Kabanata 3
"What is she doing here?" Hindi mapakali si Abram habang nagsa-shower si Monroe sa kanyang banyo. The memories were still fresh even though it happened a year ago. She's more beautiful when she's sober. And goodness, it affected him even if he tried to ignore it.
Hindi niya lang maiwasang matakam sa katawang naroon sa kanyang cabin. Tumayo siya at akmang magtutungo sa pinto ng banyo. He wanted to watch her take a bath, but damn it, he shouldn't. He's trying to control the new fetish he discovered. He let his bed partner know about it but he admits, it was more exciting when they are not aware of it.
Si Monroe, she started his thirst to be a voyeur. He wants to feast his eyes on a naked body and while they are doing a sexual activity. He doesn't even know if he can start a normal lovemaking, if he can heat up without watching naked woman first.
Lalapit na siya sa pintuan ng tukso nang biglang bumukas iyon. Napatalikod tuloy siya at nagpanggap na namimintana sa labas ng kanyang cabin.
"Hey. I like your bathroom. Can I use the tub some time?" Monroe sounded so sweet and innocent but she couldn't be. She's a party girl. She even asked him for sex when she was so drunk. She's even a fcking member at Temptation Island!
"Depends. If I am not using it." Inobserbahan niya ang reaksyon ni Monroe. She didn't seem offended. Ngumiti lang ito. He thought she would hurt him or at least rebut. Kilala itong mahilig makipag-away. Bakit ngayon ay hindi nito magawa?
"Pupwede naman tayong magsabay." Lumapit sa kanya si Monroe at hinawakan ang kanyang dibdib. Mabilis niyang hinuli ang kamay nito.
"You don't know what you are getting yourself into," banta niya kahit tila binugahan siya ng init sa kabila ng malamig na aircon sa kanyang cabin. Monroe teasingly smiled at him.
"Chill. I am happy that you let me stay. Thank you, Abram."
¸¸.•*¨*•¸¸.•*¨*•
Nanlalaki na ang mga mata ni Monroe sa menu ng Italian restaurant na kanilang pinuntahan. "I want to order lobster—"
"Value meal for her and I'll have steak," putol ni Abram sa kanya.
Mabilis na napasimangot si Monroe sa sinabi ni Abram. Kung hindi lang guwapo ito ay tinusok na niya ang magagandang mata nito.
Tumaas ang kilay ni Abram dahil hindi niya nasagot ang tanong ng nakangiting waitress sa kanya. "Ma'am, bacon, spam or hotdog? Fried rice or plain rice?" ulit nito.
"Eh kung sa'yo ko kaya ipakain ang lahat ng iniaalok mo? Can't you see? It is dinner time. Why would you offer—"
"You can eat anywhere you like, Monroe. Since I am paying for it here, you should be contented with what I can give."
"Pero—"
"Or I will report you at the security office for overstaying."
"Fine! Bacon! I don't eat rice so just bacon," aniya sa babae sa kanilang harapan.
"How about your eggs, Ma'am?"
Tumaas ang kanyang kilay. "I want it scrambled." Sumilip siya sa kinauupuan ni Abram at pilyang tiningnan ang shorts nito. "Yung sobrang scrambled na egg."
Wala siyang reaksyon na natanggap mula kay Abram at tumingin-tingin lang ito sa paligid at tila nililibang ang sarili. Naiinis siya. Hindi ba siya magandang tanawin para tingnan? Men from other table looked at her, but the man in front of her? Dedma! Ang kanyang atensyon tuloy ang nakuha ng binata.
His features were very manly. Dark and brooding. His jaw was tightening even with the smallest facial expressions. His brows were straight and thick. The contours of his cheeks were perfect when he smiles or his naturally red lips looked serious. Ngayon nga ay kahit simpleng white polo shirt at khaki shorts ang suot nito ay napakagwapo pa rin tingnan. Hindi niya alam, pero napakalakas talaga ng dating sa kanya ng mga lalaking bahagyang tanned. Lalaking-lalaki.
Nahuli siya ni Abram na tinitingnan niya ito at tinaasan muli siya ng kilay. Wala siyang nagawa kung hindi tumingin-tingin na rin lang sa paligid. The cozy feel of the restaurant made her feel at home even if she's not. The cello music was so soft to listen to. This was what she wanted. Jazz, classy, expensive. Gold, diamond and wines.
Napasimangot siya nang ibaba sa kanyang harapan ang breakfast meal niya. Ibig bang sabihin na kailangan niyang kumain ng breakfast meal ngayong gabi at malamang sa susunod pang mga araw? This Abram was getting into her nerves! Hindi na baleng gwapo nga ito!
Naamoy niya ang steak na nakahain kay Abram. Gusto niyang itusok ang tinidor sa malambot na karneng hinihiwa nito sa plato. Tiningnan siya ni Abram at saka ito nagtaas ng kilay. Ngumiti siya na kunwari ay nasasarapan sa bacon.
Kagat ng bacon tapos amuyin ang steak at saka mag-imagine ang kanyang drama!
Goodness, naglalaway siya sa matinong pagkain. Her palette got an expensive taste. She wanted to sip wine and munch some salad.
"Hindi ka magkakanin? Magugutom ka niyan," puna ni Abram sa kanyang plato.
"I am on Keto Diet. I don't eat anything carbs and with sugar." And she doesn't eat rice kasi nakakataba. She missed her salad!
Nagkibit-balikat si Abram na tila hindi na interesadong kausapin pa siya. Ano ba ang nangyayari sa lalaking ito? Pangit na ba siya? Hindi ba siya kagusto-gusto? Mabango naman siya! Mapangahas niyang hinubad ang suot na sandals sa ilalim ng lamesa at inabot ang binti ni Abram gamit ang kanyang paa. She saw this on movies. Effective ito para makapang-akit ng lalaki.
Umangat ang binti ni Abram at salubong ang kilay na tiningnan siya. "Stop doing that. I hate touchy people."
"Oh yeah? Dahil gusto mo pinapanood mo lang sila at hindi hinahawakan?" balik-tanong niya.
"None of your business." Dumilim ang mukha nito at kumilos ang panga. Tuluyan na ngang nainis sa kanya.
May himala! May lalaking hindi nagnanasa sa kanya! Sumimangot siya at kinagat ang huling piraso ng bacon. Mabilis niyang naubos dahil value meal lang naman ito, tatlong bacon strips lang ito at dalawang itlog.
"Are you serious when you said that you sleep at 8 in the evening?" panimula niya ng usapan.
"Yes."
"Ever since?"
"I give my brain a good rest to make sure that my mental state is top notch. I have three businesses that I juggle."
"Amazing." Monroe's elbow rested at the table and her chin was resting on her fist. She dreamily stared at Abram. Mahaba pala ang pilikmata nito at gulo-gulo pa rin ang buhok. Damn it, ang perfect, Mumshie!
After their dinner, they went back to Abram's cabin. Tumingin siya sa kanyang wristwatch habang naglalakad sila sa buhanginan at nakitang 7:30 na. Hindi pa siya inaantok pero kitang-kita niya ang paghikab ng binata. Mukhang matutulog na nga.
Abram went straight to the bathroom as they went in. Narinig niya ang lagaslas ng tubig ng shower. Binuksan naman niya ang kanyang maleta at naglabas din ng black lacy lingerie at isang libro. Mukhang magpapaantok siya sa pamamagitan ng pagbabasa. Exactly 10 minutes, the freshly showered Abram went out of the bathroom. Naka-boxer shorts lang ito at may nakasabit na tuwalya sa balikat. Droplets of water rolled down from his wet hair to his chest, down to the valleys of his abs.
Ano kayang feeling maging patak ng tubig?
Pinigilan ni Monroe ang mapanganga. Hindi niya ata kakayanin na hindi niya ito kagatin habang magkasama sila sa isang bubong! Sinasabi na nga bang may lumalaganap na unfairness sa langit. Siguro ay nag-bribe ang magulang nito sa hulmahan ng mukha ng langit para ganito ang kalabasan ni Abram. How can this man be so beautiful and hot? Kung alam niya lang na tatanda itong ganito, sana ay nag-invest na siya ng kabutihang loob dito noong mga bata pa sila!
Tumayo siya para siya naman ang magtungo sa bathroom. Naroon pa rin ang naiwang amoy ng preskong shower gel ng binata. Sinilip niya pa ang brand no'n: Bvlgari. He would really smell good all day, all night. Inamoy niya ng ilang beses iyon bago ihilera naman ang kanyang mga shower gels and shampoo na merong lavender scent. Tatapatan niya ang bango nito.
Mabilis lang siyang naligo sa mainit na shower. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang pagpapahid ng lotion sa buong katawan at pagpapatuyo sa blower ng kanyang buhok. Nag-spray pa siya ng kanyang cologne. Not that this night is special, she really loved smelling good when she sleeps, para masarap din ang kanyang tulog. Ilang beses siyang nagpabalik-balik ng tingin sa salamin para tiyaking nakalabas ang kanyang cleavage. Not that her package was big, but the size is enough for a man's hand to hold. Maigsi rin ang suot niyang lingerie at yakap na yakap sa kanyang katawan. She had nothing under but her lacy thong.
So, how can you handle this big boy? sambit niya sa salamin nang makuntento sa kanyang itsura.
Inensayo niya pa ang kanyang ngiti bago buksan ang pinto pero nasurpresa siya sa kadilimang sumalubong sa kanya at ang malapad na likod ni Abram na nakadapa sa kama at halos okopahin iyon.
Ang walanghiya! Wala man lang balak na bosohan siya!
¸¸.•*¨*•¸¸.•*¨*•
Damn, the sweet scent of the flowers filled his room. He knew that women smell good but the woman inside his cabin was exceptional. Ramdam niya ang init ng katawan nito na kumikilos sa maliit na espasyo kasama siya. His senses were heightened like a predator to his prey.
Tangina. Mali ata ang desisyon niya.
He had never been distracted from his sleeping time so far. No matter how gorgeous the woman he had bedded, nakakatulog siya ng alas otso ng gabi kaya pinapaalis na niya ang mga ito. It was a habit that was so hard to break.
But now, he couldn't even blink. Para siyang nanonood ng pelikula at naghihintay ng climax. He felt anxious and giddy. The urge to look at her inside the shower was so strong.
Monroe, the bitch who bullied him and his sister. Sino nga naman ang mag-aakala na nasa iisang kuwarto sila ngayon at nakiusap sa kanya ang magandang dalaga para kupkupin niya habang narito sila sa isla? The woman never bowed down to anyone and he found the personality too strong for his liking. Noon pa lang, he knew that he's out of her league and the kind that he will never get along with as well. Quits lang.
Despite her beautiful face, her perfectly stroked brows, her deep-set eyes, chiseled nose and Angelina Jolie's lips, Monroe was never his dream girl, even if she was the cause of wet dreams of his classmates back then. He remembered how men talked about her and he hated it. He hated that Monroe gets the kind of attention she wants and enjoys it.
The kind of attention she would not get from him. She's a bitch and nothing has changed. Same old, same old, isn't it? But after that night, ilang beses na pumuslit sa kanyang alaala ang mainit na sandaling iyon. He damn took advantage of her and maybe that's the reason why he's keeping her despite of so many things to hate about her.
Idinilat niya ang isang mata para silipin ang digital alarm clock na kumikislap sa kanyang bed side table. 7:59. He should be asleep by now. Naririnig niyang kumakaluskos ang babae, pumikit siya nang mariin. But then he noticed a shed of light inside his room. Nang imulat niya ang mata ay nakita niyang merong maliit na lampshade doon sa puwesto ni Monroe sa kanyang paanan. Nakailaw iyon at ang dalaga ay nakahiga na walang ingat habang may hawak na libro.
Napalunok siya nang mapagmasdan ang nakalantad na binti nito at ang cleavage. Her breasts were so plump, damn it. Kahit sa dilim ay natatanaw niya ang makinis na kutis ng dalaga. Her one arm was over her head and the other was supporting the book. She seemed to be posing for a men's magazine that sells like a hotcake. He felt something grew beneath his boxers. Kinailangan niyang umayos ng pagkakahiga kung hindi ay mahihirapan iyon. Hinila niya agad ang comforter at itinakip sa sarili.
"Masyadong maliwanag ang ilaw. Can you turn that off?" usal niya.
"I am reading!" asik ng babae.
"But this is my—"
Bago pa niya matapos ang pagsasalita ay padabog na pinatay ni Monroe ang ilaw at nagtakip ng comforter sa buong katawan. His groin felt sorry as fuck.
"Thank you," pormal niyang sambit bago humiga muli.
Sinilip niya ang orasan sa kanyang tabi. 8:02PM. Darn.
¸¸.•*¨*•¸¸.•*¨*•
Nakalawit ang mahahaba niyang binti sa armrest ng loveseat sa cabin ni Abram.
Oh my gulay, bakla. Tatagal kaya siya ng ganito?
Binigyan naman siya ng unan at saka comforter pero ito ang unang gabing mararanasan niya na matulog nang hindi kumportable. Pabaling-baling siya at naiinggit sa kumportableng higaan ni Abram. Siguro ay kung lumabas siya at nag-party, mas kumportable pang makatulog sa buhangin.
What if she really goes out? Sayang naman kasi ang gabi. Uuwi na lang siya sa umaga baka sakaling payagan siya ni Abram na makahiga sa malambot nitong kama.
Tumayo siya at desididong lumabas kahit nakasuot lang siya ng manipis na lacey lingerie. Everyone is naked on the island anyway.
Nakalapit na siya sa pinto nang biglang bumukas ang ilaw.
"Saan ka pupunta?" Abram asked in his stern voice.
"Magpa-party. Look, I cannot sleep early doing nothing."
"I told you, you cannot enter once I am sleeping."
"Then I will stay outside."
Bumangon si Abram at may kinuha na kung ano sa side table niya.
Malalaki ang hakbang nito patungo sa kanya at iniangat ang isang remote control.
"Then watch TV."
"B-but..."
"Watch TV until you are sleepy. Christ, Monroe, it is 9 in the evening. You already ruined my sleeping schedule."
"Hoy, nananahimik kaya ako."
"Then stay and watch TV. Konsensya ko pa kapag may masamang nangyari sa'yo diyan."
"Awww. Sweet." Nanunuya siyang napangiti.
"I just remember my sister on you."
"But I am prettier, right?"
"No." Masungit na tumalikod si Abram at bumalik sa kama niya. Pinatay nito ang ilaw. Siya naman ay umupo sa wooden flooring ng cabin at saka nagbukas ng TV. Una niyang pinuntahan ang Food Network, kaya lang nang makaramdam ng gutom sa mga napapanood doon ay saka niya inilipat at nanood ng John Wick na nag-uumpisa pa lang.
She lowered the volume and started watching. When Keanu Reeves pointed his gun on Viggo's men, he heard Abram spoke.
"Can you increase the volume a bit?"
Napalingon siya sa binata na nakapahinga ang likod sa headboard. He was watching with her. Nilakasan niya iyon at tahimik silang nanood. Kinuha niya ang lahat ng unan na ibinigay sa kanya ni Abram at inilatag iyon sa sahig kasama ang comforter. Nakahiga siya habang nanonood ng TV, malamig ang sahig at matigas pero inisip na lang niya na kumportable iyon.
Mind over matter, bakla! This is life!
Unti-unting bumagsak ang mga mata niya at nagpahulog sa antok.
Tiis-tiis, Monroe. Kaya mo 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro