Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Alas sais nang makauwi ako sa bahay. Hindi gaya noon na maaabutan ko si Miro na nanonood ng TV, ang sumalubong sa akin ay nakakabinging katahimikan. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa biglaang paglakas ng kabog nito. Binaba ko ang bag sa sofa at dali-dali kong tinakbo ang kwarto namin. I don't like what I'm seeing in my head. I might die if it turns into reality.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita siya sa kama namin. Kaharap nito ang bedside table namin, kung saan nakalatag ang frame ng picture namin sa kasal. I smiled bitterly at the sight of him. Para kasi siyang nagluluksa.

Humiwalay ang kanyang tingin doon nang lapitan ko siya. Kunot-noo siyang tumingin sa gawi ko pero hindi ko nalang iyon pinansin. Gaya ng ilang araw na hindi niya ako kinikibo, sinisikap ko pa ring iparamdam sa kanya kung anong halaga niya para sa akin. Ano lang ba ito kumpara sa pagmamahal ko sa kanya, di ba?

"I miss you the whole day," paglalambing ko na hindi naman nasuklian. "How about you? Kumusta ang araw mo?"

Humugot lang siya nang malalim na hininga at umiwas ng tingin. Nakaramdam ako nang pag-asa nang bumuka ang kanyang labi. Pero...

"Wala akong gawa," pabalang niyang sagot. "Ano, masaya ka na?"

Napalabi ako. Hindi ko naman kinekwenta kung anong pinagkaabalahan niya. Gusto ko lang naman marinig mula sa kanya na miss niya rin ako. Napanghihinaan man ng loob, kinulit ko pa rin siya. Umupo ako sa tabi niya at kinulong siya sa isang mahigpit na yakap. Isiniksik ko pa ang mukha sa kanyang leeg. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan.

"Tabi tayong matulog mamaya, Miro, ha. Ilang gabi nang hindi kita nayayakap. Miss na miss ko na kaya iyong paghilik mo," may ngiti sa labing sambit ko.

"Tss. Bitaw nga," pagsusungit niya habang pilit na winawaksi ang kamay kong nakapulupot sa kanya. Hinigpitan ko pa ang yakap.

"Jean, isa!"

"Ayoko," pagmamatigas ko at dinampian ang kanyang leeg. "Dito lang ako. Dito lang tayo."

"Naalibadbaran ako, ano ba!" pagalit niyang sambit pero may pagpipigil sa kanyang boses. "Huwag kang umaktong okay tayo, dahil putangina, ayoko na!"

Nabitawan ko siya. Napaatras ako. Napatayo. Nanlambot ang tuhod. Naninikip ang puso ko sa narinig at sa pinapakita niyang disgusto sa akin. Sobrang sama ng tinging pinupukol niya sa akin habang nakakuyom ang palad sa isang mahigpit na kamao. Nanindig ang balahibo ko dulot ng takot sa kanya.

"Bakit ka ba nagkakaganito?" nanginginig ang labing bulong ko.

Napatiim-bagang siya. Nanlilisik pa rin ang mga mata. Napahiyaw ako at ang kanang kamay ay napahawak sa kaliwang braso nang suntukin niya ang bedside table. Sa kalas ng impact no'n ay natumba ang picture frame na nakapatong doon. And it seems to reflect what we have, a marriage bound to falling.

"Bakit kasi nandito ka pa? Iwan mo ako sabi!"

Isa. Isa na naman. At isang butil ng luha ulit hanggang sa nag-unahan na lang ang pagpatak ng luha ko sa aking pisngi.

"Ano natatakot ka? Umalis ka na!" muli niyang sigaw.

Umiiiling akong pinahid ang luha sa aking pisngi. "Ilang beses mo man akong ipagtulukan, hindi ako aalis dito. Kaya tama na, Miro. Masasayang lang ang mga araw na dapat masaya tayo kung mag-gagalit-galitan ka."

Mapakla siyang tumawa at gamit ang saklay, sinikap niyang tumayo. "Napaka-selfish mo, Jean."

Para niya akong sinampal sa sinabi niya. Para niyang tinusok ng kutsilyo ang puso ko ng ilang beses hanggang sa lahat ng parte nito ay sugatan na. Sa sinabi niya ay parang ako lang ang may gusto nito. Na ako lang ang nasisiyahan. Ano, hindi siya masayang kasama ako? Pakiramdam niya kinukulong ko siya dito?

Napaupo na lang ako sa kama at napahagulgol. Sobra na siya pero bakit, bakit nakakaya ko pa ring saluhin ang galit niya?

"Hindi ka na ba masaya sa piling ko?" tanong ko sa mahinang boses sa pagitan ng mga hikbi. "Wala nalang ba sayo ang relasyon natin?"

Hindi siya sumagot. Marahas ang kanyang paghinga at rinig na rinig ko iyon. Bawat segundong lumilipas ay nagdadasal ako na sana naman, huwag akong atakehin. Ang bilis na kasi ng tibok ng puso ko.

Nang ilang segundong hindi siya sumagot ay napagpasyahan kong lumabas ng bahay at tumambay sa terrace. Hindi ko alintana ang gutom. Hindi ko alintana ang pagkakabasa ng aking mukha sa pinaghalong pawis at luha, pati ang baradong ilong ko. Hindi ko alintana ang mga lamok na parang bubuyog na nagbubulungan sa aking tenga. Gusto ko lang makalanghap ng hangin dito dahil para na akong sasabog kanina.

I don't know who to talk to now. Si Miro na siya sanang nakakausap ko tungkol sa buhay-buhay, heto, galit na galit sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Sina Kris naman, ayokong mag-aalala pa sila sa akin. At lalong ayokong magsumbong kina Mama at Papa dahil hindi iyon magdudulot ng maganda kay Miro. Baka magalit sina Mama sa kanya.

Napatingala ako sa kalangitan. Isang tao na lang talaga ang pwede kong tawagan sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung nagpapahinga na siya. Pero sabi naman niya kanina ay tawagan ko lang daw siya kapag gusto ko ng kausap o kapag may nangyaring masama.

Nilunok ko ang hiya at pigil-hiningang idinial ang number ni Sir Wade. Isang tawag lang ay sinagot naman niya agad.

"Jean? Napatawag ka? Nag-away na naman ba kayo?"

"Siya lang naman itong nag-aaway sa akin, Sir," diretsahan kong sabi na parang nagsusumbong lang sa magulang, pinipigilan kong mapasinghot. Ni hindi ko nga nagawang batiin ang boss ko. Huminga ako nang malalim bago nagkuwento ng nararamdaman. My voice cracked a bit. "Napapagod na rin po ako. Iniitindi ko naman siya pero minsan, sumusobra na, e. Parang kay dali niya lang akong saktan. Parang wala lang akong halaga sa kanya."

"Just be patient with him, Jean. Huwag mo siyang susukuan agad. Alamin mo kung anong rason ng kanyang galit."

"Okay po, Sir. Thank you po sa pakikinig."

Na-off ko agad ang tawag nang mapansin ang presensiya ni Miro sa isang gilid. Ibinulsa ko sa aking shorts ang cellphone at agad tumayo upang lapitan siya. Nag-isang linya ang kanyang labi.

"Matulog na tayo, dy."

"Napapagod ka na pala," nakangising sambit niya pero may kislap ng lungkot sa kanyang mga mata. "Hayaan mo bukas na bukas din aalis na ako dito."

Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa naging pagbabanta ni Miro kagabi. Hindi rin nakatulong na nanghahapdi ang gilid ng mga mata ko sa pag-iyak ng halos buong magdamag. Pagod man at mabigat ang katawan, sinikap ko pa ring bumangon dahil papasok pa ako ng trabaho.

"Miro?"

Para akong binuhasan ng malamig na tubig nang mahagilap ang asawa ko sa gilid ng aming closet at may hawak itong bag sa isang kamay na walang saklay. Alam kong narinig niya ang pagtawag ko pero hindi siya lumingon. Patuloy siya sa ginagawang pagpasok ng damit sa kanyang bag kahit na medyo hirap siya sa posisyon niya. What is he doing? Totohanin niya talaga ang sinabi niya kagabi?

"Miro..."

Bumilis ang kabog ng puso ko habang tinutungo ang kanyang gilid. Hinawakan ko siya sa braso kaya natigilan siya.

"I'm leaving," walang emosyong sambit niya, malamig pa sa yelo ang boses at uri ng titig na pinupukol niya sa akin.

Unti-unti, ang mga daliri kong nanginginig ay napabitaw sa kanyang braso. Nanlabo ang aking paningin dulot ng mga luhang namuo sa aking mata. Napailing ako. Wala man lang ba siyang awa para sa akin? Wala na ba talaga? May kung anong bara akong naramdaman sa aking lalamunan.

"Hindi mo na ba ako mahal?" naibulong ko na lamang iyon ngunit sa distansya naming dalawa alam kong naririnig niya pa rin ako.

Namuno ang katahimikan sa loob ng silid matapos ko iyong itanong. Nakayuko akong naghihintay ng sagot. Aksiyong sumasakit ang aking tiyan dahil sa kaba at sakit na nararamdaman. Mabibingi ako kapag sinabi niyang hindi. Ayokong marinig.

"Mahal kita..." mariin niyang sagot na siyang dahilan ng pag-angat ko ng tingin.

Kunot-noo ko siyang tinitigan, naguguluhan. Panandaliang umurong ang luha sa aking mga mata. Mahal niya ako. Mahal ako ng asawa ko. Pero bakit ganito? Anong mali sa pagsasama namin? Hindi ko na talaga maintindihan kung anong pinaninindigan niya. Gusto kong klaruhin ang sinabi niya pero naunahan niya ako.

"Mahal kita, Jean..." Kaysarap na marinig iyon sa kanya, pero may halong sakit na dumadampi sa puso ko dahil sa alam kong hindi magiging maganda ang dugtong nito.

"Mahal na mahal," maydiing sambit niya. "Pero ang pagmamahal na 'to ang sumisira sa pagkatao ko. Ni hindi ko magawang tingnan ka sa mata. I feel stuck. I feel useless. I feel like shit thinking na wala akong magawa para sa babaeng mahal ko. Wala akong magawa para sa'yo, Jean."

"Miro..." Nanginginig ang mga labi ko nang ibuka ngayon at nanghahalang din ang gilid ng aking mga mata. "No, huwag mong sabihin iyan. Hindi mo ba alam na ang pag-ibig mo lang ay sapat na sa akin? Miro, ginusto ko 'to. Gustong-gusto ko ito, na nandito ka at magkasama tayo. Ito ang buhay na pinili ko. Kasama ka."

Nagmura siya. Minura niya ako. At pinaramdam niya sa akin na kahit mahal mo ang isang tao, minsan ay nawawalan ka rin ng respeto sa kanya.

"Hindi mo ba maintindihan Jean? Pilitin man natin, hindi kita kayang pasayahin!"

Hinawi niya ako. Mabilis na zinipper ang bag at tumalikod. Doon ako nataranta.

"Miro, please... Huwag mo naman akong ipagtulakan palayo."

Marahan ko siyang hinablot upang paharapin sa akin ngunit pinagsisihan ko rin agad ang ginawa ko. Na-out balance ang asawa ko at ngayon ay nakadapa siya sa sahig. Natakpan ko ang aking nakangangang bibig sa gulat at paulit ulit na humingi ng sorry.

Pinilit niyang tumayo gamit ang saklay niyang nakatayo rin sa kanyang gilid pero dumudulas lang ito sa sahig. Nagmura siya ng ilang ulit at rinig ko sa kanyang garalgal na boses ang hirap at ang pagpipigil niyang umiyak. "Ayoko na, Jean. Tapusin na lang kasi natin 'to."

Napahagulgol nalang ako sa kanyang harapan. Masakit sa aking makita siyang ganito. Ang helpless niyang tingnan. Inalalayan ko siyang makatayo, umiiyak pa rin. If I don't let him go now, I might just break him more. Ayokong makita siyang ganito. I'm slowly starting to see why and why.

"Tapusin na natin 'to, Jean," puno ng pinalidad na sambit niya.

Tuluyan na akong tinakasan ng lakas. Ang mga kamay kong nasa braso niya ay unti-unting dumausdos pababa hanggang sa nabitawan ko na lang siya. Sinundan niya ng tingin ang aking kamay at siguro ang naging galaw ko ang hinihintay niyang senyales upang tuluyan ng umalis. I stood there crying with my left hand squeezing my pounding chest as I watch him walk out of our room with his crutches and his backpack. Tila tumigil ang mundo ko ngunit hindi ang kanya. Hindi ko siya nagawang habulin. Ano pa bang ipaglalaban kung siya mismo ay ayaw na. Ayokong pakawalan siya, pero ito ang gusto niya.

He left. But my love and concern for him remains.

****

Yeeee, malapit nang matapos ang kwento. Pero malapit na rin matapos bakasyon ko. Hays. Gusto ko po sana sunod-sunod ang update pero baka maging busy na ako sa klase.

Anyway, ibinalik ko po pala ang When The Bitch Falls. Kung may time po kayo, feel free to basa basa it. Hihi. Kung nabasa niyo naman na po yun dati, basahin niyo din po sana ulit. Edited version po kasi yung ibinalik ko. Thank you! ❤

Happy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro