Chapter 9
Kinabukasan, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Mama Miranda. Pinaalam niya sa akin ang pagbisita nilang dalawa ni Papa sa bahay. Ang sabi niya pa ay nasa bus terminal na sila. May tatlong oras pa ng biyahe.
Dahil Linggo ngayon at wala kaming pasok dalawa ni Miro, nagawa naming maghanda sa pagdating ng aking mga manugang. Habang naglilinis ng sala ang aking asawa ay naging abala naman ako sa pagluluto ng paboritong kare-kare ni Mama.
"Saan na daw ba sila?"
Ibinaba ko ang sandok sa ibabaw ng bowl nang marinig ang boses ni Miro mula sa likuran. Nalingunan ko siyang sinasandal ang walis-tambo sa gilid ng refrigerator.
"Hindi pa ulit nagtext si Mama pero baka nakasakay na iyon ng bus," nakangiti kong sambit ngunit natigilan nang mahagilap ang iilang butil ng pawis sa kanyang noo. "Napagod ka yata sa paglilinis."
Lumipat ako sa kanya, ilang dangkal lamang ang iniwang espasyo sa pagitan, bago dumapo ang palad sa namamawis na noo ni Miro. Marahan ang hagod ng aking kamay habang pinupunasan ito. Napapikit si Miro at kinagat ang ibabang labi.
Natigil lamang ako nang hulihin niya ang aking pala-pulsuhan sabay sabing, "Iyong niluluto mo, my."
"Hala, oo nga pala!"
Mabilis akong nabalik sa dating kinatatayuan. Narinig ko naman ang kanyang baritonong pagtawa na tila ba hinalukay pa sa kanyang puso ang vibration na likha ng kanyang tuwa. Mabibilang lamang ang pagkakataong tumawa itong lalaking ito ngunit nakakataba ng puso dahil sa bawat tawa niya, ako ang dahilan. Gaya noong dati.
With the progress of our research paper comes the opportunity and time to know Miro better. Gaya noong pangatlong beses na nagkita kami sa school garden. Lunch na ngunit naisipan naming gamitin ang oras para sa research.
"Naglunch ka na?"
"Hindi pa," simpleng sagot niya at muling ibinalik ang tingin sa laptop ko na siyang ginagamit niya ngayon.
"Ako rin," natatawa kong sagot. "Wala akong pera ngayon e. Binili ko ng external hard drive 'yong allowance ko kanina tapos 'di ako nakadala ng extra."
Bahagyang nangunot ang noo ni Miro ngunit naroon pa rin ang tingin niya sa laptop, nagtitipa. "Edi mangutang ka sa mga kaibigan mo."
Napailing ako at muling tumawa, "Ang dami ko ng utang sa kanila."
Mabilis na dumapo ang kanyang tingin sa aking mukha at nagtagal iyon ng ilang segundo. Nginisihan ko lamang siya at tuluyang nilayasan ng hiya ang katawan ko nang isinambit ang nasa isipan, "Salo na lang kaya tayo sa pagkain mo? Don't worry may kutsara akong dala always."
"Singil mo ba 'to sa ginawa mong paglibre sa akin noon?" Napabuntong-hininga si Miro. Sinundan ko ng tingin ang kanyang kamay at nahuli ko itong hinuhugot ang blue na tupperware mula sa kanyang bag. "O, eto."
Siya na mismo ang nagbukas noon bago iyon inilapag sa lamesa, sa harapan ko. Bumaba ang tingin ko sa kanin at isdang nakapresenta sa aking tapat.
Lalong lumapad ang aking ngisi at mabilis na kinuha sa loob ng aking bag ang kutsara. "Itabi mo muna ang laptop at kumain na tayo."
"Sa'yo na iyan. Mamaya na lang ako kakain."
"No way! Sabay na tayo." Inusog ko palapit sa kanya ang tupperware bago pinunit iyong cellophane ng toyo. "Ilang subo lang naman ang mauubos ko. Marami naman 'to."
Napabuntong-hininga na lamang siya at naglabas na ng bottle ng tubig mula sa kanyang bag. Naghati kami sa dalawang slice ng isda at sinawsaw ko iyon sa toyo bago sumubo.
Lumulobo pa ang aking pisngi habang ngumunguya ngunit agad akong natigilan nang biglang may pumipitik na init sa aking dila at sa ibabang labi. Mabilis akong napatalikod at tinakpan ang bibig bago bahagyang nabuo. Sinikap kong lunukin ang pagkain sa aking bibig.
Muli akong humarap nang marinig ang tanong ni Miro, "Anong nangyayari sa'yo? Nabilaukan ka kaagad?"
My nose writhed."Ang anghang!"
Saglit na tumaas ang dalawa niyang kilay ngunit bigla rin siyang humalakhak. Iyong halakhak na kaming dalawa lang din ang nakakarinig. Napanguso naman ako at mabilis na inabot ang tubig niya. Natigil siya sa pagtawa nang makitang lumapat ang labi ko sa labi ng bottle.
"Nainuman ko na 'yan, Jean!"
Nahila ang aking isipan pabalik sa kasalukuyan nang umalingawngaw sa loob ng kusina ang malakas na tinig ng basong nahulog sa sahig at nagkandapira-piraso. Nanlamig akong bigla. Nagkatinginan kami ni Miro na siya palang nakasagi doon sa baso. Bigla ako napahawak sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok ng aking puso. Siguro ay dulot na rin ng pagkabigla.
"Ako na, Miro," mahina kong sambit at pilit na pinakalma ang sarili.
Akmang lalapit na ako sa pwesto ni Miro nang marinig ko ang malakas na pagtunog ng cellphone sa sala. Iniwan ko muna si Miro sa kusina at dali-dali kong kinuha iyon at sinagot ang tawag.
"Hello..."
Nangunot ang noo ko nang marinig ang boses sa kabilang linya. I thought it was Miro's mother calling, but I couldn't recognize the voice on the other line.
"Hello po," ulit pa nito. "Kapamilya po ba kayo ni Miranda Salazar?"
Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Muling lumakas ang tibok ng aking puso sa hindi malamang dahilan at tila may bara sa aking lalamunan nang sabihing, "Opo, asawa po ako ng anak niya."
"Ikinalulungkot ko pong ibalita na nadamay po sa isang aksidente ang mag-asawang Salazar. Nagkasalpukan po ang sinakyan nilang bus at isang truck."
"Ho?" Nanginig ang aking tuhod at nangilid ang luha sa aking mga mata. "Anong ibig mong sabihin? Asan na po sila ngayon?"
"Dinala na po sa morgue."
Tuluyang na akong napahagulgol. Nagsasalita pa iyong tumawag at sinasabi ang address ngunit hindi ko na nasundan pa ang ibang mga salita. Nabitawan ko ang cellphone nang marinig ang nag-aalalang boses ni Miro sa aking likuran. Hindi ko na naisip na baka mabasag ito o ano. I walked towards my husband, my tears falling down my cheeks. Sobrang sikip ng puso ko. Niyakap ko siya ngunit nawawala na ng lakas ang buo kong katawan upang higpitan iyon. Para lang akong tuwalyang nakapulupot sa kanyang beywang na malapit nang malaglag.
I sobbed against his chest. His right hand caressed my back. He can't do it with both hands because he was holding his crutch with the left.
"Anong nangyayari? Ba't ka umiiyak ng ganito?"
Mariin akong napapikit. His voice was soothing and full of concern. It has always comforted me, but not at this moment. I can't utter a word. I'm too scared to utter a word. Ayokong sabihin sa kanya ang sinapit ng mga magulang niya. It will shatter his heart and trouble his soul. But there's no use of hiding what happened.
"Miro..." Lumayo ako sa kanya bahagya at hinuli ang kanyang mga mata. He looked puzzled and worried while my nerves were shutting me down. "God, I'm so sorry. Si Mama at Papa..."
Muli akong napahagulgol. Humawak ako sa magkabila niyang braso. His muscles tensed. I know he's about to figure out what I'm crying about.
"What about them?" His voice vibrated low. "Jean, tell me straight."
I heaved a deep breath. Barado na ang aking ilong at nanlalabo na rin ang aking paningin pero pinilit kong tingnan siya mata sa mata habang binibigkas ang mga salitang dudurog sa kanya. "Nasa morgue sila ngayon. They got into a car accident, Miro."
I heard nothing from him for seconds. He just stood there with clenched jaw as if frozen by time. I watched him as he took a step so slow, his legs obviously weakening. I assisted him and the next thing I know we were standing in front of two cold bodies in two different beds. Napahagulgol si Miro habang ako'y papunas-punas na rin sa bawat butil ng luhang kumakawala sa aking mga mata.
Sumisilip sa itim na balot ang nakapikit na mata ni Mama. Sa tabi naman niya ay si Papa na balot na balot na sa itim na tela. Ilang beses kong narinig ang malutong niyang pagmumura habang hinahaplos ko ang kanyang likuran. Nangangalay na ang mga paa ko ngunit si Miro'y halos malimutan na ang paghawak sa saklay, tila namamanhid.
"Ma... please don't leave me yet," pabulong niyang sambit at muling humagulgol. "Paano na ako kung wala kayo?"
Nanikip ang aking dibdib sa narinig. How about me, Miro? I am here. I am here for you. Pero natigilan ako nang matanong din sa sarili kung sino nga lang ba ako. I know, hindi ko kailanman mapapalitan ang magulang ni Miro sa naging parte nila sa buhay ng asawa ko. They will always be his parents.
"Ma... Pa... Hindi pa ako nakakabawi sa mga naging sakrispisyo niyo. I'm only starting. Pero bakit ganito agad?"
Seeing him like this, so wrecked and devastated, doubles my pain. Pero kahit na magtriple pa o maging milyon itong sakit sa puso ko, pilit kong ipagdadasal na sana ay may milagrong maglipat ng dinaramdam ni Miro sa akin.
"Ma... Pa..." he cried desperately, like a child lost in the middle of nowhere.
I embraced him tight. We cried together. He weeped while I sobbed. Everything seemed to be a nightmare, but I know we're awake. This is reality. Sad, tragic reality.
"Ma, huwag niyo naman akong iwan nang ganito. Nangangapa pa rin ako sa buhay ko ngayon. Kailangan ko pa po kayo!"
Nabitawan ko ang kanyang likod. Tila may pumipiga sa aking puso. I wanted to tell him that I'm still here. Na kaya kong gampanan kahit ang pagiging magulang sa kanya. Na kung kailangan niya ng masusumbungan at ng makakapitan, nandito lang ako. I can be his wife, his mother, his father, his guide. I can be it all. If only he could see me clearly.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro