Kabanata 6
Ella
'Ang dumi-dumi mo na, Ella.' Niyakap niya ang sarili habang nag-iisip kung babangon na ba o hindi. Nag-enjoy naman siya, paano kapag gusto niya ulit? Magkano kaya ang ganon? Petting, necking, and kissing pa lang naman! Kailangan na ba niyang isali sa weekly budget niya ang bayad kay Cairo?
Napaigtad siya nang makarinig siya ng mahihinang katok sa labas ng kanyang gate. She felt na ang Dean iyon at tsinecheck kung may estudyante bang nasa loob ng apartment niya. Damn it! Babawasan niya na talaga ang pagkakape!
Binuhat niya ang mabigat na braso ni Cairo para makawala siya sa yakap nito sa kanyang tiyan at pagkakasiksik nito sa kanyang leeg at unti-unting dumulas papalayo sa kanyang kama.
Binuksan niya ang main door at sumilip doon. Napakunot ang noo niya nang makitang may nakahintong SUV sa tapat ng kanyang bahay at may nakatayong lalaki na nakasuot ng puting polo at slacks. Maamo ang mukha nito at kahit mula sa malayo ay bakas ang pagiging mestizo.
"Magandang umaga, kayo po si Ma'am Ella?" Magalang na tanong nito kahit palagay niya ay magkasing-edad lang sila.
Tumango siya, "Ano yon?"
"Ako si Saint. Gising na po ba ang Kuya ko? Nagbilin kasing dalhan siya ng uniporme."
Muntik na siya mapatapik ng noo sa narinig mula sa kapatid ni Cairo. Ano na lang iisipin nito? Sinabi ba nitong nagtatrabaho ito sa kanya at tinuturuan siya sa sex?
"Pasensya na po kayo kung inumaga na kayo sa pagtuturo sa Kuya ko. Hindi kasi siya mahilig mag-aral pero matalino rin naman. Nagdala pala ako ng almusal. Sorry po, Ma'am." Iniangat nito ang dalawang paperbag, isang may lamang damit at isang may lamang Jollibee.
"Tinuruan ko? Parang baliktad, este... Okay lang! Maliit na bagay pero malaki yung sa Kuya mo." Bumubulong-bulong pa siya sa ibang sinasabi habang lumalapit kay Saint.
"Ano po yun?"
"Huwag mo na akong pino-po, kasing-edad lang daw kita sabi ng-- estudyante ko." Ngumiti siya habang kinukuha ang paperbag. Napalingon siya nang bumaba ang bintana ng sasakyan at nakangiting sumilip don ang isang magandang babae.
"Good morning, Ma'am! Ako rin, tinuruan ko si Saint magdadamag. Bobo 'e!" Humalakhak ito. Nahihiyang napangiti si Saint.
"Salamat ulit, Ma'am. Pakiabot na lang kay Kuya ko."
Tumango siya at pinagmasdang lumayo ang sasakyan sa kanyang apartment. Bumalik siya sa loob ng bahay at ipinatong sa lamesa ang pagkain at ang uniporme ni Cairo. Kailangan na rin niyang maghanda. Habang nagpapakulo ng tubig ay may yumakap mula sa kanyang likuran. She got a whiff of Cairo's natural musky scent, kagabi niya pa naaamoy ang panlalaking pabango nito kaya mas lalo lamang siyang naengganyo na 'magpaturo' rito.
"Bakit ang aga mong bumangon, Ma'am?" Bulong ni Cairo sa kanyang tainga. May hatid na kiliti iyon sa kanya. Jusme, anong kiliti?! Bakit ka nakikiliti, Ella?!
"Dumaan kasi ang kapatid mo, dala ang uniporme mo at saka almusal." Pagbabalewala niya sa kiliting nararamdaman.
"Si Saint?" Nakakunot ang noo ni Cairo nang lingunin niya ito. "Sinabi ko na huwag masyadong maaga at ayokong magising ka. Napuyat kita kagabi, Ma'am."
"H-hindi naman." Iniwas niya muli ang tingin, "M-marami akong natutunan..."
"Natutunan lang? Hindi mo ba nagustuhan, Ma'am?"
Napigil niya ang paghinga, "Hindi naman importante kung nagustuhan ko o hindi. Ang goal ay matuto ako. Salamat sa libre. Gusto mo ng kape?" Patay-malisya niyang inayos ang lakas ng apoy sa kalan.
"Ako na riyan, Ma'am. Maupo ka na lang. Ihahanda ko na rin ang pampaligo mo."
"A-ah. Hindi na. Ako na."
"Ako na, Ma'am. Pinahina ko ang tuhod mo kagabi."
"A-anong pinahina?!" Defensive niyang pakli.
"Huwag ka nang mahiya, Ma'am. Normal naman ang ganon. Kapag tinotoo na natin, mas lalo ka pang manghihina. Baka hindi ka pa nga makalakad sa umpisa."
Napalunok siya. "H-hindi ako makakalakad? Lulumpuhin mo ako? Sadista ka? Subukan mo!"
"Hindi, Ma'am. Sabi nila masakit daw sa una. Lalo na sa size ng akin." Diretshang sabi nito.
"Wow ha, yabang mo!" Umirap siya kahit may punto naman ito, humalakhak si Cairo.
"Kaya sulitin mo na itong pagsisilbi ko sa iyo, Ma'am. Kung gusto mo, paliguan pa kita." Kumindat pa sa kanya ang binata. Nag-init agad ang pisngi niya.
"Hoy, baka mamaya ganyanin mo ako sa klase."
"Hindi ah. Nagtatampo ka nga kapag nagpapanggap akong suplado. Galing, 'di ba?" Agad na nahanap ni Cairo ang kanyang instant coffee at ipinaghanda siya. Binuklat nito ang dala ni Saint at inilabas ang dalawang paperbox ng breakfast meal at ibinigay sa kanya ang isa. "Kain na tayo, Ma'am."
"Hindi ako sanay ng heavy breakfast pero thank you.."
"Hindi pwede, Ma'am. Maghapon kang nakatayo. Ayokong nagugutom ka, hindi ako mapapalagay."
She ended up looking at Cairo intently. Brusko itong umupo sa harapan niya habang pinupunasan ang plastic spoon bago iabot sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi sundin ang sinasabi nito na kumain.
"Ganyan ba talaga kapag nagbibigay ka ng serbisyo? World-class ha."
"Oo, para hanap-hanapin mo."
Natawa siya, "Baka maubos ang pera ko sa iyo."
"Pwede akong maglista, Ma'am."
Pinanliitan niya ng mata si Cairo, "Hindi talaga ako makakalusot sa iyo, ano?"
Umiling si Cairo. "Ako lang ang kakailanganin mo, Ma'am. Hindi ka na maghahanap ng iba pa."
Sabay silang nag-almusal ni Cairo at pinauna na rin siya ni Cairo na magshower dahil nagpapatuyo pa siya ng buhok. Kurot sa singit talaga ang aabutin niya sa Nanay Gemma niya kapag nalaman nitong may naliligo na lalaki sa kanyang apartment. Bulakenya pa naman siya at konserbatibo! Kapitbahay kaya nila ang Barasoain Church kaya never siyang nakaabsent sa kahit anong misa.
"Ikaw talaga, Jack Cole! Kapag hindi mo ako napa-fall, hinding-hindi mo makikita ang anino ko." Bulong niya sa cellphone niya na nasa Facebook profile ng internet jowa.
"Ang ganda mo talaga, Ma'am." Napaangat ang balikat niya sa komento ni Cairo. Basa pa ang buhok nito at pinupunasan ng tuwalya. Goodness, he really looks sleek and hot in his uniform. Bagong ligo rin siya pero ramdam niya ang butil ng pawis sa noo. Pinagpapawisan siya sa imahe ni Cairo. No matter how many praises he was giving her, parang baliktad ang kanyang naaabsorb. Cairo is really hot, very manly, brusque.
"Bolero. Sige na. Mauna ka nang pumasok."
"Hindi, Ma'am. Mauna ka para kung may loloko-loko riyan sa daanan, maipagtanggol kita."
Nagtataka niyang tiningnan si Cairo, "Araw-araw kong dinaraanan yan. Anong pagkakaiba ngayon?"
"Pagkakaiba? Nandito na ako sa buhay mo ngayon."
Umiwas siya ng tingin sa binata. Napakatamis pa ng dila! Hindi na siya magtataka kung maraming babae ang nahuhumaling dito. Sa paghingi nga ng papel sa klase ay alam na alam kung paano lalambingin ang kaeskwela. Maghunos-dili ka, Ella at hindi lang ikaw ang sinasabihan niyan!
Pinagbigyan niya si Cairo na mauna na siya. Ilang hakbang ang layo nito sa kanya at hindi talaga siya nagtangkang lumingon. Nang sumakay siya sa tricycle ay sa sumunod na nakapilang tricycle din ito sumakay.
Magkasunod din na dumating sa school ang kanilang tricycle kaya malalaki ang hakbang niya nang pumasok. Nang marating niya ang pintuan ng faculty ay lumingon siya sa likod at wala nga roon si Cairo. Siguro ay nagpaiwan sa labas para hindi sila magkasabay.
"Magandang umaga, Ma'am Ella." Malawak ang ngiti ni Sir Ver nang makita siya. Ngumiti siya pabalik.
"Good morning, Sir."
"Sayang at hindi mo naabutan ang bagong enrollee. Papasok siya this week at may subject siya under you."
"Talaga ba?" Tipid siyang ngumiti. Wala naman sa isip niya iyon at isang semestre lang naman siya humahalili kay Kristelle. Wala siyang balak maging guro habambuhay. Focus lang sa goal. Makahanap ng mayaman na afam at tutulungan siya ni Cairo para maachieve iyon.
"Ang gandang estudyante pa naman." Komento ni Sir Ver na para bang magiging interesado siya roon. "Tiyak na may pambato na ang ComSci sa Miss University."
"Mabuti." Nagkibit-balikat siya.
"Ikaw, Ma'am Ella, kung hindi ka guro, malaki sana ang laban mo ron."
"Hindi ako interesadong maging beauty queen, Sir." Sambit niya habang pumipirma sa logbook ng attendance.
"Ganon ba? Hindi ba ganon ang mga babae?" Men. They think that women's wants are all the same. That they are obsessed with beauty or anything that gets validated by men.
Tamad niyang tiningnan niya si Sir Ver, "Interesado ako sa pera, sa maraming-maraming pera." Pagkasabi non ay tumalikod na siya at nagpunta sa unang klase niya.
Magaan naman ang klase niya buong umaga. Hindi naging problema si Cairo kasi kahit nakikinig na ay hindi na siya pinapakatitigan. Nang lunchbreak na ay bumili lang siya ng sandwich dahil nagheavy breakfast siya ng umaga. Hindi siya sanay sa ganon kaya lang ay mapilit si Cairo.
"Hello.." May umupo sa tabi niya. Napilitan siyang ngumiti kahit hindi niya kilala pero nakauniporme rin ito na pang-guro. "Ako nga pala si Adora. Teacher din ako rito. Wala kang kasabay?"
"Wala. Maupo ka. Ako si Ella." She smiled. Punuan kasi ang canteen at normal na kapag ganito ay naghahati sa lamesa ang mga guro pati na rin ang estudyante.
"Ella. Ikaw nga yon! Ikaw ang lagi kong naririnig kay Ver. May crush sa iyo yun, ano? Nililigawan ka na?" Usisa nito. Sabay silang napalingon sa bumagsak na bote sa kabilang lamesa sa cafeteria. Nakita niya roon si Cairo na nagpupunas pa ng gilid ng labi. Tiyak na ito ang nagbagsak ng bote sa lamesa. Maldito talaga ang isang 'yon. Walang pakialam sa paligid.
"Hindi. Hindi siya nanliligaw. May boyfriend na ako."
"Talaga? May boyfriend ka rin? Saan nagtatrabaho?" Excited na tanong ni Adora.
"Sa Amerika--"
Bumagsak muli ang bote sa tabi nilang lamesa. Napawi ang ngiti ni Adora pero bumalik ito nang ngumisi si Cairo at kumindat. "Sorry mga Ma'am. Nadadala lang ako ng bugso ng damdamin."
Sinimangutan niya si Cairo pero hindi niya alam kung nakita siya.
"Wow, afam! Sana all ano? Pang-ilang boyfriend mo na 'yun, Ella?"
"Hmm, pang-sampu."
May natumbang upuan sa kabilang mesa dahil tumayo si Cairo, nakasimangot pa. Bwisit talaga! Pinanlakihan niya ito nang mata pero tumalikod na. Hindi niya na nakita pa si Cairo sa buong maghapon dahil sa ibang kurso naman na siya nagtuturo.
Dinaanan siya ni Adora sa panghuling klase niya. Ang sabi nito ay mayroon itong kaibigan na nagbukas ng Milk Tea shop na malapit sa school. Pinagbigyan niya na dahil wala rin naman siyang gagawin. Makikipag-video chat lang siya kay Jack bago matapos ang kanyang araw. Nabo-bore na nga siya pero kumakapit lang siya.. sa patalim!
"At alam mo ba, Ella, diyan sa school, marami talagang pogi riyan at halos kasing-edad lang natin, lalo na si Monasterio. Yung bad boy na nagbabagsak ng kung ano-ano sa cafeteria. Mukhang bad boy lang pero mabait yun." Panay ang kwento ni Adora habang kinukuha nito ang inorder nilang milktea sa counter. "Salamat, Mahal! Boyfriend ko pala, Ella."
Tumango siya sa tindero ng milk tea na sinasabi ni Adora. Nginitian din siya nito bago hinarap ang nakasunod sa pila na umoorder.
"Mabait?" Tumaas ang kilay niya patungkol kay Cairo, "Bakit nagdadabog?" Lumabi siya nang maalala na naman ang eksena sa canteen.
"Ah, hindi talaga yun nagdadabog. Baka nagpapacute lang sa isa sa mga estudyante. Ang swerte talaga ng manliligawan 'non! Tiyak na gaganda ang kinabukasan."
Humigop siya ng milk tea, "Paanong gaganda ang kinabukasan e natutulog nga yon sa klase ko, tambay lang yun pagtanda niya 'e." Kontra niya pa.
"Ah. Siyempre malalahian ng sobrang gwapo, pwedeng pag-artistahin ang magiging supling! Ano ka ba, uso na 'yon ngayon. Teka nga, bakit ba panay ang kontra mo. Least favorite mo ba yun si Cairo? Bad yan, dapat wala tayong favoritism as teachers."
Huminga siya ng malalim at tiningnan ang mga nagkakasiyahang estudyante na mula rin sa school. Napansin niya pa ang mga estudyante niya sa klase ni Cairo pero wala ang 'least' favorite student niya.
"Hindi mo makikitang tumatambay yan si Cairo pagkatapos ng eskwela. Working student kasi yun."
Sumimangot siya. Oo't alam niya, sumasideline pa nga sa kanya. Nakipagkwentuhan pa siya kay Adora habang kumakain ng snacks. Yun na ang plano niyang hapunan dahil tinatamad na rin siyang magluto. Madilim na nang matapos sila sa daldalan ni Adora. Sinulit talaga nito ang oras kasama ang nobyo na may milktea shop kahit pa nag-order sila ng napakarami.
Magkaiba ang kalsada na babaybayin nila ni Adora pauwi sa kanilang tahanan kaya nagkahiwalay sila ng sinakyang tricycle sa may milktea shop pa lang.
Napakunot ang noo niya nang may makitang bulto ng katawan sa labas ng kanyang apartment. Dali-dali siyang nagbayad sa tricycle at malalaki ang hakbang na tinungo ang kanilang gate.
"Anong ginagawa mo rito?" Palinga-linga pa siya at hinila agad si Cairo papasok sa loob ng kanyang apartment. "Kanina ka pa?"
"Hinihintay kita, Ma'am."
"Bakit? May usapan ba tayo?"
"Oo, di ba tuturuan kita?"
"Oo nga pero hindi ko alam na meron ngayon." Isinuksok niya ang susi sa kanyang pinto. "Pumasok ka muna."
"Bumili na ako ng hapunan natin, Ma'am."
"Kumain na kami."
"Sino? Ng boyfriend mo? Ang dami mo palang naging boyfriend."
"Ni Adora." Humalukipkip siya sa harap ni Cairo at kinunutan ito ng noo, "Bakit padabog-dabog ka pa kanina? Nakikinig ka samin ni Adora, no?"
"Naririnig ko lang. Hindi ako nakikinig. Nakita ko ring kinikilig ka pa." Sambit ni Cairo habang nagtatanggal ng sapatos.
"Ang judgemental mo! Hoy hindi ako kinikilig!" Dinuro niya pa ito at inirapan.
"Hindi ka kinikilig sa boyfriend mo? May ganon ba? Nag-eeffort ka pa nga na magpaturo sakin para mapasaya siya."
Ibinaba niya ang hintuturo niya, "May period ka ba? Bakit ang init ng ulo mo?"
"Wala. Hindi rin mainit ang ulo ko. Kung kumain ka na pala, uuwi na lang ako." Ipinatong ni Cairo ang biniling pagkain sa lamesa niya pagkatapos ay tumalikod na. Umismid siya pero unti-unti siyang nakaramdam ng awa. Bakit ba sila nag-aaway? Ilang araw pa lang silang magkakilala ay may emosyon na agad ang mga batuhan nila ng salita.
"Sige na, turuan mo na ako ngayon." Mahina niyang sambit. "Saka hindi naman natin kailangang mag-away. Importante ka rin sa akin kahit na matuto pa ako nang dahil sa iyo.."
"Talaga? Kahit na marunong ka na, hindi mo ako iiwasan?"
"Hindi. Bibigyan pa kita ng bagong role."
"Anong role?"
"Ikaw ang hahawak ng camera kapag tumatakbo ako papunta sa Afam ko at ipopost natin sa Tiktok na may background music na Forevermore!"
"Hindi nakakatawa." Galing sa ilong na wika ni Cairo.
Dinaan niya na lang talaga sa biro. Wala naman siyang masabi kay Cairo. In all honesty, she wants him to be around. Weird, imbes na matakot siya sa lalaki ay mas safe ang pakiramdam niya kapag kasama niya si Cairo.
Habang naghahapunan si Cairo ay nakaharap siya rito pero tutok siya sa kanyang laptop. Naamoy niya ang binili nitong samu't saring inihaw sa labas pero hindi siya nakakaramdam ng gutom. Business as usual siya with Jack.
Jack Cole: I miss you so much, Baby!
Kelly Vogue: I miss you too my Honeybunch. I got so busy with work. When you send me money, I will not work anymore.
Humaglpak siya ng tawa sa nasabi. Ang kapal talaga ng mukha niya! Sabagay at hindi naman siya kilala ng kausap. Nag-angat ng tingin si Cairo at binigkas niya ang mga sinasabi niya habang nagtatype sa kanyang laptop.
"Show me your d*ck." Bulong niya.
"Kumakain pa ako, Ma'am." Sagot ni Cairo. Tinaasan niya ito ng kilay.
"Hindi ikaw, itong si Jack. Kapag ginaganahan ito, nagpapadala sa Paypal. Para may pambayad na ako sa iyo."
Napailing si Cairo, "Kailangan mo ba talagang gawin yan?"
Ano bang klaseng tanong iyon? Never in her life na kinuwestyon niya ang mga ginagawa niya. Except yata nang papasukin niya na si Cairo sa eksena. But the goal will always be the same, makapangasawa ng mayaman. Ang feelings superficial lang naman! Sa umpisa lang kikiligin tapos pagkalipas ng limang taon, aatakihin ng five-year itch ang lalaki, iba pa ang seven-year itch, at fifteen year-itch. Scheduled yarn!?
Mag-aaksaya na lang siya ng ka-freshness-an ay doon na sa papalanguyin siya sa ginhawa, hindi sa luha.
Jack Cole: <sent an image>
"Tngina, kulubot." Humalakhak siya dahil hindi siya nakaiwas sa d*ck pic ng virtual boyfriend niya. Paano kasi ay ayaw niyang sagutin ang tanong ni Cairo. Iniharap niya ang laptop niya kay Cairo na eksakto namang kumakagat ng inihaw na hotdog on stick.
"Ma'am!" Reklamo nito.
"Ito, ang lifespan ng titeng ganito ay fifteen years na lang. Pag nategi ito, thirty seven pa lang ako. Pupwede pa akong umuwi sa Pilipinas para magnegosyo at kalimutan na nakipagromansa sa ampalaya ng mahabang panahon."
Napailing muli si Cairo, "Tss." She hissed. "Ito ang bubuhay sa atin ng ilang buwan. Ito ang ilaw ng pag-asa nating dalawa kaya huwag kang maarte riyan."
Kelly Vogue: I love that picture, Honey my love, send me some money to buy dildo that looks exactly like your c*ck. It will be a rare dildo.
Agad naman na tumunog ang cellphone niya hudyat ng pumasok na Paypal money. Just like that, may pera na ulit siya. Mayabang niya iyong ipinakita kay Cairo at tinapos na ang pakikipag-usap kay Jack sa pagpapadala ng boob pic na kinuha niya lang sa porn.
Nagshower siya at naghanda na para sa kanilang lesson. Naisip niya na kanina ang diskarte sa first official class nila ni Cairo. Binuksan niya ang kanyang drawer at naroon ang luma niyang laptop. Iyon ang ibibigay niya kay Cairo para magsimulate sila ng video sex.
Yes, simulation.
Naisip niya kasing hindi pa naman sila magkikita ni Jack, so anong point na matuto siya ng actual sex. She will be on cam and Cairo will too. Pumasok ng silid niya si Cairo at nakaboxers lang ito, bagong paligo. Lumipat ang mga mata nito sa dalawang laptop na magkatabi.
"So, ito ang laptop mo at ito naman ang akin." Anunsyo niya.
"Laptop?"
Masagana siyang tumango. "Magre-reenact tayo ng video sex. Doon ka sa kabilang kwarto, workspace ko yun kaya kumportable kang makakaupo--"
"Sige, subukan natin nang matapos na."
"T-talaga? Hindi ka tatanggi?"
"Ikaw ang boss, Ma'am. Kung anong gusto mo, yun ang susundin ko."
Napatango siya sa pagiging desidido ni Cairo. Sinundan niya ito papasok sa kabilang silid at pinanood ang pagbukas nito ng laptop. Nagtungo siya sa sa silid niya, sinarhan ang pinto at umupo sa work table niya na naroon sa gilid. Napalunok siya bago pindutin ang call button sa skype.
Ilang sandali pa ay rumehistro na roon si Cairo sa screen. His face is lethally handsome despite the muted lights. Wala pa rin itong pang-itaas kaya nafocus ang mga mata niya sa pormadong hubog ng balikat at dibdib nito. What a greek god. Ganitong-ganito talaga ang nakikita niya sa mga GQ Magazine e.
"Hi.. Babe." Sambit ni Cairo sa kabilang linya. Tumaas ang kanyang balahibo nang sambitin iyon ng kausap. "You look so beautiful."
Cairo doesn't listen to the class. Walang isang ingles ang namumutawi sa labi nito. But the way the English words slipped out of his sexy mouth was out of this world! Her bud creamed immediately in his deep voice, flaunting his English.
"I want to see your body." Walang kagatol-gatol na wika nito. Para siyang robot na madaling napasunod ng mga salita. She slowly pulled the strap of her lingerie dress. "I am horny, Baby.." Namamaos na wika ni Cairo. Tumingala ito at kumilos ang kamay nito na hindi nakikita ng camera.
Napakagat-labi siya nang mapagtanto ang ginagawa ng binata. Nagtataas-baba ang balikat nito habang hindi inaalis ang tingin sa screen. "I want you to massage your breasts." Sumunod siya sa inutos nito. Itinulak ng paa niya ang swivel chair na inuupuan para mas mapagmasdan pa siya ni Cairo.
"Fck." Malutong na napamura si Cairo sa kanyang ginagawa. She felt the splash of heat dangerously covering her body, and the longing to be touched was so intense that moment.
"Touch yourself."
Unti-unting naglakbay ang sariling kamay sa kanyang balat habang tila napapaso siya sa init na hatid nito. Her right hand made its way to her soft bud and she slowly glide her middle finger to her slit.
"I am wet, Baby.." She softly murmured.
Mas lalong bumilis ang taas baba ng balikat ni Cairo. He distanced himself to the laptop. Ngayon ay kalahati na ng katawan nito ang nakikita niya. She can see him touching himself. It was so manly, so delicious, so perfect. Her breath was ragged and struggling. Hindi niya alam ang gagawin.
"I want you inside me. Fck." She let the words out. Pinipigilan niya sana ang sasabihin pero lasing na lasing na siya sa nararamdamang sensasyon. She wants it. She wants him.
Nakarinig siya ng malakas na kalabog ng pinto. The image of Cairo without any clothes on appeared at her door. His manhood was fully erect, and the fury and danger in his eyes darted at her.
Lagot na, Ella.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro