Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

Maki Says: Hello! Kumusta ka? Kumusta ang buhay buhay? Nanganak ka na ba? Nagkajowa? Ikinasal? Nakipagbreak? Grumaduate na? Whatever season it is in your life right now, I hope you are doing well. Laban lang!
----

Ella

'Ilan kaya ang bilangan? Per night or per round?' Napakagat-labi si Ella habang kipkip niya ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan. 'Kung per round, e 'di 8,000 na agad. Ang laki pala.'

Mahina niyang tinuktok ang sentido dahil sa napagtanto niyang karupukan. 

Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa kanyang banyo. Pakanta-kanta pa si Cairo na parang walang nangyari. 

Damn it, maraming nangyari! Halos dalawang oras nga lang ang tulog nila dahil parehas silang sanay sa puyatan, siya sa pagiging IT, at si Cairo naman ay sa Divisoria. Ngayon ay ibang bagay ang pinagpupuyatan nila.

"Ma'am.. Pinagpainit na kita ng tubig sa pagligo mo, ihahanda ko ang almusal mo habang naliligo ka."

Dumilat siya at marahang bumangon. "Salamat, magkano ang-- ang utang ko?"

"P1,000 lang sa kagabi, Ma'am."

"I-isang libo lang? Walang overtime pay? Night Differential?"

"Si Ma'am naman, ginawa pa akong call center, call boy ako, Ma'am." Nakangising sambit nito. Matalim niya itong inirapan.

"Huwag mong tatawagin ang sarili mo nang ganyan, Cairo. Sa akin ka lang naman nagtatrabho. Isa pa, gusto kong isipin mong tinutulungan mo ako." 

"Oh, bakit? Marangal din naman ang pagiging Call Boy or Call Girl. Basta hindi nagnanakaw o walang inaagrabyadong tao, marangal ang trabaho na iyon."

"Wala akong sinabing masama ang trabahong iyon, pero hindi ka ganon, Cairo. Malayo pa ang mararating mo. Bihira taong pipili na tahakin ang pagiging Call boy o Call girl, ginagawa lang iyon ng mga kapit sa patalim. Kahit ang pagbubuhat mo sa Divisoria, tingin mo ay hanggang doon ka lang? Hindi, Cairo."

"Naniniwala kang may mararating ako, Ma'am?"

Marahan siyang tumango. Kumislap ang mata ni Cairo at napapailing na malawak ang ngiti. "Sabi mo 'e."

--

Unti-unting nasanay si Ella sa kanilang set-up ni Cairo. Or, addicted, as she should call it. Hinahanap-hanap pa ng katawan niya. Inalisan na siya ng hiya at konsensiya ng tuluyan!

"Nakakainis naman si Dean! Kelan pa tayo naging maintenance? Dalawang oras nang nakauwi ang madla tapos andito pa rin tayo!" Gigil na inilagay ni Adora ang napulot na pompoms na nakakalat sa wedding booth. Foundation Day ng school at ikalawang araw pa lang ng event. May apat na araw pang natitira. 

Silang dalawa ni Adora ang naassign na maiwan at maglinis ng palibot ng mga booth. "May date pa kami ng Bebe ko, e! 'Di uso ang bebe time?" Reklamo pa nito kahit siya lang naman ang nakakarinig. 

"Hindi naman masyadong makalat. Mga nilipad lang ng hangin ang ilan." Pagdadahilan niya. 

"Haaaa? Anong nilipad ng hangin? May bagyo ba rito kanina? Malabo ba ang mata mo? Jusko! Parang Intrams ng elementary itong mga College Students natin!"

"Ikaw talaga, sige na, mauna ka na. Ako na bahala dito." 

Natigilan si Adora. Alam niya namang iyon lang ang hinihintay nitong marinig mula sa kanya. 

"Huy Friend, hindi naman ako ganyang klaseng tao. Malandi ako pero hindi naman sobra. Hindi kita iiwanan dito."

"Okay lang, wala namang naghihintay sakin." Pangungumbinse pa niya sa kaibigan.  "At saka konti na lang naman ito."

"'E papadilim na saka wala nang tao, wala kang kasama." Alanganing wika ng kaibigan.

"Ako na nga. Itatapon ko na lang naman ito sa basurahan sa likod tapos uuwi na rin ako. Go na at baka magtampo pa ang Bebe mo."

Tuwang-tuwang nagpaalam si Adora, habang naglalakad nga ay nagreretouch pa ito ng make-up. Hindi na rin siya nilingon dahil tumawag na rin ang boyfriend nito.

"Wala palang naghihintay, anong tawag mo sa akin?"

Mabilis siyang natangay ni Cairo nang hilahin siya sa braso nito. Nabitiwan niya tuloy ang hawak na garbage bag. Isinandal siya nito sa labas ng nakaset-up na booth at ikinulong sa magkabilang braso. 

"Cai? Akala ko umuwi ka na?" Pabulong na wika niya. Tiyak naman niyang wala nang natirang guro at estudyante dahil nakalock ang lahat ng classrooms kapag may ganitong event. 

"Nagtatrabaho pa ang Boss ko, 'e." Malalim ang boses na sambit nito habang gahibla ng buhok ang pagkakalayo ng kanilang mga labi. Napalunok siya nang mamungay ang mga mata ni Cairo.

"Baka may makakita.." Bulong niya kahit nakatingkayad na at halos salubungin ang labi ng binata. 

Walang ano-ano ay siniil siya ni Cairo nang mainit na halik sa labi. Parang sinilaban ng apoy ang buo niyang katawan nang magdikit ang kanilang mga balat. It is always like this and she loves the feeling. His hand immediately went inside her shirt, finding its way to her right boob. Napaliyad siya sa init ng kamay nitong isinuksok pa sa loob ng kanyang bra. 

She immediately felt wet down there! Mahina siyang umungol nang mas lalo pa nitong laliman ang halik. Cairo knows her body more than she does. Naging abala ang malayang kamay ni Cairo na parang may iniaabot. Saka lang niya napansin na binubuksan pala nito ang Ticket booth kung saan ito ang nakatao kanina. Talagang naghanap pa sila ng kuwarto!

Nang magbukas ay itinulak siya nito papasok at sinarhan ang pinto.

"Cai!" Hindi niya alam kung matatawa o magagalit. Nasubukan na naman nilang mag-make out sa loob ng University pero hanggang second base lang. Nahihimasmasan sila kahit papaano.

But now, Cairo is unbuttoning his pants. "Mabilis lang, Ma'am." He murmured to her ear. He knelt before her and pulled down her panties beneath her flowy skirt. She held on to the small table to keep her balance when Cairo draped her one leg on his shoulder. He patted a small kiss on her bud that immediately sent her shivers. 

"Cai.." Medyo napalakas ang ungol niya. Tumayo si Cairo at ngayon ay siya naman ang tumingala. Goodness, he's really tall. Nagmukhang maliit ang booth dahil dito. He carried her as if she weighs nothing. In a split second, she felt his maleness at her entrance and it effortlessly sent havoc to her jewel. Napakapit na lang siya sa balikat nito at hindi niya rin mapagtanto kung paano nito pinagtatama ang kanilang mga katawan.

She closed her eyes and let herself fall into the loud noise of their bodies slamming against each other, and she arched her body when her pelvis cued for release. At the same time, Cairo sighed deeply and struggled to stand up straight.

"P1,500." Bulong nito sa kanyang tainga.

"Nagtaas na." Mahinang reklamo niya. 

Break na sila ni Jack at hindi iyon alam ni Cairo. Hindi na nga rin siya naghahanap ng afam. Naubos na rin ang 80,000 na inilaan niya par kay Cairo kaya galing na sa sahod niya ang ipinambabayad dito. Cairo is such an expensive treat. Makakabili na siya ng second hand na kotse kung tutuusin. Kaya lang ay hindi niya mapigilan ang sarili na iavail ito ng paulit-ulit. After all, malapit na rin ang semestral break at hindi na sila muling magkikita. She will just enjoy this while it last.

"Lista na muna," Cairo smirked. 

"Baon na ako sa utang."

"Kakabaon ko, Ma'am?" 

"Cairo!" Uminit ang pisngi niya sa panunukso nito. Ganoon naman si Cairo. He muted her indifference and changed it to giddiness. She's excited to see him after a long day of work pero siyempre, hindi niya iyon ipinapaalam sa binata. Baka biglang matakot sa kanya at i-ghost siya kung kailan ilang linggo na lang at bakasyon na, hindi na sila muling magkikita. 

Tinulungan pa siya ni Cairo na magligpit, nagpresinta ito nang sumaglit muna siya sa washroom para maglinis ng sarili. Nang makabalik siya ay maayos na ang lahat at bitbit na ni Cairo ang bag niya. 

"Tapos na?" She smiled, but Cairo smiled wider. He walked beside her. 

"Bukas na ang pageant ha, handa ka na ba?"

Cairo hissed and rolled his eyes at her. "Sinabi ko na kasing ayaw kong sumali sa ganon, Ma'am. Kung hindi lang dahil sa iyo.."

"Sus! Sure win na kayo ni Claudette." Nag-angat siya ng tingin kay Cairo pero diretso lang ang tingin nito sa daan. "Kilig ka?" Dagdag niya.

"Hindi." Tipid na sagot nito sa tukso niya.

Umirap siya sa hangin. Hindi siya naniniwala. Madalas niyang mahuli ang dalawa na nagkukwentuhan. Tiyak niyang crush din nito si Claudette, sino bang lalaki ang hindi? Maganda ito, mayaman. 

"Huwag kang magselos kay Claudette, kaibigan ko lang yun, Ma'am."

Inapakan na niya ang paa nito. Hindi siya nagseselos, ano! Naisip niya lang na bagay naman talaga ang mga ito. Maiiwanan niya pa ang mga ito sa university kapag umalis siya next sem. Tiyak na magiging magkarelasyon din ang dalawa sa dami nang nagmamanifest ng kanilang relasyon. 

Abala ang lahat sa school kinabukasan. Bukod kasi sa pageant kinagabihan, may school dance din na taunang ginaganap ang mangyayari mamaya. Teachers ang punong abala kaya kahit walang klase ng isang linggo ay pagod na pagod na agad si Ella. 

"Hindi pantay!" Komento ni Ella sa ikinakabit na backdrop sa stage. Pinaypayan niya ang sarili, nanlalagkit siya at mukhang hindi niya na gugustuhing makisaya mamaya.

"Hi, Ella." Nilingon niya ang tumabi sa kanya at nag-abot ng malamig na mineral water bottle. Tipid siyang ngumiti.

"Salamat, Sir Ver. Hindi mo na lang sana ako ikinuha." Polite niyang sabi.

"Kanina ko pa kasi nakikitang pagod na pagod ka. Ilang araw ka na atang punong abala. Baka sabihin niyan ni Kristelle, pinagod namin ng husto ang kahalili niya."

Ngumiti siya, "Last hurrah ko na ito. Pagkatapos nito ay magco-compute na lang ako ng grades at hindi na magpapakita."

"Hanggang ngayon, hindi mo pa rin tinatanggap ang invite ko sa Facebook." 

She snorted, "Hindi nga ako nagfefacebook."

"Eh yung phone number mo bakit hindi mo ibinibigay?" 

"Lagi akong walang load 'e."

"Lo-loadan kita.."

She rolled her eyes at him, hindi dahil sa kilig kundi sa inis sa persistence nito. Mabuti na lang at kaunti na lang at aalis na rin naman siya sa school. 

"Sir Ver, ayaw ko lang talagang mag-load, mas gusto kong manahimik lang sa bahay tuwing matatapos ang klase." 

"Tingin ko, ayaw mo lang sa akin kasi wala akong pera."

Matalim niyang tiningnan ang kapwa guro pero malalim ang iniisip nito para mapansin pa siya nito. 

"Ganyan naman kayong magaganda at sexy, gusto lang ng mga may pera."

Kung alam lang nito na siya pa ang nagbabayad ng lalaki baka tumambling pa ito! Napailing na lang siya at hindi na ito pinatulan pa. Tiyak na gusto lang nitong makakuha ng reaksyon mula sa kanya kaya hindi niya ibibigay.

Dumating na rin ang pinakahihintay ng lahat kinagabihan. Ang Mr & Miss Intramurals. Napabilib si Ella sa ginawang stage design ng mga estudyante. Naging ethereal ang dating dahil sa mga ilaw at props na ikinabit sa stage. Umingay ang buong auditorium nang nagsilabasan ang mga kalahok suot ang kanilang god and goddess costume. 

Umugong ang pangalan ni Cairo sa buong auditorium, tumindig ang kanyang balahibo. Cairo walked like a god and made his opponents look like his slaves. Only a thin white cloth covered his lower body, exposing his abdominal muscles and toned muscular thighs. 

"Juice ko po, Si Cairo! Kanino bang anak ito? Ang daming obaryo ang nagpuputukan ngayong gabi!" Nagtitilian pati ang mga guro na nakalimot na hindi dapat sila nagrereact ng bulgar.

Nakatayo lang siya at nanatiling non-chalant nang mahuli niyang nakatingin sa kanya si Cairo at sabay kumindat pa sa kanya! Lalong nagtilian ang mga kababaihan at kabaklaan, samantalang siya ay namula nang parang kamatis. Nagpanggap na lang siya nang nasasamid para hindi sila mahalata. 

Nang lumabas ang mga babae, panay tilian pa rin nang lahat. Halos mabingi siya nang magpakilala ang bawat pares na nagrerepresent ng mga kurso at tumayo si Cairo at Claudette sa harapan. 

"I am Cairo, and I am Claudette, and we represent BS Computer Science."

The crowd went wild when Claudette reached for Cairo's neck while striking a pose. Akmang hahalikan ito ni Cairo nang mawala sa kanila ang spotlight at lumipat sa ibang kandidata. 

"Nagkiss ang dalawa? Nagkiss?" Paulit-ulit si Adora sa kakatanong. Siya naman, pakiramdam niya ay lumubog ang kanyang puso papuntang tiyan.

Nagkiss nga kaya sila? Napailing siya. 'E ano naman kung nagkiss? Bakit, jowa siya? Customer lang siya at masyado naman siyang selosa! Nawala na tuloy siya sa mood buong gabi. 

(A/N: Sa sobrang wala siya sa mood, ayaw niya na magkwento ng dalawang taon, Char!)

In a very not surprising way, Cairo and Claudette won. Mas lalong pumangit ang pakiramdam ni Ella dahil sa mga tuksuhan sa dalawa. It started to give her a bitter taste in her mouth. Hindi niya gusto ang pakiramdam na nadidiskubre niya sa kanyang sarili habang patindi ng patindi ang pagpaparehas kay Cairo sa ibang babae. 

Hindi niya gustong aminin pero nagseselos siya. Nagagalit siya sa pakiramdam. In fact, she despise it. She despise men. Hindi ba ang halaga lang nang mga ito ay para bigyan siya ng pera? What changed? At kung hindi ba naman siya delulu, sa estudyante niya pa siya naloka! Sa lalaking wala ngang kapera-pera! Siya pa ang nagbibigay. 

Ella, wake up!

Kusang nagmartsa ang kanyang mga paa papalayo sa auditorium. Nang makauwi siya, naglock siya ng pinto, nagshower, at natulog. 

That is why, nagulat na lang siya nang magising na nakayakap sa kanya si Cairo na nakasiksik pa sa leeg niya. 

"Good morning, iniwan mo ako." Cairo's husky morning voice soothed her soul, but she remembered how much hate she felt towards the guy, or hate the growing feelings she has for the guy. Hindi siya kumibo, naramdaman niya ang mainit na kamay ni Cairo patungo sa kanyang dibdib. Kinagat niya ang labi para hindi mapaungol at buong lakas na pinilit na alisin ang kamay nito sa kanyang katawan.

"Wala akong pambayad." She hissed. Trying to be as angry as she could. Okay na ito, magpapaka-tigresa na lang siya para maturn-off sa kanya.

"Utang muna." Cairo kissed her on the neck again, trying to melt her.

"Ayokong malubog sa utang." Iwas niya.

"Wala namang tubo..."

"Kahit pa, bagong buhay na ako. Ano bang ginagawa mo rito? Hindi ka ba nagcelebrate sa pagkapanalo mo?" Nagmamadali siyang tumayo at nagpamewang kay Cairo.

"Magcecelebrate sana, kaso tulog ka na 'e. Hindi na kita ginising kasi alam kong pagod ka." Umupo si Cairo sa kama. He's shirtless. His body that the entire campus was raving about last night is on her bed. Nagpamewang siya imbes na magdiwang.

"Cairo, pwede bang huwag ka nang pumunta sa apartment ko? Hindi na kita kailangan. Ipepetisyon na ako ng boyfriend ko sa Amerika, nagvidjakol na kami, nagustuhan niya ang performance ko. I-gcash ko na lang sa iyo ang bayad ko sa utang ko sa iyo kapag nakaluwag luwag. I-send mo na lang ang QR. Thank you, Bye."

Hindi maipaliwanag ni Ella kung ano ang bumakas sa mukha ni Cairo pero hindi siya naging kyuryoso. She will end this one way or another anyway. Saka ano yung naramdaman niya kagabi? Selos? Yuck. Not very her! Hindi siya dapat nagkakaroon ng emotional attachment sa mga bagay-bagay, lalo na sa tao, lalo na sa mga lalaki.

"Ma'am.."

"Hindi na magbabago ang isip ko, umalis ka na bago pa ako mabwisit sa iyo."

"Ma'am naman.."

"Ipapabaranggay kita."

"Sino namang maniniwala na pagsasamantalahan kita 'e kilala na nga ako ng mga kapitbahay mo saka mga tanod diyan sa labas. Lagi kitang pinapabantayan kapag hindi ako makakapunta."

Tumalikod siya kay Cairo at umirap para lang mapakagat-labi, 'Pa-fall, anak ng tokneneng! Ako naman si Tanga!'

"Hindi mo ako pwedeng pilitin. Saka customer is always right! One star ka na lang for me, sa una lang masayang gamitin, nakakasawa rin pagtagal."

"Grabe ka naman, Ma'am." Bakas ang tampo sa boses ni Cairo pero hindi siya nagpatinag. Hinintay niyang marinig na magsarado ang kanyang pinto bago umupo sa kama na nanlalambot. Did she really fall for him?




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro