Chapter 11
Naging mahaba ang proseso ng paglilibing. Naroon iyong pagmimisahan pa ang mga patay at mag-iiyakan tuwing may magbibigay ng tribute sa harap. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha noong pagkakataon na ni Miro na magsalita. Ramdam ko ang pighati ng aking asawa. Napapasinghot pa siya at dinig iyon sa mikropono.
Doon na tuluyang humagulgol si Miro nang ibinaba na ang mga kabaong sa dalawang magkatabing hukay. Niyakap ko siya upang hindi siya matumba dahil ang kanyang saklay ay nahulog na sa sahig.
"Jean, ang sakit..." bulong niya sa pagitan ng mga hikbi.
"Iiyak mo lang 'yan, dy," sambit ko, garalgal na rin ang boses. Marahan kong hinagod ang kanyang likod. "Ilabas mo lahat ng sakit."
Ganoon ng ang kanyang ginawa. Hanggang sa matapos ang libing at sumakay na kami sa likod ng kotse ni Papa ay humihikbi pa rin siya. Napapatingin na nga si Papa sa kanya sa rearview mirror at si Mama naman ay lingon nang lingon sa aming gawi.
"Iho, magpakatatag ka," rinig kong pang-eencourage ni Mama. "Nandito lang naman kami upang suportahan ka. Kayo ni Jean."
Naramdaman ko ang mahina niyang pagtango kasabay ng sagot, "Salamat, Ma."
Humupa na ang pagbaha ng kanyang mga luha pagkatapos doon. Pasinghot-singhot na lamang siya ngayon. Lumipad ang kanyang tingin sa labas ng bintana at sa buong biyahe ay doon na nakatuon ang kanyang atensiyon. Ako naman ay pinagmamasdan lang ang aming magkahawak na mga kamay. Ramdam ko ang paminsan-minsang pagpisil niya, tila ba kumukuha siya ng lakas doon.
Nang makauwi kami sa bahay ay agad kong inasikaso ang mga taong dumalo sa libing. Nagbigay lang kami ng pack lunch dahil tanghalian na rin naman. Pagkatapos ay unti-unti na ring naglaho ang mga nakiramay at mabibilang na lang sa kamay ang naiwan sa bahay. Ako, si Miro, si Papa at Mama, Si Auntie Dina, iyong asawa niya at ang dalawang anak na sina Diana at Ethan.
Magkasabay kaming kumain sa hapag at nagkuwentuhan pa. Medyo 'di nga ako komportable dahil ang buong pag-uusap ay tungkol lang naman sa amin ni Miro.
"Hindi pa man sila noon pero itong si Jean namin ay walang ibang bukambibig kundi si Miro. Ayun, sinabi naming dalhin si Miro sa bahay," pagsasalaysay ni Mama.
Humagikhik si Diana at muling nagtanong, "Dinala naman po ba ni Ate si Kuya?"
"Inimbitahan niya si Miro noong kaarawan ng ama niya at doon namin nakilala si Miro. Itong si Jean, mabarkada talaga pero ni isa ay wala siyang pinapunta sa bahay. Si Miro ang una-"
"Ma!" pagsingit ko sa usapan. Nangangamatis na ang pisngi ko panigurado. "Huwag mo naman akong ibuking."
"Aba! Ikinahiya mo pa," sambit naman ni Papa. "Pinapasok mo nga sa kwarto mo, e."
Napatikhim si Miro sa aking tabi at napakamot ng ulo, nakangisi. Mukhang nahimasmasan na siya sa pag-iyak. May sayang atmospera din kasing dala itong mga kasama namin kaya siguro nagiging okay siya ng kunti.
Napangiti na lang ako at denepensaham ang sarili, "Gumawa kami ng research! Pa naman..."
Halos hindi ako makatingin sa kamag-anak ni Miro nang matapos ang tanghalian. Naglinis akong walang ka kibo-kibo ngunit si Diana ay sunod nang sunod at pinapaulanan ako ng mga tanong.
"Ate, paano naging kayo ni Kuya? Nanligaw ba siya?" tanong niya mula sa aking likuran.
Nahinto ako sa pagpulot ng mga styro foam sa sala at hinarap siya.
"Nangyari lang na naging kami," tipid kong sagot na may kasamang kilig.
"E, ba't nga naging kayo?" muli niyang tanong, siguro ay hindi kuntento sa narinig.
Napakagat ako ng labi. Mukhang wala naman na akong magagawa kundi magkwento.
"Iyang Kuya mo kasi sobrang hirap kausapin niyan noon," pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan namin ni Miro. Napapangiti akong nagkwento, "Hindi 'yan nagsasalita kung hindi inuunahan. Buti nga ay napagtatiyagaan ko 'yang kausapin sa kabila ng kasungitan."
"Tapos po? Ano pa?" pangungulit niya. "Ano 'yon? Nagising ka na lang na boyfriend mo na siya? Hindi naman siguro pwede 'yon, diba?"
Inilagay ko sa trash bin ang mga basura at naupo saglit sa couch. Mukha kasing hindi titigil itong si Diana kung 'di ko masagot nang maayos ang tanong niya.
"May manliligaw ako noon," dugtong ko pa. "Pinsan ng isang barkada ko. Pursigido pero ayoko sa kanya kasi may kayabangan at sobrang presko. Ilang ulit kong sinasabing ayoko na pero naroon pa rin at nangungulit kaya sinabi ko na lang na may boyfriend na ako kahit wala naman para tumigil na. Tapos nagkataong busy sa research, panay si Miro na lang ang kasama ko, nag-assume iyong binusted ko na si Miro ang boyfriend ko. Ayun, sinabi niya sa barkada ko hanggang sa kumalat na lang bigla na kami na nga raw ni Miro."
Nanlalaki ang mga mata ni Diana at naupo sa tapat ko.
"Ano namang reaksiyon ni Kuya noon?" pangungulit niya pa. "Siguro tuwang-tuwa iyon kasi wala pa naman siyang ginagawa napagkamalan nang kayo. Pakiramdam niya siguro para siyang hinulugan ng anghel sa langit."
Gumuhit ang munting ngiti sa aking labi at umiling-iling. "Noong una, parang biglang lumayo ang loob niya sa akin. Noon kasi, masasabi kong unti-unti nang nabubuild ang friendship namin. Tuwing umaga, may palitan na ng good morning. Tapos sa tanghali sabay kaming kumakain. Minsan na nga lang akong makasama sa gimik ng barkada dahil doon. Pero noong kumalat na kami raw, biglang nawala iyong texts, halos hindi niya rin ako pinapansin. Kinakausap niya lang ako 'pag tungkol sa research. Affected ako noon, syempre. Palagi akong umiiyak, pero narealize kong hindi ko siya dapat iyakan. Sa halip ay i-confront."
Napangiwi siya at sa nababasa kong reaksyon ay halatang hindi siya sang-ayon sa nagawa ko. "Hindi ba 'yon nakakahiya, Ate? Anong sinabi mo sa kanya?"
Napatawa ako nang muling maramdaman ang magkahalong kilig at hiya sa ginawa ko noon.
"Nakakahiya, oo, pero mas nangibabaw ang kagustuhan kong klaruhin sa kanya ang buong kwento. Mukha namang naintindihan niya ang side ko at bumalik na ulit sa dati ang tratuhan naming dalawa Tapos noong nagtagal, bigla na lang niyang sinabing totohanin na lang namin iyong tsismis."
"Ay shet!" Lumapit si Diana sa akin, tumitili at niyugyog ang aking balikat. "Kinikilig ako, Ate."
Sumabay na rin ako sa pagtawa ngunit natigil kami nang marinig ang pagpihit ng pinto. Napalingon kami sa gawi ng kwarto at mabilis na nahuli ang kunot-noong si Miro sa hamba ng pintuan.
"Ano iyan, Diana?" mariing tanong ni Miro habang palipat-lipat ang tingin sa amin ng pinsan niya. "Nasasaktan ang ate mo."
Mabilis namang bumitaw si Diana sa akin at bumalik na sa kanyang kinauupuan kanina. May ngisi pa rin sa kanyang labi.
"Nagkatuwaan lang kami ng pinsan mo, dy," paliwanag ko habang pinagmamasdan siyang maglakad patungo sa couch at naupo sa aking tabi.
"Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa love story niyo, Kuya," wari kinikilig na dugtong pa ni Diana. "Ang gara mo noon, Kuya. Walang hirap mong nasungkit si Ate."
Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Miro sa aking beywang. "May pagkakaintindihan naman na kami ni Jean noon kaya wala ng silbi ang ligaw. Mas mabuti nang angkinin agad para hindi na maagawan."
Uminit ang pisngi ko sa narinig at kagat-labing umiwas ng tingin kay Diana. Kung ano-ano naman kasing sinasabi nitong asawa ko. Sa kabila ng hiya ay ang kasiyahan na makita si Miro na nagrerecover na sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Pansin ko pa rin minsan ang pagkakatulala niya pero at least ngayon nagagawa na niyang makipag-usap at magbiro sa iba.
Alas singko sa hapon noong nagpaalam sina Mama at Papa na uuwi na sa kanilang bahay. Nauna na kanina sila Auntie Miranda.
"Anong gusto mong hapunan ngayon, dy?" tanong ko kay Miro na kasalukuyang pinipindot ang TV remote.
"Kahit ano," simpleng sagot niya.
Ramdam kong kinakain na naman siya ng lungkot ngayong wala ng ingay sa bahay. Napailing na lamang ako at dumiretso na sa kusina. Nagluto ako ng adobo. Marami kasi siyang nakakain tuwing iyon ang ulam. Hindi ako umalis sa kusina pero sumisilip naman ako sa sala upang i-check si Miro. I don't want to see him spacing out.
Nang maluto ay tinawag ko na siya mula sa kusina. Ilang minuto lang ay narito na siya at nakaupo na sa silya. Pumwesto ako sa kanyang harapan at nagsandok ng kanin sa kanyang plato. Inabot ko ang baso ng juice sa gilid nito.
"Ngayon na lang ulit tayo nakakain na tayong dalawa lang," komento ko habang nilalagyan naman ng kanin ang aking plato. "Namiss ko ang ganito."
"Ilang araw mo rin akong nakalimutan," nakangusong sagot ni Miro na siyang naging dahilan ng pag-awang ng aking mga labi.
Alam ko namang nagpapalambing lang siya kaya nasasabi niya ito ngayon pero kasi, iba ang naging atake nito sa akin. Guilt consumed me.
"Hindi naman sa gano'n. Hinayaan lang kitang magluksa," pagpapaliwanag ko at hinawakan ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng lamesa.
"Nang mag-isa..." dugtong niya na may kasama pang buntong-hininga.
Hindi ko nagawang tumingin nang diretso sa kanya. I made him feel that he's alone in his loneliest times. How can I call myself a wife?
I squeezed his palm gently. "I'm sorry, dy. I'm so sorry."
Inangat niya ang kamay naming magkahawak palapit sa kanyang mukha. Hindi ko napigilan ang pagsunod ng tingin doon at napangiti nang dumampi ang kanyang labi sa likod ng aking palad.
"Wala na iyon sa akin. Ang mahalaga, nandito pa rin tayo ngayon magkasama."
Pagkatapos ng hapunan at maikling komprontasyon ay dumiretso na kami sa kwarto. I assumed the night would end early 'cause we were both tired from cleaning the house this morning. Pero napagtanto kong mali ang akala nang anyayahan ako ni Miro sa loob ng bathroom. I know now what he's thinking and I'm feeling so warm all over.
This would surely be a long, night drive with me on top! As it always had been.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro