CHAPTER 01
CHAPTER 01
I silently took a book that was placed in the higher bookshelves and got down from the staircase. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo dahil sa hirap na hirap kong kinuha ang medyo makapal na libro na ito para kay Zendra. Nag-ask kasi s'ya ng favor na kunin ko ang criminology book sa itaas dito sa dulo ng library.
At dahil mabuti at maganda akong kaibigan, pumayag ako.
Kinuha ko ang mamahaling cellphone sa bulsa ng aking palda at tinawagan ang numero ng kaibigan ko. Naka-apat pa lang ng ring ay kaagad na n'yang sinagot ito.
“Where na you ba? Nakuha ko na ang libro na pinapakuha mo,” nakalabi kong wika habang hinihintay ang kan'yang sagot.
Sumilip pa ako sa bawat gilid banda sa aking kinaroroonan at baka sitahin ako ng librarian na sobra kung maka-react na kesyo maingay raw ako. Akala n'ya siguro hindi ko nahahalata na may galit talaga s'ya sa akin. Duh! Inggit siguro sa kagandahan ko.
“Nandito ako sa municipality, Nov,” sagot n'ya mula sa kabilang linya.
Napakunot ang noo ko. Paano s'ya kaagad nakarating sa municipality? Usapan namin kanina uuwi kami ng sabay dahil wala akong sundo. Ayos naman sa akin na mag-commute na lang ngunit paano ko naman maibibigay ang librong ito sa kan'ya?
“Iniwan mo ba ako, my friend?! ” napalakas ang boses ko at nakapatakip din kaagad nang maalalang nasa library ako. Kaya nga ayaw ko rito dahil hindi ako makapagsalita nang malakas.
“Sorry talaga, Nov, at kinakailangan ko kasing magdali. P'wede mo 'bang ibigay kay Xandro ang libro? Huling favor na ito, Nov.”
Nameywang ako at mas lalong nagsalubong ang kilay. “Sinong Xandro, be? New boyfriend mo ba, be? Hindi ko s'ya kilala.”
“Gagi ka talaga! Hindi mo kilala? Imposible, kaibigan lang ni Kuya, oy!” bulalas n'ya na parang sinasabing saang planeta ako galing at hindi ko kilala ang nangangalang Xandro.
“Madami akong kakilala na lalaki pero wala akong natandaan na may pangalang Xandro,” iling-iling kong saad.
Iniisip ko rin na baka kilala ko na ito at nakalimutan lamang ang pangalan. Sa sobrang daming guwapo rito sa university ay talagang malilito ako. Mahina ang utak ko sa memorization kaya posible na nakalimutan ko ito. Iyon ay kung isa s'ya sa pinakaguwapo rito talagang hindi ko makakalimutan!
“Gosh, Novale. Student Council ng Criminology Department hindi mo kilala? 'Yong treasurer na guwapong German guy?”
Napabuga ako nang hininga at napahilot sa noo. “Wala talaga at wala akong pakeys. Can you straight to the point muna? Saan ko naman s'ya makikita ngayon, aber?”
“Sa dance studio na pinupuntahan ni Kuya, alam mo na iyon. Bigay mo sa pinakaguwapong lalaki, ah? Sige na goodbye na, friend!”
Akmang magsasalita pa sana ako nang patayan n'ya ako ng tawag. Napaismid ako at hindi na tumawag pa. Baka naka-istorbo ako sa kan'yang gawain kaya hayaan na.
Alas-singko na nang hapon at nagmamadaling tumungo ako sa dance studio. Tugtog ng speaker ang agad kong narinig bago pa ako nakapasok sa loob.
Mga nasa sampong lalaki ang nag-eensayo sa pagsasayaw sa dance floor at limang babae naman ay nakaupo sa sahig. Mukhang kasali rin sila sa dance troupe.
Tahimik na sumandig ako sa pader na gawa sa salamin. Napapalibutan kasi kami ng salamin. Hip-hop ang sinasayaw nila, sobrang bilis ng galaw na talagang napanganga ako sa tikas ng kanilang pangangatawan. Lalo na 'yong nasa gitna.
Mukhang napansin ako ng isang babae at tila nagulat ito nang makita ako rito. Bumulong s'ya sa kan'yang katabing babae at sila'y napatingin na sa akin. Sobrang ganda ko siguro kaya napanganga sila nang masilayan ang aking mukha. Chars lang!
Napunta ang tingin ko sa pinaka-leader ng grupo na mahusay na ginagalaw ang katawan. Mukhang may lahi dahil sa sobrang taas nito, dagdag pa na makisig ang pangangatawan n'ya. Nakatalikod s'ya sa aking gawi.
Hindi masyadong maputi, half Filipino siguro. His hair was blonde mixed with black, and undercut style.
“Pst! Xandro! Nandito crush mo!” medyo malakas na pagkakasabi ng babaeng unang nakakita sa akin. Malapad ang ngiti nitong winagay-wagay ang kamay sa ere na parang kinikilig.
Napakurap ako ng tatlong beses nang napatingin ang ibang kalalakihan sa akin. Tulad ng ibang babae ay tila nakakita sila ng isang himala. Himala ba na makakita sila ng diyosa na kagaya ko? Ehem! Taas din ng sarili ko, ah.
Umalis ako sa pagkakasandig nang tumigil sila sa pagsasayaw. Mukhang naagaw ko ang atensyon nila na pati 'yong leader nila ay napatingin sa akin. Tulad nila'y tulala rin itong makita akong papalapit sa kanila.
Hindi ko maiwasang na titigan ito. Sa lahat ng kalalakihan dito ay s'ya ang umagaw ng pansin ko. He's wearing a simple white shirt and black khaki pants.
Inalis ko rin kaagad ang tingin sa kan'ya dahil sa pagkailang. Para kasing buong pagkatao ko na ang tinitignan n'ya.
“Kuya Nap,” tawag ko sa kapatid ni Zendra. Nandito naman pala ang kapatid n'ya. P'wede naman sa kan'ya na lang ibigay ang libro.
Nakangisi itong lumapit sa akin. Tinignan n'ya muna ang lalaking kano at saka ako hinarap. Hindi ko maintindihan ang titigan nilang dalawa bago s'ya bumaling sa akin.
“Dala mo ang libro?” tanong ni Kuya Nap.
“Oo— wait.” Kinuha ko ang libro sa aking bag. Namatay ang music kaya naging tahimik ang paligid. Ewan ko ba kung bakit nakapalibot sila sa akin at sinisiko ng mga lalaki ang braso ng lalaking kano.
Nilahad ko kay Kuya Nap ang libro pero umiling ito. Tumingin ulit sa kanilang leader na hanggang ngayon nakatitig pa rin sa akin! Grabe naman kung makatitig ito pero hayaan na. Siguro ngayon lang nakakita ng diyosa, eh.
“Bigay mo kay Xandro. S'ya naman talaga ang nag-utos na kunin ang libro,” ngising ani Kuya Nap. Sinenyasan n'ya ang mga kasama na umalis at tanging kaming dalawa lamang rito at nasa dulo sila na mukhang may pinag-uusapan.
Napataas ang kilay ko at tinignan ang lalaking umagaw ng atensyon ko. Sabi ni Zendra ibigay ko raw sa pinakaguwapong lalaki kaya lumapit ako rito.
“Xandro?” tanong ko para kumpirmahin na s'ya nga kahit halatang s'ya naman talaga. Napatanga ako sa kan'yang harapan dahil sa sobrang taas n'ya. Napababa naman ang tingin n'ya sa akin.
I saw how he licks his lower lips. The sweat on his forehead was visible. Kahit pawis na pawis s'ya ay sobrang guwapo pa rin n'ya. I ain't gonna lie about it. Parang ang sarap suklayin ang buhok n'ya gamit ang mga daliri ko.
“Ako nga,” his baritone voices echoed to my ears. It was sexy that I almost drop my jaw. Buti na lang agad kong pinigilan na magulat sa sobrang ganda ng kan'yang boses.
Pasimpleng kinagat ko ang ibabang labi na ikinatingin n'ya rito. Agad ko namang itinikom ang bibig at inabot sa kan'ya. Tumikhim ako.
“Pumunta si Zendra sa municipality kaya inutusan n'ya ako na ibigay ito sa 'yo,” ani ko.
Kinuha naman n'ya ang libro sa akin. Maugat ang kan'yang kamay. “Thank you for this.”
Ngitian ko s'ya. Tila natigilan ito sa kan'yang kinatatayuan. Ang kan'yang mga mata ay lumambot bigla sa 'di malamang dahilan.
Do'n ko lang din napansin ang kulay ng mga mata n'ya nang sandali kong natitigan. It feels like I was staring at his ocean and nature, sea-green eyes. Natigilan ako sa sobrang ganda ng mga mata n'ya. He's the most handsome man I ever seen. Wow, may ganito palang klase na kaguwapuhan. To the highest level, eh.
Napansin n'ya ang pagtitig ko sa kan'ya kaya napangisi ito. Pinamulahan naman ako ng pisngi at lumayo sa kan'ya. Baka pagkamalan pa ako nito na may gusto sa kan'ya. Haler! Guwapo s'ya pero hindi ko s'ya type.
“I have to go. G-Goodbye."
Tumalikod ako rito at hindi pa ako tuluyang nakahakbang nang bigla n'yang hinawakan ang palapulsuhan ko. Napatigil ako at tinignan s'ya na may pagtataka.
Bumuka ang bibig n'ya na parang nagdadalawang isip kung magsasalita ba s'ya o hindi. Naglulumikot ang mga mata n'ya. Sa huli ay nagsalita rin naman.
“Are you... going home now?” tanong n'ya sa mahinang boses, na para bang nahihiya ito.
Kahit nagtataka ay tumango ako. “Anong oras na po kasi. Aalis na ako.” Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa magpaliwanag.
Hindi ko na ito hinintay pang magsalita at tinalikuran s'ya. Kumaway lamang ako kila Kuya Nap at sa mga kasama nito bago lumabas.
Nakahinga ako nang maluwag nang nakalayo na ako sa dance studio. Bakit ngayon ko lang s'ya nakilala? I'm sure most of the students know him na dahil sa kaguwapuhan nito. Bakit hindi ko man lang s'ya napansin?
Napailing na lamang ako at lumabas na ng university. Kailangan kong maglakad ng ilang minuto bago makalabas ng university. Dapat siguro mag-boyfriend na ako para naman hindi ako mahirapan sa pag-uwi. Char!
Pumasok ako sa multicab at kaunti na lamang ang mga estudyante dahil anong oras na rin. Nilabas ko na lamang ang cellphone ko habang naghihintay pa ng pasahero.
Naramdaman kong may tumabi sa akin na amoy lalaki bago ko narinig ang driver na kinukuha na nito ang bayad namin. Kukunin ko na sana ang pambayad ko ngunit wala akong barya. Baka wala silang sukli sa five hundred.
“Wala silang pang sukli.”
Napaangat ang tingin ko sa aking katabi nang magsalita ito. Napaawang ang bibig ko sa gulat nang makita s'ya sa aking tabi. Hindi ba sa eskwelahan pa ito?
“S-Sinusundan mo ba ako?” gulat kong tanong. Halos sabay lang din kami nakarating dito kaya baka sinundan n'ya ako.
Amusement was evidence to his expression. He suddenly smirked at me.
“Paano mo nasabi, Miss?”
“N-Nandito ka, eh,” utal kong sagot.
“Uuwi rin ako, saan ako sasakay kung gano'n?”
Pinamulahan ako ng pisngi sa pagiging assumera ko. Oo nga naman, Novale. Maya-maya maggagabi na kaya malamang sasakay s'ya rito para makauwi!
Umiwas na lamang ako ng tingin ang sarili. Napakagat ako sa sariling labi sa sobrang hiya ko. Hindi ko magawang barahin s'ya para iligtas ang sarili sa kahihiyan. Alam ko kasing nakangisi s'ya ngayon at nang-aasar na hinihintay na tumingin ako sa kan'ya.
“Dalawa po sa amin, Manong,” rinig kong sabi n'ya.
Kita ko ang pagkuha n'ya ng dalawang bente sa kan'yang itim na pitaka at ibinigay sa driver. Bumaling s'ya sa akin at malapad akong ngitian. But still I could sense the amusement of the way he smiled at me. Tuwang-tuwa ang kano, ah.
Gusto ko s'yang taasan ng kilay pero sa susunod na lang. “B-Bayaran na lang kita bukas.”
Patagilid s'yang sumandig sa kan'yang kinauupuan at bahagyang tinukod ang siko sa likuran na sinasandigan ko rin. Nakaharap ang katawan n'ya sa akin at naka-side view naman ako.
“Kailan ang free time mo?” tanong n'ya. Gumalaw ang labi n'ya at tinikom din.
Umiwas ako ng tingin nang umandar na ang multicab. “Sa uwian na lang. Mga alas-singko.”
“Sabay tayong uuwi bukas?” bigla n'yang tanong na parang kaibigan lang kami kung makipag-usap ito sa akin. Agad naman akong natigilan nang mapagtanto ang sinabi ko.
Kung sa uwian ko pa s'ya babayaran ay ibig sabihin no'n parehong sasakyan ulit kami at sabay rin na uuwi sa gano'ng oras.
“E-Ewan, basta uuwi ako ng alas-singko. Hindi ba may practice kayo no'n? ”
Nang bumaling ako sa kan'ya ay nadatnan kong nakatitig s'ya sa akin. Halos mahigit ko ang aking hininga na bahagyang magkalapit ang aming mukha. Umoy ko ang mabangong perfume n'ya.
I don't know if I really saw that his eyes landed to my lips. Pagkakurap ko ay nasa labas na ang tingin n'ya.
“I don't mind if I couldn't attend in our practice, as long as I'll be with you tomorrow.”
“A-Ano?” Ano ba ang pinagsasabi nito? Ibig ba n'yang sabihin talagang sasabay s'ya sa akin para mabayaran ko s'ya kaagad at hindi s'ya a-attend ng practice dahil do'n?
He turned his sea-green eyes on me. It field with different kinds of emotion that I can't name with. But I'm sure that I saw how his eyes softened as I stared at him.
“I'm just making sure na babayaran mo ako. Marami akong mabibili sa bente,” aniya na ikinanganga ko.
Mukha naman s'yang mayaman tapos takot na hindi ko s'ya mabayaran kaagad? Ibang klase. Bigyan ko pa s'ya ng fifty, eh.
Napasimangot ako sa kan'yang sinabi na ikinatawa n'ya sa mahinang boses. Ayan na naman ang nakakalokong ngisi n'ya.
Unang tingin ko pa lang sa kan'ya ay seryoso s'yang klaseng tao. Mga mata n'ya'y nakakaakit ngunit inosente naman kung titignan. Tila s'ya 'yong klaseng tao na simple lang. Sikat kaya ito sa university namin? I guess, treasurer daw s'ya sabi ni Zendra kanina, eh. Malamang maraming nagboto rito.
There's really something about him that caught my attention. As I looked at him right now, para s'yang isang misteryong lalaki para sa akin. Para s'yang bad boy na study hard. Does he have a girlfriend?
Grabe! Ba't ko naman naisip ang gano'n?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro