
CHAPTER 04
CHAPTER 04
Sobrang saya ko nang mag-text si Mama at Papa na makikipagkita sila sa akin ngayon. They want me to meet at the nearest restaurant. Minsan lang kami magkaganito kaya agad akong nagbihis nang magandang suot.
“Miss ko na po kayo Mama.” Hinalikan ko kaagad ang pisngi ni Mama at gano'n din si Papa na magkatabing umupo sila ni Mama. “Miss you rin Papa.”
“Miss ka na rin namin, anak.” Ngitian ako ni Papa at gano'n din si Mama. “Maupo ka na at nakapag-order na ako nang makakain natin.”
Umupo naman ako sa kanilang harapan at kinuwento ang tungkol sa pagsali ko sa pageant. Tuwang-tuwa naman sila dahil do'n at suportado sa pangarap ko na maging model. Dumating na rin ang in-order nila kaya nagsimula na kaming kumain.
“P'wede mo naman pagsabayin ang pagm-model mo at pagnenegosyo kapag nakapagtapos ka na, anak,” ani Mama habang naghihiwa ng karne sa plato.
Naisip ko na rin iyon. “Iyon nga plano ko Mama.”
Seeing them happy about my future plan makes me to be contented about it.
“Do you have a boyfriend?” tanong ni Papa na ikinatigil ko. Unang pumasok sa isip ko si Xandro pero kaagad ding umiling.
Natandaan ko ang pinagsaluhan naming halik sa parking lot at hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang init ng mga labi n'ya. We kissed at wala pa kaming relasyon!
“W-Wala, Papa,” tumawa pa ako nang mahina.
Nakakagulat lang na ngayon lang nila ako tinanong tungkol dito. Hindi kasi kami gano'n ka-close ng pamilya ko dahil din sa tarbaho nila. But I always longing for them. Kailangan ko ang pagmamahal nila. I hope they feel the same way too.
Tumawa si Papa at gano'n si Mama. Mukhang hindi nga makapaniwala na hanggang ngayon wala akong naging nobyo. Mukha lang mayro'n dahil sa palagi akong sumasama sa boys hunting nina Oven.
“Pero may nanliligaw ba? Possible na wala gayong maganda ka at model pa,” ani Papa.
“Mero'n po,” nahihiyang sabi ko at yumuko.
“School mate? Anong kurso ang kinukuha?” tanong naman ni Mama. Hindi ko alam kung bakit pa nila kailangan malaman ang kurso ngunit hindi ko na iyon inisip pa.
“Criminology po, third year college,” proud kong sabi. Noon ayaw ko sa pulis pero kung si Xandro, why not? At unti-unti ko nang nakilala si Xandro. He's a good man with principles. Hindi biro ang training n'ya.
Inaasahan kong matutuwa sila pero kabaliktaran ang pinakita nila.
Nagkatinginan silang dalawa. Pilit silang ngumiti sa akin, halata ko iyon kaya gano'n na lang ang kaba ko nang hawakan ni Mama ang aking kamay sa lamesa.
“Gusto mo ba s'ya, anak? Or maybe there's other guy who are much better than him?”
“Police is dangerous,” gusto pa sanang dagdagan ni Papa ngunit tinatantiya n'ya ang ekpresyon ko kung apektado ba ako.
Mas lalong pumait ang nararamdaman ko na mapagtanto kung bakit n'ya ito tinanong. They don't like me to be with a criminology guy. Are they expecting like an engineer or much higher than that? Bakit iyon ang nararamdaman ko?
“M-Ma.” Tinignan ko si Papa na pilit ding nakangiti na parang sang-ayon din sa gusto ni Mama. “I like him. Masipag s'ya sa pag-aaral, he maintained his higher grade despite of being busy with his duty. He even spent a time with me and just to be with me.”
I tried to convince them that Xandro is not just like some other police. Hindi naman talaga lahat ng police ay delikado. They are just doing their job to protect people. They want to maintain a peaceful life of us.
Tumawa nang mahina si Mama. “W-Wala namang problema sa akin kung magkagusto ka sa kan'ya, anak. Mga bata pa naman kayo kaya marami pang mangyayari.”
Hinawakan ni Papa si Mama sa balikat. “Yeah, you are too young to be feel in love with that guy. Maybe you just like him right now, but you will eventually realize something.”
Mas lalong pumiga ang dibdib ko sa aking naririnig. Mukhang kinabahala pa iyon ni Mama. Hinampas pa n'ya si Papa na pabirong tumawa lamang. Na parang biro lamang sa kan'ya iyon at lahat ng ito ay tanging paglalaro lamang.
Iniisip ba nila na bata pa ako kaya may tiyansa na magbago ang nararamdaman ko kay Xandro? Dumaan din naman sila sa ganito kaya bakit nila ito nasabi sa akin?
Kahit nasasaktan ako sa pinagsasabi ni Papa ay hindi ko maiwasang kabahan. Na baka mabigo ko sila ulit. Ayaw kong ma-dissapoint sila s sakin.
But do I have to gave up my happiness for the sake of them? I don't know how to do anymore if they'll be angry at me if they found out one day that I'm having a relationship with Xandro.
Alam kong ayaw ni Mama na pilitin ako kaya kahit papaano ay panatag ako na sang-ayon s'ya kung sakaling magkarelasyon ako sa police. But I know I disappointed her, lalo na si Papa. They expected so much for me that I can't even reach their expectation.
Umakto na lamang ako na wala lang sa akin ang paalala ni Papa. Magugustuhan n'ya rin si Xandro. Nasasabi n'ya lang iyan dahil hindi pa naman n'ya nakilala.
Umuwi ako na may mabigat na dinadala sa dibdib. Imbes na maging masaya ako na nakita ko sila, nalungkot lamang dahil mukhàng pati sa desisyon ng buhay ko ay sila rin ang magpaplano.
Matapos ang weekend kaya balik ulit kami sa eskwelahan. Ang bilis nga lang. Sa dalawang araw na pahinga ko ay wala naman akong masyadong ginagawa kundi mag-practice sa maaaring ibabatong tanong sa amin sa darating na pageant.
We still have two weeks only to practice and prepare for our pageants. I think I can make it into two weeks since tuloy-tuloy pa rin ang palaro ngayon.
“Did you bring your high heels, girl?” tanong ni Oven nang makalapit ako sa kan'ya. Buti na lang kasisimula pa lang ng practice at hindi pa ako huli.
Tumango ako kaya naman dali-dali kong sinuot ang high heels ko at sumabay sa ibang kandidato. Hindi paumaabot sa sampong segundo ay gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang babae na nadatnan ko noon na kasama si Xandro.
She's wearing a blue off-shoulder dress and blue high heels, na sa tingin ko'y nasa five inches ang haba. Her hair was tied in high ponytail and gracefully walking like a real model in the middle of stage.
She's pretty, I ain't lying. Sa bawat lakad n'ya ay napapahinto ang mga kasama kong kandidato. Maybe she joined many pageant before? I think she was.
Ako naman ay sunod na rumampa. I swayed my hips, hindi 'yong tudo ang pagkembot ko. Hindi magandang tignan para sa akin kaya I made it a simple, but seductive.
My long legs was exposed because I'm wearing a dark green palda-short and paired it with green asymmetric shirt, exposing my left collarbone and arms.
“That's right, Novale! Keep going!” suporta naman ni Oven sa ilalim ng stage. Proud na proud dahil s'ya ang nagturo sa akin ng iba't ibang klaseng posing at kung ano ang magiging expression ko habang nakatingin sa audience.
I made my expression into a fierce look, and when I finally turned my body in circular motion, I posed in front of the stage with one hand resting to my hips, I mischievous smile and let my innocent look too.
Mukha naman epektibo dahil 'yong mga kalalakihan na nanonood sa ibaba ay napanganga na lamang at sinundan talaga ang bawat galaw ko, lalo na tinititigan nila ang mukha ko. Imbes na ipagpatuloy nila ang pag-aayos ng venue ng pageant namin ay hindi na nila maiwasang manood sa amin.
And when I got back, I saw how the girl I've been looking earlier, watched me with her serious and dislike look. It was like she doesn't like me being here.
Napakunot ang noo ko at hindi na ito pinansin. Alam kong ayaw n'ya sa akin. Sa una pa lang ay gano'n din ang tingin n'ya sa akin nang makita kung paano s'ya tinalikuran ni Xandro para lang makausap ako. She likes him and seeing Xandro giving me an attention that she wants makes her dislike me.
Wala naman akong problema kung galit s'ya sa akin basta h'wag lang s'ya gagawa ng hindi ko magugustuhan. By the looks of her face, as if she wants me out of here. Parang aawayin na ako.
I don't like her now. Maganda sana kaso ayaw ko ng ugali n'ya.
“Novale.”
I was about to talk with Oven, waiting in the provided chair for us when Wastine called my name while walking his way to me.
“Iwan ko muna kayo rito, be. Bili ako ng makakain namin,” mahinang wika ni Oven at kinindatan ako.
Pinandilatan ko s'ya ng mata dahil sa kan'yang iniisip ngayon. He wants me to get along with Wastine dahil alam n'yang may gusto ako rito. Not in a romantic way, grr. I just admire him because he was a good guy.
“I didn't know that you are joining in pageant,” aniya, mala-anghel itong ngumiti sa akin.
Nakakahawa ang ngiti n'ya kaya naman sinuklian ko s'ya ng ngiti. “No'ng first year pa remember?”
“Yeah, I know. But I thought you would not join this year. So, tayo pala ang magiging pair sa pageant.”
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto iyon. Makakasama ko s'ya sa runaway kahit na tapos na ang pageant nila. At sa mismong pageant namin ay ia-announce ang winner.
“M-Muntik ko nang makalimutan,” ani ko at sinikop ang buhok para ilagay sa likuran ko sa awkward na nararamdaman ko ngayon. May nakatingin na rin kasi sa amin at mukhang kilala rin si Wastine.
Nahuli ko pa s'ya na sinundan ang paghawi ng buhok ko bago bumalik sa akin ng tingin. May pagkamangha sa kan'yang kumikislap na mga mata.
“I love your outfit today,” komento pa n'ya para ibahin ang usapan. “I always saw you wearing green outfit. Green perhaps is your favorite color then?”
“Thank you sa compliment. And yes, you got it right.” I didn't expect that he would compliment my outfit, but I don't mind at all. Siguro nga mababaw lang talaga ang pagkagusto ko sa kan'ya. Wala man lang akong maramdaman sa kan'ya ngayon.
Wala akong masabi kaya hinintay ko na lamang na umalis s'ya. Wala naman kaming pag-uusapan dahil hindi naman kami close. Ngayon n'ya lang ako nilapitan at kinausap gayong magkaklase kami. Except na lang kung nasa group n'ya ako noon.
When I shifted my eyes to the girl named, Perry, I saw her looking at us. Mas lalo akong naguluhan nang makitang nakangiti s'ya sa aming dalawa ni Wastine. As if she was happy of what she's seeing right now. What's wrong with this girl?
Inalis ko na lang ang tingin sa kan'ya nang magsalita si Wastine. He asked me kung nanood ba ako ng pageant no'ng nakaraan dahil nando'n daw s'ya. I nodded which makes him smiled.
“You looked handsome in your business attire that time. Hindi ko akalain na may talento ka pala sa pagm-model,” I also compliment him just like how he did to me earlier.
Kahit ayaw ko s'yang makausap dahil sa gutom na ako at wala pa rin si Oven ay hindi ko naman s'ya magawang paalisin. That would be rude.
Napakamot s'ya sa batok. “Well, first time ko—”
“My Novale.”
Huli na ako nakapag-react sa gulat nang makita si Xandro na papalapit sa akin. Napaawang ang bibig ko sa bawat lakad n'ya na tila s'ya 'yong hari ng daanan. Every girls was trying to take a look at him as he walked to my spot.
“Xandro...”
His expression was screaming danger, as if he doesn't like what he is seeing right now. The fact that I was talking to a guy makes his eyes dark, it was not exactly dark. Para bang sinapian s'ya ng demonyo. He's mad, and he was looking at Wastine.
He pulled my small waist to his hardened chest toned with just one strong hand, and my soft palm automatically rested to his chest, still in shocked.
Napatingala ako sa kan'ya at hindi pa makabawi sa kan'yang inakto sa sobrang sobrang gulat. Mariin n'yang pinatakan ng halik ang noo ko habang hindi inaalis ang tingin kay Wastine bago tumayo nang matuwid. His hand still resting at my lower back.
“Who is this guy, baby? You're classmate?” seryoso at malamig n'yang tanong sa akin, that made my hair raised at the back of my neck. He just called me baby infront of Wastine!
“Uhm,” napatikhim ako at tinignan si Wastine na gulat din nakatingin sa aming dalawa, pabalik-balik ang tingin. “Classmate ko pala s'ya, Xandro. Wastine, si Xandr—”
“Xandro Engel, her soon to be boyfriend,” sabat ni Xandro na ikinasinghap ko na lang. Ano ba ang ginagawa n'ya?!
Kita ko ang pag-alinlangan sa titig ni Wastine. It looks like he was embarrassed on something. Hilaw s'yang ngumiti kay Xandro.
“I don't know that you are entertaining a suitors, Nov.” Tinignan n'ya mula sa ibaba hanggang sa mukha ni Xandro na parang kinikilatis. “Talagang sigurado s'ya na sasagutin mo s'ya.”
Mahinang tumawa pa ito. “Ngayon ko lang alam na nang-aangkin ka na hindi naman sa 'yo, Xandro. Advance din ito.”
Mas lalong dumiin ang titig ni Xandro sa kan'ya at mahigpit nang nakayukom ang palad ni Xandro sa aking suot. Nang hawakan ko ang palad n'ya ay unti-unti s'yang kumalma.
Buntong hininga na inayos n'ya ang aking shirt na bahagyang tumaas dahil sa pagyukom n'ya.
“You like, my Novale?” bawi na tanong ni Xandro at binitiwan ako para lapitan si Wastine.
Nataranta naman ako at agad na pumagitna ngunit inilagay naman ako ni Xandro sa kan'yang likuran kaya hindi ko na makita ang kan'yang mukha.
“Xandro, h'wag kang gumawa ng gulo, oh,” pakiusap ko, natataranta na dahil maraming nakatingin.
Ramdam ko talaga ang tensyon sa kanilang dalawa. Magkakilala na ba sila?
“What's with you kung gusto ko s'ya? Hindi ka pa naman boyfriend ni Novale pero kung umasta ka parang may karapatan ka,” nang-uuyam at bahid na irita na sambit ni Wastine. Hindi ba talaga s'ya titigil sa pangangasar kay Xandro?
Gusto ko nang hilahin si Xandro pero masyado s'yang malakas at nahihila lamang n'ya ako sa bawat lakad n'ya. Mas higit na mataas ng ilang inches si Xandro kay Wastine at dagdag pa na malaki ang katawan ni Xandro dahil sa training nito. I don't think kaya ni Wastine na tapatin si Xandro pagdating sa pisikalan.
“We hugged and kissed each other, do you think she'll allow me to kiss her if she doesn't like me? So tell me, did you saw her being involve in any other guy?”
Namula ang pisngi ko sa kan'yang sinabi. Wastine was totally shocked, too. Mukhang ayaw maniwala.
“Ikaw rin nagsabi na hindi nag-i-intertain si Novale ng manliligaw. ” Ramdam ko ang nakakikilabot na ngisi ni Xandro. “But goes what? She let me court her. I'm the only one who can date and own her. How about you? You're just her classmates.”
“What the f*ck?” hindi makapaniwalang bumukas ang bibig ni Wastine dahil sa mga lumalabas na salitang binabato ni Xandro.
“Kaya sa ating dalawa, ako ang may pag-asang maging boyfriend n'ya. Do you think I let you have her? Sa ating dalawa, ikaw ang walang karapatan.” Umatras si Xandro kaya nakikita ko na ang blangko at nakangisi n'yang labing nakatingin kay Wastine na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha sa sobrang lukot. “Novale doesn't like you. Kaya h'wag kang lumapit kay Novale. Hindi mo alam ang kaya kong gawin.”
Wastine couldn't be able to talk back as Xandro held my wrist and made our way out of the gym, still shocked to what I've heard.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro