Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Alam kong hindi tama na isipin pa ang mga nangyari kahapon sa opisina lalo na ngayong namamasyal kami ni Miro. Mali, pero itong isip ko tila 'di magawang isantabi iyong sinabi ni Sir Wade. Kagabi pa ito.

Napailing ako nang mapansin ang matalim na titig ni Miro na tila ba nag-iimbestiga. Nakaupo kaming pareho sa damuhan dito sa plaza. May kalayuan ito sa children's playground kaya namumutawi sa lugar ang katahimikan.

"Ngayon na lang tayo nagkasama nang medyo matagal, parang wala ka pa dito..."

Natamaan ako sa sinabi siya. Dapat sulitin ko ang araw ng aming day-off, pero heto ako at kung saan-saan lumilipad ang isip.

Dulot ng inis ko sa sarili ay nakalbo ko iyong bermuda sa aking harapan. "May iniisip lang ako."

"Sa opisina? Akala ko ba okay lang ang disposisyon mo doon bilang sekretarya ng Sir Wade na iyon? O baka naman iyong boss mo ang inaaalala mo?" pabalang nitong tanong, matalim pa rin ang titig na ipinupukol sa akin.

Nagkasalubong ang aking kilay at nilabanan ang kanyang paninitig. Nahulaan niya, oo, pero ayoko sa tono ng kanyang pananalita. Tila pinaparatangan ako, at ayoko ng gano'n.

"Miro, walang kung ano sa amin ng boss kaya pwede ba..." Huminga ako nang malalim. "Ba't ba natin siya pinag-uusapan? Araw natin 'to."

Naputol ang aming titigan nang pikit-mata siyang tumingala sa maulap na kalangitan. "Ba't mo kasi iniisip iyon?"

Nakuyom ko ang aking mga palad sa inis at marahas na ibinato sa kanya ang mumunting mga dahon ng bermuda. Napasinghap siya at mabilis na pinagpagan ang sarili. Akala ko nga magagalit at tatapunan na naman ako ng masamang tingin ngunit ngumisi lamang ito.

"Ang childish mo pa rin, kulit..." komento niya pa.

Doon ako natigilan. Him calling me kulit brings me to nostalgia. I have not heard him call me that after our marriage, and it feels so... Bumuhos ang mga magagandang alaala sa aking memorya at nalunod ang puso ko sa galak at pagmamahal. Walang pasabing niyakap ko si Miro at ibinaon ang aking mukha sa kanyang leeg.

"I miss you, 'dy."

"Totoo ba, eh iyong Sir Wade mo lang naman laman ng isip mo," he mocked, as if wanting to start an argument and it made me push him on the shoulders lightly.

Pero bumawi. Hinila niya ako sa isang mahigpit na yakap. Ang palad niya ay nakadantay sa aking likod. Ramdam ko ang init niya doon kahit hindi naman ganoon kanipis ang suot kong blouse.

"Biro lang," tumatawang sambit niya. Nakiliti ako sa mainit niyang hininga na tumatama sa aking tenga. "Ilang araw din tayong hindi masyadong nagkakausap simula noong..."

Natigilan siya. Ramdam ko ang mabigat na pag-angat ng kanyang dibdib. I know he's suppressing the thought.

"Hindi natin ginusto ang nangyari, Miro. Hindi natin hawak ang kapalaran natin," mahinang sambit ko at naramdaman ang lalong paghigpit ng kanyang yakap, tila humuhugot ng lakas.

Hindi namin nabuksan ang topic na ito noong may lamay pa dahil nga binigyan namin ng espasyo ang isa't-isa. I know he's still hurt and he's trying to ignore the pain, but he needs to face it and let go.

Hindi siya nagsalita kaya naisipan kong magpatuloy, "Siguro, kailangan sila doon. God needed more angels. O siguro, iyon talaga ang takda nilang panahon. There's always a reason for everything, di ba?"

Napapikit ako nang marahan niyang hinagod ang aking buhok at bumulong. "I know. Hindi ko lang magawang tanggapin ang katotohanang hindi ko na sila makikita kahit kailan."

Lalo kong siniksik ang sarili kay Miro. "But they will always be with you... with us."

Ilang minuto kaming nanatiling magkayakap habang inaawit ko ang paborito naming kanta kasabay ng marahang kampay ng aming mga balikat.

"Sana, ganito na lang palagi."

"Sana..."

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako binitawan ni Miro at nag-aya siyang magsimba. Hinila ko ang kanyang mga braso upang tulungan siyang tumayo. Pagkatapos ay nilakad na namin ang daan patungo sa malapit na simbahan.

Nang makarating kami doon ay siksikan ang mga tao sa entrance.

"Excuse me..." mahina kong sambit habang hinahawi ang nasa unahan.

Nilingon nila ako tapos si Miro na tahimik lamang sa aking gilid. Nagsitabi naman sila at binigyang-espasyo ang daanan. Sinabayan ko si Miro sa kanyang paghakbang, alalay ang saklay. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin ng mga tao sa aming likuran ngunit hindi ko na iyong tinuunan ng pansin. Sanay na ako sa panghuhusga at lalong, kailanman hindi ako nahiya na kasama ko si Miro.

Naghanap kami ng bakanteng upuan at sakto namang sa pinakadulo ay may kaunting espasyo pa sa pagitan ng isang ale at ng isang dalaga. Doon kami pumwesto.

"Okay ka lang dito? Komportable ka?" tanong ko kay Miro, tinitignan siya sa gilid.

"Medyo malayo pero okay na ito," simple niyang sambit bago hinuli ang aking kamay.

Napaupo ako nang maayos at hindi mapigilang ngumiti. Naglikot ang mga paru-paro sa aking tiyan at tuloy, pakiramdam ko naiihi ako. Sinilip ko siya upang sana basahin ang ekspresyon sa kanyang mukha. Seryoso iyon pero may munting ngiti sa labi.

Buong misa kong ramdam ang init ng palad ni Miro. Halos 'di mapuknat ang ngiti sa aking labi.

At ang asawa ko, nilubos na ang paglalambing. Sakto ba namang sinakop ang labi ko matapos sabihing "peace be with you". Ang init ng mga pisngi pagkatapos no'n.

Natapos na ang simba at nakauwi na lang kami ng bahay pero ang mga paru-paro sa aking tiyan ay naglilikot pa rin. At ang asawa ko, ginagatungan pa sa kanyang pasimpleng pagsimot ng aking buhok habang magkatabi kaming naupo sa couch.

"Miro ha, nagsisimba tayo kanina..." sambit ko nang maalala ang mga kalokohan niya kanina, kung kalokohan nga iyong maituturing, "kung ano-anong pinaggagawa mo."

Hinawakan niya ang baba ko at marahang akong pinaharap sa kanya. Kumikislap sa itim ng kanyang mga mata ang repleksiyon ng ilaw sa sala.

"Bawal bang ipakita sa Panginoon kung gaano ko kamahal ang asawa ko?" malumanay niyang sambit.

Napasinghap ako, at bumilis ang tibok ng puso, tila may karera sa loob. Gusto kong magmura! Minsan lang itong magsabing mahal niya ako, pero... Grabe. Dinadala ako ng mga salita niya sa langit.

Akmang hahagkan ko siya nang biglang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko itong hinugot mula sa aking sling bag. Tahimik lamang na nagmamasid si Miro sa aking tabi.

Nangunot ang aking noo nang rumehistro ang pangalan ni Sir Wade sa screen. May problema ba sa opisina?

"Boss mo? Day off mo ngayon. Anong kailangan niya?" tanong ni Miro matapos silipin kung sino ang tumatawag.

"Hindi ko rin alam," sagot ko na lang bago sinagot ang nasa kabilang linya. "Uh, good evening po, Sir."

Tumayo ako at bahagyang lumayo sa couch.

Narinig kong may tumikhim, pagkatapos nagsalita na si Sir Wade. "Sorry sa distorbo, Jean. I know it's your day-off, but I have to make this call to inform you. May urgent business meeting ako sa Dubai, and I need you there with me."

Napanganga ako at awtomatikong sumulyap kay Miro na ngayon ay nakataas na ang kilay. Hindi ko alam kung sasama ako o tatanggi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro