Kabanata 2
Ella
Grabe ang lakas kumain.
"Hindi ka ba kumain sa inyo?" Nakataas ang kilay niyang tanong. Ipinaramdam niya na hindi niya gusto ang company nito, pagbintangan ba naman siyang attracted siya rito. Ang kapal ha! Gusto lang palang makikain.
"Hindi." Tipid na sagot ni Cairo habang kinukuha pa ang natirang ulam niya sa platito. She sighed. Gwapo lang pero wala ring pera kagaya niya.
"Sige, ano bang tanong mo sa software architecture?" Inilabas niya ang libro at binuklat iyon.
"Wala."
Natigilan siya, ang damuho, wala naman palang tanong! "Eh bakit mo pa ako hinarang kanina? Magtanong ka, nandito na rin naman tayo."
"Wala nga. Hindi ko nga alam kung ano yun."
"Anong hindi alam? First year pa lang meron na kayong Intro 'non ha?" Nadismaya siya. Oo nga at mas matanda si Cairo sa kanya pero hindi naman siya ganito kapabaya sa pag-aaral, in fact, second year pa lang siya ay nag-o-OJT na siya sa isang start-up IT company kaya naman kahit bata pa siya ay nakuha siya as part-time instructor.
Napagod at napuyat nga lang siya ron kaya maaga siyang nagsawa sa pagtatrabaho. Gusto na lang niya ay ginahawa sana. Ganon din naman, mag-aasawa rin siya, gagawing housewife, mangungulubot, mate-tegi!
Sobrang mundane lang ng buhay kaya wala rin siya masyadong gana. Gusto niya na lang maexperience ang best things in life at 21. Her mother Merly died at 30, wala pang makita at ninakawan pa ng puri. Nothing special ever happened in her life. Ayaw niya ng ganon.
Uminom ng softdrinks si Cairo. His adams apple moved up and down, and unconsciously, she slightly bit her lower lip. Parang bigla rin siyang nauhaw at nagulat pa siya nang biglang magsalita ang estudyante niya.
"Bakit? Gusto mo bang makasabay kumain si Sir Ver?"
"Libreng pagkain yon. Sayo, napagastos pa ako." Reklamo niya.
Napailing si Cairo at mataman siyang tiningnan. "Ano bang ginagawa mo rito? At bakit ka ba nagugulat sa kagaya kong walang interes sa pag-aaral kung ikaw nga nandito ka para magturo ng mga kagaya ko. Wala ka sigurong pangarap. IT ka hindi ba? Bakit hindi ka sa malalaking opisina nagtatrabaho? Ang bata-bata mo pa para magturo. Itong eskwelahang 'to? Fallback to ng mga retired IT na bored sa bahay nila."
"May pa-opinyon? Kuya kita?" Umirap siya, "I am just helping a friend. Hindi ako nandito dahil theories lang ang alam ko sa computers, parehas kong alam ang theories at practical application pero wala akong balak i-pursue ito. Iba ang pangarap ko."
"Ano ang pangarap mo, Ma'am?" Cairo crossed his arms to his chest, looking her straight in the eye.
"Makapangasawa ng mayaman." Walang kagatol-gatol niyang sagot.
---
Pasalampak siyang naupo sa couch nang makauwi siya sa apartment niya. Iniuntog niya ang kanyang ulo sa arm rest ng ilang beses gamit ang kanyang noo.
"Nakakapagod. Ano ba ang pinasok ko?" Tanong niya sa sarili.
Ella's apartment is complete with basic appliances eventhough it is old. Inalagaan niya talaga ito simula noong second year college pa lang siya. May limang baitang pa nga ito patungo doon sa dalawang pintong kuwarto sa ikalawang palapag. Iniisip niya rin na parentahan sana kaya lang wala naman siyang mahanap na border.
May kumportable siyang couch, maliit na ref, microwave, basic na washing machine, smart TV. Kapag nakakajackpot siya ng Afam na jowa ay napapadalhan siya ng ekstra bukod sa kinikita niya sa freelancing jobs niya at iyon ang pinapambili niya ng gamit. Halos ito na rin ang bahay niya dahil bihira siyang umuwi sa Bulacan kung nasaan si Nanay Gemma niya.
"Hay naku, Ella. First day mo palang parang susuko ka na. Ano na 'teh!" Sambit niya sa sarili bago bumangon at naglakad patungo sa kuwarto niya.
Dumiretso siya sa banyo para mag-shower at magpalit ng sexy lingerie. It is almost 6PM, magigising na ang online jowa niya sa Amerika at kailangan na maturn-on para makapag-maryang palad bago pumasok sa trabaho.
Humarap pa siya sa salamin at naglagay ng manipis na make-up para hindi magmukhang maputla bago binuksan ang laptop niya at naglog-in sa skype.
Napangiti siya sa notification ng messages mula sa kanyang online jowa na puro kabastusan naman!
Jack Cole: I got a hard-on thinking of you, and it is 5 am. I just really wanna hear you moaning right now.
Jack Cole: I want to speak French between your legs.
"Ano raw? French? Bakit? Bonjour ganon? Je t'aime? 'E bakit sa pepe ko pang hayop ka. Hindi naman sumasagot yan."
Binasa niya ang sumunod na mensahe.
Jack Cole: I'll fuck you until you can't walk, Kelly, my love.
Siyempre, hindi niya ginagamit ang sarili niyang pangalan. May online persona rin siya.
Kelly Vogue: Oh, you are so sweet, Jack. But I am a bit sad.
Walang kaemo-emosyon niyang tipa. Hindi pa kasi siya pinapadalhan ni Jack kahit pangload lang. Alam naman ni Ella na hindi lahat ng babae ay pera lang ang hanap sa mga Afam, in fact, alam niyang mas maraming naghahanap ng true love sa foreigners dahil ang mga pinoy, vienna sausage na nga ang size ng karamihan, babaero pa, at wala pang ambag na pangkabuhayan showcase, pag nakaswerte ay gagawin ka pang punching bag.
Although, meron ding kagaya niya na hindi naniniwala sa true love kaya manggugulo na lang sa pagsungkit ng ibang lahi sa internet. Kapag nakahanap siya ng bibigyan siya ng magandang buhay, 'e di swerte, pangako naman na pagsisilbihan niya ito habambuhay.
Kelly Vogue: I need money right now, Jack. It is hard for me to be aroused eventhough I love you because I am thinking of many things I need to buy for my family. Tomorrow, I will have no electricity, and I can't talk to you anymore.
"Oh, kapag hindi ka nagpadala sakin, ibig sabihin, titipirin mo ako kapag tayo na. Igo-ghost talaga kita!" Kinausap niya ang laptop niya habang nakikitang typing ang status ni Jack. Humagikgik siya.
Jack Cole: I told you I would send you money if we had sex online.
"May kondisyon pa! Baka kapag magkasama na tayo ay hindi mo ako bigyan ng panggrocery without sex. Kapal ng mukha mo ha!" Nagtipa muli siya sa kanyang laptop.
Kelly Vogue: But I am shy. I am still a virgin.
Jack Cole: Stop repeating that you are a virgin; you make me hard.
Kelly Vogue: But my life is harder, Honey, my love, so sweet.
Humalakhak siya sa sariling kakornihan. "Walangya ka talaga, Ella. Panalangin mong hindi niya kilala si April Boy."
Jack Cole: Okay, I'll send money to your PayPal email to pay for your electricity. Is $200 enough?
Napangisi siya, "Ganyan nga! Sa wakas ay magkakaayuda rin ako sa iyo! Nagkakaroon ng liwanag ang relasyon nating dalawa."
Kelly Vogue: That will do. I will pay for the electricity and won't eat. At least I can still talk to you.
Natawa pa siya sa pangongonsensya niya.
Jack Cole: Oh, Baby, why are you doing this to me? I'll send 500 bucks.
Napapalakpak siya. Talagang pati pagmamahal ngayon, may halaga na. Ilang sandali lang ay tumunog na ang kanyang cellphone at kumpirmado ngang nagpadala si Jack.
Kelly Vogue: Thank you so much, Honey.
Jack Cole: You're welcome. About the sex...
Kelly Vogue: I told you I am shy... I'll send you photos of my boobs again. Just like before.
Jack Cole: No, I want to see your body. If you are shy because you are still a virgin, then I am okay for you to fck someone else so you'll gain confidence.
"Baliw ka ba?!" Bulalas niya sa laptop niya. Magtatype sana siya pero may mensahe na naman si Jack.
Jack Cole: I'll send you $6,000 if you let me fck you online. You are really hot.
"Gunggong! Akala mo maloloko mo ako?!" Ang dami niya nang natutunang modus simula nang pasukin niya ang pagiging online girlfriend. May nangyari pang siya ang nakapaglabas ng pera at na-scam.
Kelly Vogue: But Honey, I don't have anyone to fck here. Here in the Philippines, you must pay for sex if you are single; there's nothing free in this world.
Jack Cole: How much is it? I can pay for that.
Napalunok siya, totoo ba? Babayaran siya ng more than P300,000 para lang sa vidyakol at magbabayad din ng taga-pop ng cherry niya?
Right. This is just a one time thing, kung hindi naman niya magugustuhan, marami siyang exit doors. Kapag nakakuha nga siya ng P300,000, magtatayo siya ng Milktea shop sa Bulacan. Nag-compute na siya sa isip ng mabibili niya sa P300,000. Pagkatapos susubukin niyang mahalin si Jack lalo't ganito pala kagenerous. Mas matanda ng sampung taon si Jack kaysa sa kanya, may stable na trabaho sa US bilang banker. Sobrang hilig lang sa s*x!
"Hay naku, Ella! Kung san-san na naman nakarating ang imagination mo! Hindi mo pa nga alam kung totoong magse-send nga ng pera." Kumilos muli ang mga daliri niya para magreply.
Kelly Vogue: $1,500 for a sex worker.
Tumunog agad ang cellphone niya sa isang notification mula sa PayPal. Pinanlakihan siya ng mata. Jack sent her $1,500!
Napalunok siya. Totoo? Pinatulan nito ang kondisyones niya? Ngayon ay nasa kanya naman ang pagkakataon para pumili.
She can run away with the money, or she can still push it for $6,000.
Pera o Bayong, Ella?
Kelly Vogue: Thanks for this, Honey. I'll send you my boob pic later. I love you.
Jack Cole: Looking forward to seeing you orgasm. Let me know when you are ready for our video sex chat.
Naghanap siya sa cellphone niya ng sexy na litratong minanipulate niya na sa Photoshop at ipinadala iyon kay Jack. Pinatay niya na ang laptop niya nang makita niyang nagsend agad ng dick pic ang online boyfriend niya, hindi siya interesado. Marami na siyang nakitang ganon, iba't-ibang kulay pa nga.
Nagpalit siya ng damit nang makitang alas-otso na ng gabi. Costume lang naman niya talaga ang lingerie kapag biglang magrequest ng video call ang Afam na kinakausap niya. Video call lang without hanky panky ha, kay Jack pa lang kung sakali.
She changed to an oversized white shirt and shorts para magpunta sa night market sa Divisoria. Isang tricycle lang iyon mula sa apartment niya. Doon na siya kakain at bibili ng ilang mga gamit mula sa nadelihensya niya kay Jack.
Maingay ang divisoria sa gabi, marami siyang nakakasalubong, maraming nag-aalok. Nagpalinga-linga muna siya para maghanap ng magugustuhan bago kumain. Nanliit ang mga mata niya nang ang mahagip ay tao imbes na bagay.
Awtomatikong naglakad ang mga paa niya papalapit sa taong nakita.
"Cairo, salamat sa pagbubuhat ng mga damit. May naiwan pa ba sa jeep?" Kinausap si Cairo ng isang matandang tindera habang ibinababa nito ang napakalaking sako ng damit na nakasukbit sa balikat nito.
Wala itong pang-itaas at tama nga ang hinala niya, he's muscular and has chiseled abs. Walang patawad ang abs, in fact, it is eight pack, not six. His low-hanging khaki shorts gave a peek of his sexy v-line.
"Yan na lahat, Aling Charo. Isang daan na lang para sa iyo."
"Sus, nagdiscount ka pa. O, ito dalawang daan. Idagdag mo sa baon mo." Inabot ng matanda ang pera kay Cairo na agad naman nitong inilagay sa bulsa. Bumuga pa ito ng hangin at humawak sa noo. Halatang napagod. Traces of sweat drips down from his neck down to his perfectly contoured body. Napalunok siya.
Bwiset ka, Ella. Are you really adoring your student?! Ang dami mo naman na nakitang katawan at tite!
Tatalikod na siya nang magtama ang mga mata nila ni Cairo, agad na bumakas sa mukha nito ang pagtataka.
"Cairo, pawis na pawis ka. Magpalamig ka muna." May agad na nag-abot dito ng palamig sa baso at pinunsan ang pawis nito. Siguro ay girlfriend kasi walang pag-alinlangan na magpunas ng katawan nito. But then, Cairo's gaze stayed at her. Hindi nito alintana ang sexy na babaeng nag-aasikaso rito. He took a sip of his juice while ogling at her. Ang walanghiya! Bakit ganito makatingin?
Tumalikod na talaga siya at hindi pinansin ang nakita. Naghanap siya ng mga pupwedeng gamit sa kusina nang medyo makalayo na siya kay Cairo. Nakahawak siya sa sandok nang may magsalita sa kanyang tabi.
"Anong ginagawa mo rito, Ma'am?"
"Ay potacah!" Naihagis niya ang sandok sa pinagkuhaan dahil sa gulat. At heto nga, ang taong iniiwasan niya ay nasa harapan niya na.
"Bakit ka ba nanggugulat?" Inis na tanong niya rito. Tumaas ang dalawang makakapal na kilay nito.
"Bakit ka nagugulat? Ang dami-daming tao rito, malamang may makakasalubong ka."
"Pilosopo ka, obvious ba, namimili ako."
"Namimili? Bakit ka nakatingin sakin kanina? Ako ba ang gusto mong bilhin?"
"Aba, Cairo, malamang may mata! Nahagip ka ng paningin ko. Bawal ka bang tingnan? 'E di magtago ka. Feelingero!" Nagpatuloy siyang maglakad pero si Cairo ay hindi pa rin tumigil sa pagsunod.
"Napansin ko lang kasi simula kaninang umaga, lagi tayo nagkakatitigan."
"Nagkakatitigan tayo kasi lagi kang nakatingin sakin!"
"'E sa nagagandahan ako sa iyo, Ma'am. Napopogian ka rin ba sa akin?" Kinuha nito sa kanyang kamay ang hawak niyang plastik ng kaldero pero hindi niya ibinigay.
"Alam ko na yang galawan na yan, sisingilin mo ako kapag may ginawa kang pagsisilbi. Alam mo, first day pa lang kitang nakita, parang kilalang-kilala na kita." Naiinis na siya sa mga taong sumasalubong sa kanila kaya subconsciously siyang naghahanap ng daan papalabas. Makauwi na lang at magbubukas na lang siya ng tuna kaysa makipagdaldalan kay Cairo.
Ngumisi si Cairo at walang kahirap-hirap na hinila ang kaldero sa kamay, "Hindi. Akin na, Ma'am. Parang hindi mo naman ako estudyante niyan."
Kinilabutan siya sa sinabi nito. Humalukipkip siya at hinarap ang binata. "Wala ka na bang ibang gagawin? Baka makita tayo ng girlfriend mo!"
"Gilfriend? Ah, si Icy, hindi ko girlfriend yon. Kaya ka ba tumalikod kasi nagselos ka, Ma'am?" May panunukso sa sinabi nito kaya mas lalong nag-init ang kanyang ulo.
"Hoy! Grabe, ang kapal mo. Ginaganito mo ba mga teacher mo? Kahit wala na tayo sa loob ng eskwelahan dapat nirerespeto mo pa rin ako."
"Ang cute mo magalit, Ma'am." Malutong na humalakhak si Cairo. Saka pa lang niya napagtanto na wala pa ring pang-itaas ito at confident na naglalakad sa tabi niya. His sweat even smells nice and manly, tiyak na alagang-alaga ang katawan kahit na nagtatrabaho sa Divisoria.
"Nakapahinga ako, mamaya pa ulit alas-dose ang dating ng ibang paninda. Kumain ka na ba, Ma'am?"
"Hindi pa." Pagalit niyang sagot. Magpapalibre na naman yata!
"Sabay na tayo. Sagot ko." Napaawang ang labi niya. Ililibre siya? Bakit? "Para back to zero na ulit tayo. Nilibre mo ako ng pananghalian, ako naman ang sagot sa hapunan."
Sumunod siya kay Cairo kahit na nagtataka siya sa mga ikinikilos nito. Malinaw naman na hindi siya crush, pero may something dito na nahihila ang atensyon niya. Simpatiko? Blunt? Gwapo? Hindi niya alam kung alin doon pero isa lang ang tiyak niya, pa-fall si Cairo at magaling ito roon.
"Cairo, pangmeryenda mo mamaya.." May nadaanan silang tindera habang lumalabas sila sa hilera ng mga street vendors.
"Uy salamat, Mherybeth. Dagdagan mo naman, kasama ko ang Teacher ko..."
Tiningnan siya ng tindera at pilit na ngumiti, "Ay, sige, ito po, Ma'am.." Inabot sa kanya ang iba't ibang klaseng matatamis. Tatanggi sana siya pero si Cairo na ang kumuha at inabot sa kanya.
"Salamat, Mherybeth ha. The best ka talaga." Kumindat pa si Cairo at siya naman ay napairap lang sa hangin.
Marami pang babae ang nag-aabot kay Cairo ng mga paninda nila. Hindi niya kinakaya ang pagiging in demand nito sa Divisoria. Sikat na sikat ang loko!
Huminto sila sa maraming nakahilerang streetfood sa may divisoria, iba't ibang barbecue, dumplings, noodles, at rice meals ang paninda. Natakam siya agad at nakaramdam ng gutom. Balak sana niyang mag-takeout kung hindi niya pa nakita si Cairo.
"Cairo, ikaw pala." Ngumisi agad ang babaeng nagtitinda ng barbecue na abala sa pagpapaypay sa grill.
"Hi Shiela. Ang ganda mo naman ngayon."
Napalingon siya sa babae, mahaba ang buhok nito, naka-pekpek shorts, neon pink na spaghetti strap, makapal ang make-up pero bakas pa rin ang pimples sa mukha. Naniniwala naman si Ella that everyone is beautiful in their own skin, pero para sabihan din ito ni Cairo na 'maganda', isa lang ang konklusyon niya, walang pangit at walang pinapalagpas si Cairo basta may palda! Bolero ang lalaki at tiyak na maraming pinapaiyak na babae!
"Kasama ko ang teacher ko, nagpapalakas sana ako para hindi ako ibagsak." Kwento pa nito.
"Ay, ganun ba? Hi, Ma'am. Mabait yan si Cairo. Sana hindi mo ibagsak. Ililibre ko na ang pagkain niyo, kumuha na kayo ng kahit ano riyan."
Pinanlakihan siya ng mata at nilamon ng hiya. May pambayad naman siya, hindi siya kailangan ilibre ng mga naghahanap-buhay ng patas. Pero ang lokong si Cairo ay pumitas na ng mga gustong barbecue at inilagay sa grill.
"Salamat, Shiela ha. Kaya gusto kita 'e." Sabi pa nito.
Jusme! Yun din ang pick-up line sa kanya ni Cairo kanina lang. Wala na talaga siyang papaniwalaan sa sinasabi nito. Sinungaling.
Umupo sila sa pandalawahang lamesa na nakahilera lang doon sa kalsada, pangilan-ngilan lang ang umuupo at kumakain dahil karamihan ay naglalakad para bumili ng take-out.
"Ikaw, akala ko ba ililibre mo ako?" Sita niya agad kay Cairo.
"Hindi ko sinabing ililibre kita, sabi ko sagot ko. Sagot ko ang delihensya, Ma'am."
Umirap siya. "Nakakahiya sa mga naghahanapbuhay, hindi naman nalalayo sa atin ang buhay ng mga yan."Kaya nga sa foreigner niya gustong kumapit kasi times 58pesos ang isang dolyar. Barya lang sa kanila yon.
"At least hindi nagnanakaw."
"Nambobola lang, ang galing mo rin 'no? Siguro kaya mo ako kinakausap para hindi kita ibagsak? Lahat ba ng teacher mo kino-close mo at binobola?"
"Sino? Si Sir Ver? Si Mr. Macalintal? Hindi Ma'am. Ikaw pa lang ang nakasabay kong kumain saka hindi kita binobola."
"E ano 'to? Lahat na lang sinabihan mo ng maganda!"
Ngumisi si Cairo at tinitigan siya sa mata. Bumilis ang tibok ng puso niya, tiyak na ikakagalit na naman niya ang bibitiwang salita nito.
"Huwag kang magselos, Ma'am. Ikaw ang pinakamagandang nakilala ko sa buong buhay ko."
Unti-unting naglaho ang ingay ng Divisoria at napalitan ng malakas na tibok ng puso niya. Bakit ganon? Alam niya namang binobola siya pero bakit uminit ng husto ang kanyang pakiramdam.
---
🧡 Makiwander | 📸 Instagram: Wandermaki | 💙 Facebook: Makiwander | 🐦 Twitter: Wandermaki | 💚 Spotify: The Slow Fix Podcast
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro