Chapter 2
Mabilis ang takbo ng oras. Matapos ang isang araw na pagbabad sa harap ng computer at files, agad din akong nakauwi sa bahay. Naglikha ng tunog ang pagpihit ko sa pinto at ito'y naging dahilan ng paglingon ni Miro sa aking direksyon. Saglit kaming nagkatitigan bago ako tuluyang pumasok sa sala. Agad kong nilapitan ang aking asawa na ngayon ay bumalik na sa panonood ng basketball. Nakaupo siya kaya madali lang sa aking dumukwang palapit sa kanya. Kasabay ng malakas na ring na hudyat ng time-out ng laro, inabot ko ang kanyang labi at dinampian ito ng magaang halik. Ilang segundo lamang ang itinagal noon at naupo naman ako sa kanyang tabi pagkatapos.
"Bumisita si Mama ngayon?" tanong ko kay Miro habang isinasandal ang ulo ko sa kanyang balikat.
"Wala naman." Uminit ang aking kalamnan nang pumalibot ang braso niya sa aking likod at humaplos ang kanyang kamay sa aking beywang. "Kumusta ang trabaho?"
"Nakakasakit sa ulo ang pagbabad sa computer," pagtatapat ko sa kanya.
Kumirot ang aking puso nang marinig ko ang kanyang malalim na paghinga. Namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ngunit agad din iyong binasag ni Miro.
"Tungkol kanina, sa naging asal ko..." Tumikhim siya at naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ng kanyang palad sa aking beywang. "I'm sorry."
Napatingala ako sa kanyang mukha. Nagkasalubong ang aming mga tingin. Sa ilalim ng ilaw ay kumislap ang itim ng mga mata nito. Tumatama sa aking noo ang kanyang mainit na hininga.
Tipid akong ngumiti sa kabila ng pangingilid ng luha sa aking mga mata. "Para kang babaeng may dalaw kanina," pagbibiro ko upang makawala sa bigat ng atmospera.
"I'm sorry," seryosong tugon niya bago lumapat ang kanyang malambot na labi sa aking noo.
Napapikit ako at ninamnam ang moment na 'to. I love this man so much that I can just forgive him this quickly no matter his fault.
Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlong segundong nanatili ang kanyang halik doon. Sa tatlong segundong iyon, pakiramdam ko'y lumilipad ako sa kalawakan. Ang halik niya ay siyang hanging nag-aangat sa akin at pinipigilan akong bumaba. Sobrang gaan ng pakiramdam ko. That's the feel of his lips on me, and I can surely describe it more. Pero wala na. Sa tatlong segundong iyon ay nakapokus lamang ang isip at puso ko sa aking asawa.
Nang kumalas siya'y tumayo na rin ako upang magtungo sa kwarto.
"Bihis muna ako," paalam ko na tinanguan lamang niya.
Mabilis akong nagpunas ng sarili at lumabas na naka-satin dress na madalas kong suotin sa aking pagtulog. Naroon pa rin si Miro sa couch. Kung ano ang posisyon niya noong iwan ko siya'y ganoon pa rin pagbalik ko. Nahuli ko ang tingin niya nang maglakad ako patungo sa kusina. Agad akong nakaramdam ng kiliti nang mapansin ang pagpasada niya ng tingin sa aking kabuuan. Hindi nakatakas sa aking mga mata ang pagtaas-baba ng kanyang adam's apple.
"Magluluto muna ako ng hapunan," nasabi ko na lamang bago tuluyang pumasok sa kusina.
Tumango lamang siya bilang sagot. Pinagluto ko siya ng paborito niyang adobo. Pagod ako mula sa trabaho pero pagdating sa responsibilidad ko bilang asawa'y wala akong maramdamang kapaguran.
Matapos ang pagluto at paghain ng kanin at ulam sa lamesa ay tinawag ko na siya. "Dy, halika na. Kain na tayo."
Dalawang minuto ang itinagal bago siya nakarating sa kusina.
"Ang sarap ng amoy ng adobo, a."
Kinilig naman ako. "Syempre, para 'yan sa'yo."
Mabilis akong umalalay sa kanya habang umuupo siya sa silya. Nang masigurong komportable na ang asawa ko sa kanyang pwesto ay naupo na rin ako sa kanyang tapat. Ipinagsandok ko siya ng kanin at ilang hiwa ng karneng inadobo.
"Salamat..." sambit niya habang sinusundan ng titig ang aking galaw.
Napapangiti na lamang ako. Noon pa man kahit noong nasa kolehiyo pa kami, ito na ang gusto ko, ang maalagaan siya.
Habang tahimik kaming kumakain at ang pagtama lamang ng kutsara sa plato ang naglilikha ng tunog, hindi ko napigilang magbalik-tanaw sa nakaraan.
"You're both late, Mr. Salazar and Ms. Alcantara," pagtawag ni Prof sa aming atensiyon gamit ang kanyang malamig at nagbabalang tono. "And you even dare come inside while I was doing my lecture."
Nangkatinginan kami ni Miro. Ito kasi ang pangalawang boses na sabay kaming nalate ni Miro. Ang pinagkaiba lang ay hindi na iyon exam, lecture lang. Matapos humingi ng paumanhin kay Prof ay agad siyang naupo sa bakanteng upuan na sadyang natatamaan ng hangin mula sa electric fan. Sumunod din ako at naupo sa kanyang tabi. Nangunot ang kanyang noo nang tinapunan ako ng tingin. Siguro'y pinagtataka niya kung bakit ako nakikipagdutdutan sa kanyang tabi gayong mayroon namang ibang mapagpuwestuhan dahil maraming absent.
Pinaypayan ko ang sarili at nagkunwaring naiinitan. "Dito muna ako," sabi ko sabay nguso ng labi sa direksyon ng wall fan.
Lalong nagdikit ang dalawang kilay niya. "Hindi naman ako nagtatanong."
I chuckled at his response. "Sinabi ko lang. Baka gusto mo palang malaman, diba?"
Mula sa pangungunot ay nanlaki ang pares ng kanyang mga mata. Nang makabawi ay umiling lamang si Miro at itinuon na ang pansin sa lecture ni Prof.
"Dahil tapos na ang exam..." Prof paused a bit as his eyes darted to our direction, before he continued his announcement, "I'll give you a requirement. This time it will not be by group. You will work by pair and whoever is sitting beside you right now is automatically your partner."
Napalingon ako sa aming row. Kaming dalawa lang naman ni Miro ang nasa hanay. That means kami ang magiging magpartner para sa proyektong ibibigay ni Prof ngayon.
Natuong muli ang pansin ko kay Prof nang magbigay siya ng iilang detalye para sa aming gagawing requirement. "Since this is Introduction to Philosophy of Human Person class, you must submit to me a qualitative research paper."
Biglang umingay ang room nang sabay-sabay na nagreact ang aming blockmates.
"Prof naman!" rinig ko pang ungot nitong nasa harapan namin. Buti na lang at hindi yata iyon umabot sa tenga ni Prof dahil wala naman itong naging reaksiyon.
Nagpatuloy lamang ito sa pagsasalita, "Don't worry. Hindi ito thesis kaya 'di masyadong complicated. This will be just a full-blown research paper."
Maski ako na nakahiligan ang paggawa ng research ay napasinghap din. Hindi iyon dahil na-iimagine kong magiging madugo ulit ang semester na 'to, pero dahil sa sinabi ni Prof na full-blown research paper lang. Lang! Hindi ganoon kadali pero kay Prof parang sisiw lang.
Napasiplat ako sa katabi ko na tila walang kimi sa lahat ng pangyayari. Tahimik lamang itong nakamasid sa harapan. Ibinalik ko ang tingin kay Prof. Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang mabasa ang nakasulat sa white board. Bukas agad-agad ang research problem presentation.
"Class dismissed," Prof declared before storming out of the room.
Paglabas nito'y nagsimula nang magtunugan ang mga silya. Nag-unahan sa paglabas ang mga lalaki. Ang mga babae namang nasa aming harapan ay mabilis na nagtayuan at may pahabol pang tanong kung sino ang may dalang pulbo.
Tumayo na rin si Miro kaya mabilis kong isinakbit ang aking shoulder bag sa aking balikat at pinigilan siyang lumakad. Tila napapasong tinabig niya ang kamay kong lumapat sa kanyang braso. Dahil doon ay bumangga ang kanyang saklay sa arm chair at naglikha nang dabog.
Lumipad ang tingin ko doon ngunit ibinalik ko rin ang tingin ko sa kanya. Tila may sumuntok sa aking dibdib nang puminta ang iritasyon sa kanyang mukha.
"Sorry," mahina kong sambit at bahagyang inilayo ang sarili.
"Tss. Huwag kang masyadong magalaw," malamig nitong sambit.
Hindi ko napigilang ngumuso. "Sorry na nga, diba?"
Umiling lamang si Miro at muli nang humakbang. I gave way ngunit mabilis ko rin naman siyang sinundan. "About sa project ni Prof sa Philosophy, baka naman may plano kang gumawa ngayon. Pasahan agad ng research problem bukas."
Natigil siya at kahit nahihirapang umikot sa gitna ng mga armchair ay humarap pa rin siya sa akin. Hawak niya nang mahigpit sa magkabilang gilid ang kanyang saklay.
Ipinilig niya ang ulo at sumagot, "Alam ko."
"Edi, tara. Sa library tayo."
Ilang segundo siyang 'di gumalaw sa kanyang kinatatayuan. Tinitigan niya lamang ako, tila hinahanap sa aking mukha ang dapat niyang isagot.
"Matutunaw ako sa titig mo," pagbibiro ko upang maibsan ang ilang na lumulukob sa aking sistema.
Tila wala lamang iyon sa kanya. Nanatili ang kanyang malamlam na tingin sa akin. As if he was studying me and all my thoughts. Umakyat lahat ng dugo sa aking mukha dahil sa paninitig niya.
"Hoy, ano na?" Iwinagayway ko ang palad sa kanyang harapan at doon lamang siya natauhan. Tumikhim siya at umiwas ng tingin. Iyon nga lang, mukhang wala siyang balak lumabas ng silid dahil nanatili lamang siya sa kanyang kinatatayuan.
"Marami ka namang kaibigan. Doon ka na maghanap ng partner mo," seryosong sambit ni Miro.
"Hindi mo narinig si Sir? Sabi kung sinong katabi kanina sila partner. Kaya tara na!"
Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang tapang upang muli siyang hawakan sa braso. Hindi gaya noong una, ngayon ay hindi na siya umilag at hindi niya iwinaksi ang aking kamay. Bumaba ang kanyang tingin sa aking palad na kasalukuyang nakakapit sa kanyang braso.
"Tara na," muli kong hikayat bago siya binitawan at nauna nang maglakad.
Napagtanto kong 'di siya sumunod nang hindi ko marinig ang dabog ng kanyang saklay sa sahig. Napanguso ako. Nasa gilid na ako ng nakabukas na door frame nang narinig ko siyang magsalita na may himig ng pagdududa, "Hindi ka ba nahihiyang makita ng ibang tao na kasama mo ako?"
Tila napantig ang tenga ko sa kanyang naging katanungan. Natigil ako sa paghakbang at muli siyang hinarap. "Iyan ba ang inaalala mo kaya parang ayaw mong sumama sa akin ngayon?"
He looked everywhere, but me. His lips pursed as if he was trying to hold back words in his mouth.
Napailing ako at ipinagkrus ang mga braso sa aking dibdib. "Bakit, ikaw, nahihiya ka bang kasama ako?"
His lips parted. I waited until he'd spill out the things in his mind, pero hindi na iyon nangyari dahil nagpasukan na ang mga estudyanteng may klase ngayon sa silid. Napailing kaming pareho ni Miro at lumabas na.
Hindi ko alam kung paano nangyari ngunit natagpuan ko nalang ang sariling kasabay siyang nagtungo sa library. Pumwesto kami malapit sa blinds. Magkaharap kaming naupo. Inilabas niya ang isang libro mula sa kanyang bag at nagsimula nang magbasa. Tila nakalimutan na niya ang presensiya ko.
Kinuha ko mula sa aking bag ang isang ballpen at maliit na notepad. Ibinuklat ko iyon sa huling pahina.
"May naisip ka na bang puwede nating pag-aralan?" pasimple kong pagbukas sa usapan.
"Wala pa. I'm still thinking," sagot nito sa mababang boses.
"How about sa aspect ng psychology tayo magpokus? Suicide cases? Depression?"
"Those are too complicated," tipid niyang sagot at 'di man lang ako tinapunan ng tingin.
"But those are timely at talagang may ma-icocontribute sa problema ng lipunan," I tried to defend.
"No," he uttered with finality in his voice.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Parang nanghihinayang na akong makipag-partner kay Miro. Ang hirap niyang kausap, e.
"Ba't ba kasi ayaw mo?" Hindi ko mapigilan ang pag-alsa ng inis sa aking boses.
Hindi na akong umasang sasagot siya. At ganoon nga ang nangyari. Natahimik kaming dalawa ng ilang minuto. Itinapat ko ang ballpen sa aking labi at tumingala sa puting ceiling ng library.
Nabasag ang katahimikan nang muli akong magsalita. "Ano ba kasing magandang topic para sa research?"
Bumaba ang tingin ko sa direksiyon ni Miro nang marinig ko ang kanyang pagtikhim.
He flipped one page of the book in his hand as he uttered in his normal, low voice, "Gawan mo ng research problem ang kakulitan mo para malaman na natin ang solusyon para diyan."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro