Kabanata 5
"Wala kang silbi!" angil ni Monroe kay Rosh sa kabilang linya saka ito binagsakan ng telepono. Nakikitawag siya mula sa security office ng isla para mangutang sa kanyang kaibigan pero patungo na ito sa Jerusalem para sa religious walk nito at papalipad na ang eroplanong sinasakyan. Nagngingitngit siya. Ang daming oras ng kanyang kaibigan na magpakabanal, bakit hindi na lang kaya mag-donate sa isang kapuspalad na gaya niya?
Pathetic lying btch!
Samantalang nung siya ang nakakaluwag, all of her friends were spoiled! Walang hiniling ang mga ito na hindi niya ibinigay. Ayaw niyang mag-drama at baka mag-speed up ang wrinkles niya but God, ang dami talagang taong walang utang na loob!
Umirap siya sa hangin at nagmartsa patungo sa tabing dagat. Her long dress was blown by the wind and the smell of salt water made her even hungrier. Walanghiya, kailan kaya malalamnan ng kahit isang pirasong hipon ang sikmura niya? Huling kain niya ng masarap noong may binola siyang Australyano doon sa restaurant.
Gusto niyang kumain ng seafood! Kahit drinks ay hindi man siya ilibre ng Abram na iyon. Fruitshakes, oh god. Nauuhaw siyang tingnan ang malamig at makukulay na inumin na dinadala ng mga waiters sa sun loungers. The members just needed to sign their order slip but her sign has no power right now. Poor Monroe, no honey, no money.
"Hey, alone?" Napalingon siya sa isang Pilipinong lumapit sa kanya sa tabing-dagat habang nagpapamalas ng kanyang kagandahan.
Finuhh-lyy!
She eyed the man from head to toe. Pupwede na. His skin was bronze and the built was really muscular. Nakasuot ito ng floral blue polo na bukas ang lahat ng butones at puting beach shorts. Hindi niya matanaw ang mata nito dahil sa suot nitong shades. May hawak itong isang boteng beer at may malawak na ngiti sa kanya.
"Do you see me with someone?" Mapang-akit siyang ngumiti. Kahit fruitshake lang mailibre siya ng lalaki, magiging masaya na siya.
"No." The guy flirtatiously smiled.
"How about now? See the difference." Napataas ang kilay ni Monroe sa nagsalita sa kanyang likuran. An arm draped around her and she couldn't believe that Abram was beside her. Ang alam niya ay nakatulog ito pagkatapos nilang mag-no-contact s*x. Agad na nagtaas ng dalawang kamay ang lalaking kakakausap niya pa lang at saka napangising umalis.
Mabilis niyang siniko si Abram at inapakan ang paa.
"Ow! What's that for?" Nakangiwi itong hinahaplos ang sikmurang bakat na bakat sa suot nitong puting sando. Damn this guy, he's so hot! Akala mo ay inosente ang gwapong mukha pero hindi niya maiwasang tumatak sa isip ang naganap sa kanilang pagitan kanina. He became thrice as sexy as he was already.
"You blew my chance to have a fruitshake, Abram! How dare you?"
"You will really go that low for a food, Monroe?"
"Bakit hindi? Food is life," she honestly said. "If someone could feed me steaks and lobsters every day, I will marry that person."
Napailing si Abram. "You really want seafood?" He ran his fingers through his already tousled hair and he looked one hundred times god-like.
Lord, tama na ang isang ito sa sex appeal. Sumusobra na siya.
"I d-do want"—you—"uhm, seafood."
Kinuha ni Abram ang kanyang kamay at hinila siya kung saan. Nagpatianod siya habang sinasalo ang buhok na ginugulo ng hangin. Malapit nang lumubog ang araw kaya naman ang mga naglalaro sa buhangin at sa mismong dagat ay nababawasan na. Some people were planning their dinners at the restaurant, some were staying at their cabins for a pleasurable night.
Huminto sila sa maliit na port ng Temptation Island kung saan nakaparada ang iba't ibang sasakyan pandagat. From huge yachts to inflatable boats, they have it. Hindi niya alam kung saan pa sila pupunta nang sumampa sila ni Abram sa isa sa mga yate doon. It was not her first time to board a yacht but her first time to do this at Temptation Island. Malaking halaga ang ibinabayad ng miyembro kung gusto nilang magkaroon ng access sa yate, and damn Abram if he could afford this vehicle but refuses to give her a decent meal. Bwisit!
Hindi niya sinundan si Abram patungo roon sa control bridge. Umakyat siya agad sa sundeck para sulitin ang swabeng pag-andar ng yate habang pinagmamasdan ang kulay kahel na kalangitan at ang namamalaam na araw. She missed this kind of life. Comfort, solitude, peace. It all went away from her family in just a snap of a finger.
As the cliché saying goes, bilog nga talaga ang mundo, minsan nasa itaas at minsan—
Hindi niya maituloy. Hinilot niya ang kanyang sentido at umiling. Hindi siya maghihirap nang husto. Hindi niya hahayaan. This extreme poverty would only last this month. Tatapusin na niya ang paghihirap ng kanilang pamilya.
Napangiti siya nang maisip ang natumbok niyang kahinaan ni Abram. The guy had a weird fetish. Well, everyone in the island (except her) has. Kailangan niya lang sakyan ang fetish nito. Since may tiwala naman siya sa lalaki, maaari na niyang alisin ang takot na malalagay sa alanganin ang buhay niya dahil sa pinaggagagawa niya sa isla.
Bumaba siya sa deck kung saan matatanaw siya ni Abram mula roon. Nagpatay-malisya siya at kunwaring hindi nakikita ang binata. Dahan-dahan niyang ibinaba ang strap ng suot niyang dress at saka ibinagsak iyon sa kahoy na sahig ng yate. She left her purple thong on before she sat on the woven bench near the sail. Itinaas niya ang parehas na kamay na tila nagsa-sunbathing habang iniindayog nang mabagal ang kanyang beywang.
Drool, Abram. Here's what you are missing, honey.
She was confident that nobody else could see her except for Abram. Mas lalong lumakas ang kaniyang loob na silang dalawa na lang ng binata sa kinalagyan nila. Kanina pa sumuko ang mga guests na nagpapakasaya sa watersports at ngayon ay sariling-sarili nila ang gitna ng dagat. Ipinikit niya ang mga mata. She could clearly remember how she orgasmed this morning and Abram's yearning eyes for her. Gusto niyang maranasan muli iyon. But no, she wouldn't beg Abram to do it again. Anyway, kayang-kaya naman niya itong akitin.
She couldn't believe that this could be so exciting. Akala niya ay mapapasubo siya sa isang uugod-ugod na matanda na mas matanda pa sa kanyang Papa. The world really had good options, you just need to choose the best one. And Abram as her sugar daddy? Not bad, hubad!
Nakarinig siya ng yabag na papalapit sa kanya. Napangiti siya kahit nakapikit. Napawi lang iyon nang makaramdam ng malalaking patak ng tubig sa kanyang tiyan.
"Excuse me, what is that?" gulat na tanong niya at saka sinipat si Abram na pinapasadahan ng mainit na tingin ang kanyang katawan. Nakatiim ang bagang ito. The bulge inside his shorts was not even a bit ashamed to show up.
"If you want seafood, you can fish," matigas na sambit sa kanya, kasingtigas pa ata ng nasa pagitan ng hita nito.
"What?!" gulat na gulat na tanong niya.
"We have a portable griller here. Gusto mo ng masarap na pagkain, hindi ba? Manghuli ka."
"Teka! Gusto mo akong mangisda?"
"You heard that right. I am giving you options: value meal for tonight or fresh seafood?"
Maarte niyang kinuha mula kay Abram ang fishing rod at isinuot ang kanyang damit. Nagtungo siya sa divedeck kung saan siya maaaring kumuha ng isda. She had no idea about what she was doing. Basta na lang niya inihagis ang pamingwit. Nagpangalumbaba siya sa kanyang tuhod at inip na tiningnan ang tubig kung may lumalapit sa kanyang isda.
Papadilim na ay wala pa ring nagbago. She heard Abram watching TV inside the yacht. Ang walanghiya, hindi ba nito alam na alas sais na at kailangan na niyang mag-dinner para makatulog ng alas otso?
"Argh!" Inis siyang napatayo at inihagis ang panghuli ng isda sa divedeck. Nagmartsa siya papasok ng yate at naabutan si Abram na naghahain ng pagkain. Kanin at spanish sardines iyon sa palagay niya. Nakalagay sa bote ang sardinas. Napataas ang kanyang kilay.
"Is that for me?" Talagang iniinis siya ng lalaki! "Fine, wala akong huli. I can settle for that. I am really famished."
"Wala ka talagang mahuhuli dahil wala namang pain ang pamingwit mo. Hindi mo ba natutunan iyon nung grade school?"
"W-what?"
"Walang pain, Monroe. Hindi lalapit ang mga isda dahil wala kang panukso sa kanila."
"But—"
Bwisit talaga! He could just have said that! Bakit ba nagpauto siya sa lalaking ito?!
Inis siyang umupo sa lamesang pandalawahan at sumandok ng kanin, naamoy niya ang mabangong usok mula doon. She doesn't eat carbs but she could not handle her stress right now. Kung hindi pala siya sumuko, aabutin pa siya ng madaling araw na naghihintay pa rin?
"Pissed?" Umupo si Abram sa kanyang harapan. Umirap siya sa gwapong binata. May sumilay na ngisi sa mapupulang labi nito.
"You can put in all the efforts you want, Monroe, but without research, the plan will fail."
Padabog siyang sumubo ng mainit na kanin na mayroong maanghang na sardinas.
"Okay, Airhead. You hate me that much, huh?"
"Why would I?" Kumuha rin si Abram ng kanin. She's actually surprised that he'll be eating sardines tonight.
"Kumakain ka ng sardinas?"
"Well, Princess, I never really grew up with a golden spoon in my mouth. Everything I have right now, I worked for it, from new shoes since I was a kid up to the businesses that I own. The only thing that my parents gave me were the basics: food, shelter and education."
Nahirapan siyang lumunok. It was her first time to meet someone who really worked hard for what they have. Kasi siya, ibinigay ng ama niya ang lahat ng pangangailangan niya, all her needs and wants. Kung hindi ay nagta-tantrums siya. Ngayon nga ay gusto niyang magwala pero hindi naman siya maririnig ng Papa niya at marami rin itong problema para intindihin pa siya!
"My first venture was a failure. I have to eat canned goods all day, all night. Hindi alam ng parents ko na nalugi ang furniture business ko. My girlfriend back then offered help but I refused."
"Oh, pride." Napangisi siya.
"I just have balls to raise myself from ground up. It is important to know the value of what you have. Hindi kagaya ng mga spoiled brat na kagaya mo. Tell me, Monroe, have you saved enough money before what happened to your family?"
Nanliit ang kanyang mga mata. "None of your business." In fact, bags and shoes were her investments. Naibenta naman niya ang lahat ng iyon, yun nga lang ay palugi ang presyo. At least, those were her lifesavers.
"Aside from bitching out, what else do you do?" nakataas ang kilay na tanong ni Abram. Naghahamon talaga ng gulo.
Mayabang siyang nagtaas ng noo. "Modelling. I also play piano if you would ask. And I am good."
"Such a good life you had."
"Why would you live it miserably if you have an option to be happy?" balik niya kay Abram.
Napapailing siya nitong tiningnan. "To be able to be happy until you get old? To not need any help from people who doesn't care about you? Happiness ends, Monroe. If you can measure your happiness, then you have to save it."
"You are very cold. And mean, too. I heard your parents are lovely. Bakit ang cranky mo?"
"They are lovely. But I am not my parents, sorry to pop your bubble." Tumayo na si Abram at iniwan siya sa lamesa. Sinunod-sunod niya ang subo ng kanyang pagkain. Naramdaman niya ang mabilis na pag-andar ng yate habang kumakain siya. Mukhang nagmamadali na nga ang loko. Nang makabalik na sila sa cabin ay pinauna na niyang mag-shower si Abram. Mukhang atat na nga itong matulog ng alas otso. There's only fifteen minutes left before eight.
After he went out the shower, siya naman ang sumunod. Mabilis lang siyang naligo. She somewhat felt warm...
And.
Itchy.
Literal.
Hindi na siya nakapagpatuyo ng buhok. Nang lumabas siya ng banyo ay panay ang haplos niya sa sarili. Napansin niya ang maliliit na pantal na nagsisimulang umangat sa kanyang balat. Pinanlakihan siya ng mata.
"Oh my goodness!"
Napangiwi siya nang makaramdam ng pangangapal ng labi at pag-iinit ng mukha. Napabalikwas si Abram mula sa pagkakahiga dahil sa pagtalon-talon niya sa palibot ng cabin dahil sa matinding pangangati!
"What's wrong?"
"I don't know. This is kinda—Well. Argh!" Kinamot niya ang sarili. Hindi siya mapakali.
"You have rashes all over."
"Oh my God! Oh my God!" Pakiramdam niya ay nagkakaroon na rin siya ng panic attack. Nahihirapan siyang huminga. "I can't breathe!"
Abram shoved her from where she's at and he quickly ran to the doors carrying her. Isinakay siya nito sa gold cart at mabilis na nagmaneho kung saan.
"Medic!" he screamed as they reached a white hospital-looking infirmary at the heart of the island. Agad na may dumating na mga nurses para alalayan siya.
"What happened?" mabilis na tanong ng nurse.
"She has rashes and she cannot breathe," maagap na sagot ni Abram. Agad siyang inihiga ni Abram sa Emergency room bed at doon ay pinalibutan siya ng mga nurses. Sinubukan niyang sagutin ang mga tanong.
"Oh fck, this is really itchy! Give me a fcking medicine now! Stop being stupid!" she lashed out. Hindi niya mapigilan ang sarili lalo pa't may iniinda siyang pakiramdam.
"You don't have to shout, Monroe," kalmadong awat ni Abram.
"Of course I have to! It seems like they don't feel the urgency! Kayo kaya ang mangati lahat?!"
"Allergies. Nurse, let's give her anti-histamine shot," utos ng doktor sa nurse.
Mabilis na may lumapit sa kanya at sinaksakan siya ng kung ano. Naghintay siya ng ilang sandali hanggang sa unti-unting lumuwag ang kanyang paghinga. Nabawasan na rin ang kati nang kaunti, saka pa lamang siya humiga sa kama.
"What did you eat?" tanong ng doktor nang bahagyang kumalma na siya.
"Nothing different." Pumikit siya sa kama. Ah! She missed being on a bed.
"I made her eat sardines. Hindi siya sanay."
Napamulat siya sa baritonong boses ni Abram.
"There's no need to confine her. Maaari na siyang bumalik sa cabin at bibigyan ko na lang siya ng gamot pati cream para sa pangangati."
Please, don't! gusto sana niyang isantinig. Mukhang mas gusto niyang magtagal sa infirmary kaysa matulog sa cabin ni Abram. Tiyak niyang doon siya sa sahig! Bahagyang makati pa rin ang kanyang balat at binigyan lang siya ng ointment para doon! Her skin! Good Lord! Sana ay hindi magmarka ang mga pantal. Modelling na lang ang kanyang pag-asa para mabuhay.
"Yes, please," sambit ni Abram.
Kahit labag sa kalooban niya ay lumabas na sila ng infirmary nang makapag-settle na si Abram ng bayad. Panay pa rin ang haplos niya sa kanyang balat. She bet she couldn't sleep tonight. Baka makamot ng matalim niyang kuko ang sarili kung mahimbing siya. Rashes and scars? Not a good combination.
Imagine, allergic nga siya sa sardinas! Kaya nga hindi niya gusto ang ideya na kumain ng mga pagkain na kagaya ng ipinapakain ni Abram. Sabagay, who would have known? Kumakain naman siya ng seafood. Hindi pa siya nakakatikim ng sardinas pero hindi niya naman pinaghinalaan iyon. Sometimes, life will give you weird instances to know yourself better. Hindi lang sana life-threatening kagaya nang isang 'yon.
Napatingala siya sa langit. Second night that she's with Abram. He's passed his bedtime again. Quits na sila sa pagpapakain nito ng sardinas sa kanya.
Nang makarating sila sa cabin ay kinuha na niya ang kanyang mga unan para ilagay sana sa sahig. Nabitiwan niya iyon sa hindi mapigilang pagkamot ng sarili.
Malakas na napabuntong-hininga si Abram.
"Come here."
Taka niyang tiningnan ang binata. It was too late to realize that he's wearing nothing but boxers, at siya naman ay maigsing lingerie.
Lumapit nga siya kay Abram nang tapikin nito ang bakanteng puwesto sa kama nito.
"I'll put ointment on you," he said. Natigilan siya, hindi alam kung maniniwala.
"You are supposed to sleep," aniya.
"You ruined my sleep already anyway."
Sumimangot siya at padabog na umupo sa kama. Abram inspected her skin and gently pat a Caladryl on the rashes on her arms. The effect was soothing. Yun nga lang ay mukhang mauubos ang isang bote sa kanyang katawan sa dami ng pantal na lumabas sa kanya. Abram directed her to his lap and he started putting cream on her back.
"Makati pa rin ang arms ko," reklamo niya. Hinaplos ni Abram ang kanyang mga braso habang masuyong sinusuklay ang mahaba niyang buhok gamit ang daliri. Napapikit siya sa kaginhawahan.
Ah! Little things in life could actually make her happy too!
"Monroe."
"Hm?"
"I'm sorry."
Yun lang ang sinabi nito pero gumaan ang pakiramdam niya. He might not be that heartless after all.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro