CHAPTER 03
CHAPTER 03
Sa pangalawang pagkakataon ay hindi ulit ako makatulog masyado dahil sa pasabog ni Xandro. Ginugulat na lamang n'ya ako sa mga banat n'ya. Normal lang naman ang the way na pagsabi no'n ni Xandro, but still my heart was beating so fast.
“Aba, Novale! Akala ko ba ayaw mo sa pulis, ah? Magkasama kayo kanina ni Xandro at nakita ko kayo!” bulalas ni Zendra sa kabilang linya. Tinatawagan lang yata ako nito para makibalita sa amin ni Xandro.
“Ayaw ko nga sa pulis!”defensive kong ani, parang hindi pa nga ako sigurado sa aking sinabi. Napabuntong hininga ako. “You are right, mukhang may gusto nga si Xandro sa akin. Nanliligaw na nga kahit wala pa akong sinasabi tungkol sa magiging sagot ko.”
Napasinghap s'ya. “For real?! Sabing tama nga ako, eh! Kaya pala wala s'ya sa dance studio kanina dahil kasama mo pala. Ehem, give him a chance naman, be.”
Napaikot ang mata ko sa kan'yang sinabi. Hinalo-halo ko ang kapeng tinipla ko sa tasa. Talagang gusto n'yang magka-boyfriend ako. Para raw parehas kami. Ewan ko ba sa kan'ya.
“I'll just let him court me. I also wanted to know him well. Malay ko 'bang sindikato 'yan at baka patayin ako,” histerikal kong sabi, lumalala na ang utak ko.
Ang bruha ay gumagalpak ng tawa at kulang na lang masira ang taenga ko sa sobrang sakit ng boses n'ya. Buti hindi ako nahawa sa mala-elepante n'yang boses.
“Saan mo naman nakuha ang gan'yang pag-iisip, Nov? Iba ka rin, eh 'no?” tawa pa n'ya. “At least hinayaan mong manligaw sa 'yo. Baka kasi mag-work, be. Malay mo magkagusto ka sa kan'ya. ”
I already like him. Bukod sa nagugustuhan ko ang trato n'ya sa akin kahit ilang araw pa lang kaming magkakilala ay may kung anong mero'n sa kan'ya na nagbibigay gulo sa aking puso.
This is all new to me and I badly want to know why I'm acting just like this to him, only to him.
“Abay! Present si baby girl natin, ah.” Nakangising tinignan ako ni Oven nang makitang papalapit ako sa kanila.
Umupo ako sa kan'yang tabi. Nakipag-apir ako sa mga kaklase ko na halos silang lahat ay naging ka-close ko na. Friendly na pasikat kasi ako kaya ayan. Just kidding.
Dalawang taon din kasi kaming magkaklase kaya mas lalong naging close kami. Pero sila Oven, Zendra at Venny lang talaga ang friends ko. Ayaw kong magkaroon ng maraming kaibigan. Mas okay na 'yong close lang.
Napadekwatro ako ng upo at niyakap ang maliit kong green bag. “Kailangan pa ako nag-absent sa ganitong event, Oven? Hindi ko palalampasin ito 'no!”
Natawa kaming pareho at mahinang naghampasan. Buti na lang magkasundo kami ng beking ito. Ayaw ko pa naman makaaway ito dahil talagang palaban ito. Kahit babae pinapatulan. Siguro kaya kami naging magkaibigan dahil may mga gusto s'yang bagay na gusto ko rin.
Kung masama ang ugali n'ya, suplada naman ako. At alam n'ya iyan kaya nga kinaibigan ako. Nga plastic daw kasi ang mga naging friend n'ya noon.
“'Di ba kasali ka sa pageant? Nagsisimula na ba ang practice?” tanong n'ya habang pinupulbuhan ang kan'yang leeg. Para raw kung halikan s'ya ng mga lalaki ay hindi libag n'ya ang malasahan. Kalokohan din nito, eh.
Tumango ako. “Kasisimula lamang no'ng Monday. Naghahanap nga lang kami ng time ngayon kung kailan kami makapag-practice ulit. Busy rin kasi mga estudyante ngayon.”
Ngayon ang unang araw ng intrams namin. Ang ibang kaklase ko ay nasa ibang lugar nanonood. At dahil gusto kong makakita ng matcho at naguguwapuhang lalaki ay sumama na rin ako kay Oven. Ayan pa, gustong-gusto n'yan manood ng pageant, lalo pa lalaki ang rarampa sa entablado ngayon.
“Tulungan kita sa pageant mo. Alam mo naman na expert ako d'yan,” maarteng aniya at kinindatan ako. “Tuturuan kita kung paano umakit ng lalaki habang nagrarampa ka sa stage. Gosh! Excited tuloy ako, be!”
Imbes na ngumiwi sa kan'yang sinabi ay tumawa lamang ako. Hindi ko nga alam kung nakakaakit ba ang mukha ko. Sabi pa naman ng iba mukha akong inosente. Kaya naman 'yong mga babaero rito sa eskwelahan gusto akong ligawan.
Neknek nila, eh. Akala siguro madadaan nila ako sa pagiging makata nila na galing lang naman sa google.
Nasa kalagitnaan kaming nag-uusap ay bigla na lang humiyaw ang mga babae banda sa itaas namin. Puno kaagad ang gym animo'y hindi nila ito palalampasin.
Nagsisimula na pala ang palabas. Walang paligoy-ligoy ang emcee at kaagad nang tinawag ang mga kandidato para ipakita na ang kakisigan ng mga kalalakihan na galing sa iba't ibang department. Mas lalong humiyaw ang mga tao, kahit mga lalaki na rin na tingin ko'y supporter sa kanilang kakilala.
“Oh my gosh! Sh*t na sh*t talaga, be!” malakas na tili ni Oven at nakisabay naman ang mga kaklase kong babae. Nagtutulakan na nga na parang bulate na hindi makapermi sa upuan.
Ako naman ay napaawang ang labi ko nang makita si Wastine na nakasuot ng white polo shirt at black slacks. Hawak n'ya ang itim na coat habang seryosong naglalakad sa gitna. Kasunod n'ya ang ibang kalalakihan na nakasuot ng uniform na ayon sa kanilang course.
Hindi ko alam na s'ya ang representative sa 2nd year. Bali apat na kandidato sa bawat department. Hindi ko alam kung sino-sino pa ang nakasali rito. Sa isipang baka sumali rin si Xandro ay ang pagkabog naman ng dibdib ko.
Nakisabay rin ako sa pagsigaw at paghampas sa mga kaklase ko nang ako naman ang tinulak nila. Syempre tinodo ko na ang pagtulak kay Oven kaya bumagsak ito sa kan'yang upuan.
At ang gaga, ni walang paki kung gumulong s'ya basta lang makakita ng mga lalaki.
Wala si Xandro. Hindi ko alam kung bakit nanghinayang ako. O baka naman gusto ko s'yang makita kaagad? Iba talaga ang epekto n'ya sa akin kahit bago lang kami magkakilala.
“While we're waiting for the talent portion of our candidates, our dance troupe will give an intermission dance! Let's welcome, the Lethal Weapons!”
Napatakip ako sa taenga nang mas lumalas pa ang hiyawan. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang sila makasigaw, eh, may sasayaw lang naman. Wait— dance troupe?
Do'n lang nag-sink in sa akin kung bakit ganito na lamang sila kaingay. Grupo lang naman ni Xandro ang sasayaw at kasama s'ya ro'n! Bakit ngayon ko lang natandaan na sasayaw sila?
They're all wearing black t-shirt and the word lethal weapons was printed to the front of their T-shirt, kulay gold ito. May desinyo rin na nakalagay na iba't ibang baril sa ibaba ng pangalan ng grupo nila. May apelyido rin nakalagay sa kanilang likuran.
Hindi ako gumalaw sa aking upuan at titig na titig kay Xandro na ngayon ay napabaling ang tingin sa aking gawi. Ako ba ang tinitignan n'ya? O baka naman nagiging assuming ulit ako?
Ngumiti s'ya sa aking gawi at napanganga na lamang ako nang magsimula na s'yang sumayaw sa gitna kasama ang mga kagrupo n'ya.
Kilig na kilig tuloy ang mga kasama ko, gano'n din ang babaeng nasa tabing upuan ko na galing sa criminology department. Nasa dulo kasi ako umupo kaya katabi ko ang mga criminology students.
“Ang hot ni Daddy Xandro, 'di ba? Sayang nga lang hindi makalapit ang babae sa kan'ya. Kaya walang girlfriend 'yan, eh,” ani Oven.
“Babae ka ba?” ngisi kong tanong na ikinasimangot n'ya.
Tinarayan n'ya ako at tumingin ulit sa harapan. “Ewan ko sa 'yo, Novale. Hurt na si ako.”
Tinawanan ko lamang s'ya at binalik ulit ang tingin kay Xandro.
Mas lalong napuno ang gym na kahit ang iba ay nakatayo na lamang sa gilid nagawa pa ring makisingit para lang manood. Ang gagaling din naman kasi nilang sumayaw.
Grabe ang kabog ng dibdib ko nang biglang nagbago ang music. Nanindig ang nga balahibo ko nang makitang mabagal na sumasayaw si Xandro kasama ang mga kalalakihan. As in sexy dance ang ginagawa nila!
I can't properly breathe and I almost lost myself when he started to move his body in a slow rhythmic way. Tila inaakit n'ya ang mga kababaihan sa malamyos n'yang galaw. At nakakabaliw na isipin na nakatingin s'ya sa aking gawi habang ginagawa iyon.
Titig na titig ako sa kan'yang katawan na malambot na gumigiling a harapan ng entablado. Napasinghap ako nang sandali n'yang tinaas ang damit para ipakita ang namumutok n'yang pandesal at saka binitiwan din.
Napakagat ako sa sariling labi at ramdam ko na ang init ng aking magkabilang pisngi.
Natapos na ang sayaw nila kaya nagpalakpakan na ang lahat. Napakurap-kurap ako nang mapagtanto na tapos na. Naiwan yata ang kaluluwa ko dahil sa aking nakita.
Gosh, he looks so sexy and hot while dancing that way. May kung anong paru-paro tuloy sa aking tiyan nang makita s'yang bumaba sa stage.
“Papunta ba s'ya here?! Oh my gosh!” rinig kong singhap ni Oven nang makitang papunta si Xandro kasama ang mga kagrupo n'ya sa aming gawi.
Hindi ko inalis ang titig kay Xandro at gano'n din s'ya hanggang sa nakalapit s'ya sa akin. Ngiting sinuklay n'ya ang basang buhok habang hinihingal. Tila nahihiya pa s'ya na pawis na pawis s'ya.
“Miss, p'wede rito na lang kami? Ro'n muna kayo,” rinig kong sabi ng kasama ni Xandro sa babaeng katabi ko na criminology students.
Agaran na tumango sila at lumipat sa kabila bago umupo sa aking tabi si Xandro. Kakaibang ngisi tuloy ang pinukol ng mga kasama ni Xandro sa aming dalawa at umupo sa tabi ni Xandro.
“What's the meaning of this, be? Magkakilala kayo?” gulat na tanong ni Oven sa aking tabi sa mahinang boses. He also giggled beside me.
“Mamaya, I'll tell you,” bulong ko sa kan'ya at binaling ulit kay Xandro na kunot-noo nang nakatingin sa aming dalawa ni Oven. Like he doesn't like what was he seeing right now.
“Pakilala mo muna ako, be!” dugtong pa ni Oven at hinawakan ang braso ko.
“Oo na, teka lang muna.” Samantalang kilala naman n'ya ito.
Napakurap ako ng dalawang beses nang alisin ni Xandro ang kamay ni Oven sa aking braso at dalawang kamay ko'y hawak n'ya ngayon. Animo'y ayaw akong ipahawak kay Oven.
He seriously stared at Oven that I think my friend is scared right now. Talagang matalim ang titig ni Xandro, lalo pa kaya kung bakit talaga ito.
“Sino s'ya?” seryosong tanong ni Xandro at tinignan ako. Para bang kailangan kong mag-explain.
Hinimas ko ang kan'yang kamay nang makabawi. Bahagyang napatalon s'ya dahil do'n. May kung anong emosyon ang naglalaro sa kan'yang mga mata habang nakatitig sa akin.
Parang pinipigilan n'yang lumambot sa akin dahil inis s'ya sa isang bagay.
“Si Oven nga pala, kaibigan ko, Xandro,” pakilala ko. Parang matatae na si Oven sa sama pa rin ng tingin ni Xandro na hindi ko alam kung anong dahilan.
“Hi, pogi!”
Gulat na nanlaki ang mga mata ko nang hapitin n'ya ang aking beywang para mas lalong ilapit sa kan'ya, samantalang kaunting space lang ang mayro'n sa amin ngayon. Kulang na lang ikalong n'ya ako.
“He's a guy, may mga kaibigan ka palang lalaki?” Nanatili ang kan'yang kaliwang kamay sa aking tagiliran at hawak naman ng kanang kamay n'ya ang kamay ko.
Napalunok ako sa sariling laway at pilit na pinapakalma ang sarili. I need to act like this is just a normal gesture. Nanghihina ang katawan ko at tila kilala na ng sarili kong katawan ang haplos n'ya dahil kahit kinakabahan ako, payapa ako sa kan'yang kamay.
Rinig ko ang awkward na tawa ni Oven, mukhang kinakabahan din. “H'wag kang magselos sa akin, Papa Xandro. Kalerkey! Bakla po ako, okay? Sa 'yong sayo na ang friend kows!”
“Oven!” saway ko, nakakahiya. Baka mapahiya lang ako kung hindi naman talaga nagseselos si Xandro.
Napakagat ako sa sariling labi na mula sa pagkakunot ng noo n'ya'y napalitan nang mahinahon na titig. Napatingin s'ya sa akin. Para s'yang nakahinga nang maluwag at ngitian ako.
“That's mean you have three friends? Venny, Zendra, and this guy?” tanong n'ya.
“I'm a girl, pogi! Don't call me a guy! Gosh!”
Kahit nagtataka na alam n'ya ang kaibigan ko ay napatango ako.
“Oo, kaya h'wag kang mag-alala dahil mabait itong beki na 'to,” ngiti kong sambit. “Kaya h'wag kang magduda sa kan'ya. ”
“I thought he's a guy. Magseselos na sana ako,” diretso n'yang sabi.
He just said he was jealous? At talagang sinabi n'ya iyon na walang hiya-hiya. Natatawang hinampas ko s'ya sa dibdib.
“Y-You don't have to. Wala naman dapat ikaselos.” I can feel my heart beating wildly. I don't know why I feel like I was happy right now to think that he was jealous.
I gasped when he wiped my forehead using the back of his hand. He even put the strand of my hair at the back of my ear.
Sobrang guwapo n'ya sa paningin ko. Bagay sa kan'ya ang undercut n'yang buhok. How I wish I can touch and brush my fingers to his hair. It looks like soft to be touch.
Gustong-gusto kong titigan ang mga magaganda n'yang mga mata ngunit baka mahalata n'ya ang kakaiba kong titig at pagtingin sa kan'ya.
“I can't stand seeing you with a guy, honey,” he whispered, his voice was husky. “You're... You're beautiful. Maraming nagkakagusto sa 'yo at isa na ako ro'n. I d-don't know what your standard.”
Mukhang nahihirapan s'yang sabihin iyon sa akin. Iniisip ba n'yang masyadong mataas ang standard ko at baka wala s'ya kan'ya ang standard na hinahanap ko?
Naghiyawan ang mga kasama n'ya at inasar ito. Imbes na mag-emote s'ya sa aking harapan ay sa huli sinuway n'ya ang mga kasama. Nawala na kami sa usapan.
Nakahinga naman ako nang maluwag dahil do'n. Hindi ko pa kasi kayang sabihin na hindi n'ya kailangan na ipilit ang sarili dahil bilang totoong s'ya ay sapat na sa akin. He doesn't know that I like him too. But I want to know him more bago ko s'ya sagutin.
People are back on screaming again when the candidates went out with their sports attire. Hindi na kami pinansin ni Oven dahil mukhang gusto n'yang masolo ko si Xandro.
Sumigaw ako nang lumabas si Wastine. Natigil lamang nang mas hinigpitan ni Xandro ang pagkayapos sa aking beywang. Ngayon ko lang napagtanto na hawak pa pala n'ya ako at hinayaan ko naman!
“F*ck, baby. They're all ugly, stop screaming like that,” inis n'yang sabi at pilit na kinukuha ang atensyon ko. Ngisian ko tuloy s'ya nang makita ang kunot-noo n'ya.
Alam kong may nagtataka na kung bakit magkasama kami ni Xandro. Mukhang maraming nagkakagusto sa lalaking ito at wala s'yang paki!
Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba iyon. Gusto ko na lang maniwala sa kanila na ako lamang ang tanging babaeng nagustuhan n'ya at tinatrato ng ganito.
Hindi na tuloy ako nakapanood at pinaglaruan lamang ang mga mahahabang daliri n'ya. I think he likes it. Nang tinanggal ko kasi ay pinabalik n'ya ito. He's already clingy even he's still courting me.
Tahimik lamang kami hanggang sa natapos ang palabas. Hindi naman ako na-bore dahil mas na-enjoy ako sa malambing n'yang paghimas sa aking kamay at pagsuklay ng mga buhok ko. Para na kaming magkasintahan sa lagay namin. My goodness!
Ganito pala ang feeling na may gusto sa 'yo ang lalaki. Marami naman nagkakagusto sa akin at nagtangkang manligaw pero kakaiba si Xandro. He made me feel like I'm precious to him. Sa bawat galaw n'ya ay ramdam kong inaabangan n'ya ang ginagawa ko.
Feeling ko sobrang ganda ko na lalo pa't nakita ko ang kasiyahan sa kan'yang mga mata nang titigan ako. Pansin kong hindi rin matagalan ng titig ang aking mga mata kaya umiiwas s'ya. I silently smiled at myself.
“Hindi ako nakaabot kaninang umaga sa log in,” ani ko kay Xandro nang matapos kong makuha ang stub na log out dahil uwian na. Bukas ulit attendance na naman.
Gusto n'yang ihatid ako sa bahay dahil may motor daw s'yang dala. Pumayag naman ako at gustong makasakay sa motor.
He carried our bags. “Late ka kanina?”
Nakangusong tumango ako na ikinatitig n'ya sa akin. Napayuko s'ya at ngumisi.
“I can give you a stub tomorrow,” aniya na ikinagulat ko.
“P-Pero baka bawal, Xan.”
“Nah, sa akin naman yo'n kaya ibibigay ko na sa 'yo.” He pulled my waist closer to him. May dumadaan kasing student sa likuran ko dala ang motor nito.
“H'wag na! One hundred kaya ang penalty tapos ibibigay mo lang sa akin?!” hindi makapaniwalang anas ko na ikinatawa n'ya nang mahina.
“I'm an officer, baby. Consider na ako sa attendance,” tuwang-tuwa n'yang wika at hinimas ang aking buhok.
Nakahinga naman ako nang maluwag at napatitig din sa kan'ya nang makitang nakatingin s'ya sa akin. Pinasadahan ng dila n'ya ang ibabang labi at tumingin sa aking labi.
Inilapit n'ya ang labi sa akin at ako naman ay hindi makagalaw. He stared to my eyes like he want to know if I wanted this too. Hindi man lang ako umiwas at walang pagtututol nang halikan n'ya ako.
My eyes automatically closed as I felt him moved his lips to mine. Mas inilapit n'ya ako sa kan'ya at tinabingi ang ulo para mas lalo akong mahalikan. He sipped and lapped my lower lip like we can't get enough of me.
S'ya rin mismo ang tumigil at hinihingal na nagkatitigan kami. Napakagat ako sa sariling labi nang mapagtanto na naghalikan kami.
He caressed my lips using his thumb and kissed my forehead. Ramdam ko ang pigil n'ya sa katawan habang paulit-ulit na hinahalikan ang noo ko. He was calming his self.
“I'm so in love with you... so much. I hope you know that.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro