Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

"Sorry po—"

Tatanggi talaga sana ako kaso biglang sumingit ang tunog ng aking tiyan. Napangisi si Sir Wade dahil doon. Hilaw akong napangiti sa kahihiyan. Ilang ulit kong hiniling sa isip ko na sana'y maglaho na lamang ako na parang bula.

"Hindi ka pa bababa?" nanunukso ang kanyang himig nang magsalita. "Tara na."

Wala akong nagawa kundi sumama na lang. Akala ko'y sa cafeteria lang ang tungo namin ngunit sa isang restaurant niya ako dinala.

Kaninang nasa building pa kami ay naglakad siya palabas kaya napasunod na lang din ako. Ayoko namang masabihang bastos kung bigla akong lumihis ng daan. Inimbitahan niya ako nang maayos kaya 'di pwedeng basta ko na lang siyang iwan.

Hindi ito ang unang beses na nagyaya si Sir Wade ng lunch. Ilang beses ko na siyang natanggihan noon ngunit may mga pagkakataon talagang gaya nito na napapasama na lamang ako.

Tahimik kami sa maikling biyahe. Tuwing nagtatanong si Sir tungkol sa trabaho ay tipid ko lamang iyong sinasagot. Kung anong tanong niya, doon lang rin nakasentro ang sagot ko. Wala ng dugtong o extra. I find it a bit awkward to be locked inside Sir Wade's car with him alone kaya itinuon ko ang pansin sa mga billboard na nadadaanan.

Sa isang Korean restaurant niya ako dinala. May lumapit na waiter at tinanong kaming pareho sa aming order.

"Chicken teriyaki for two." Mataman niya akong tinitigan bago ngumiti. "You should try it, masarap."

"Oh..." I suddenly felt the loss of words but I tried to reply quick, "I... I would love to, Sir."

Napatango siya. May multo ng ngiti sa labi. Bago pa man makapagbukas ng bagong usapan ay dumating na ang pagkain. Tanging kubyertos lamang ang naririnig ko habang nilalapag ng waiter ang mga ito sa aming table.

"Nakakain ka na ng mga Korean dishes?" kuryoso niyang tanong nang umalis na ang waiter. "I read from your resume that you can speak Korean."

"Self-taught at... uhm, sa bahay minsan nagluluto po ako." Bahagyang nangunot ang kanyang noo, tila nagpapahiwatig ng kanyang interes sa pakikinig. That urged me to talk more. "Nanonood lang ako sa Youtube ng tutorials sa pagprepare ng dish tapos ginagaya ko na."

He pursed his lips tight and nodded for a couple times. "Masarap naman ba?"

"My husband..." Hindi ko maitago ang ngiti sa aking labi nang mabanggit si Miro, "He enjoys eating Korean foods that I cook for him kaya masasabi kong masarap."

Unti-unting nag-isang linya ang kanyang labi. Naitikom ko ang aking bibig dahil doon. Naging awkward na talaga. Sabay kaming napayuko at ibinaling ang atensiyon sa pagkain. Nakagat ko ang ibabang labi nang marinig ang malakas niyang pagtapik-tapik ng chopsticks sa table. Pasimple ko siyang sinulyapan. Nagsimula siyang sumubo kaya sumunod na rin ako.

Akala ko'y matatapos ang pagkain namin na walang kibuan ngunit muli siyang magsalita, "About sa sinabi ko kaninang ililipat kita sa office ko bilang secretary, I hope you give it a thought."

Nariyan na naman ang mataman niyang pagtitig diretso sa aking mga mata. Napaiwas na lamang ako ng tingin bago sumagot, "I will, Sir. Thank you for the opportunity."

Iyon ang huli naming napag-usapan bago niya mapagdesisyunang bumalik na sa kompanya. Mas naging mabilis ang biyahe pauwi. Wala na rin kaming napag-usapan sa loob ng kanyang kotse. Pabor iyon sa akin dahil sa ilang minuto'y nakapagpahinga rin ang isipan ko.

"Hindi na kita mahahatid sa floor mo," sambit niya habang nasa elevator pa kami.

Napasinghap ako at bahagyang umatras. "Hindi naman po kailangan."

Unti-unting bumukas ang lift sa tamang palapag. Mabilis akong lumabas ngunit bago dumiretso sa opisina ay nilingon kong muli si Sir Wade na nasa gitna ng papasaradong lift.

"Salamat po pala sa libreng lunch," magalang kong sambit bago pa man sumara ang elevator.

Akmang pipihitin ko na ang sarili ko sa direksyon ng office nang tumunog ang kabilang lift. Unti-unti itong nagbukas at iniluwa noon ang aking mga ka-opisinang may isa-isang bitbit ng pile ng sheets. Sinalubong ko sila nang may ngiti sa labi ngunit nananantiyang tingin agad ang ipinukol nila sa akin.

"Ano na naman iyong nakita namin?" ngiting-asong tanong ni Kris habang sabay kaming naglalakad patungo sa opisina.

"Kumusta ang lunch date with our poging boss?" singit naman ni Ofelia, iyong mas matanda sa kanila na hanggang ngayo'y wala pa ring asawa.

May kasama pang sundot ang pagtanong nito kaya 'di niya mapigilang tumawa bago sumagot, "Wala. Ininvite niya lang ako kasi dumaan siya kanina dito before lunch. Nagtanong tungkol sa bagong proposal na nirereview ko. Ayun. Kung meron kayo kanina, sure akong kasama tayo maglalunch kanina."

"Grabe 'to maka-explain!" bwelo ni Ofelia. "Sanay na kami diyan 'no! Pang-ilang beses ka na bang inimbitahan ni Sir mag-lunch?"

"Pansin ko ngang napapadalas na,"dagdag pa ni Tara bago pinalobo ang bubble gum sa bibig.

"Iba na ang nafifeel ko," umiiling na sambit ni Kris. "Alam niya ba ang tungkol sa asawa mo? Baka naman may plano 'yang maging kabit."

Napasinghap ako at marahas na nahampas ang braso ni Kris. "Huwag nga kayong mag-isip ng ganyan. Sir Wade's just doing it for work. Nothing else."

"You can't deny it, Jean." Napalingon ako kay Nita, ang isa ko pang ka-opisina na mas matanda sa akin ng sampung taon.

Sa tatlong kasama ay ang opinyon nito ang palaging isinasaisip ko dahil ito ang taong walang salitang biro sa bukabolaryo.

"Anong deny?" Lumalim lalo ang gitla sa aking noo. "Wala nga."

Hanggang sa aking pag-uwi ay naging palaisipan sa akin ang lahat ng sinabi ng mga ka-opisina ko. I have something in mind but I don't want to assume just yet. Imposible naman kasing pormahan ako ni Sir Wade, kung iyon man ang ini-imply nila Jean. Empleyado lamang niya ako. At alam niyang may asawa ako. Imposible talaga.

"Busy ka ba sa trabaho kanina?" bungad na tanong sa akin ni Miro nang makarating ako sa bahay. "Hindi mo sinagot ang tawag ko."

Mabilis ko siyang nilapitan sa sala, naupo sa kanyang tabi at hinalikan ang kanyang pisngi. "Marami kaming ginawa kanina dahil may bagong project proposal kaming ginawan ng mabilisang review at research. Hindi ko na-check ang phone ko. Sorry."

"Alright," simpleng sagot ng aking asawa at sumulyap sa aking gawi. "Tumawag lang ako kanina dahil nag-apply ako sa isang call center company. Malapit lang dito at bagong tayo."

Umawang ang aking labi. Hinawakan ko ang kanyang braso at pilit na hinuli ang kanyang mga mata. "You went out to find a job?"

"Am I not allowed to?" nanunuyang tanong  nito, kunot ang noo.

"You don't have to work, dy..." Lumamlam ang aking mga mata at pinaniwala ang sariling maaaring mahipnotismo si Miro sa pagsang-ayon. "Pwede namang dito ka na lang."

"Matagal ko na rin itong pinag-iisipan, Jean," seryosong tugon nito na nasundang muli ng isang malalim na paghinga. "Ayokong dito lang ako palagi sa bahay at binubuhay mo. Para saan pa't naging lalaki ako at asawa mo? Dapat nga'y dito ka lang sa bahay."

Kinulong ko siya sa isang yakap mula sa likod at ang baba ko naman ay pinatong ko sa kanyang balikat.

"Hindi lang naman doon nasusukat ang pagiging lalaki at pagiging mabuting asawa, 'di ba?" masuyo kong sambit.

"So hindi ka papayag?" Hinawakan niya ang kamay kong nakalock paikot sa kanyang tiyan at marahang pinisil. "Anim na buwan na tayong kasal at ganoon na rin kahaba na hindi ako nakalabas ng bahay. Oo nga't minsa'y namamasyal pero hindi lang iyon ang hanap ko sa labas. Gusto ko naman na may mapagkakaabalahan."

"Pwede ka namang magtrabaho dito sa bahay. Pwedeng online o 'di kaya magtry kang magpinta o magsulat. That way, 'di ka mabobored," suhestiyon ko, nagbabakasakaling maiba ang isipan niya.

"Hindi lang ito tungkol sa pagiging bored ko, Jean," seryosong sambit niya at sinamahan pa ng tsk. Halatang naiinis na.

I understand. I understand all of his frustration. Marahan kong hinaplos ang kanyang likod. Hindi ko naman siya hinahadlangan. Iniisip ko lang kung ano ang makabubuti. Hindi ko iniisip na 'di niya kaya. Makasarili mang pakinggan, ang tanging concern ko lang ay ang peace of mind ko. Paniguradong 'di ako mapapanatag kung magtatrabaho na siya. Palagi akong mag-aalala para sa kanya. Ngayon pa nga lang na nasa bahay siya buong araw ay ipinag-aalala ko na palagi, ano pa kaya iyong minu-minuto kong maiisip na nahihirapan ang asawa ko dahil sa trabaho. Baka mabaliw na ako.

"Just let me, Jean. This is what I want."

Napalabi ako at marahang humiwalay sa kanya. Tila sinukuan na rin ako ng sarili kong mga argumento dahil sa lambing ng kanyang boses. Samahan pa ng paglakbay ng kamay niya sa aking palad. He intertwined our fingers and held it to his right lap. Wala na. Unti-unti na nitong binabali ang opinyon ko.

"Pero..." I dropped the words in my head. Gusto kong umangal pero dahil sa higpit ng hawak niya sa aking kamay ay tila nasukat ko rin kung gaano niya kagustong mapagbigyan sa hiling. "Sige, kung 'yan ang desisyon mo."

Nahuli ko ang pagkislap ng tuwa sa mga mata ng aking asawa bago pa man niya ako mabalot sa kanyang mahigpit na yakap. Napahagikhik na lamang ako habang dinadama ang malambot na labi ni Miro sa aking templo. Ang huling patak ng hindi pagsang-ayon ay tuluyang naglaho dahil sa panlalambing na ginawa ni Miro.

He surely knows where to tickle me.

"Dy..." naaalimpungatan kong tawag nang magising kinaumagahan na wala si Miro sa aking tabi.

Walang sumagot kaya agad akong napabangon. Kahit wala pang hilamos ay agad akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa sala. Nakahinga ako nang maluwag nang madatnan si Miro doon, nagsusuot ng sapatos. Nag-angat siya ng tingin at ngumiti nang matamis nang mapansin ang presensiya ko sa kanyang harapan.

"Ang aga mo ngayon," komento ko bago lumuhod sa kanyang harapan at tinulungan siya sa pagtitirintas.

"Ngayon kasi agad ang interview." I could hear the excitement in his voice. "Gwapo ba ako ngayon?"

Nakasuot siya ng gray na polo na may tamang hapit lang sa kanyang katawan. Minsan ko lang siyang makitang ganito ngunit para sa akin ay wala namang pagkaiba kung magsuot siya ng pormal o pambahay.

I cupped his face with my palms and held it to my eye level. "Always ka namang gwapo."

Nanatili ang mata ko sa mukha ni Miro hanggang sa magkatitigan kami at sabay na napangiti. Sa kurbang nakaguhit sa kanyang labi, doon ko tuluyang naintihdihan na masaya si Miro sa pangyayaring ito sa kanyang buhay... sa aming buhay. Susuportahan ko kung ano man ang nais niya.

Napahagikhik ako matapos ng marahan niyang paghila sa akin palapit sa kanya at pagdampi ng matamis na halik sa aking labi. "Good luck kiss 'yon."

Umiling ako at ibinalik ang bigay niyang halik."Congratulatory kiss, dy."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro