Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

Maki Says: Im so sorry for the late updates. Hindi po ako hinihila muli ng kadiliman. Haha Sobrang busy ko lang talaga. I won't give any schedule updates muna para wala akong nabubudol. 

Saka makinig kayo sa Spotify Podcast ko, may mga nabigyan na ng P500 gcash at Noche Buena Package plus wattpad coins din. Click niyo lang yung spotify button diyan at search Episode 14, merong tanong don na sasagutin niyo, like 'Sino ang bestfriend ng kapatid ni Lapu-lapu sa Ama?' Char.

---

Ella

"Shutanginames.." Kulang na lang ay gumapang siya sa lupa para makarating sa classroom. Hindi makapaglakad ng maayos.

Sa sobrang pamumula niya kagabi ay hindi niya na alam kung paano siya nilisan ni Cairo, akala niya ay kukuha lang ng tubig pero wala na ito sa apartment niya bigla. Like he just flashed his c*ck at her, got her money, and left! Pakiramdam niya ay nabudol siya!

Dati, kapag may nabili siya na hindi siya kuntento, she will go out of her way to get her money's worth. Pwede bang ireklamo sa DTI si Cairo for overpricing? Tengene, hindi iyon ang problema niya dapat.

'Ella, hinawakan mo ang tite! Ang tite ni Cairo!' Tumitili ang kanyang isip habang kumakalabog ang dibdib sa muli nilang pagkikita ngayong umaga. 

Sa kakayuko ay hindi niya namalayang napatid siya sa elevated step ng pathway dahilan kung bakit nalaglag ang bitbit niyang libro at lesson plan. Napakapit naman siya sa pole structure kaya hindi siya natumba. Napatingin siya sa paligid kung sino ang nakakita pero agad na napaiwas nang makita si Cairo na papalapit sa kanya.

The handsome hot guy with whom she's been having illicit ties. 

'Ella, kumalma ka. Nakakafirst base ka pa lang! Hawak pa lang iyon!' Sita niya sa sarili.

'Yeah... pero nagbayad ka na ng P1,500. The ball is rolling now.' Sabi naman ng isang banda ng kanyang isip.

Napalunok siya nang ilang hakbang na lang ang lapit sa kanya ng binata at bumagsak ang tingin nito sa mga librong nalaglag. Hindi siya makayuko dahil sa kanyang suot na palda but then she has to, ayaw niyang pulutin ni Cairo---

Cairo then walked away like he saw nothing. He calmly strides towards his classroom, hands in his pocket. Totally ignoring her.

"Miss, tulungan na kita, si Monasterio talaga ang angas, lagi na lang walang paki 'e." Dali-daling kinuha ng dalawang estudyante niya na papasok na rin sa classroom ang mga nailaglag niya. Nanatili ang mga mata niya kay Cairo hanggang sa makapasok na ito sa classroom nang walang sinasabi. 

"Hayaan mo na, ganun naman talaga 'yun. Wala namang interes yun sa kahit sinong maganda, kahit kasingganda pa ni Miss."

Tipid na ngumiti siya sa dalawang estudyante, "Salamat, nambola pa. Sige na, pumasok na kayo at susunod na rin ako."

Ang totoo ay palakad-lakad lang siya sa labas ng classroom. Paano ba magiging normal ang araw na ito gayong sinimulan na nila ni Cairo ang kasunduan nila? Buti sana kung ipinanganak siyang magaling umarte! Kahit bulag ang nagpalaki sa kanya, alam na alam tuwing nagsisinungaling siya.

Pumikit siya at huminga ng malalim. 'Kaya mo yan, Ella. Sa mukha ang tingin, hindi waist down.'

"Good morning, Class." After gathering enough strength, nagpakita na rin siya sa klase. Agad na napatayo ang mga ito maliban sa isa. 

Cairo is on his phone again, texting away. Napasimangot siya nang malakas pa itong humikab pagdating niya.

"Monasterio, andyan na si Miss." Kinailangan pang may tumapik dito para tumayo at ibulsa ang cellphone. Tamad siya nitong tiningnan at kinuha muli ang cellphone sa bulsa para magtext.

Sisitahin sana niya kaso hindi bumubukas ang bibig niya. Hindi na niya ata ito makakausap in public!

"Please take your seat. Our topic for today is cybersecurity.." Tumikhim siya at sinimulan ang topic pero ang Cairo ay humalukipkip at saka pumikit nang walang pakundangan. Buong klase lang itong nakapikit tuwing napapatingin siya. 

Bwisit na bwisit siya maghapon. Sinimulan ng Cairo na iyon! What? Like he can ignore her like that? Matutulog pa sa klase niya. Binigyan niya ng P1,500 ah! Ano pala purpose non? Nagtatrabaho pa rin pala sa Divisoria at ginagamit ang charms niya roon sa mga tindera. He did not even work hard for her. Parang gusto niya talaga ng refund!

Umasim ang mukha niya nang makita niyang pumapasok si Cairo sa canteen at pumila doon sa bilihan ng ulam. Nakikipagtawanan pa ito sa mga kaklase na parang hindi man lang nakokonsensya. He did not listen to her class, he's still working late night even she paid him and is ignoring her.

"Grabe naman, Julie Ann, hindi na nga ako nakapunta sa birthday mo tapos ililibre mo pa ako ngayon.." Nawalan siya ng gana nang marinig si Cairo at makitang nakikipagtawanan ito sa kaklase na halatang kinikilig sa presensya nito. 

Sumubo siya ng kanin at itinulak iyon ng softdrinks nang mapatingin muli sa grupo ni Cairo.

"Kaya lang wala nang table." Narinig niyang reklamo ni Dante nang makuha na nila ang kani-kaniyang tray ng pagkain. Tumingin siya sa bakanteng upuan sa kanyang tabi. Kakasya na sana iyon sa grupo nila Cairo pero nilagpasan siya ng mga ito dahil sa pagdirekta ni Cairo doon sa ibang lamesa na parang hindi talaga siya nakikita. 

'What the hell?' Invisible ba siya? Sa inis ay tumayo na siya at dumiretso na sa susunod na klase. Kailangan niyang magfocus. Hindi siya dapat naapektuhan kaso ay alam na alam ni Cairo kung paano siya mainis. This is not just about her period!

Damn it, hindi pa kasi siya nakakahawak ng totoong ganon! Mainit-init pa at tumitibok. May sariling puso yarn?

"Hi Ma'am Ella.." Nag-angat siya ng tingin at nakita si Sir Ver. She smiled back, may dala pa itong tray ng pagkain at parang kakaorder lang.

"S-sir... Good afternoon! Maglalunch ka pa lang?"

"Oo eh. Napahaba ang klase ko. Napasarap."

Natulala siya sa mukha ng co-teacher.  "A-ah. Mahaba at masarap." Iba na naman ang pumasok sa malisyosa niyang isip. 

"Oo... mahaba at masarap.." Ngumisi si Sir Ver, "Yung klase."

Tumango siya at inipon ang mga gamit niya, aalis na sana siya nang hawakan ni Sir Ver ang braso niya. "Malas daw ang umaalis sa hapag kapag may kumakain."

"Totoo? Ano daw mangyayari?"

"May mangyayaring masama sa kumakain."

Tumango siya, "Ganon ba? 'E di mag-iingat ka, Sir. Enjoy your lunch!"

Nakahinga siya nang matapos na ang kanyang araw sa school. Gusto niya nang umuwi at magpahinga. Iniinda niya pa rin ang kanyang dysmenorrhea kahit papatapos na ang kanyang period. Sumalampak siya sa sofa nang makarating sa apartment niya at hinilot ang puson nang nakapikit. 

Hindi niya namalayan na nakatulugan na niya dahil nagising siya sa mainit na bagay sa kanyang tyan at sa amoy ng nilulutong ulam. Mabilis siyang napatayo at napagtantong madilim na sa labas, napadako ang mga mata niya sa kusina at sa malapad na likod na naroon.

"A-anong ginagawa mo rito?" He's cooking again and putting a hot compress on her!

"Hindi ka ba talaga naglalock?" Balik-tanong sa kanya ni Cairo na parang naiirita pa. Naalala na naman niya ang ginawa sa kanya nito sa school buong araw. She rolled her eyes at him.

"Huwag mo akong dinadaan-daan sa irap, Ma'am. Paano na lang kung may pumasok?"

Humalukipkip siya, "Paano nga ba? Pupunta siya sa kusina at magluluto ng ulam tapos mang-aaway ng mayari ng bahay?"

"Ma'am, mag-invest ka sa automatic door lock para kung tinatamad kang maglock, kusa iyon na magla-lock. Akala ko ba magaling kang IT?"

"Ang mahal mahal 'non!" Umirap siya. "At saka hindi ko naman talaga sinasadyang makatulog. Masakit lang talaga ang puson ko. Hindi mo maiintindihan kasi hindi ka babae."

Malakas na napabuntong-hininga si Cairo. He averted his gaze at her. "Masakit pa rin?"

"O-oo." Umiwas siya ng tingin. Iba yata ang interpretasyon niya sa tanong na iyon. Nasaktan ang pride niya dahil dinedma siya maghapon ni Cairo. 

"Malapit nang maluto ito, Ma'am. Paubos na ang stocks mo. Ako na lang mamamalengke para sa iyo para hindi ka na lalabas at makadiscount ka. Ilista mo lang mga paborito mong ulam."

Tumaas ang kilay niya, "Bakit ko naman sasabihin sa iyo ang paborito kong ulam? Hindi kita kinuha para maging taga-pamalengke, taga-pagluto, taga-puna ng seguridad ng bahay ko. Gagawin mo lang ang sinasabi ko sa iyo, no more, no less."

Napatanga si Cairo sa kanyang sinabi, hindi ito agad nakakilos. "Ma'am, highblood ka na naman sakin. Ang liit-liit mo pero para kang 6-footer kung makipag-away."

Padabog siyang lumapit kay Cairo. "Hindi ko 'to magagawa. Huwag na nating ituloy." Sabi niya nang maliit na lang ang kanilang distansya. 

Kumunot ang noo ng binata sa kanyang sinabi pero hindi nagbago ang tikas at ang pag-galaw ng panga. "Bakit?" Malalim na boses na tanong nito.

"Alam mo bang maghapon, wala akong inisip kundi-- kundi---" Tumingin siya sa pang-ibabang parte ng katawan ni Cairo at hindi niya masabi iyon. Napatakip si Cairo ng pagkalalaki nito sa ilalim ng suot na itim na slacks.

"Ang pervert mo pala, Ma'am."

"Anong pervert?!" Galit niyang angil. "Hindi ko lang makalimutan!"

"Kahit maraming tao, yung bird ko ang naiisip mo, Ma'am? Grabe naman. Kagabi pa 'yon 'ah."

"Hindi sa ganon! Alam mo naman ang ibig kong sabihin pero pinapahirapan mo pa ako!" Reklamo niya. "Hindi ko kayang mag-act normal! Pakiramdam ko ay may ginawa akong krimen. Tapos.. Tapos." Napapikit siya ng mariin. "Natutulog ka sa klase ko, umaarte kang hindi ako nakikita. Ganon na lang ba iyon?"

"Alangan namang salubungin kita ng yakap, Ma'am. Syempre kailangan kong umarte para hindi sila makahalata."

"Nahulog ang gamit ko." Pagpupunto niya.

"Itinulak ko sina Harry para makita ka at tulungan."

"Natulog ka sa klase." Dagdag niya pa.

"Dahil alam kong naiilang ka."  Ibinaba ni Cairo ang hawak na sandok at mas pinasikip ang kanilang distansya. Iniangat nito ang baba niya gamit ang hintuturo at tinitigan siya sa mga mata, "Nagtatampo ka ba kasi hindi kita pinansin kanina? Ayaw lang naman kitang mailang.."

"Sa canteen---" Lumikot ang mga mata niya. 

"Ang sama ng tingin mo kay Julie Ann, baka magtaka yung tao.." Mahinahong wika ni Cairo.

"Ako? Masama ang tingin?" Matinis na tanong niya.

"Ma'am, nagseselos ka ba kay Julie Ann?" Diretsang tanong sa kanya ng estudyante, napasinghap siya sa akusasyon. Siya? Nagseselos? 

"B-basta! Ayoko na! Ayoko na ng ganon!"

"Ayaw mo na?"

"Ayoko."

"Nagbayad ka na, Ma'am."

"E di isoli mo sa akin! I want refund! Wala pa namang 24hrs! At saka hawak lang P1,500 agad! Gold ka?" Naiinis na turan niya.

Kinuha ni Cairo sa bulsa ang wallet nito at saka kumuha ng P1,500 mula roon saka ipinatong sa lamesa. Dali-dali niyang kinuha iyon at umirap. 

"Makakaalis ka na." Sabi niya nang nakatalikod na siya sa binata.

"Ma'am, isoli mo rin yung hawak mo sakin kagabi." 

Pinanlakihan siya ng mata. "H-hoy!" Nilingon niya ito at bumagsak ang tingin niya sa pantalon ni Cairo. Anak ng tokneneng! Baka dalhin niya sa libingan niya ang imahe ng tite nito. "Ibabalik ko na ang P1,500!"

"Hindi pwede. Mas gusto ko na yung solian, Ma'am."

"S-sabi mo hindi ka mamimilit?" Depensa niya. 

"Hindi kita pinipilit, sinasabi ko lang ang terms ko. Hawak ang kinuha mo 'e, ' e di hawakan mo ulit pabalik." Pagkasabi ni Cairo 'non ay kumulog ng malakas sa labas at namatay ang kuryente. Napatalon siya sa binata at napayakap sa leeg nito nang kumidlat.

"M-ma'am.." Bakas ang pag-aalala sa boses ni Cairo. "Okay ka lang?"

"Takot ako sa kulog at kidlat." Bulong niya habang kumakabog ang dibdib. Marahang hinagod ni Cairo ang kanyang likod. Unti-unti siyang nakalma at nakalimot sandali sa takot na naramdaman niya noong bata pa siya. 

--

Pansamantala niyang nakalimutan ang pag-uusap nila ni Cairo. Paano ba naman kasi ay pinakain siya ng marami at gumanda ang kanyang mood. Ang dali niya talagang pasayahin. Pinagtulungan nila ni Cairo ang paghuhugas ng plato, well, siya lang naman ang nagflashlight dito dahil hindi sapat ang liwanag mula sa kandila. 

"Ma'am.." Ngumiti si Cairo at parang excited pang nagpunas ng kamay doon sa kitchen towel niya. Pinuntahan nito ang bag at may kinuha saka inabot sa kanya.

"A-ano to?" Kumunot ang noo niya. 

"Chocnut."

"Chocnut?" Nakangiting tanong niya. "Paano mo nalamang paborito ko 'to?"

"Nakita ko kasi na lagi kang bumibili niyan. Kanina nga meron kang limang ganyan sa lamesa."

Umikot ang mga mata niya, "Nabilang mo? Hindi ka naman nakatingin!"

"Nakatingin ako, Ma'am. Kahit noong nagkaklase ka, nakatingin talaga ako."

"Tulog ka!" Bobolahin pa siya! Naku, hindi na siya madadaan sa ganon! Pinagtibay na siya ng mga Afam sa dami na niyang nakalandian.

"Kapag titingin ka sakin, pumipikit ako." Hinawakan siya ni Cairo sa siko, "Wala namang hindi gugustuhing tumingin sa mukha mo, Ma'am. Ang ganda-ganda mo."

"Ang ganda raw!" Inisi niyang pakli. "Mas maganda si Julie Ann!"

"Parang sinabi mo nang mas pogi si Sir Ver kaysa sa akin."

"Bakit naman siya nasali sa usapan? Cairo, ha! Nagseselos ka ba kay Sir Ver?!" Balik niya dito. Kala nito ito lang ang pupuwedeng mambintang?!

"Ang totoo?"

Napalunok siya kasabay nang muling pagkidlat. She hurriedly hooked her arms on Cairo's neck. She smelled her manly scent and immediately her heart began to thump. Hindi niya tuloy alam kung ano ang nagpapakabog ng dibdib niya. Iyong kidlat ba o si Cairo na mismo.

"P-papaano ako maliligo?" Bulong niya sa tainga ni Cairo. 

Mas madali sana kung pinaalis niya na lang si Cairo kanina at tiniis na lang niya ang kulog at kidlat. Hiding inside the cabinet still works. Kung hindi background ay bubuksan niya ang tv ng malakas para mabawasan ang naririnig na kulog sa labas.

"Mag-iinit muna ako ng pampaligo mo, Ma'am." Hindi na siya ibinaba ni Cairo at binitbit na siya habang naglalagay ito ng tubig sa kettle. It was as if her weight was nothing to him. Umakyat pa ito sa banyo at pinuno ang tubig sa timba bago nilagyan ng mainit na tubig. 

"Ready na, Ma'am.. Nandito lang ako." Isinara ni Cairo ang shower curtain para sa kanya.

"D-diyan ka lang?" Kinakabahang tanong niya. 

"Yes, Ma'am. Hindi ako aalis."

Fck, she never felt vulnerable to others. Isinusumpa niya talaga ang kanyang ama kung bakit ganito na lang ang takot niya sa malakas na ulan, kulog, at kidlat. Eventhough she tried not to think about it, she still still remember running to a stranger whom she thought her father, that stranger put her life at risk.

Nagsa-shampoo siya nang muling kumislap ang kidlat, muntik na naman siyang magtatakbo kung hindi pa siya nakakita ng kamay na nakalahad mula sa kabilang banda ng shower curtain.

"Hawakan mo ang kamay ko, Ma'am."  Baritonong utos ni Cairo.

"H-huwag kang haharap." Sabi niya kahit na nasa kabilang banda naman ito ng kurtina.

"Nakatalikod ako, Ma'am."

Matiyaga si Cairo na naghintay habang naliligo siya at kaholding hands ito ng isa niyang kamay. Hanggang matapos siya ay nagmamadali siyang magbihis para makaalis na sa banyo. Nang buksan niya ang shower curtain ay nakatayo na roon si Cairo sa pinto ng banyo.

"Okay ka na, Ma'am? Pwede na akong umuwi?"

"U-uuwi ka na? Malakas pa ang ulan. Baka baha sa labas.."

"Pwede ka namang makiusap na dito ako matulog.." Nanunuksong ngumisi si Cairo.

Sumimangot siya, humalakhak si Cairo na para bang nakakatawa iyong biro. Tumalikod na ito at naglakad pababa ng hagdan. She was watching him gather his things and zipping his bag. 

Nakakunot ang noo niyang sumisilip sa labas ng bintana. Nang muli na namang kumislap ang langit ay tinakbo na niya ang kuwarto niya at pumasok na siya sa cabinet.

"Ma'am!" Naulinigan niya si Cairo mula sa labas ng cabinet. Wala pang isang minuto ay binuksan nito ang cabinet at nakita siya roon na nakabaluktot.

"Takot ka talaga sa kidlat?"

She nodded. She felt her hands were shaking.

"Dito na ako matutulog." Desisyon ni Cairo na napapailing habang hinihila siya papalabas ng cabinet. "Kaya lang maliligo rin ako."

Napalunok siya, "P-puwedeng sumama?"

"Sige. Pero huwag kang haharap, Ma'am." Ngumisi ito at tumalikod na sa kanya. Ginamit pa nito ang kanyang linya sa kanya! Ang galing talagang mang-inis. 

Sinundan niya ito hanggang sa banyo at narinig niya na agad ang lagaslas ng shower doon. Naamoy niya pa ang shampoo at sabon niya. It felt weird na may nakikigamit ng personal na gamit niya at lalaki pa. Sa tangkad ni Cairo ay nakikita niya pa ang tuktok ng ulo nito mula sa shower curtain.

Naiinis siya sa bagyo. Bigla bigla na lang bumuhos at thunderstorm pa! Pwede namang ulan lang. Bakit nagbrownout at may pakidlat pa ang langit. Dumagundong muli sa labas na parang may nagbagsakang drum ng tubig sa alapaap. Hindi na siya nag-isip at tumakbo sa ligtas na lugar.

"Ma'am!" Gulat na gulat si Cairo dahil pumasok siya sa banyo at sumampa muli sa leeg nito. Huli na nang marealize niya na hubo't hubad ito at walang pakundangang isinabit niya pa ang binti sa beywang nito. Hindi siya agad nakakilos pero sinalo naman ni Cairo ang kanyang bigat.

Tengene ka, Ella! Anong kala mo sa tite niyan, flagpole?! Sumampay ka pa riyan na parang watawat!

"Sorry.." Mariing bulong niya sa balikat ni Cairo. "Bakit ang tagal mong maligo?" 

"Bumaba ka muna, Ma'am. Magtatakip muna ako."

Umiling siya, "Nakita ko naman na yan ha. Doon na tayo sa kuwarto."

Cairo sighed. Kinuha nito ang malinis na damit na baon nito sa bag at hinayaan na lang siyang nakasabit sa leeg nito. Ibinaba siya ni Cairo sa kama at agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Akala ko ba, memorize mo na 'to? Wala nang silbi ang pag-iwas ng tingin, Ma'am. Ito na yung laman ng isip mo maghapon."

"Huwag na! Baka maningil ka pa." Masungit niyang angil.

"Syempre! Wala namang liveshow na libre." Cairo let out a hearty laugh, "Pikon. Nakashorts na ako."

Awtomatiko siyang lumingon pero napagtanto niyang nakahubad pa rin ito, mas lalo itong natawa. Gustong-gusto talagang ipinapakita ang hubad na katawan.

"I gotchu."

"Tse!" 

Umupo na si Cairo sa tabi niya nang disente na ito at nakadamit na.

"Lagi ka talagang may baong damit?" Tanong niya. He's wearing a white fitted shirt and a boxers shorts. Kung hindi niya kilala ito, aakalain mo talagang hot, rich, bachelor. He's ripped, hindi dahil sa gym kundi sa pagbubuhat ng mga crate at bayong sa divisoria. Huwag lang talaga bubukas ang bibig, makakapanloko na yayamanin.

"Oo para laging mabango."

Ngumuso siya at umirap. 

"Iniisip mo na naman na nakikitulog ako sa ibang bahay kaya ako may baong damit madalas?"

"Bakit ko naman iisipin?! Bahala ka kung saan mo gustong matulog!"

"Thank you, Ma'am. Dito ko gustong matulog 'e." Iginalaw muli ni Cairo ang sarili at idinikit sa kanya. "Tulog na tayo?"

Tumango siya at gumapang sa kama. Tumayo naman si Cairo na parang may hinahanap sa kuwarto niya. Nang may mahanap na bakanteng blue folder ay lumapit na sa kanya sa kama at dinaluhan siya. Sinimulan siya nitong paypayan. 

Nakaramdam siya ng ginahawa at talagang nabawasan ang takot sa kidlat. Mabuti at hindi siya iniwan ni Cairo ngayong gabi.

"Bakit takot ka sa kidlat, Ma'am?"

She smiled bitterly, "'nung bata ako, sabi ng mga kapitbahay ko na dumating daw ang tatay ko sa baranggay namin. Naroon daw sa kapilya. Tumakas ako sa Nanay Gemma ko at pumunta roon kahit papadilim na. Hinabol ko yung lalaki. Nang makalapit ako, kinaladkad niya ako sa isang poultry, hindi daw siya ang tatay ko pero pwede daw kaming gumawa ng anak. Kumidlat ng malakas at bumuhos ang ulan. Kahit anong iyak ko walang nakakarinig sa akin. Mabuti na lang.. Mabuti na lang.."

"May dumating na binatilyo at sumigaw ng 'Ano yan?' kaya nakatakbo ka."

Napaawang ang labi niya. Iyon ang eksaktong nangyari. "Paano mo nalaman?"

"Ako ang binatilyo na yun, Ma'am. Rumaket ako sa pagpick-up ng itlog sa poultry sa Bulacan. Hindi kami agad nakabyahe dahil umulan. Narinig ko yung sigaw." Kumuyom ang kamao ni Cairo. "Pero dumating ako, Ma'am. Gaya ngayon, nandito ako. Kaya huwag ka nang matatakot sa mga ganito."

Nangyayari yon? Nakakunot ang noo niya. She couldn't make any sense out of it. Magaling siya sa teknolohiya kaya hindi siya naniniwala sa destiny. Science but never pseudoscience.  Nakatadhana silang magkita ni Cairo at iligtas siya tapos nagkita sila ulit ngayon? Imposible! Napatingin siya sa guwapong mukha ni Cairo. 

"Salamat.."

Cairo lowered his gaze at her. He licked his lower lip and she mimicked it. Pumikit na lang siya at hinayaang dumampi ang labi ng binata sa kanya. She felt the warm yet seductive tease on her lip as he slowly nibble her skin, pressing his lips to hers. 

His hand slowly crawled underneath her blouse and for a second he hesitated to touch her boob but she grabbed his wrist and maneuvered it on her breast. The fire ignited when Cairo positioned on top of her, dropping small kisses on her jaw. Napaungol siya kahit sa ganon lang. She felt his manhood on top of her legs as he gently rub it against her skin by grinding his hips sexily. Naaakit siya kahit hindi niya alam ang dapat asahan.

"Cai.. Meron pa ako." Bulong niya.

"Halik lang, Ma'am." Namamaos na wika nito.

Halik? Halik ba ito? Bakit iba sa pakiramdam? She feels the dire need to be touched. Napalunok siya habang dumadampi ang palad ni Cairo sa malambot niyang balat. Although his hand is rough, it felt so good on her skin. She felt the devotion on that touch, as if she's a fragile artifact first time to be held. 

"Cairo.. Hmm.." She whispered on his ear while her legs automatically part, as if it is a part of a melody she never sang but her body knows it exactly. 

Inilipat ni Cairo ang isang palad sa pagitan ng kanyang mga hita, hinahawakan ang balat ng kanyang binti at hinahagod iyon ng ilang beses. Dama niya ang sensasyon na nais nitong iparating. Kaya lang may naalala siya.

"T-teka, hindi pwede, Cai. Lugi na naman ako rito!" Bulong niya nang hinihingal. What? She'll pay another P1,500 for just kissing and touching? Long-term agreement naman ito. Kung tutuusin ay dapat may discount siya.

"Ma'am.." Lasing ang mga titig ni Cairo sa kanya at akmang susugurin mula ang kanyang mga labi pero bahagya niya itong itinulak.

"Teka nga lang. Stop."

Tumigil si Cairo at hindi nga nagpumilit.

"Nahihirapan akong pakiharapan ka sa klase, naiilang ako. May limang buwan pa akong magtuturo, hindi ko pupwedeng maramdaman iyon palagi."

"Bakit hindi natin subukan? Masasanay ka rin.."

"Paanong masasanay? Araw-araw nga kitang makikita."

"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan."

"Susubukan?" Paglilinaw niya.

"Taste test. Tikman mo muna ako, Ma'am."

Hinampas niya sa balikat si Cairo, pilyo itong ngumisi, "Ang cute mo talaga, Ma'am."

Umirap siya at nag-isip. Kakayanin ba niyang umarte? Araw-araw naman siyang nagpapanggap sa mga Afam! Limang buwan lang naman nilang kailangan magkita ni Cairo. She's just 21! She can make mistakes and have a character development later on. (Ella: Author, please  🙏🏻)

"Sige.. Halik lang muna ha. Saka hawak." Pag-payag niya.

Agad namang sumugod si Cairo ng halik na parang handang-handa sa laban. 

"T-teka..." Itinulak niya muli ito. "M-magkano ito.."

"Freebie mo na, Ma'am. Salamat sa pagkuha ng serbisyo ko, Ella." That and they spent the night kissing and touching just like that.

----

🧡 Makiwander | 📸 Instagram: Wandermaki | 💙 Facebook: Makiwander | 🐦 Twitter: Wandermaki | 💚 Spotify: The Slow Fix Podcast





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro