Kabanata 8
Saint
It was just pure inkling, but there are only two people that can pull off a dirty mouth with such grace, and that would be Tash, his sister,
And Thea...
Nang marinig niya mula kay Karev na Doctor ito at base sa flow of conversation niya with Doctor Bombshell, something clicked. Si Thea at si Doctor Bombshell ay iisa. He can't be wrong.
Nakumpirma niya pa nang mapakinggan ang podcast nito. Her sexy low-pitched bedroom voice gave it away. He used to get a hard-on hearing her voice talk about random things. Now that she talks about sex with her crystal clear voice, lalong lumawak ang kanyang imahinasyon.
'Hey this is Doctor Bombshell and in my podcast we will talk about Sex, sex, sex, and a lot of sex. If you are 18 and above, welcome to the show, if you are 17 and below, make sure that your volume is low...' Nagpakawala ito ng nakakaakit na tawa, his groin immediately yearns for Thea.
Like it knows her. Ptngna, may ganun ba?
His taste changed already! He's evolved and he's sure of that.
Saint believed that he would only like younger women dahil hindi kailanman nawala sa kanyang isip ang imahe ng bata-batang si Thea na kasabay niyang nagtapon ng kainosentehan. Young Thea's image is an effective warm-up to get fully turned on and to finish off. Hindi tuloy nawala ito sa kanyang isip.
She's living on his mind rent free since the day they met.
He remembers how Thea looked like 10 years ago and that became his standard of beauty, he went on a quest to find someone like her. Someone energetically young and innocent. It also has something to do with dominance in bed. Mas ginaganahan siya kapag siya ang in control sa sex.
But seeing Thea now that she aged beautifully and even more stunning, he couldn't believe the present Thea will have that effect on him.
Tngina, Saint, magte-treinta na si Thea! You prefer your women younger.
He was about to turn off the podcast when Thea spoke again.
'Why are you guilty with masturbation, ladies? Sabi nga nila, 99% of men masturbates and the 1% who doesn't are liars! Kung ang lalaki ay hindi nakokonsensya, bakit ikaw ay oo?'
Pinakinggan niya ang podcast and he couldn't believe himself that he's been listening to her for the whole day, with a hard on!
Kung hindi pa nag-ring ang cellphone niya ay hindi niya mapapansin ang oras. Si Sam.
"Saint, where are you? You missed your 3PM meeting with the Marketing team." Her voice was in panic. "Okay ka lang ba?"
"Oh fck, I am sorry, Sam." Marahas siyang napabuntong hininga. This Thea effect really is annoying.
Pinipigilan niya ang sarili sa nararamdaman kundi ay ilang taon na naman siyang magpapakatanga rito. Hindi siya dapat lumapit pa kay Thea at magpanggap na parang walang nangyari pero bakit kaya kahit alam niyang dapat niyang iwasan ngayong alam niya na si Doctor Bombshell ito ay mas natutukso siya at nagiging kyuryoso.
"Sure. It is okay, but are you really okay? Do you have a problem? This never happened, Saint."
"Wala akong problema. I was just... occupied."
"Okay then. We proceeded with the meeting, I can discuss to you over dinner--"
"Dinner? Pupwede naman bukas." Tiningnan niya ang podcast at episode 69 pa lang siya. Hanggang 115 pa naman ang hahabulin niya.
Tngina Saint, bakit hahabol ka pa? Fan kang gago ka?
"But Saint, bukas ay kailangan nang i-roll out ang plano. Approval mo na lang ang hinihintay. Alam mo namang isang buong buwan ginagawa ang isang magazine."
Tiningnan muli niya ang podcast at napatingala. Sinilip niya rin ang mensahe ni Doctor Bombshell, hindi na ito muli pang sumagot. Napahilamos siya ng palad kasi naghihintay siya ng reply.
"Sige, saan?"
Si Thea lang yan. He shouldn't be affected that she's really back. After almost 10 years, it couldn't be the fcking same. He's the different Saint now.
--
Thea
'Talaga ba, Thea? Makikipagblind date ka nga?'
Ni hindi man lang siya nakapagpalit ng damit mula sa ospital. Sa ilalim ng kanyang white coat ay red body hugging sleeveless dress. Hinayaan niyang nakalugay ang mahaba niyang buhok at naglagay lang siya ng kaunting make-up para mas maging presentable.
Ang sabi ni Tash ay sa Shangri-la sa The Fort sila magkikita ng kapatid nito dahil ito na rin ang nagpareserve, pero nang papasakay na siya sa kanyang sedan ay tumunog ang kanyang cellphone sa isang tawag ng unknown number.
"Hello?"
"Uhm, hi, is this Thekla?" Isang baritonong boses ang sumagot doon sa kabilang linya.
"Yes, who's this?"
"Lucifer. Your blind date?" Parang nag-aalangan pa ito sa huling sasabihin. "I will just ask if you are on your way to Shangri-la and if you can drive a little bit further papunta sa Makati? I am thinking to try something different.."
Sinilip niya muli ang cellphone para tiyaking totoong tao ang kanyang kausap. First date at blind date, hindi man lang siya tanungin kung ano ang gusto niya? Ito pa ang namili ha!
Pero dahil hindi talaga siya palapatol sa bata kaya nagpasensya na lang siya.
"Sure. Saan don?" Baka naman ito ang pinakawalang pera sa Monasterio kaya ayaw sa hotel dinner.
Hala ka Thea, baka sa Jollijeep kayo kakain, Sisig sa Rada, o kaya Tapa King at iyan ang depinisyon niya ng 'something different.'
Nakaluwa pa naman ang boobs niya sa kanyang suot at hindi niya alam kung pupwede ba siyang kumain ng nakatayo. Bukod sa nakaupo ay nakaluhod lang ang alam niyang paraan ng pagkain pa naman.
"Black Bird." Lucifer answered.
"Ha? Wala bang white? Not being racist here pero yung medyo maputi kasi ang gusto ko."
She heard Lucifer roared in laughter.
"Tngina, why would.." Parang may gusto itong sabihin na hindi itinuloy. "If that's the case, maybe you can try Monasterio's White Bird next time."
"Luh, bastos!" She hissed.
"Sinakyan lang kita.."
"Mas bastos! Anong sinakyan? Hindi pa nga tayo nagkikita, hindi pa ako makapagdecide kung kasakay-sakay ka nga bang talaga!"
"You are crazy, lady! Come on, I am so excited to see you."
Ibinaba niya ang tawag at napailing. Siya pa talaga ang pinalapit sa Makati ha! Sa BGC kasi ang kanyang clinic, although malapit lang naman sana pero mas malapit siya sa Shangri-la. Kapag hindi masarap itong si Lucifer talaga ay magsisisi siya.
Bakit, Thea, titikman mo ba? She shook her head with the thought.
It was a 30-minute drive from her clinic. May nakareserve na parking space sa kanya katabi ang itim na porsche at isang puti na Aston Martin. Look at that, nahiya ang kanyang Toyota Altis na napapagitnaan ng dalawa.
Isang fine dining restaurant pala ang Black Bird. Masyadong magarbo ang ayos at sosyal ang bawat muebles at ilaw. She wouldn't think that someone like Lucifer Monasterio would pick this place. Iniexpect niya ay doon sa maraming tao at nagsisigawan sila pagkatapos ay maglilikot ang mga kamay nito sa kanyang katawan at yayayain siya sa parking lot para magmake-out.
"Good evening, Ma'am. Do you have a reservation?" Magalang na tanong ng sumalubong na attendant.
"Yes, I am with Mr. Monasterio."
Nag-angat ng tingin ang attendant mula sa binabasang papel, "Which Monasterio, Ma'am?" Tanong nito sa kanya.
"Hey, my date!" May bigla na lang nagtaas ng kamay doon sa lamesa. Napagtanto niyang si Lucifer iyon.
It has been a long time since the last time that she saw him so obviously he bulked up in a good way but the handsome, playful face is still there. He's wearing a black dress shirt in jeans, bukas ang tatlong butones sa itaas. His defined jaw, luscious eyes, and an evil grin on his pinkish lips made his overall appeal appetizing. Hindi na siya nagtaka kung bakit ito ang unang pambato ni Tash among the Monasterio brothers.
She beamed a smile while strutting towards the table. May nakakalokong ngisi si Lucifer habang pinagmamasdan siya sa paglalakad. Hindi siya nahiyang salubungin ang titig nito.
"Hi there, beautiful, long time no see." He stood up and reached for her cheeks. Bumeso ito.
"Thank you, I am accessorized with Covid and a little sprinkle of a lot of other virus, galing pa akong ospital at hindi na nakapagpalit. Pasensya ka na kung magkakasimptomas ka mamayang gabi."
"I am the infamous Angel thrown to hell, I can manage. Nevertheless, you look stunning."
"Alam ko. Viruses could never!" Umingos siya kaya mas lalo lang natawa si Lucifer.
"Kumusta?" He looked her in the eye. Magaling makipag-eye contact ang isang ito at parang hindi marunong magsinungaling.
"I am good. Ikaw, kumusta? I've never seen you in Taft after you saw my boobs, nakuntento ka na ba roon?" She chuckled, her voice probably heard by the whole restaurant. Napakatahimik kasi at malamyos na music lang ang tangi nilang background.
"Baka may makarinig, I had the sight of it lang." Lucifer assisted her on her seat like a real gentleman. "But I would like the full view, siyempre. Kung papalarin..." Medyo malakas na pagkakasabi nito.
"Ikaw na bata ka ha!" Hinampas niya ito sa braso. He laughed sexily.
"I am not a child, I can give you a child by now. Sabihin mo lang kung kailan at saan, I'll gladly oblige."
"Masyado kang mabilis! Kumain muna tayo bago tayo mag-usap kung magkakainan tayo!"
"I'll look forward to that, Thea." Napahawak pa ito ng batok at mapang-akit na ngumiti. Asang-asa naman!
Masaya ang kanilang kwentuhan ni Lucifer habang kumakain. Hindi naman kasi mahirap pakisamahan, palibhasa ay panay din ang pagpapatawa. Sanay na sanay siya sa ganoong vibe dahil makulit din siya.
"Yeah, nag-aral din ako sa Amerika. Siguro, destined talaga tayong dalawa. Nagkaboyfriend ka ba roon?" Lucifer asked her.
"I dated." She smiled. Sinubukan niya rin naman ang dating scene kaya lang ay wala namang pinatunguhan dahil naging busy siya sa ama at sa pag-aaral niya.
"How many did you date?"
"Does it matter?" Balik tanong niya, "But I dated 30, more or less."
Hindi niya alam kung bakit ang ganda ng ngisi ni Lucifer dahil sa narinig.
"You could have dated twenty more, napakaganda mo, Thea...."
"Well, to be continued dito sa Pilipinas ang pakikipagdate ko. I think I have six more Monasterio to date after this. Mukhang hindi ako titigilan ng Ate mo hangga't hindi ko nararanasan ang buong angkan niyo at hindi ako nakakabingwit!" She remembers how Tash pulled out her phone and scheduled her brothers to date her if this date won't work.
"Six? I have seven brothers. You are missing one."
"Yung isa kasi I am very sure won't date me, so I cannot do him."
"Haaaa???! Sino naman?" Gulat na gulat si Lucifer, pero mas nagulat siya nang muntik na itong masubsob ito sa plato nang may nakasagi ng upuan nito.
"Oops, I am sorry." Isang malamig na boses ang nagsalita. Napaangat siya ng tingin doon sa nagsalita. Saint fist was clenched and he threw dagger stares at Lucifer. who on the other hand was smirking.
"Thea! Ikaw na naman!" Nakangiting wika ni Sam nang makita siya. May yakap itong ipad at mukhang galing sa trabaho. Siguro ay sinundo ni Saint mula sa opisina.
"Hi Sam!" She smiled, "Saint, hello!"
Tiningnan lang siya ni Saint at ibinalik ang tingin nito kay Lucifer.
"Kapatid! Andyan ka pala?" May tono ng panunuya si Lucifer. "My date and I are having a peaceful dinner. I am doing my best so that she won't have to think about dating our other brothers. Si Tash talaga, naisip pa na ako ang pinakagwapo kaya ako ang unang ini-refer! I should be the first and last Monasterio, Thea ha? Magtatampo ako kung hindi."
Bumukas ang bibig niya pero wala siyang nasabi.
"You are not the first." Malamig na wika ni Saint. Napakasungit naman sa kapatid! "And definitely not the last." Pagkasabi 'non ay naglakad na ito papalabas sa restaurant, si Sam naman ay may malalaking hakbang na sumunod dito. Naiwan silang dalawa ni Lucifer kasi kumakain pa sila ng dessert.
"Pasensya ka na sa kapatid ko, iyon talaga ang pinakacold sa amin. Masama ugali 'non, wala lang sa pangalan." Pambabash pa ni Lucifer sa kapatd nito.
"Mabait naman iyon si Saint." She smiled and thought about how she remembered him, "Marami lang talaga iyong pinagdaanan along the way kasi hindi niya naman kayo agad nakilala bilang pamilya. He suffered. Initindihin mo na lang.."
Lucifer looked at her seriously for a while then he smiled again, "He may have suffered but that as*hole is lucky. He just couldn't see it yet, and maybe needs a little help. So let's talk about your career..."
After the Saint's encounter siguro ay nagtagal pa sila ng 30minutes before Lucifer got the bill. Hindi ito pumayag na makihati siya although she would gladly do it. Nag-enjoy naman siya sa dinner at hindi nasayang ang kanyang oras.
Sumalubong sa kanila ang malamig na hangin nang makalabas sila sa restaurant. It could be a romantic parting ways pero nagmura ng malutong si Lucifer kaya nagulantang siya!
"Tngina!" He was startled over something. Tiningnan niya ang tinitingnan nito at siya rin ay napanganga.
May malaking tite na nakadrawing sa bonnet o doon sa mismong harapan ng sasakyan nito na itim na Porsche. Ginasgas iyon ng matalim na bagay.
"Tngina ni Saint. Anak ng kalabaw!" Naglakad si Lucifer at dinama ang malaking gasgas, hindi niya gets ang pagmumura para kay Saint.
"Hala, grabe, we should ask for the CCTV, bakit hindi nakita ng guard." Tiningnan niya ang guard pero tumingin lang ito sa ibang direksyon na parang hindi nag-aalala.
Nilingon siya ni Lucifer. "Thea, I enjoyed our date, really. I hope we can-- uh--" Nilingon muli nito ang sasakyan, "do this again."
Tumango siya at bumeso kay Lucifer. "I also enjoyed this night. You may invite me again and I'll oblige."
"Of course, if the brother permits. I mean if the time permits. Bye, Thea. See you around!" Hindi na siya nito halos matingnan at dinukot na ang cellphone sa bulsa.
Kawawang Lucifer naman, nabiktima ng batang hamog, ang lakas ng loob manggasgas ng Porsche!
--
Saint
Hinihingal siya sa inis when he drove away. Lucifer will love his artwork!
At si Thea, what was she thinking when she dated his brother? Fck! Nagmamadali na ba itong maikasal? Just because she's turning 30?! And they even talk about child? Handa na ba iyon si Thea?
His phone rang and it was a call from his sister. Ilang beses siyang huminga ng malalim bago tanggapin ang tawag.
"Ate.."
"Hoy! Nagsumbong si Lucifer! Why did you do that to his car?"
"Why did you set him up on a date with Thekla?" Medyo tumaas ng kaunti ang boses niya. Hindi na siya makalma. Gigil na gigil siya sa panunuya ni Lucifer. He fcking knows! He knows he used to wait for Thekla. Her face was his fcking lockscreen for six years and he just changed it three years ago when he thought she won't come back anymore.
But she did go back.. When he doesn't care anymore...
"Ha? Why not? G-gusto mo rin ba? Akala ko ayaw mo ng kasing-edad mo dahil masyadong matanda na iyon. Wait, how did you know na Thekla ang pangalan noong kadate ni Luci?"
Marahas siyang napabuntong-hininga, "She's the woman that I've been waiting before, Ate."
"Thekla? Oh! Sht, sorry, Saint.. Akala ko naman ay sobrang common ng pangalan na iyon! Medyo unique pero makakasanayan din naman banggitin ng dila. Thekla. Ipangalan ko kaya sa next Baby boy ko, Theklo naman para letter T." Nadistract muli si Tash sa iniisip.
He sighed.
"Something hits everytime I see her, Ate."
"Pumikit ka. Hindi natin siya pwedeng patayin para hindi mo na makita."
"Ate naman..."
"Saint, hindi sa iyo iikot ang mundo. Kung ayaw mong kunin ang nakakapagpasaya sa iyo, someone will get it from you and you should be okay with that because you did not hold unto that. Hindi pwedeng mabulok ang gandang iyon ni Thea." Napalunok siya.
He's just annoyed to see her, like nothing happened, like she never left him. And there's no sorry.
"So, naghihintay ka pa rin ba?"
"I am not!"
"Eh bakit nagagalit ka! Bakit ka nagdrawing sa tite sa Porsche ng bunso? Naku, sarap mong tirisin! Pinapasakit niyo pa rin ang ulo ko! Say sorry to Luci."
"Ayoko, Ate. I'll just transfer money to his account to have it fixed."
"Huwag mo nang pakialaman si Lucifer at Thekla. I like them together. Ikaw, bahala ka na kung sinong gusto mo at choosy ka naman! Bye."
He slammed the steering wheel and played Spotify. Narinig niyang muli ang boses ni Thea. He couldn't believe he'll be sexually enticed with it.
Sorry, Lucifer. I cannot let you win.
--
Thea
She drove away thinking of many things to do once she gets back home. Wala pa si Fox nang makarating siya sa condo. Inuna niya na ang pagshower at ang pagbabasa ng messages niya sa kanyang website para maghanap ng bagong kiki na tutulungan. Bago pa man siya makapagscroll ay may mensahe na naman sa kanya si Big Bad Boy!
Big Bad Boy: Hi..
Ano itong taong 'to? Hindi ba ito busy?!
She sat on her couch and typed a reply.
Doctor Bombshell: Yes? Anong atin?
Big Bad Boy: You home?
Bakit nagtatanong ng ganon?! May pagka-stalker pa yata!
Doctor Bombshell: Oo bakit?
Big Bad Boy: Alone?
Pinamulahan siya ng pisingi. Napaka-feeling naman nito kausap, sarap sana kung jowa!
Doctor Bombshell: Why are you asking that?! Do you know where I live? Stalker yarn? O concerned ka lang? Crush mo na ako?
Natatawa siya habang nagtatype ng reply.
Big Bad Boy: Answer.
Demanding yarn!
Doctor Bombshell: Oo, alone and lonely! Ikaw? Are you alone?
Big Bad Boy: Yes. Alone and horny.
Ay! Ayan na! Babastusin na talaga siya. Susunod sigurong mensahe 'e dick pic! Ang tagal naman!
Kinuha niya si Tucker at kinumusta ang alagang tuta. Niyakap niya ito at saka siya nagtungo sa couch. Nang silipin niya ang kanyang website inbox, nadismaya siya nang walang pa-dick pic kundi isang mensahe na naman.
Big Bad Boy: Hey. Wala ka bang sasabihin?
Doctor Bombshell: Akala ko may kasunod pa kasi ang message mo na yun! Sorry late reply. Ikaw, wala ka bang isesend na tite riyan?
Big Bad Boy: Do you want to? Hindi pwede rito. Do you have a Telegram?
Napalunok siya, game ito? Aba, sige! Tatantyahin niya lang kung totoo ang 10inches na iyan! Alam na alam ni Big Bad Boy ang galawan ng mga send nudes fanatic sa internet, pwede kasi ang secret messages sa Telegram kaya doon naglalagi ang karamihan na mga gaya niyang sumasambot ng kaharutan sa internet.
Doctor Bombshell: Sige, yung naka-flag ceremony =)
Nagrequest pa talaga siya! Siyempre doon na siya sa titeng galit at nakakangawit ng panga.
Big Bad Boy: It already is. Give me your Telegram.
Napahalakhak siya! Bastos ito ha! Excited siyang muling nagtipa ng reply. Tngina, Thea. Ano ka ba! Ikakabagsak ng career mo kapag hinarot mo 'yang reader mo!
Doctor Bombshell: You know that I can quote you with your messages?
Big Bad Boy: I can always just deny that I am sending you these messages.
Doctor Bombshell: Deny? So you are not affiliated with Big Bad Boys Magazine? Nagsisinungaling ka?
Big Bad Boy: Might as well not confirm at this point when it can be used against me. Baka ma-quote nga ako, Doctor Bombshell. Let's say that I am just a mere fan now.
Doctor Bombshell: Fan? Ang bilis naman! Kahapon lang ay nag-aaway tayo!
Big Bad Boy: I am listening to your podcast right now. You sound so sexy, and you can't blame me. Do you have a boyfriend?
Doctor Bombshell: Bakit? Gusto mong mag-apply as internet boyfriend?
Big Bad Boy: That's not a bad idea, Doctor Bombshell. Can I be your internet boyfriend?
Hoy, Thea! Grabe naman yan! Baka prank yan at i-post pa siya sa magazine as a topic. Isang Sex Doctor Blogger, hayok din pala sa laman kaya pati magazine, pinatulan bilang boyfriend!
Doctor Bombshell: Hindi ako naniniwala sa Internet Boyfriend. Maraming cheating ang nagaganap dahil nagtatago kayo sa napakaraming pagkatao sa internet. Isa pa, what's the point of having an internet relationship when you cannot have sex with them!?
Big Bad Boy: Guest me on your podcast, and I will tell you.
Nakaramdam siya ng kakaibang kaba sa dibdib. Why is this Big Bad Boy ordering her around!? At bakit naman siya sumasagot? Pwede namang hard pass agad?
"Hoy Thea, huwag mong sabihing kinu-consider mo ang alok?! Kalokohan ang internet relationship no!" Pinagalitan niya ang sarili pero napaisip din siya dahil sa kanyang sinabi.
Oo nga, kalokohan nga! Bakit niya pa pinag-iisipan kung hindi naman seseryosohin! She can say yes, makakita ng dick pic every morning, at siya naman ay magpaparinig lang ng ooh ahh para tulungan ito sa sariling sikap. Isn't that actually fun?!
This Big Bad Boy seem actually hot in person, the way he message her ha! Malalaman niya if the messages coincides with his tone. She typed a reply.
Doctor Bombshell: Are you free tonight to do a recording? I want to hear your voice, too.
Pikitmata na halos iyon! Gaga, magpapaligaw ka ngang talaga, Thea!
Big Bad Boy: Always free for you, love.
Love daw! Tngina baka boses kiki ito mamaya ha! Ilang beses siyang lumunok habang lumalapit sa kanyang Macbook, akala mo naman ay magbabago ang kanyang kapalaran kapag nakausap si Big Bad Boy. Tapos ano ang tawagan nila, BiBiBi at DiBi. Paano ba 'yung relasyon sa internet? Interesado ang vakla!
Thea, pakgerl era.
Kakagaling lang sa date niyan pero gustong umariba at magjowa sa internet! There's something with Big Bad Boy that makes her interested!
Kumuha siya ng link sa kanyang zoom at isinend iyon kay Big Bad Boy. Pakiramdam niya ay kakatayin talaga siya sa kaba. Mas kinabahan pa siya kaysa makipagdate kay Lucifer Monasterio!
After thirty minutes, she's already waiting in the zoom room. When her Macbook popped a message 'Big Bad Boy wants to enter the room' pota, para siyang malalaglag sa kanyang upuan. She clicked accept and another tile with just a Big Bad Boy name went side by side with her penname Doctor Bombshell. Uminom muna siya ng tubig bago magsalita.
"Hi, Big Bad Boy." Ibinaon niya ang kaba sa kaibuturan kahit nanlalamig ang kamay!
"Hi, Baby." Walang kagatol-gatol nitong wika!
---
Maki Says: Sorry late! Lol.
Salamat sa nagpunta sa MIBF sorry sa hindi ko nakadaupang palad. Huhu.
Anyhow, may Spotify Podcast ng ang ferson. Help me earn so I can continue doing my passion. Click the spotify icon, follow, rate 5 star ⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️ , listen to my episodes to support!
Thank you so much!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro