Kabanata 11
Saint
"You are texting! Himala! Marunong ka pa lang mag-type! You always do calls or voice messages. Parang ang effort sa iyo ang magtext, but look at you..." Samantha laughed at him while she placed food on his table. "You should start eating healthy food than smoking at lunch. May shoot ka?"
Tumango siya ng tipid, tutok pa rin ang mata sa kanyang cellphone.
Baby Love: Bhie, call me tonight. I am so stressed!
Thea is a frequent texter. Maya't maya ito nangungulit lalo na kapag walang pasyente. Pati tuloy siya ay walang magawa kapag hindi ito busy.
Nararamdaman niyang nababawasan ang kanyang sama ng loob kapag kausap niya ito. But when he sees her face, he remembers how hurt he was to be left out without anything. No message, no letters, no updates.
He knows how dependent he was on Thea back then. Pakiramdam niya ay naputulan siya ng paa. Since then, he has made sure that he would work his as* off and focus on things that matter and, more importantly, that will never happen again.
He cannot be hurt like that anymore, like how Jane always hurt him. He cannot wait that long for someone like he waited for Jane to change.
But he's playing with fire. His amusement in being able to talk to Thea just like before led to something unexpectedly addicting. After all, she's still the fck buddy he enjoyed sex with. Even if it was only through the phone, he imagined her when they were younger, how domineering she allowed him to be on her then blossoming body.
Bhie: Don't talk like that.. I get excited, Baby. I'm still at work, baka hindi na ako makapagfocus niyan..
Baby Love: I didn't mean we'll have phone sex again, although we can decide later! I want to have dinner with you while we are on the phone.
Hindi niya alam kung bakit mas excited pa siya to get intimate with Thea than to accept invitation from their magazine models lately. Lagi siyang tumatanggi at mas gusto niyang kahit sa telepono lang ay si Thea ang papaligayahin niya. He enjoys her sultry voices, he missed her moans, and dirty mouth when they were having sex. Kahit sa telepono lang...
Nagtipa siya ng reply, 'I have a shoot.' But that would be a give away. Nag-isip siya muli at nagtype ng mensahe.
Bhie: I am sorry, Baby. I have to work overtime. Pwede ba bukas?
Baby Love: Ganon? Kapag hindi phone sex, ayaw mo akong kausap?!
Napatuwid siya ng upo. Fck, she's mad.
Bhie: Hindi naman sa ganon. I am just busy..
Baby Love: Paano ka naging busy 'e 8PM na 'yun? Hindi ka ba kumakain sa gabi?
He could already imagine Thea's frown. Kahit noon pa ay napakataray na kaya napapatiklop siya. He wants to think hindi na siya ganoon ngayon kay Thea so he answered calmly.
Bhie: I rarely do. I smoke.
Baby Love: Magsama kayo ng sigarilyo mo! Tse!
Nabother siya. Are they having LQ again? Gago, anong LQ?!
"Hey, I said Laviña will be late for an hour later. Meron pa raw taping sa ABS." Tinapik ni Samantha ang kanyang lamesa, "Sino ba iyang katext mo? You are spacing out.."
Huminga siya ng malalim at itinuon ang atensyon kay Samantha.
"Bakit siya male-late? I hate late. Nasaan ba si Anton? Call him and tell him siya na ang magshoot mamaya, I want to have dinner at home." Naiirita siya. Magtatampo na tiyak si Thea kaya pagbibigyan niya na sana.
"Ha? Hello, don't you remember? Kaya pumayag si Laviña na maghubad dito ay dahil ikaw ang kukuha? Marami pa naman itong concepts."
"Let's move it. Two months from now pa naman siya ipa-publish. I need to go home before 7."
"Bakit ka ba excited umuwi?" Humalukipkip si Sam. "This is so not you. Mahirap i-book si Laviña. You know that Big Bad Boys will sell like hotcakes when she poses."
He sighed. Naiirita siya na kailangan niya pang magtrabaho lalo na sa mga malalaking modelo. Laviña is a child star who grew up really hot. Isang malaking pasabog ang pagpose nito sa Big Bad Boys kung sakali.
"Fine. I'll do it." Humarap muli siya sa kanyang cellphone.
Bhie: Bawi ako bukas, Love.
But then, Thea did not respond. Ganoon lang talaga kadali rito ang dedmahin siya. Like he doesn't matter at all.
--
Thea
Naiirita siya that she had to choose an outfit for tomorrow. Hindi na siya mahilig pumarty at all kaya hindi niya na ineffortan ang Doctor's Night kaya lang ay excited na excited ang mga doktor kaya siguro mabuti na rin na maghanda.
Minabuti niya na lang magtungo sa Greenbelt sa Makati para magshopping dahil hindi naman siya napagbigyan ng kanyang internet boyfriend na mag-dinner.
Ang suplado naman! It is not as if magpapalibre siya. Gusto niya lang ng kausap dahil napapanis na ang kanyang laway sa condo dahil si Fox ay naglalandi na parang pusa!
"Thekla Angeline." Napalingon siya sa makapal na baritonong boses na tumawag sa kanya. Bastos ah! Bakit alam na naman ang kanyang full name?!
"Baket?!" Pataray siyang lumingon sa tumawag sa kanya only to mouth an O to her surprise?
"Uy, manyakis, ikaw na ba yan? Kumusta?"
"Thea naman..." Napahawak pa sa batok ang kaharap. "Hindi mo pa rin ba ako napapatawad?"
"Hindi, Rio. Kapal mo. Pakyu!" Umirap siya at humalukipkip. Rio is wearing his gray dress shirt folded up to his elbows, tinernuhan niya iyon ng faded jeans at white sneakers. Gwapo pa rin ang loko. Sikat na leading man, kaumay na merong fans ang hinayupak.
"It's been a while. Kumusta?" He beamed his perfect white teeth at her. Hindi siya naintimidate dahil maputi rin ang ngipin niya pero hindi siya nagpaulak ng ngiti.
"Heto, maganda at katakam-takam pa rin. Ikaw? Tumatayo pa ba iyan?"
"Thea!" Naeskandalo agad si Rio. She laughed heartily. Nagpanic naman agad! Ang weak.
"Gago ka ah. Hindi ba alam ng mga fans mo na mahilig ka sa sex?"
"Hindi." Mariing bulong nito sa kanya.
"Ano, hindi ka pa ba aalis sa harapan ko at hindi rin titigil ang bibig ko kaka-trashtalk sa iyo!"
"Can I invite you for dinner? Catch-up lang. Maiintindihan ko kung hindi pwede." Parang tinubuan ng hiya ang loko after almost 10 years at sumubok pa talagang imbitahan siya!
"Okay lang naman, libre mo, ha? Hindi pa kita napapatawad 'e."
"Of course. You choose." Nakakapanibago talaga ang pagiging magalang ni Rio. A memory of their date many years back reminded her of how Saint attacked her inside the bathroom with matching lamutak kay pempem at sa kanyang boobs.
'Akin lang ito, Thea.' Hayup! Tandang-tanda niya pa ang pang-angkin, ngayon ay gusto na raw siyang kalimutan.
Sa isang Japanese restaurant sila nagpunta ni Rio. Doon kasi kakaunti ang tao, it was on the uppermost floor in the most secluded area ng mall. Dahil celebrity ito, may tatlo silang nakasalubong na agad na humingi ng litrato rito. Siya pa ang inutusan magpicture. Panay ang hingi ng tawad sa kanya ni Rio na akala mo naman ay mayroong kagandahang asal.
Gusto niya ang ambiance ng restaurant, except for one. Tumaas agad ang kanyang kilay nang makita sa isang sulok ang hindi inaasahan.
Gerl, ano ba itong si Saint! Parehas ba sila lagi ng lugar na pinupuntahan?! Ano nga ba ang probability na makita niya itong muli sa isang restaurant na walang masyadong tao?
"Laviña, you're here." Hindi agad lumapit si Rio sa kabilang lamesa pero sabay na napalingon si Saint pati ang kasama nitong artista. She immediately understood why they were here, wala masyadong tao dahil artista rin ang kasama nito. Also, Monasterio Corporate is just a stone's throw away.
Nakikipagdate yarn?! Akala ba niya ay si Samantha ang jowa? Talagang pakboy na itong si Saint, napariwara na talaga! Tumaas agad ang kilay nito sa kanya at siya man ay nakipagtaasan ng kilay. Hindi na nahiya! Babaero!
"Hey, Rio. May taping ka around here?" Tanong ng babae. She's tall, petite, morena with a sexy smile. Kasabay na ngumingiti ang mga mata nito kaya nakakadagdag ng sex appeal. Her hair is jett-black, short and straight.
"No, just having dinner with a friend. Sige, we'll just go to our table." Pinauna na siya ni Rio sa paglalakad patungo sa kabilang dulo ng restaurant.
Nag-order silang dalawa ng pagkain at nagsimulang magkwentuhan tungkol sa buhay buhay. Nalaman niyang pagkagraduate nito ay nagkaroon ng break sa pag-aartista. Rio was surprised to know that she's working at DeLuca's hospital, matalik na kaibigan pala nito si Karev.
"Mabuti at hindi ka nililigawan ni Karev? He brings chick to my resort in La Union very often lately."
"Ano?! Ginawang sex den ng hayup? Pero baka nagkakamali ka, Karev loves his hands more than people." Sumubo siya ng gyoza.
Natawa si Rio sa kanyang sinabi pero napalingon siya sa direksyon ng kabilang lamesa nang tumayo na si Laviña at Saint. Laviña hooked her arm to Saint. Nag-iwas siya ng tingin.
"So, estranged na kayo ni Monasterio?" Nang makalabas na ng restaurant sina Saint ay nagtanong si Rio. Nakatingin din pala ito roon.
"We are not friends now."
"That asshole is so successful. Thanks to you. Kung hindi ka nagsakripisyo at naging matalino, I could have ruined him."
"You know I will never allow anyone to ruin him, lalo ka na, stupid. Anyway, magaling din si Saint. I don't want to take credits."
"Why not? The camera you gave him is his lucky charm." Nagpunas ng table napkin si Rio sa gilid ng mapupulang labi.
"How did you know that?"
"I've watched one of his interviews. He said his best friend gave him his first camera where it all started." Nagkibit-balikat si Rio. "Imagine he's--"
"Enough of him. Ayoko nang marinig."
Nakangiting tumango ng nakakaunawa si Rio. "Understood. What do you want for dessert? Or let's have coffee sa UCC?" Pag-iiba nito ng usapan.
Nag-enjoy naman siya sa dinner nila ni Rio. Nagmature na nga ang loko. Very matinee idol. He also invited her to one of his block screening over the weekend kaso naalala niya na magbabonding sila ni Saint na hindi niya pa napapagplanuhan kung saan.
She went home really tired. Nakarami siya ng lakad. Sinilip niya ang cellphone niya at nakitang maraming mensahe roon si Big Bad Boy na nanghihingi ng tawad. Then it just stopped. Wala nang mensahe!
It is just 10 in the evening. Akala niya ba ay nag-o-overtime pa? Hindi man lang tinanong kung nakakain na ba siya.
Hinahaplos niya si Tucker sa kanyang kandungan nang maisipan niyang magsend ng mensahe sa kanyang internet jowa.
Baby Love: I just got home.
Hinintay niyang basahin ni Big Bad Boy ang kanyang mensahe pero hindi man lang ito na-seen. She decided to take a quick shower instead pero nang natapos siya ay walang reply.
She tried sending another message instead.
Baby Love: Hey, where are you? Sobrang busy?
Humiga siya sa kama at pumikit pero hindi siya mapakali kaya hinarap niya muli ang cellphone.
Baby Love: Hindi mo man lang ako tatanungin kung tampo pa ako! Kainis to.
Na-seen na iyon. Napangisi siya. Lambingan time!
Bhie: Wala naman akong magagawa kung gusto mong magtampo.
Pinanlakihan siya ng mata. Ganon?! Walang magagawa?!
Baby Love: Duh? You can say sorry! Then ask me to have a make-up phone sex with you!
Bhie: Wala naman akong kasalanan sayo.
Napasimangot siya. Anong walang kasalanan? Hinayaan siya nitong magdinner mag-isa kahit hinihiling lang naman niya ay tawagan siya habang kumakain siya!
Baby Love: I hate you!
Bhie: K.
Damn it! Hinihingal siya sa inis.
Baby Love: Break na tayo.
Bhie: K.
Aba'y gago! K lang! Break na sila? Hindi man lang sila umabot ng kalahating buwan? Bumangon siya at pinuntahan ang Macbook niya para magpaantok at magpawala ng inis. She read couple of messages pero ang pinakanakakuha ng atensyon niya ay ang isang letter sender na may tanong tungkol sa Big Bad Boys Magazine. Gusto niyang bugahan ng apoy ang kumpanya ng kanyang ex!
Hey Doctor Bombshell,
What do you think about women posing for a Men's Magazine? Nakakababa ba iyon ng pagkatao? I receive an offer to pose for one, but I am still thinking things through. I need the money but don't think I am ready to go naked.
Love,
Ana
---
Hi Ana,
Thank you for your letter. My answer to your question is 'Depends.' Ano ba ang reason mo bakit ka magpo-pose sa magazine? Is it because you enjoy and celebrate your feminine power or need money?
If you only need money, can't they ask you to pose just sexy, not all the way?
Wala akong problema sa mga babaeng nagpopose sa men's mag. I think the problematic one here is the Men's Mag, capitalizing from women's body. Like, wala na bang ibang pwedeng pagkakitaan kundi ang pempem namin?!
With Shining Pempem,
Doc Bombshell
---
Umani agad ng napakaraming komento ang kanyang maigsing blog. Isang comment ang kumuha ng kanyang atensyon.
'At least ya'll get paid for your pussy.- Big Bad Boys Magazine'
Uminit agad ang kanyang ulo. Yabang, ha!
'What will you feel if we pay you to show your dick?- Doctor Bombshell'
'Oh, I show it off for free, Doc, and I don't mind.- Big Bad Boys Magazine'
Ganon pala ha! Siguro ay napakaraming internet jowa ng isang ito kaya basta na lang pumayag na makipagbreak sa kanya!
'Yeah? Good for you because it is your choice. Paano naman iyong mga ayaw na tinutukso niyo ng pera para pumayag?- Doctor Bombshell'
'Why do you worry so much? You are not the one who will get an offer; you never will.- Big Bad Boys Magazine'
Aba! Bastos 'to ah! Akala mo naman ay hindi umungol habang ka-phone sex niya.
'I rather die than pose for your magazine.- Doctor Bombshell.'
'Don't worry about it. Hindi ka papasa sa CEO bilang cover. - Big Bad Boys Magazine.'
Napalabi siya sa inis. Inaano niya ba ito si Big Bad Boy?! Bakit masyado namang personal ang atake sa kanya?
"Akala mo talaga! Pinagsisisihan ko na naging boyfriend kitang hayop ka! Mamaga sana tite mo!"
Hindi tuloy siya nakatulog sa inis!
Tama nga ang sinabi ni Fox na puro kalokohan lang ang nasa internet! Her day at her clinic was a blur. Iyong biglang huminto ang exchange of message nila ni Big Bad Boy at iniisip niya pa ang encounter nila sa blog niya. Nakakakulo ng dugo na ganon ang ending ng online landian nila!
"Hello Baby Love..." Napaangat siya ng tingin sa may pinto ng kanyang clinic. Standing there is Karev, wearing his black polo longsleeves and jeans. He looks fresh as ever! Lagi naman kahit magduty pa ito ng 24 hrs! Walang hustisya talaga.
"Tumigil ka nga, Karev!" Umirap siya. Pinanindigan talaga nito ang pagtawag sa kanya sa endearment sa kanya dahil nabasa nito ang pangalan ni Big Bad Boy sa kanyang cellphone.
"Bakit hindi ka pa ready? Let's go to Alta Guia! Matraffic pa naman."
Isa pa iyan. Tinatamad na siyang magtungo sa Doctor's Night. Nawalan na siya ng tuluyan sa mood dahil magkaaway sila ni Big Bad Boy, or break na sila.
"Coding ako. I can't go." Pagdadahilan niya. Hindi talaga siya nagdala ng sasakyan dahil ayaw niya na rin pumunta.
"Why do you think I'll drop by here? Of course alam kong coding ang sasakyan mo so I'll tag you along." Pamimilit pa nito. Tiningnan niya ito at napabuntong hininga. Inalis niya ang white coat niya at lumantad ang mini black dress niya. Inalis niya rin ang pagkakaclip ng buhok niya kaya bumagsak ang hanggang bewang niya na buhok.
Karev whistled. "Baby Love, lalo kitang minamahal kapag ganyan ka 'e."
"Tarantado. Virgin ka pa ba kaya para kang teenager kung makatingin sa akin lagi?" Tinaasan niya ng kilay si Karev. It is most likely! Napakakonserbatibo ng mga DeLuca. She literally grew up seeing their family.
Ang Mommy ni Karev ang pedia niya. Ang Daddy ni Karev ang naging doktor ng Daddy niya, at siya na rin noong naging adult na siya. His brothers and sisters married someone coming from affluent family. At sa katayuan niya ngayon na namumuhay mag-isa na walang negosyo, baka pati siya ay hindi makalusot na maging jowa ng isang Karev DeLuca.
Lumikot ang mga mata ni Karev dahil sa tanong niya, "H-hindi ah."
"Hindi! O baka bading ka? Umamin ka na dahil okay lang naman."
"Sobra ka na, Thea."
She pulled her drawer and get her shoes. May dalawang sapatos siyang inirereserba roon at pinili niya ang mataas na black pumps. Lalo tuloy umangat ang hugis ng kanyang katawan nang suot ang heels.
"Huwag mo kasi akong kulitin! Tara na!"
The drive to Alta Guia was supposed to be short kaso napakarami nilang kasabayang truck at uwiang mga empleyado at estudyante kaya trapik. Inabala niya ang sarili sa pagpapalit-palit ng radio station sa stereo ni Karev.
'Big Bad Boys Magazine top off the chart in Asia as the Best Magazine again as it features Japanese Model Hanaka Tadeo. Grabe, ang init ng cover na iyon!' Narinig niyang anunsyo ng DJ. Napairap siya sa hangin. Naiinis siya sa sarili dahil tama lang pala ang kanyang husga sa magazine na iyon. Hindi magandang impluwensiya. Hindi maganda ang dulot. Tapos jinowa niya pa?!
Marami siyang nababasa na nagkakaroon ng insecurities ang mga babae dahil sa magazine na iyon. They thought they have to be that beautiful para maging kaakit-akit sa mga partners nila. Kung pwede niya lang sabihin sa bawat babae na wala sa hugis o itsura ang pagkababae then maybe many women will enjoy their lives more! Like they can eat anything they want when they are stressed or happy, and they can skip a day or two in a gym and not feel guilty about it.
Magazines, especially, Men's Magazines only features what they believe is the standard of beauty. Size zero, walang mantsa ang kutis, matangos ang ilong, mapungay ang mga mata at perpekto ang hugis ng labi.
Isa pa, hindi lahat ng lalaki ay makakatagpo ng pempem na gold! Ano ito, gusto nila ng kumikinang na jowa pero mukha naman silang buni?!
"We're here." Napalingon siya kay Karev nang makarating na sila sa venue. Nagsisimula nang dumilim sa labas at naririnig niya na ang music mula sa loob. Naroon na rin ang mga doktor na pamilyar sa kanya na nagkukwentuhan sa labas pa lang ng Alta Guia.
Pumasok sila ni Karev sa loob, halo-halong ilaw ang naroon. Masayang nagkukwentuhan ang ilan. She greeted some but went to one of the cocktail tables and chose to be alone. May nag-abot sa kanya ng inumin at dahil hinihintay pa ang program ay ininom niya iyon, at isa pa, at isa pa...
Maya-maya pa ay nasa gitna na siya ng dance floor at nakikipagsayaw sa mga doktor. Katabi niya si Doc Cindy na isang OB Gyn na may crush kay Karev pero lowkey lang dahil napakarami nitong karibal sa ospital.
"Nasaan si Karev?" Pasigaw na tanong niya rito kasi kanina ay kausap nito. "Ang hayop na iyon iiwanan pa yata ako!"
"Lumabas! May kausap na babae, Doc!" Sigaw pabalik ni Doc Cindy dahil napakalakas ng music.
"Tngina ni Karev, I didn't know he's in for a sex worker thing!" Sumingit sa usapan si Doctor Jose na sumasayaw din.
Kumunot ang noo niya, "What do you mean?"
"Kausap niya sa labas ang babae at hinihingian siya ng pera then they went to the parking lot together..." Sagot naman ni Doctor Jose.
"Baka naman hindi sex worker iyon, sobra ka naman, Doc Jose.." Nahihiyang wika ni Doc Cindy.
"Oo nga, not because a woman wears something revealing, ikakahon niyo na siya sa kung anong trabahong naiisip niyo. We can wear anything we want that doesn't involve seducing men!"
"Tama, tama!" Sang-ayon naman ni Doc Cindy pagkatapos ay sumimsim na muli ng cocktail.
Tnginang yon ha! Paano pa siya sasakay sa kotse nun pauwi kung may kachukchakan na pala sa sasakyan! Ayaw niyang maamoy ang sperm ni Karev, please lang!
Mas lumalim na ang gabi at hindi niya na nakita pa si Karev. Well, she can still book a Grab to get home. May mga doktor din na nag-alok sa kanyang ihatid na dahil may mga driver naman ang mga ito pero dahil strong independent woman siya, pipikit-pikit siyang nagbook ng sasakyan niya.
Lumabas siya para mahimasmasan dahil umiikot na ang paningin niya. Pagewang-gewang siya at kumakapit sa pader para lang makausad.
"Fck, walang kumukuha ng b-- booking koooo! Na---ko ka, Thea. Ganyan talaga kapag single, magtiyaga kaaaa riyan maghanap ng ta-taazi, ta-taxi!" Tinuro niya ang sarili. At least she can still talk.
"Doc Thea, hindi ka ba sasabay?" Tumuwid siya ng tayo nang makita si Doctor Syiuco, isang matandang cardiologist. She shook her head, sober pa ito at hindi naman halos uminom. Baka bigla siyang traydurin ng sikmura niya at masuka pa sa sasakyan nito, nakakahiya. Baka mapalipat pa siya ng ospital sa kahihiyang ganon!
"Doc Syiuco!!!! Nag-e----enjoyyyy ka baaaah? Hindi naa ako s-sasabay kasheee strong independ--ent w--ooma- woman, Doc... Good--- g---ood morning. He-he."
"Are you sure?" Tumayo ito sa kanyang harapan. "Nasaan si Doc Karev?"
"I am gooooodd, Doc." Hindi niya napigilan ang kumawalang salita sa kanyang labi. Nakangisi pa siya. "Darating na ang boyfriend koooo. Wait, tatawagan ko lang.. B-baby..." She typed on her phonebook and clicked call. Hindi yata siya iiwan ni Doctor Syiuco hangga't hindi natitiyak na may masasakyan siya papauwi.
Agad na may sumagot sa kabilang linya pero hindi pa ito tapos magsalita ay siya na ang nagsalita, "Hello, Babbbeee. I am so drunkk. Pick me-- u-up naaa here at Alta Guia.. W-what? Pa-pu-ntaaa ka naaa? Okaayyy I'll waittt... I love youuuuu. Mwahhhh..." Sunod-sunod na wika niya kahit wala nang nagsalita. Ibinaba niya muli ang phone at ngumiti kay Doctor Syiuco.
Tumango si Doc Syiuco matapos magbilin sa guard na bantayan siya. Pinaupo siya ng guwardiya sa monobloc at sumandal siya sa pader. She's so wasted and alone.
Siguro ay epekto ng alak, saka niya lang napagtanto na mag-isa siya. Imbes na magbook muli ng Grab ay dinama niya na lang ang hangin na dumadampi sa balat niya. Mas lalo siyang nalungkot.
"I miss you, Daddy." She whispered. "Your little girl is strong, right? I don't cry."
"Doc, okay ka lang po?" Tanong ng guwardiya na inabutan siya ng tubig. She nodded and closed her eyes again.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakaidlip. She felt that someone attempted to carry her, bigla siyang napadilat at napatuwid ng tayo.
"Sino ka?!" She asked in hysterics.
"Thea.. It is Saint."
Mas lalo siyang nagulantang! Paano nalaman nito na narito siya?
"What a--re you doing h-here?"
"I'll bring you home."
"No!" Matigas na tanggi niya. "I am strong! I am independent!"
"Thea, you know you are extra stubborn when drunk."
"No..." Umiling siya at yumuko. "I am not stubborn, I am strong. Just like what Daddy said. I am strong." Suminghot siya at naramdaman ang pag-init ng sulok ng mata. Huwag kang iiyak, Gaga!
Pero hindi niya napigilan. Mahina siyang humikbi.
"I miss Daddy, Saint.. I miss him. Do you think he's watching over me in heaven?" She looked at him, who was so baffled with what she just said.
"Wala na si Daddy.. He died from cancer a year ago." She sniffed. "And I cannot mourn because he died beautifully, Saint. I don't want to cry that much... We were holding hands on his last breath." Napasinghap siya at sunod-sunod na nagbagsakan ang luha.
Her Dad requested not to inform anyone that he had died, so she never had a chance to remember him with others. She assured him that it was okay because they left the country without anyone knowing that he had cancer. Many loved him, and he wanted to be remembered as the strong person who spent his life with them.
"Thea..." Saint cupped her face, iniiwas niya ang mukha niya pero hindi niya maipilig ang ulo, napatitig na lang siya kay Saint, tears flowed from his eyes when she looked at him.
"S-saint..." She whispered.
"I am sorry. I am sorry I wasn't there for you. I am so sorry." His eyes were red.
He engulfed her with his embrace, and she let herself ugly cry on his chest. Sabay silang humikbi kagaya noong mga bata pa sila. Silang dalawa ang magkasama sa bawat lungkot at frustrations nila sa buhay. They always cry together like this. The feeling was so familiar, it almost made her choke.
"I am sleepy, Saint.." She whispered.
"It is okay, Thea. You are home."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro