Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10

Ella

"Baka kapag nagkita na tayo ulit, mayaman na rin ako." Napatapik ng noo si Ella.

"My ghad, shet. Nakakahiya." Tiningnan niya ang sarili sa harap ng maliwanag at malaking vanity mirror. Punong-puno nang mamahaling make-ups ang nasa harapan. Pangarap niya lang ito dati, pero ngayon ay abot kamay niya na.

Iyon nga lang ay hindi ito sa kanya. 

"Hey, pokpok!" Nakangising siniko siya ni Daniella. Kasunod nito ang matalik nitong kaibigan na si Monroe na kagaya niya ay mukha ring nalugi. Umupo ito sa harap ng salamin at nagretouch ng blush on kahit hindi naman kailangan. Monroe is naturally beautiful, understatement na napanganga siya nang unang makita ito, kasunod nang tanong kung bakit hindi ito naging artista kagaya ni Daniella. She couldn't stop raving about her beauty, and the bitch will just laugh at her, saying she was born that way. Her skin is flawless, lips more perfect than Angelina Jolie, and her ethereal fcking body is to die for. 

But then instead of feeling insecure, badge of honor niya ata na katrabaho niya ang ilang mga artista at isang supermodel na kagaya ni Monroe. It meant she's at par with her. Or somewhat, 'close'.

"Anong ginagawa mo riyan? May pahampas hampas ka pa ng noo, para kang si Bitch! Napakaraming booking pero parang laging palugi ang negosyo." Tukoy ni Daniella kay Monroe. 

"Well, sorry, your highness, hindi naman kung sino lang ang makaka-s*x namin tuwing gabi ang pinoproblema namin kagaya mo. We have our own lives." Mataray na sagot ni Monroe kay Daniella.

"Tingin mo ba ay buhay pag-ibig ang problema ni Ella like you? Asyumera, gow pokpok, what is your problem? Enlighten us." Nakilagay na rin ng make-up si Daniella at pinapanood nila ang isa't isa sa malaking vanity mirror habang nag-uusap.

"Na isip ko lang ang buhay, Dani."

"Uy, ang deep." Humagalpak agad si Daniella na wala talagang sineseryoso sa mga sinasabi nila.

"Gaga! May naalala lang talaga ako. May napagsabihan kasi ako dati, na kapag nagkita kami ulit, mayaman na ako." Paliwanag niya na parang kailan lang ang usapan nilang iyon ni Cairo.

"Aren't you? Huwag mong sabihing hindi ka pa nakakapag-ipon in less than a year here at Morgan? Magagalit sayo si Tita Resty niyan."

Ang Morgan ay ang isang escort service company. Aksidente niya itong nalaman last year kakaresearch kung paano magkakaroon ng maraming pera. Nag-apply siya pagkatapos nang limang taong pagtatago sa Bulacan pagkatapos nang ginawa niyang pasabog sa eskwelahan. Tita Resty, as they call her, ang tumatayong 'Housekeeper' ng Morgan, hired her pronto. 

Tita Resty liked her, and as the Housekeeper mentioned, ikalawa siyang hindi magbibigay ng 'extra service' or sexual service sa mga kliyente. First was Monroe. Hindi naman siya nito pinilit, as Tita Resty said, preference ang extra service ng may katawan. Ang tanging trabaho lang nila ay isigurong ligtas sila sa kanilang mga transaksyon o pakikipag'date'. Everything is discreet. Ang tanging risk lang ay makuhaan sila ng litrato together with high-profile clients pero hindi iyon maiiwasan. Some closet gays booked them para hindi mahalata ang mga ito sa sexual preference ng mga ito. 

She's earning P50,000 every four hours. Labas na roon ang komisyon ng Morgan. The company's expenses are the maintenance of the app, their clothes, make-up, and security. That's what make their escort service expensive. May mga nagtatrabahong celebrity sa loob, hindi niya kilala lahat pero may mga nakakasabay siya sa dressing room. Kahit ganoon, protected ang identity ng mga ito. Malaki ang fine ng Non-Disclosure Agreement kung sakaling itsi-tsismis niya ang mga katrabaho kaya hindi siya naging kyuryoso sa kung sino pa ang mga katrabaho.

"I saved a few." Nagkibit-balikat siya bilang sagot kay Daniella. "Pero siyempre hindi pa ako mayaman. Hindi naman ako kagaya ni Monroe na sinisiksik ang schedule. Kailangan ko pang umuwi sa Bulacan araw-araw at sinisiguro ko pa ang kabuhayan ng Nanay ko."

"You and your stupidity. Bakit kasi hindi mo na lang dalhin dito ang nanay mo? Hindi naman niya makikita ang mga ginagawa niya kasi hello, hindi naman siya nakakakita!" Humalakhak muli si Daniella.

"Ang mean mo, Tonta." Monroe called Daniella out, " Not everyone here has the same circumstances. Saka teka nga, why are you even here? Sa dinami-dami ng mga babae rito, bakit ba sa amin ka dikit ng dikit?"

"You know why, Bitch! Ken Marshall is booking you for me!"

"Just wait for his advice when! Puno ang schedule ko sa buong linggo at walang Ken Marshall doon." Tumayo si Monroe at tiningnan siya, "Mag-iingat ka sa Temptation Island, Ella. Maraming 'ahas' doon. Mahaba, mataba, minsan baluktot." Makahulugang tiningnan siya ni Monroe pagkatapos ay kinuha na nito ang bag.  

Temptation Island, that's exactly what her worry is. That's exactly what reminded her that she's awfully unsuccessful kahit kumikita na siya ng pera. She escorts men who need women to feel good about themselves. 

And what did she say about success not being important? Kinain niya rin ang mga sinabi niya five years ago. Naiinsecure talaga siya ngayon. Wala siyang mga kaibigan, hindi niya rin kinakausap ang mga kaibigan niya dati dahil anong ibabalita niya? That she's still single and no money unless she escorted guys. Mukha at katawan niya lang ang kanyang puhunan. 

Cairo, she never heard of him aside from one news publication about him. That he's Levi Monasterio's son, the family who owns Temptation Island. And that, made her realize how far they were in life. Magtatrabaho siya mamaya sa ekslusibong islang pagmamayari ng pamilya ni Cairo. Yumaman nga talaga ito at siya ay nanatiling hampaslupa. Bakit ba ang sinabi lang ni Cairo ang nagkatotoo na yayaman ito? She said the same statement that day! Bakit parang si Cairo lang ang tinamaan ng kidlat na may kasamang himala?!

She's done with her pity party and started dreaming on her own, pero ang hirap talagang mangarap sa bansang nananaig ang mga korap. Ginamit niya na lang ang biyaya ng Diyos sa kanya, hopefully, that is enough to make it in life.  Because life isn't fair. 

"Sayang, hindi ka pwedeng magpicture sa isla! That island is divine!" Kumislap ang mga mata ni Daniella. "Buti at hindi nagpumilit si Enrique ng extra service? Sa dami-rami ng isasama niya, ikaw pa na sarado ang keps!"

She wrinkled her nose at Daniella, "Nth time ko na nakasamang lumabas si Mr. Salvio. Hindi siya ganon. He's a gentleman. Gusto lang talaga ng companion at nagkakasundo kami sa IT related stuff dahil sa risk management assessment business niya."

"Talaga nga naman! May mga lalaki pa palang mas vinavalue ang utak kesa sa pepe." 

"Sinasabi na nga bang narito na naman ang bulgar kong pamangkin!" Pumasok si Tita Resty sa loob ng dressing room kasunod ang isang bagong mukha na tiyak niya ay kagaya niya rin, isang escort. The woman is tall, and unassumingly beautiful. She has an innocent beauty, one that she hasn't seen in Morgan yet. Tiyak na dadami ang kliyente ng isang 'to.

"This is Moira. Newbie." Kaswal na pagpapakilala ni Tita Resty. "Palaki na ng palaki ang Morgan, it is getting even harder to manage." Parang nagrereklamo ang boses ni Tita Resty, huminga ito ng malalim at tiningnan siya.

"Handa ka na ba para sa Temptation Island? Ipipick-up ka raw ni Mr. Salvio nang alas kuwatro. Iyan na ba ang susuotin mong gown?"

She looked at herself, she's wearing a one-strap white venus cut empire gown na punong puno ng swarovski, mahaba rin ang slit nito sa kaliwang binti. Si Mr. Salvio na nga mismo ang nagpatahi nito para sa kanya. He made sure that she chose the design that she will be comfortable kahit na pupwede siyang pagsuotin nito ng kahit ano. Ayaw niya namang magmukhang manang dahil tiyak niyang maraming nagagagandahang babae roon kaya she also made sure that her gown looked sexy.

"Yes, Tita. Do you like it?" Inayos niya ang pagkakapusod ng kanyang buhok. She looks classy, simple ang kanyang hair and make-up. She doesn't look like a typical escort woman. 

"Maganda, bagay sa iyo, at napakaganda mo. Tiyak ka bang hindi mo tatabihan si Mr. Salvio sa kama? Sa tanda nang lalaking iyon, baka hindi pa matapos ang isang round. Sayang ang bayad, hindi ka man lang pagpapawisan sa isang 'yon."

"Tita naman!" Napangiwi siya. Tipid na ngumisi si Tita Resty.

"Naroon si Adonis sa Temptation Island, sasalubungin ka. Huwag kang mag-alala at kahit sa private plane ay mayroon nang security ang mga escorts ng Morgan."

Magka-tie-up ang Morgan at ang Temptation Island, nang mangyari ang partnership na iyon ay mas lalong lumakas ang Morgan. Lalo na yata roon sa nagbibigay ng ekstrang serbisyo. Why? As everyone knows, Temptation Island is an Island of Sin, a sex island without restrictions. 

Bayad ang isang linggo niya sa isla. Ang sinabi niya sa Nanay Gemma niya ay may team building sila sa opisina kaya siya mawawala ng ganoon katagal. Naniwala naman. Nanghinayang din kasi siya sa ibabayad sa kanya ng kliyente niya. She only needs to interact with Mr. Salvio four hours a day, tiyak niyang hindi naman nakakapagod iyon.

Some may not understand why some need to pay for the company, but who are they to judge?

"Good afternoon, Ella! You look amazing." Inalalayan siya ni Mr. Salvio papasok ng classic black BMW nito. She smiled. Nakasuot si Mr. Salvio ng tuxedo. Guwapong-guwapo ito sa suot kahit na banaag na ang katandaan. He's sixty, no wife, no kids. 

In one of their dates, he opened up that he's closet gay. Pinangalagaan niya ang sikretong iyon kahit sa mga kaswal na kwentuhan nila ni Daniella, Monroe, even Tita Resty. She just felt that one's identity is sacred and not her story to tell. Although Mr. Salvio doesn't need to date a woman, he still does. Gusto raw nito ng feminine energy at wala sa circle nito ang makakuwentuhan niya sa kanyang pagkatao dahil baka husgahan ito. Minsan na daw kasi itong nademanda ng sexual assault ng isang lalaki na nahimigan ang pagiging bading nito kaya natrauma na.

"You also look good, Enrique." Papuri niya. She's work mode on. No one should notice that her service is just a service. Bahala nang maglagay ng kulay ang nakakakita but she will give the best service to any of her clients.

Namangha si Ella sa ganda ng Temptation Island Tower kung saan sila maghihintay ng private plane sa private airport na para lamang sa Temptation Island. It has a huge letter M emblem outside, and the same emblem was painted in the lobby's flooring. Monasterio.

She was reminded again of Cairo. He carries the same surname, doesn't he? Nasa isla rin kaya ito? But then, ang laki naman ng islang iyon para magkita pa sila. Also, why would he fancy himself inside the island? Ano naman ang gagawin nito roon? Allergic nga iyon sa mga kasosyalan. The five-years that passed won't change him that much, she bet. Kung siya ang yumaman ng ganon, she would be wasting her money in Swiss Cheese and diamonds, not by basking in the same sun he had in Divisoria. 

After filling out the non-disclosure forms, pinapapasok sila ng stewardess sa loob ng lounge. Pinigilan niyang mamangha sa mga mukhang nakita dahil discrete daw dapat. 

The VIP lounge of Temptation Island is one of a kind. Iba't ibang klaseng pagkain ang nakahain sa buffet table, at walang pansinan ang mga naghihintay ng kanilang flight. There were only a  handful of people inside the lounge, though, it gave off the exclusive vibe. Mas lalo tuloy siyang nakyuryoso sa loob ng isla. 

Just like her and Enrique, the people waiting are in their suit and gowns. Mayroon daw charity gala na magaganap sa Temotation Island kaya naman nagkainteres si Enrique pumunta. He's a philanthropist and has donated to many charities in the past. Naaappreciate niya naman ang ugaling iyon ni Enrique.

It was already sunset when the private plane bound to the island took off. Mabagal ang takbo nito kumpara sa malalaking eroplano but nonetheless, the flight was so comfortable. VIP treatment is an understatement because they were treated as Kings and Queens throughout the flight.

The forty-five-minute flight felt like a breeze. Kumagat na ang dilim sa isla nang dumating sila pero hindi iyon naging hadlang para mamangha siya sa nakita. A trail of fire torch guided their way to the Monasterio Palace. Naririnig niya ang malamyos na hampas ng alon sa dagat at naamoy niya ang tubig-alat. Umaagaw iyon sa malamyos na jazz music sa loob ng palasyo, kasabay ng tawanan at kuwentuhan ng mga bisitang naroon na sa loob.

The entire island is on another level. It is something she has never seen in pictures. Some people ang walking naked, nawarningan na naman siya sa ganitong sight pero ibang klase na makita ang ganoon sa personal. 

Sumakay sila sa Golf Cart para hindi madumihan ang kanilang formal dress patungo sa palasyo, isinuot na nila ni Enrique ang kanilang maskara nang malapit na sila sa entrada ng pupuntahan.

Kumabog ang dibdib niya nang naglalakad na sila ni Enrique papasok sa loob ng mansyon. Kumapit siya sa braso nito at mabuti na lang na ginawa niya iyon kundi ay matatapilok siya sa gulat nang makita ang mga bulto ng katawang nakaharang doon sa may pinto. Handsome men and their air, hindi siya nagugulat na intimidating ang mga ito. 

"Luci, this is a formal event." A man wearing a mask tell off the guy who is also wearing a mask with only his slacks on, wala itong pang-itaas kaya bumakas ang bawat pandesal na pupwedeng pumuwesto sa tiyan nito. Damn, that body. Parang inukit. Five years ago pa ata siya nakakita ng ganon nang malapitan. And for sure this 'Luci' 's abs were baked in an exclusive gym and not the streets like the one she know.

"This is formal, Lucas. Sexy formal. You are so dry, no humor, lonely, and ugly." Makulit na sagot nito. 

"Lucifer, he looks like you."

"Shut-up, Lucian. Thanks for trying but I don't believe you. Ang pangit-pangit niyan." Lucifer snorted.

"Says the guy who almost didn't make it through because Mom and Dad were separating. Thank God they had sex, and they had you." Sabi noong si Lucas.

"Says the guy who was made while Mom and Dad were drunk. It was a drunken mistake. They don't even remember." 

"Tsk. You both look funny fighting over your sperm version!"

"Sure, middle child., andyan ka pala?" Lucas bantered.

"Not anymore. Hindi na si Lucian ang middle child. May mga anak sa labas, remember?" Pilyong humagikgik si Lucifer, "Nasaan na ba ang mga bastardo?" Nagpamewang pa ito at luminga-linga.

Lucifer, Lucas, Lucian... So they are the famous Monasterio Brothers, then? Sa hulma ng panga ng mga ito kahit sa likod ng mask ay nahahawigan niya ang mga ito kay Cairo at Saint, even their body were built the same. Their height are somewhat close too.

"Excuse me, are you up for bid, Ma'am?" May sumalubong sa kanila na nakamaskara, she's wearing a red bunny dress at kahit sa likod ng maskara ay alam niyang napakaganda nito.

"Sorry, I am not." Kahit hindi niya alam ang tinatanong nitong bid ay umiling siya. Anong bidding ba iyon? Nakakaloka naman! Nandito lang naman siya para mag-escort.

"Hmm, well now.." Pinasadahan siya ng tingin ni Mr. Salvio. "Why don't you try, Ella? Kulang pa ba ang ibibid niyo?" Tanong ni Mr. Salvio sa babaeng lumapit sa kanila.

"H-ha? Ano ba ang bidding na iyon?"

 "Puro lalaki ang nagpapabid, as usual, Mr. Salvio." Ngumiti ang babae, "Kulang sa babaeng for auction. Bidding is the highlight of this gala event, Ma'am. The highest bidder will be able to date the one up for auction. It is safe and guided, with no forceful acts unless consensus, and it is only a three-day friendly date."

"Ay, huwag na ako." Kung wala namang bayad 'e wag na! Hassle pa siya, wala nga siya dapat sa isla kung hindi dahil sa trabaho.

"Go for it, Ella. All the proceeds will go to Sylvia Keller Foundation, orphanage for the blind. Don't worry, hindi kita hahayaang mapunta sa iba."

"Huwag ka nang gumastos pa, Enrique." Pinanlakihan niya ito ng mga mata kahit na nakumbinse siya na magandang cause nga ang bidding.

"We are here to donate money, anyways. Bakit hindi natin gawing exciting?" Bulong sa kanya ni Mr. Salvio.

Kalaunan ay napapayag din siya ni Mr. Salvio na magpalista para sa bidding, hindi naman siya kilala nang mga nasa isla at sabi naman ni Mr. Salvio na hindi ito magpapatalo.

The entire Monasterio Palace is in a festive mood. Hindi niya hinayaang malayo sa kanya si Mr. Salvio. They had some wine and cold cuts while enjoying their conversation. Totoo namang nakakatuwang kakuwentuhan si Mr. Salvio at punong-puno ito ng wisdom. 

"One moment, kailangan ko nang mag-insulin shot." Mr. Salvio's watch beeped gently. May kinuha ito sa bulsa ng tux at tumayo. Tumayo rin siya.

"Sasamahan kita. Ako na ang gagawa." She smiled gently. 

Huminga ng malalim si Mr. Salvio. Naikwento kasi nitong lately lang siya nirequire ng insulin shots dahil sa hindi makontrol na sugar kaya lang ay takot ito sa karayom kaya kumuha pa ito ng private nurse para gawin ito para sa kanya. Ngayon ay wala itong nurse kaya hinanda niya ang sarili sa ganito.

"You know that I didn't ask you to accompany me for this, Ella, right?" Mahinahong tanong nito kaya matamis siyang ngumiti.

"Of course not." Tinapik niya ang braso nito bago niya inilagay ang braso. They look for somewhere private at dahil hindi nila kabisado ang palasyo ay naghanap lang sila ng veranda na hindi masyadong matao. Umalis din ang nakatayo doon nang makita silang paparating.

"Come, ako na ang mag-aalis ng tuxedo mo." Bago pa man makaangal si Mr. Salvio ay nagawa niya na ngang alisin ang tuxedo at inner shirt nito.

"Are you sure about this?"

"Yes, wala namang tao. Huwag ka nang mahiya, bibilisan lang natin." 

First time niyang gagawin ito pero napanood naman niya sa Youtube. Hindi siya takot sa karayom at dugo, as long as hindi siya makakapatay ng bilyonaryo. 

Lumuhod siya sa harapan ni Mr. Salvio para matiyak niyang hindi siya magkamali nang tutusukin. 

"My God, Ella." Napahawak pa ito sa ulo niya sa sobrang kaba.

"Ssshhh..." Hindi niya halos maigalaw ang kanyang leeg dahil sa kaba ng kanyang kliyente.

"Fck, shit. I don't know if I'll ever get used to this. Ah. Shit." Nakatingala at nakapikit na sabi ni Mr. Salvio. Hindi na siya sumagot at basta na lang tinusok ang karayom sa tiyan nito, "Oh, fck, fck, fck, that is soooo. fck... Thank you, Ella. You're the best, darling." Sambit ni Mr. Salvio nang maubos niya ang laman ng syringe.

Finally. Napahinga siya nang malalim nang matapos na ang ginagawa pero agad ding napatayo sa gulat nang may nabasag na paso na malapit sa puwesto nila ni Mr. Salvio. 

"May tao ba 'riyan?" Tanong ni Mr. Salvio sa malakas na boses pero walang sumagot.

"Hindi ko rin nakita. Pumasok na tayo sa loob." Nagkibitbalikat siya at inayos ang damit ni Mr. Salvio.

Nagsisimula na ang bidding nang bumalik sila Ella sa Main Hall. Napanganga siya nang makita ang Hunk Actor na pinag-aagawan ng mga bidder bilang panimula. Gays and women alike were so giddy in biding. Umabot na sa sampung milyon pero panay taas ng paddle number ng mga nagbibid para rito.

Ang tindi magtapon ng pera ng mga mayayaman, napailing siya pero binalikan din siya ng kaba kalaunan. Paano kung walang mag-bid sa kanya? Mukha siyang tangang tatayo sa gitna at walang magbibid bukod kay Mr. Salvio. Baka isang bid palang ay magclose na ang auction. 

Ano ba ang pinasok niya?

"Malapit ka na, Ella. Don't worry, I have ten million to bid for this auction. Kung hindi naman umabot doon ay idodonate ko pa rin ang lahat nang 'yon. Malay mo makahanap ka rito ng mapapangasawa." Makahulugang bulong ni Mr. Salvio.

"O sige, pero huwag kang magbid nang sosobra pa roon." Bulong din niya, as if naman may magBid sa kanya nang P500,000! Hindi naman siya kilala. 

Ilang bidding pa ang lumipas at sunod-sunod na mga kalalakihan iyon. Most of them were so excited to be up for auction. Ang iba ay nag-aalis ng saplot sa bawat pulso ng bid para mas lalong maexcite ang mga tao. E paano siya? Anong huhubarin niya?! Yung hairpin niya?

"Miss Ella, kayo na po ang susunod." Nilapitan siya nang kaninang lumapit sa kanila para isali siya sa bidding. 

"Oh, finally, we have a woman up for auction." Sumilip ang bading na host sa deck na hawak. There was silence. She was expecting hungry roars, but it seems that even men can be polite when they have tons of money to spend and are painfully good-looking. Of course, hindi basta susunggab ang mga ito. 

O baka inaalam pa kung masarap siya. Mas lalo tuloy siyang napressure. 

"May we call on stage, Ella."

There were few claps. Pumintig nang husto ang puso niya at gustong kumawala. Mapapahiya ata siya, buti at nakamaskara siya para maikubli ang hiya.

"Ooooh, what a body.. I am now curious what's behind that mask. Miss Ella, why did you join this auction?" Inilapit sa kanya ng host ang mikropono. Hindi niya ineexpect na tatanungin ito. E kung magdrama siya na parang nasa show ni Jessica Soho para mayroong magbid?!

But then, she was cornered. It was as if she was sprinkled with honesty dust that she had to tell why she was here. "Bulag ang nanay ko." Panimula niya.

Tumahimik ang lahat. "She was r*ped and got pregnant with me." Patuloy niya. 

"Oh, we are very sorry, Miss Ella.." Sabi ng host. She smiled.

"It's okay, she's dead." Nakangiti pa niyang sabi. Napangiwi ang mga nanonood. Para kasing papangit ng papangit ang kwento niya. Bumawi siya at pinakalma ang mga tao.

"It's okay, it's okay, Guys. Inalagaan at pinalaki naman ako ng bestfriend niya." Tumango ang mga tao at parang nakahinga ng maluwag dahil 'it's not so bad' pero muli na namang bumukas ang bibig niya. "Bulag din siya saka no read no write." 

Nalungkot muli ang mga nanonood. Sa pagkakataong iyon, gusto niya nang batukan ang sarili. Para siyang iniiterview sa Wish Ko Lang! Ano 'yun, para may magbid?!

"Bago pa tayo umiyak, maybe we should start the bidding? Let's start at P500,000, going once.. Am I hearing P1,000,000 from the crowd?"

Nagtaas ng kamay si Mr. Salvio, "P1,000,000."

"P1,000,000 for bidder #45."

"P1,500,000." Nakita niyang nagtaas ng numero si Lucifer Monasterio at nagkibit-balikat.

"P2,000,000." Si Mr. Salvio ulit.

"P3,000,000." Si Lucifer.

"P5,000,000." Mr. Salvio.

"Wait, only two bidders pero ang taas ng bid. Let's make this bidding exciting. Baka pupwede naman nating paunlakan ang bidders sa iyong mukha, Miss Ella?" Tanong sa kanya ng host. 

"W-well..." Napalunok siya habang inaabot ang tali ng kanyang maskara sa likod ng ulo. No one will know her anyways. She removed her feather mask and some men gasped. Kahit papaano ay nabawasan ang kanyang kaba.

"P6,000,000." May nagtaas ng kamay doon sa gitna.

"P6,500,000, you're so hot, Ella." A famous celebrity raised his number 78 paddle board.

"P8,000,000." Baka ang tensyon sa boses ni Mr. Salvio nang magbid muli. 

"P10,000,000." Sagot ni Lucifer. Nakita niyang napanganga si Mr. Salvio. Mukhang hindi siya papalusutin ng kalaban nito.

"P15,000,000." May sumagot sa likod na bagong humalo sa nagbibid, ngumisi si Lucifer at sumabad muli.

"This is getting exciting. P20,000,000."  si Lucifer.

"Whoah, what is happening?" Naeexcite na singit ng host. Kahit siya ay hindi makapaniwala. She's 'that' expensive?

"30-million." Sagot ng lalaki.

"40-million?" Humalakhak si Lucifer na parang nanunukso pa.

"Stop it, Lucifer. You can't read the room, can you?" Malakas itong sinita ng kapatid nito na si Lucas. She can identify them because she paid attention to the brothers before they entered the event.

"What room? I'll be in the room with this lady. 50-million close it." Utos ni Lucifer sa host.

"100-million" Tumikhim ang nasa likod. Nahagip ang kanyang hininga. Ni hindi pa siya nakakakita nang ganoong halaga.

"The fck, man?" Nagpalinga-linga si Lucifer at hinahanap ang nagbid. "I hate losing in sibling rivalry!" Protesta nito na hindi niya maintindihan.

Humagalpak ang katabi nitong si Lucian. "You lose, fcker. Give her to your brother."

"P100,000,000, Going once, going twice, sold to Bidder 69, Mr..." Tiningnan muli ng host ang deck at muntik na siyang mahimatay nang umalpas sa labi nito ang pangalan na kanina lang ay nasa kanyang isip. 

"Cairo Monasterio. Miss Ella is now sold to Mr. Cairo Monasterio for 100 million."













Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro