Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 02

CHAPTER 02


Bumungad ang tahimik kong apartment nang umuwi ako. Sandali pa akong napatitig sa kabuohan nito. Napailing na lamang ako nang maramdam ng lungkot na mag-isa ako rito. Palagi naman, at magdadalawang taon na rin akong lumipat dito.

Pagod na humiga ako sa mahabang sofa ko at nakipagtitigan sa kisame. Isa sa ayaw kong umuwi ay dahil kung ano-ano na ang iniisip ko. Hindi ko maiwasang ma-miss ang magulang ko. I'm just the only child yet they couldn't spare time for me. Kahit isang oras... Kahit ano na lang.

Naiintindihan ko naman na nagtatarbaho silang dalawa para sa akin. Para makapagtapos ako sa pag-aaral. But I couldn't stop asking myself kung minsan ba ay na-miss nila ako? Kahit busy ako sa school, I still want to have time with them ngunit sila lang 'yong umiiwas. Idadahilan na busy sila.

Kahit hindi nila sabihin, nakakaistorbo ako sa kanila. Sa tuwing tatawag kasi ako palagi nilang sinasabi na h'wag akong magtawag kung hindi naman importante.

Hindi na ba mahalaga ang presensya ko kahit sa tawag lamang? Nakakatampo lang. Hindi naman kami naghihirap. In fact, may negosyo naman sila.

Napabuga ako nang hininga at pilit na winawaksi sila sa aking isipan. Baka kasi kung ano na naman ang isipin ko. Sa sobrang overthinking ko, kung saan-saang lupalop nakakarating ang diwa ko.

Tumawag si Zendra saktong kakatapos ko lang mag-half bath. Mukhang excited na kausapin ako.

“Be! Nakita mo na ba si Xandro?” bungad n'yang tanong.

Napatigil ako sa paglagay ng lotion sa aking katawan at napanguso. Kani-kanina lamang ay hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nag-a-assume na naman ako sa kinilos n'ya kanina.

Parang nagpapansin kasi s'ya kanina sa akin habang nakikipag-usap ako sa lalaking naging kaklase ko no'ng high school. Sa private school kasi ito pumasok kaya magkaiba ang pinapasukan namin.

Tanong nang tanong si Xandro kanina tungkol kay Nap. Ano raw paborito nito dahil bibilhan n'ya ng regalo sa birthday. Random lang naman ang tinatanong n'ya sa akin at feeling ko gusto n'ya lang agawin ang atensyon ko.

Wala sigurong kausap kaya ako ang inistorbo. Hindi na tuloy kami nakapag-usap ng ka-batch ko dahil sa kan'ya. Kaya no'ng bumaba ako sa multicab ay tinarayan ko ito sa inis ko. Tinaasan n'ya lamang ako ng kilay at mukhang tuwang-tuwa.

“Feeling close nga kanina sa akin no'ng sabay kaming umuwi,” ani ko kay Zendra. Rinig ko ang pagkasinghap n'ya at kinikilig na humiyaw.

“Hala! Dumadamoves na ang pulis sa 'yo, Nov! Gosh! As in sabay kayong umuwi?”

Napaikot ang mata ko sa pagiging overreacting n'ya.

“I mean parehong multicab lang ang sinakyan namin kanina. Nagkataon lang na papauwi na kaming dalawa. H'wag kang mag-assume.” Napatigil ako sandali sa huling sinabi n'ya. “Criminology student pala s'ya?”

“Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na hindi mo s'ya kilala. Oo, future police si German guy, be.”

Napakagat ako sa sariling labi sa biglang pumasok sa aking isipan. Inaamin kong na-attract kaagad ako sa kan'ya kanina at tudo deny lang ako. Dinadaan ko nga lang sa pagtataray ko kanina para hindi n'ya isipin na easy to get ako tulad ng mga babae. Mabait naman s'ya kanina, ngunit kailangan kong lagyan ng boundaries ang pagitan namin.

Ayaw ko kasing ma-involve sa sikat na lalaki dahil for sure pag-uusapan kami ng mga babae na nagkakagusto sa kan'ya. Ayaw ko nang dagdagan ang spotlight ko.

“Ayaw ko sa police,” mapait kong bulong, at narinig naman iyon ni Zendra.

“Bakit naman?” umiba ang tono n'ya sa pagdigusto.

Tinabi ko ang lotion at humiga sa aking kama na sakto lamang para sa akin. Nilagay ko sa ibabaw ng dibdib ko ang cellphone at tumitig sa kisame. Sandali akong napaisip sa magiging sagot ko.

“Takot ako sa mga police.”

“Gagi, dahil ba sa mga delikadong tarbaho nila?” tanong n'ya ulit.

“Hindi lang iyon. Takot lang ako sa posibilidad na saktan ako. Marami kasi akong nakikita sa social media tungkol sa mga Pulis na sinasaktan ang kanilang kinakasama,” mahina kong sagot.

“Hindi naman lahat ng Pulis nananakit. Masyado kang nega! At saka mabait si Xandro, be! Trust me!”

Mabilis ang kabog ng dibdib ko sa isipang nananakit si Xandro. Hindi naman magiging kami at advance kaagad ang isip ko. Pero what if lang kung may boyfriend akong  Pulis, 'di ba? Dati pa man takot na ako sa mga pulis, basta may hawak na baril.

Kung magkakagusto man ako, ibang profession sana basta h'wag lang Pulis o army. Pero kung si Xandro, why not? Jokey! Jokey! Hindi lang ako assumera, ambisyosa rin ako.

Napasimangot ako, kung ano-ano ulit ang iniisip ko. “Bakit ba parang nire-recommend si Xandro sa akin? Wala akong plano magka-boyfriend ng criminology.” Kriminal na lang. Jokey ulit!

Dinig ng taenga ko kung paano s'ya tumawa sa kabilang linya. “Kasi nga wala ka pang boyfriend. Matagal nang may gusto si Xandro sa 'yo. Naku! Kung alam mo lang.”

Napangiwi ako. “Seryoso nga kasi, Zendra.”

“Seryoso naman ako, ah! May gusto nga sa 'yo iyon! Kaya ako na gumawa ng paraan para magkalapit kayo. Kung hindi pa kita inutusan ay baka habang buhay na lang s'yang maging torpe.”

Napailing-iling ako, hindi ko kayang maniwala. May kung ano akong naramdaman sa isipang may gusto sa akin ang lalaking iyon. Paanong nagustuhan n'ya ako? Ngayon ko nga lang s'ya nakita. Ayaw ko na ulit maging assumera.

Iniba ko na lamang ang usapan para naman tumigil na s'ya. Maya-maya at natapos ang pag-uusap namin. Kinuwento lang naman n'ya ang nangyari sa municipality. Good news daw na pagkatapos ng pag-aaral n'ya ay may kukuha sa kan'ya na kompanya para ro'n magtarbaho. Masaya tuloy ako para sa kan'ya.

Hindi ko mapigilan na isipin kung ano ang gagawin ko kapag nakatapos ako sa pag-aaral. Hindi naman ako gano'n kahilig sa negosyo pero kinuha ko pa rin ang business administration. Iyon kasi ang gusto ng magulang ko at ayaw kong sabihin sa kanila na ayaw ko no'n.

I don't want them to be disappointed. Para naman daw sa akin ito kaya umoo na lang ako. And besides, wala rin akong maisip na ibang kurso.

Minsan sumasagi sa isipan ko na kung mag-model na lang kaya ako? Gusto ko rin naman iyon. Kaya ko naman sigurong pagsabayin ang negosyo sa pagmomodelo ko, 'di ba?

Maaga akong pumasok para makapag-almusal sa canteen. Mas mura rito kaysa sa cafeteria kaya rito na ako bumili.

Tatlong egg burger at isang tasang kape ang binili ko. Sinuklay ko sa unahan ng buhok ko gamit ang mga daliri ko. Basang-basa ang buhok ko at dali-dali ko lamang na sinuklay kanina para lang makarating dito. Sabog ang buhok ko sa byahe kaya magulo ulit buhok ko.

Dekwatrong nakaupo ako sa aking upuan. Hindi ko na inabala pang suyudin ang buong canteen kung nasa'n ang mga kaklase ko at inabala lamang ang aking sarili. Gutom ako kaya wala na akong paki sa iba na nakatingin sa akin.

Sinuklay ko ulit ang buhok ko sa sobrang init. Hanggang ilalim ng dibdib ko lang naman ang buhok ko na maalon sa dulo. Natural ko itong buhok kaya siguro ako inaaway ng ibang kaklase ko dahil hindi sila binayayaan ng maganda at natural na buhok. Char!

Nguya ko ang kinagat kong egg burger nang biglang may naglahad ng maugat na kamay sa aking harapan, nakapatong ang kulay green na tali sa palad.

Napatigil ako nang inangat ko ang tingin ay s'ya kaagad ang tumambad sa akin. Mukhang kararating n'ya lang dahil sa mabasa n'yang buhok. May ilan pang bangs na bumagsak sa noo at mata n'ya.

“Talian mo buhok mo kung naiinitan ka,” aniya na multong ngiti sa labi. Umupo s'ya sa harapan ko.

Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Zendra na may gusto ito sa akin. Tinitigan ko s'ya at hindi ko naman mabasa ang tumatakbo sa kan'yang utak.

Tinanggap ko na lamang ang pang tali at sinimulan nang sikupin ang buhok ko. Nang matapos kong talian ay natigilan lamang ako nang makitang nakatitig pa rin s'ya sa akin. Kanina pa ba s'ya gan'yan?

Nakaisip tuloy ako ng kalokohan. “Anong tingin-tingin mo d'yan? May gusto ka ba sa akin?” asar ko rito.

Hindi s'ya sumagot. Ang siko n'ya'y nasa lamesa habang nilalaruan ng kan'yang daliri ang ibabang labi na nakaawang. Hindi n'ya iniwasan ang kakaibang klaseng tingin n'ya. Kung makatitig sa akin ay parang hindi ako nakakasawang tignan.

Tinaasan ko s'ya ng isang kilay at napalawak ang ngiti n'ya. Napayuko s'ya sandali at inangat ulit ang tingin.

“Wala kang boyfriend 'no? Baka naman... P'wedeng manligaw.”

Halos atakin ang puso ko sa kan'yang sinabi. Ni hindi man lang n'ya tinanggi kung may gusto s'ya sa akin at talagang gusto n'yang manligaw!

Napainom tuloy ako ng kape at muntik nang mapaso ang bibig ko sa init nito. Agad n'ya tuloy na inilayo ang baso sa akin nang medyo natapunan ako ng kape sa kamay.

“Sh*t. Masakit ba kamay mo? Ito wipes.”

Nagmamadaling naghalungkat s'ya sa bag n'ya at s'ya mismo nagpahid ng kamay kong natapunan ng kape. Hindi makapaniwalang tinignan ko ang bawat galaw n'ya.

Napalunok ako sa sariling laway sa kakaibang kuryente na dumaloy sa katawan ko nang hawakan n'ya ang aking kamay. Magaspang ang kamay n'ya na sa tingin ko'y may mabibigat itong tarbaho. The way his hand caressed my soft skin was gentle. Tila takot na magasgasan ang kamay

Natauhan din ako nang bitiwan n'ya ang kamay ko nang natapos ito. Napatikhim ako at hindi masyadong makatingin sa kan'ya.

“B-Bayaran na ba kita ngayon? May bente pesos na ako,” aniko at niligpit ang pinagkainan ko. Anong oras na at may gana pa talaga akong makipag-usap sa kan'ya. Kahapon nga lang kami nagkakilala.

Kinagat n'ya ang ibabang labi na parang may nalalim itong iniisip. “Mamaya na sa uwian. Sabay naman tayong sasakay sa multicab.”

Sinukbit ko ang bag sa balikat ko. “Maaga akong uuwi mamaya. May practice ka, 'di ba? P'wede naman ngayon ko na bayaran.”

“Sasabay ako ng uwi sa 'yo. Ano bang oras ang uwian n'yo?” agap n'yang tanong.

Gusto n'ya talagang sumabay sa akin. Ganito ba ang paraan n'ya para makasama ako? Obviously, he was indirectly telling me that he likes me that's why he wanted to court me.

Ano pa ba ang dahilan n'ya kung bakit n'ya ako nililigawan? Maybe he just find me attractive? Ilang babae na kaya ang inaya n'ya para ligawan?

I sighed. “Four-thirty.”

Napatango s'ya at tumayo na rin nang makitang handa na akong umalis. “Sabay na tayong lumabas mamaya. Hihintayin kita sa labas ng department mo.”

Napakurap ako ng ilang beses. Ngayon naman ay gusto n'yang sabay kaming lumabas para makasigurado s'ya.

“Sige,” tugon ko na lamang na ikinatango n'ya, he looks satisfied to my answer.

Hanggang sa kalagitnaan ng klase ko ay hindi s'ya mawala sa isipan ko. Hindi ako nakasagot tungkol sa panliligaw n'ya kanina dahil sa hanggang ngayon gulat pa rin ako. I just didn't expect him to ask me out just like that. Ni hindi ko s'ya kilala tapos mag-aaya s'yang manligaw.

Marami na ang nagtangkang manligaw sa akin pero hindi ganito ang pagkagulat ko kapag may nag-aaya sa akin. Kung tutuusin may mga itsura rin sila. Some of them are famous, but I immediately take them down. Siguro dahil may nagugustuhan ako.

Napabaling ang tingin ko sa harapan at nakitang seryosong nakikinig si Wastine. Tinutukso kami ng mga kaklase ko na bagay raw kami, kaya siguro ro'n ako nagsimula nagkagusto sa kan'ya. Hindi naman malalim.

I couldn't imagine him liking me back. Balita kasi na may girlfriend ito sa tourism department. Ayaw ko naman maging kontrabida.

But when I met Xandro yesterday, parang may nag-iba na sa akin. Tingin ko mas lamang ang nararamdaman ko sa kano na iyon kaysa kay Wastine. Naguguluhan na rin ako sa aking sarili at alam kong magiging malala ang nararamdaman ko kapag pinagpatuloy ito.

Talagang hinintay nga ako ni Xandro sa labas ng building namin. May kausap s'yang babae, and I think kasama n'ya ito sa dance troupe. Mukhang tourism ang babae dahil sa suot n'yang uniform.

Habang papalapit sa kanila ay ro'n ko lang napansin ang hubog ng katawan ng babae. The girl was tall at agaw pansin ang malaki n'yang hinaharap dahil nakatagilid ito. Mahaba ang straight n'yang buhok at halatang bagay sa pagiging modelo.

Si Xandro naman ay nakasuot NB uniform ng kanilang department. It was my first time seeing him wearing his uniform. Kahapon at kanina kasi naka-civilian lang s'ya. Bagay sa kan'ya ang unifrom lalo na maging Pulis.

Napansin kaagad ako ni Xandro nang lumapit ako sa kanila. Nagsasalita pa ang babae pero kaagad n'ya akong sinalubong. Napatigil tuloy ang babae at mukhang napahiya dahil tinalikuran lang naman s'ya ni Xandro.

“Tapos na klase n'yo?” mahinahon na tanong ni Xandro.

“Yeah.” Napabaling ang tingin ko sa babae nang lumapit ito sa amin.

Hinawakan n'ya ang braso ni Xandro para agawin ang atensyon nito.

“Aalis ka na? Hindi ba may practice tayo?” mahinhin na sambit ng babae at talagang gusto n'yang tumingin si Xandro sa kan'ya ngunit sa akin pa rin ang mga mata nito.

Xandro gritted his teeth like he was annoyed at her. Inalis ni Xandro ang kamay ng babae sa kan'ya at kinuha ang aking bag. Napaamang ako sa kan'yang ginawa.

“Aalis na kami, Perry. Kayo na lang mag-practice ro'n.” Perry pala ang pangalan ng babae. Magkakilala nga sila.

“K-Kaya ko naman, Xandro,” alanganin kong ani, nahihiyang tinignan ko ang babae. Mukha kasing naiinis ito sa akin dahil sa biglang pagsulpot ko.

“Ako na, let's go.” Kinuha n'ya ang palapulsuhan ko at hinila ako. Ni hindi man lang s'ya nakapagpaalam sa babaeng iyon.

Kinuha ko ang kamay ko sa kan'ya at hinayaan naman ako. Parang ayaw pa nga n'ya bitiwan. Sumabay s'ya sa lakad ko at seryosong tumingin sa daan.

“Mukhang importante ang pinag-uusapan n'yo.” Napakagat ako sa sariling labi. “Hindi ka talaga uma-attend sa practice n'yo? Bukas na ang intrams, baka pumalpak kayo.”

“Sila dapat ang mag-ensayo. I already memorize the steps because I was the one who trained them,” aniya, hindi naman nagmamayabang pero napahanga ako.

“Then sino ang babae kanina? Kasama mo sa troupe?”

“Perry, kasama ko sa dance troupe.” Napatingin s'ya sa akin.

Napakagat ako sa sariling labi at umiwas ng tingin. “Close kayo? Mukhang may gusto sa 'yo.”

Hindi ko namalayan ang pait sa boses ko nang sabihin iyon. I'm sure that girl liked him. Mukhang sanay na hinahawak-hawakan s'ya. Kung hindi siguro ako dumating ay baka hindi n'ya inalis ang kamay ng babae sa braso n'ya.

“Magkasama lang kami sa troupe,but I don't consider her as a friend. At wala naman sa akin kung may gusto s'ya,” maagap n'yang tugon. Mukhang ayaw n'yang isipin na may something sa kanila.

I pouted, ayaw kong makaramdam ng inis. For what anyway? Mas matagal ang pinagsamahan nila kaysa sa akin.

Nang ilang minutong hindi ako umimik ay hinawakan n'ya ang palad ko. Inaagaw n'ya ang atensyon ko sa malalim kong pag-iisip.

“Hey, may problema ba?” salubong ang kilay n'yang tanong, mukhang hindi talaga s'ya mapalagay na hindi ako nagsasalita.

“Nothing.”

Napabuntong hininga s'ya at bahagyang pinisil ang kamay ko. Ngayon ko lang din napansin na ganito na kami kalapit. Hindi ko lang pinapansin ang kakaibang daloy ng aking sistema dahil sa pagdampi ng kan'yang palad sa akin.

“I like you, more than that. That's why it doesn't matter if she likes me. What matters to me is kung paano mo ako magugustuhan. Ikaw lang ang gusto ko.”



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro