Kabanata 5
Miru was looking at the website for a good five minutes. The website is black and the fonts used were gold, white and red. It was designed with blazing fire like hell. Sa gilid non ay ang log-in box kung saan ilalagay ang username at password.
She immediately typed the details that Katrina gave her.
USERNAME: girlonfire
PASSWORD: tiemebaby
Napakusot kusot siya ng mata nang makita ang litrato ng isang napakagandang isla. Parang biglang pinaliguan ang kaniyang mata ng isang refreshing scene. All blues and greens with small cabins and not so far is a breathtaking sight of the hill.
She clicked About the Island. Tingnan natin kung ano ang ipinagdadamot ng Wyatt na iyon.
'Welcome to Temptation Island, where your fantasies become real. The Island is located in Palawan. It is the most sought after exclusive island. A safe, secure, and open private space to explore your deepest and darkest fantasies. It is a perfect paradise where your kinkiest and most deprived desires can become real.'
Napangisi siya sa nabasa. That sounds fun!
She navigated the website like a kid excited to learn letters and numbers. Binasa niya ang mga importanteng detalye at nag-confirm ng schedule patungo sa isla. She should block her schedule. Mabuti na lang at felxible ang uri ng kanyang trabaho.
Agad niyang kinuha ang kanyang telepono habang pumipili ng damit na gagamitin niya sa isla. Hindi siya magdadala ng marami, after all, she can be naked on that island and no one will care. Nakapagresearch na din siya tungkol sa isla. Bawal ang camera o ang cellphone. Puno din iyon ng security at hindi maaaring pilitin ang kahit sino na makipagtalik lalo na kung ayaw naman nito.
Pinaglaruan niya ang bracelet sa kanyang pulsuhan habang iniintay na may sumagot sa kabilang linya. It was from her mother. Maluwag pa ito noon sa kanya ngayon ay kasya na. It was just a simple brown yarn bracelet. Lagi niya itong isinusuot kahit saan siya magpunta. Hinalikan niya ang bracelet.
"Yes?" Paos pa ang boses ng kaniyang kaibigan na si Melody nang sagutin ang telepono. Marahil ay natutulog pa din ito dahil maaga pa.
"Guess what?" Masaya niyang pakli.
"What?"
"I am going to the island!"
Wala siyang narinig na reaksyon sa kabilang linya, "Hello?"
"Damn you, Miru! How did you do that?"
"I have ways! Anyway, isang linggo akong mawawala. Baka hanapin mo kasi ako. I will be back next week with tons of stories! I am so happy!"
"Sure you are. Mag-iingat ka doon, Miru."
"Sila ang mag-ingat!" Kinikilig niyang sambit habang inaayos ang mga gamit.
Pagkatapos mag-ayos ni Miru ng gamit ay napagpasyahan niyang dumaan muna sa Angels of Hope. Dalawang araw mula ngayon ay Sabado na at iyon ang araw ng pagtulak niya sa isla. Sa Sabado din siya makakabalik, kaya lang ay mukhang hindi niya maabutang gising pa ang mga bata doon.
Dumaan siya sa grocery para mamili ng organic na prutas bilang kanyang pasalubong, dala ang paint materials sa isang box, excited na siya sa naiisip na activity sa buong maghapon. Tiyak na matutuwa sila Teptep at Moises, sila ang mga batang nakikitaan niya ng galing sa pagpinta. Ang ibang mga bata naman ay interesado sa paglalaro ng mga kulay.
Nagpakunot ang noo niya nang ihinto ang kanyang sasakyan sa harap ng nursing home. Mayroong mga itim na luxury vans ang nakapila doon at isa ring delivery truck. Meron pang isang van ng media na nasa kabilang bahagi ng kalsada. Nakaramdam siya agad ng kaba. Ano kayang nangyayari sa loob?
With the box on her hand, she ran to the small gate and pushed it with her body. "Sister Geraldine?" She called but no one answered. Tumakbo siya patungo sa maliit na pinto at ganoon na lang ang gulat niya nang makitang nagkakagulo ang mga bata sa lamesa. Maliwanag doon dahil may nakatutok na camera. Lumipat ang mata niya sa isang bulto na naroon. Pinanliitan siya ng mata. The glorified persona of a nordic god was there. Wearing a white polo and jeans. Mukhang hindi ito kumportableng ngumiti sa camera kaya tutok lang ang mga mata nito sa bata na nagkakasiyahan.
"Miru, andyan ka pala? Kanina ka pa?" Untag ni Sister Geraldine sa kanya.
Pinanlamigan siya nang tumitig sa kanya si Wyatt, nakakunot ang noo nito at nagtataka.
---
What is she doing here?
Meron itong malaking box sa kamay at agad na nagsigawan ang mga cancer patients nang makita ito. Kinuyog ito ng mga bata hanggang sa bumagsak ang pang-upo nito sa sahig.
"Mga bata, huwag niyong pagkaguluhan ang Ate Miru niyo." Suway ng madre. Malutong na humalakhak si Miru habang inaabutan ng isa isang mansanas ang mga bata na tuwang tuwa itong tinanggap.
"May party kayo?" Nagtataka ang mukhang tanong nito. She looks simple in her faded skinny jeans and fitted white shirt. Her white skin shone even more. No make up but her lips are naturally red and her cheeks are fairly blushing. "Ay, 'wag mong isubo yan." Agad na kinuha nito ang kamay ng isang bata na may tusok na cake sa tinidor. "Masama sa inyo ang sugar at gluten."
"That is sugar free and gluten free." Hindi napigilang sumingit ni Wyatt. He got uncomfortable when she threw stares at him. May maliit na ngiti sa labi nito at alam niya na ang iniisip ng dalaga. This woman got no shame when she darted her stares at his jeans.
Tumayo ito ng walang kahit anong tulong. "Sige, pagkatapos punta kayo sa art room. Magpipinta tayo."
"Kaya lang hindi makakasali si Teptep." Malungkot na bulong nung isang bata. Napakunot ang mukha ni Miru.
"Bakit?" Pabulong na tanong iyon sa madreng kaharap.
"Chemo. Kakatapos lang kanina. Umiiyak at masakit daw ang tiyan. Nagsusuka. Iniinda ang tusok. Mabuti nga at nakatulog na. Sinasabihan ko nga itong mga bata na huwag maingay para hindi magising."
Sadness covered Miru's face. Ibinaba nito ang box sa isang sulok at pinilit na ngumiti.
"Mga bata, silipin ko lang si Teptep ha. Mamaya, magpipinta pa din tayo para kay Teptep. Para makita niya kapag nagising na siya."
Tumalikod ito na hindi tinapunan ng tingin si Wyatt.
"Napakalapit talaga sa mga bata niyan si Miru. Nag-iiba ang mood niyan kapag nakakakita ng batang nanghihina."
"She's a volunteer here?"
"Ayaw niyang tawagin ang sarili niya ng ganon. She identify herself as a family. Napakabuting bata. Halos lahat ng suweldo niya ay dito niya dinadala."
Hindi siya makapaniwala sa narinig. That couldn't be. Dalawa nga ang trabaho ng dalaga ayon sa naririnig niya pero tiyak niyang para sa luho din iyon.
Nagpaalam siya para mag-CR. Ang totoo ay umiiwas siya sa media. He's not comfortable with them around but everywhere he goes, there's media covering every move. Ang Angels of Hope ang napiling beneficiary ng kanilang kompanya ngayong quarter. They will donate money and some stuffs to ease tax liabilities. Yun ang charity work para sa kanya, mandatory, a liability.
Hindi niya mahanap ang CR at nagbukas lang siya ng pinto na unang nakita. Mali iyon. Sasarhan sana niya ang pinto nang makarinig ng tahimik na paghikbi. Natigilan siya nang makitang si Miru na nakatalikod sa may pinto ay nakasalampak sa sahig at may hawak na kamay ng isang natutulog na batang babae sa kama.
"Tep, nandito si Ate.. Magpe-paint kami. 'Di ba gusto mo yun? Sabi mo magiging painter ka pa gaya ni Ate. Hindi ko nga tinatapos ang mga paintings ko kasi sabi mo sabay tayong sisikat.."
Mahimbing ang bata at panay ang haplos ni Miru sa kamay nito, "Masakit ba, mahal?" Malambing nitong tanong sa tulog na bata. "Matatapos din yan. Basta lumaban ka. Magtatrabaho si Ate para sa inyo." Nakita pa ni Wyatt ang tahimik na pagpunas nito ng luha. Hindi man niya makita ang kabuuan ng dalaga, ramdam niya ang sakit sa boses nito at parang may kung ano ding kumudlit sa kanyang puso. Marahan niyang sinarhan ang pinto nang hindi gumagawa ng ingay.
He could have just left. Nauna nang umalis ang media at ang natitira na lang ay ang catering services at ilang empleyado nila na nag-iimpake. Nakasilip siya sa maliit na kuwarto at pinapanood ang mga bata na tahimik na nagpipinta. Miru was patiently guiding each kid on every strokes.
"Ang ganda naman niyan, Rosa." Ngumiti siya at pinapurihan ang bata na nagdrawing ng bahay kubo. Namumula pa din ang mata ng dalaga dahil sa patago nitong pag-iyak. "Gawa ka pa ng maraming ganito tapos pipili tayo ng maganda at ipapa-frame natin."
Sumilay ang kakaibang ngiti ni Miru. Wyatt was eyeing the woman as if she was a different person, her face was fresh and happy. He threw his arms to his chest, and rested his weight at the door jamb.
"Maganda siya, hindi ba?" Napatuwid siya ng tayo nang mapansing nasa tabi niya si Sister Geraldine.
"S-she's compassionate." Hindi iyon ang gusto niyang sabihin. Hindi pa din siya kumbinsido na compassionate nga ang dalaga. She has her reasons, and whatever it is, he couldn't just trust her. She's not the type to go to these kind of places. He saw her many times liplocking at the club and grinding herself to men.
"Alam mo, tuwing walang pasok, dito natutulog yan si Miru. Sa sahig lang siya. Ipinagluluto niya ang mga bata ng masusustansiya buong weekend. Wala siyang tiwala sa mga ready made na na pagkain, kaya nga kanina ay nagulat siya nang makitang merong cake."
"We did our research before going here. Alam namin ang bawal sa hindi."
Ngumiti ang madre, "Hindi mo siya masisisi, masyado siyang protective sa mga bata."
"Bakit wala ka sa Sabado, Ate?" Yumakap ang isang batang babae kay Miru dahilan kung bakit bumalik doon ang pansin ni Wyatt. Nakabandana ito kagaya ng karamihan sa mga bata sa loob ng nursing home, mga nawalan na ng buhok dahil sa chemo.
"May pupuntahan ang Ate. Isang linggo akong mawawala pero susubukan kong makapunta pa din next, next week kung kakayanin ng oras."
Yumakap ang mga bata kay Miru na mukhang mamimiss talaga ang dalaga. "Sige Ate, pasalubong."
Pagkatapos magligpit ng mga art materials ng mga bata ay natagpuan pa din ni Wyatt ang sarili na naroon sa Angel of Hope. Hindi naman siya tinatanong ni Sister Geraldine kahit pa ang mga empleyado niya ay nauna nang umalis. Suddenly, he was at peace. Walang teleponong tumutunog at mga masasayang tawanan lang ang kanyang naririnig.
"Pakiabot nung flour." Hindi niya napansin na nakanguso na sa kanya si Miru at abala ang kamay sa paghahalo ng sangkap sa mixing bowl. Katulong nito ang ibang bata na gumawa ng dinner. As early as 6:30, the kids eat their dinner, at seven, everyone should be asleep.
Natulala pa siya kay Miru bago sundin ito. Wala man lang pagkailang sa mukha nito matapos ng pinagsaluhan nila noong isang araw. Her face was blank, as if they don't know each other.
"Ate, ayaw po.." Napatingin si Wyatt sa batang lalaki na palagay niya ay nasa tatlong taong gulang, naghahalo ito ng flour batter pero hindi nito maigalaw ang wire whisk.
"Help him." Pakli ni Miru nang hindi siya tinitingnan. Agad siyang kumilos para alalayan ang bata. Miru was energetic all through out the cooking and the baking. Siya ang halos gumawa at hindi kababakasan ng pagod ang mukha. She was smiling, and appreciating the kids all the time.
At 6:30, a long wooden table was set with all the food that Miru cooked. Chicken meatloaf with soup, salad medley and rice. Meron pang sugar and gluten free brownie bilang dessert.
"Ivan, lead the prayer." Kinalabit ni Miru ang batang katabi. Agad na pinagsiklop ng bata ang kamay at pumikit, ganon ang ginawa ng lahat maliban siya.
"Psst. Psst." Napatingin siya kay Miru na nasa kanyang harapan, sumenyas ito na gayahin ang mga bata. He once again obeyed.
"Thank you for the food we are about to eat. Thank you for our health because we are all getting better. Thank you for the sponsors, the volunteers, Sister Geraldine, Ate Miru and Angel of Hope staff. Thank you because we are complete today. And thank you for our angels in heaven. Please say hi to Macmac, Katherine, Abby, Terrence, Josue and Lily for us...."
Madami ang ipinagpasalamat si Ivan. Wyatt felt a void on his stomach upon hearing the prayer of the kid. Parang may parte sa kanya ang pinupunit at nasasaktan. When the prayer was finished, his stares automatically landed on Miru who was smiling while wiping her tears.
Sinalinan ni Miru ang bawat bata na naaabot ng kanyang kamay. Still, the woman wasn't looking at him. Hindi niya maintindihan kung ano ang drama ng babae ngayon pero napawi naman ang kanyang pag-alala at napalitan ng pagkamangha dahil sa sarap ng pagkain sa kanyang plato. Pabalik balik ang tingin niya kay Miru. He saw it. Miru cooked everything. So she's not really that useless.
Sinugarado pa ni Miru na natutulog na ang lahat ng bata bago siya tahimik na lumabas ng kuwarto ng mga ito. Narinig niya pang nagpaalam ito sa mga madre na naroon sa nursing home. Paulit ulit ang pagbanggit nito na mawawala ito ng isang linggo.
Nagpaalam na din siya nang makitang lumabas si Miru bitbit ang box ng art materials. Malugod din ang pasasalamat ng mga madre at nurses sa kanya. Sister Geraldine was beaming brightly at him.
"Sabay ba kayo ni Miru?"
"Ah, hindi po. I believe may sasakyan siya." Magalang niyang sagot. Tumango ang madre at kumaway. Nang lumabas siya sa gate ng Angel of Hope, narinig niya ang nanghihinang tunog ng sasakyan ni Miru.
Hindi sana niya ito papansinin pero naging sunod sunod ang subok ni Miru na paandarin ang kanyang sasakyan. Binagalan niya ang paghakbang patungo sa kaniyang Porsche. Narinig niya kumalabog ang pinto ni Miru. Pasimple niyang sinilip ito at nakitang binuksan ang hood ng sasakyan.
He set his expectations high. The woman is full of surprises. She may be skillful to fix her car, too. Pinagkrus niya ang kanyang braso para tingnan ang gagawin ni Miru pero bigla itong nagpapapadyak at napakamot ng ulo. Sinipa pa nito ang bumper ng sariling sasakyan.
"Bulok!" Galit nitong angil.
Naiiling siyang naglakad papalapit dito pero nagbago ang isip niya. Yun nga lang, bago pa siya pumihit papabalik ng sasakyan ay nagkatinginan na sila ni Miru.
"What is wrong?" Labag sa loob niyang pakli.
Bumuga ng hangin si Miru. "Hindi ko alam."
"Flashlight." Utos niya nang lumapit siya para tingnan ang makina.
"Wala eh."
Nadidismaya niyang tiningnan ni Miru. "How can we fix this?" Angil niya.
"Di bale na. Pwede naman yang iwan dito. Meron akong suking mekaniko na pupwedeng tawagan bukas. Magtataxi na lang ako pauwi."
Wyatt scoffed. He got that style. Miru is playing damsel in distress. Akala ata nito ay mahuhulog siya sa ganon.
"Okay."
Napaawang ang labi ni Miru, gusto niyang matawa. Hindi pa siya nagkakamali sa mga hinala niya.
"Fine." Humalukipkip ito at umirap. Sinarhan nito ang sasakyan at inilagay sa mailbox ng Angels of Hope na naroon sa gate ang susi nito.
Nagsimula si Miru na magmartsa. Siya naman ay sumakay na sa kanyang sasakyan na nangingiti.
He made a u-turn and started driving slowly. Madilim at walang poste ang kinaroroonan ng Angels of Hope. Hindi na siya nagtaka, walang pondo masyado ang NGO na iyon. That maybe the cheapest piece of land that they could find and they settled. Merong mga kabahayan sa paligid ngunit meron ding bakanteng lote. Nasa harapan ng sasakyan niya si Miru na diretso lang ang lakad. Even without postlights, Miru's skin shone like an expensive pearl. Hindi na siya nagtaka nang tapunan ito ng tingin ng mga lalaking nag-iinuman sa tabi ng tindahan. Some even mouthed something and laughed.
Hindi tumigil si Miru sa paglalakad, mas bumilis pa nga ito. Napakunot ang noo niya nang mapansing may isang lalaki ang humiwalay mula doon sa inuman at patakbong hinabol si Miru. Humarang ito sa daraanan ni Miru, sinubukan ng dalaga umiba ng daan pero naiharang din ng lasing ang kanyang katawan. Miru sighed. Umamba ang parehas na kamay nito na parang boksingero. The next thing he knew, Miru gave the drunkard a flying kick. Agad na natumba ang lasing at hindi nakatayo. Mabilis na tumakbo si Miru. He stepped on the gas to catch her. Nang maabutan niya ito ay saka niya binuksan ang bintana.
"Hop in." Mariing utos niya. Miru stucked her tongue out and continued running.
Damn, woman! She's really stubborn! Nang makarating na ito sa maliwanag na lugar ay agad na hinintuan iyon ng taxi. He clenched his jaw. He's starting to get frustrated with Miru. Wala itong sinunod sa sinabi niya buong maghapon at siya pa nga ang paulit ulit na inutusan. The hell?
Wala sa sariling sinundan niya ang taxi. Dahil na din sa nasaksihan niyang pambabastos sa dalaga ay nakaramdam siya ng responsibilidad para dito. Hinampas niya ang manibela nang maging pula ang stoplight at nasa likuran pa din siya ng taxi ng dalaga. Dapat ay kanina pa siya nakauwi.
She always put him in a situation he hates!
♁☆♁☆♁☆♁☆
Oy, aminin niyo. Ang sipag ko today. Sorry sa nag-aabang ng iba kong story but a deadline is a deadline. Kapag binigyan ako ng deadline ng mga boss ko, daig ko pa ang kabayo sa bilis mag-type. Plus, I was really engrossed with the characters. First time ko magsulat ng erotica, 'wag sana ma-jinx!
Hope you enjoyed this one! Votes please! And let me hear your thoughts about it.
Social media accounts:
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro