayo lamang sa gilid ni Xandro.
It was Perry, smiling widely when he saw Xandro in here. May dala s'yang supot na plastic na sa tingin ko'y pagkain ang laman at lumapit sa aming kinaroroonan, hindi pa ako napansin.
“May cupcake akong niluto, Xan. I know na favorite mo it—” Akmang iaabot n'ya ang supot na plastic kay Xandro nang makitang nandito ako. Natigilan s'ya.
Nawala ang tingin ko sa kan'ya nang bigla akong hinila ni Xandro at pinakaupo sa kan'yang kandungan. Sa sobrang gulat ko ay napahawak ako sa kan'yang balikat at pinanlakihan s'ya ng mga mata. Gagi talaga s'ya.
“We're not done talking, honey,” he firmly said and wrapped his strong arms to my small waist. Magkalapit tuloy ang katawan namin dahil sa kan'yang ginawa.
“Xandro!” saway ko at nahihiyang tinignan si Perry na mukhang maiiyak na. Her lips was quivering.
“Ano?” tanong n'ya at pinatitigan ang aking mukha. Pinasandig n'ya rin ang ulo ko sa kan'yang balikat pero hinarap ko ulit s'ya para kausapin.
“May bigay raw s'ya sa 'yo, oh!”Tinuro ko si Perry na hanggang ngayon hindi makapaniwala sa kan'yang nakikita at pinipigilan ang luha n'ya.
Kumunot ang noo n'ya at binalingan na ng tingin si Perry. Hindi ko alam kung alam ba n'yang nandito si Perry dahil kung makayapos sa akin ay parang kami lang dalawa rito.
Walang ekspresyon lamang n'ya tinignan at binalik ang tingin sa akin. Pansin kong palagi n'yang tinitignan ang mukha ko, kulang na lang kabisaduhin n'ya ito.
“Wala pa sila rito. Busy sila sa basketball field,” sambit ni Xandro mismo kay Perry at ni hindi man lang tinignan ito.
Ang awkward lang ng sitwasyon namin. I know what she's thinking right now. Nakaupo ako sa kandungan ni Xandro, and friends don't do that.
Alam n'yang may something sa amin ni Xandro. At saka nakita n'ya kung paano s'ya tinalikuran ni Xandro para lang kausapin ako.
She likes him and she hate me dahil 'yong lalaking gusto n'ya ay may gusto sa akin. Basi sa kan'yang ekspresyon ay hindi s'ya makapaniwala sa kan'yang nadatnan at sa ginawa ni Xandro. Nababaguhan s'ya dahil ngayon lang ito ginawa ni Xandro.
Pilit na ngumiti si Perry. “H-Hindi ko sila pinuntahan dito. I m-made you a cupcake kaninang umaga.”
Nilagay n'ya sa table ang cupcake. Tinignan lamang iyon ni Xandro at parang wala itong pakialam kay Perry kung makatingin.
Hindi ko alam kung bakit nakahinga ako nang maluwag na hindi n'ya ini-involve ang sarili sa mga babae. Ayaw n'ya sigurong iba ang isipin ng iba o ako. O 'di kaya ayaw n'ya lang talaga sa mga babae bukod sa akin.
But still nalulungkot ako para kay Perry. Mukhang walang balak na tanggapin iyon ni Xandro. Alam ko kung gaano kasakit para ito sa kan'ya. Hindi ko man naranasan sa lalaking nagustuhan ko ngunit sa magulang, oo.
Napabuga nang hininga si Xandro. “P'wedeng ibigay mo na lang ang cupcake kay Novale? Ayaw ko munang kumain ng mga matatamis ngayon.”
Napatingin s'ya sa akin at alanganin na ngitian ulit si Xandro. Mukhang napipilitan pa nga.
“S-Sure! No problem. P'wede mo rin i-ref muna ang cupcake... kung kailan mo gustong kainin,” her voice slowly lowered.
Napatingin ako kay Xandro at nahuling nakatingin ito sa akin. He was waiting for my answer.
Umiling ako. “Hindi ako nakapag-lunch, ayaw kong kumain ng matamis. Gusto kong kumain ng bulalo sa canteen ngayon,” mahinahon kong sambit.
Ayaw kong tanggihan ang alok sana pero alam kong napipilitan lang naman ang babaeng ito. Ayaw kong kumain ng gawa n'ya. Maarte na kung maarte. Alam kong labag sa loob n'ya ito.
Tinignan n'ya ulit si Perry na kagat ngayon ang ibabang labi. I saw how her palm formed into fist. Napataas ang kilay ko dahil do'n.
“Ayaw n'ya raw. My baby wants to eat heavy lunch today.” Pinatayo n'ya sa pagkakaupo at sumunod naman s'ya bago kinuha ang bag sa akin.
“Bigay mo na lang sa iba. I won't eat it,” dugtong pa n'ya bago ako hinila palabas at iniwan si Perry sa loob na gulat.
Napaamang ako dahil sa nangyayari ngayon. Xandro just rejected Perry's cupcakes, and because of me. I'm sure... she'll hate me more.
Inangat ko ang tingin at nakitang seryoso lamang na nakatingin sa harapan si Xandro. He never laid his eyes to some girls who are eyeing him.
Madali s'yang makakuha ng attraction sa ibang babae kahit simpleng pananamit at uniform lamang ang suot n'ya. Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi ko man lang s'ya napapansin noon. Nagb-boys hunting naman kami pero hindi ko talaga s'ya nakita man lang.
Or maybe because he's a criminology students? Hindi kasi ako tumitingin sa kanila, kahit sinong criminology students. Kahit pagpunta sa kanilang department ay hindi ko ginawa dahil ayaw ko ro'n. Takot ako at maraming rason kung bakit.
Tinignan ko ang mga babae sa paligid. Ilan ay gusto s'yang kausapin, but he politely nodded like he was just being nice and don't want to entertain or even talk to them.
“Hey, Xandro!” they giggled when we passed them. Hindi na sila pinansin ni Xandro at mukhang tinatamad na rin makipagngitian sa kanila.
Binasa ko ang ibabang labi at pasimpleng lumayo sa kan'ya para tignan kung anong gagawin ba n'ya.
But to my surprise, he pulled me closer to his side and his hands went to my side waist, firmly holding it.
“Xandro,” I softly said.
“Yes, honey?” He immediately asked right away. Pinagtuunan n'ya ako ng pansin. “May gusto kang kainin na iba? I can order some other foods on outside. Just tell me if you want something. ”
Napabuga ako nang hininga at nakangiting umiling dito. He really willing to do anything for me, ah? I don't want to assume, but maybe he is deadly in love with me right now.
Para s'yang tulala ngayon at nang tawagin ko s'ya ay agad naging alerto.
“Wala lang,”ngiti kong ani.
Kahit nagtataka s'ya ay tumango ito at pasimpleng hinalikan ang gilid ng noo ko. Kahit sa labas ay talagang PDA s'ya. Hindi pa nga kami pero ganito na s'ya at hinayaan ko naman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro