Kabanata 24
Maki Say's: Watch the video for feels.
---
Nakatutok ang mga mata ni Wyatt sa bakanteng upuan sa harap ng almusal. Napansin siya ni Lemuel.
"Miru filed a leave of absence. Hindi ko na rin naabutan. Tumawag lang siya kaninang umaga. She assured to me that she's okay and will be okay."
"Where is she?" Kyuryoso niyang tanong.
"We don't need to know. Hindi sanay si Miru na nagpapaalam. Lumaki siyang mag-isa. I am worried but I don't want to suffocate her."
"Tama, we don't want her to feel that her life really changed when we came in. Baby steps, anak." Ngumiti sa kanya si Esmeralda.
"She promised to be here in time for the welcome party I organized for her."
"Mabuti nga 'yong umalis muna siya so I can surprise her! I will make sure that she will like her first party as a Tanjuatco." Excited na sabi ni Esmeralda.
Dumiin ang hawak niya sa kubyertos. He wants to see her, and talk to her. Kaya niyang hanapin ito, alam niya. Pero ayaw niyang pakialaman ang kanyang mga magulang. Pero paano na lang kung, oh gods. He doesn't want to think about the worst. Hindi niya malunok ang kanyang pagkain kaya naman nang matapos silang mag-almusal ay gumawa siya ng tawag sa isang taong hindi maaaring magsinungaling.
"Sister Geraldine.." Bulong niya sa kabilang linya.
He knows he can find her.
--
Sabi nila, maigsi lang ang buhay. But she couldn't fathom why it should be so short for a kid like Teptep. Hindi niya alam kung anong klaseng iyak ang gagawin niya sa chapel para magmakaawa na buhayin pa ang kanyang kaibigan. Hindi niya alam kung paano siya maririnig nito.
Midnight when she received the bad news. Dumiretso siya sa airport at hindi na ipinaalam kay Lemuel ang nangyayari. Nagluluksa na siya sa eroplano pa lang.
"Ang daya Mo." Bulong niya habang magkasiklop ang kamay at nakatingala sa loob ng chapel ng ospital sa Singapore.
"Sabi Mo mahal mo ang mga bata." Pinunasan niya ang luhang panay ang pag-agos. "Kaya ba gusto Mo silang makasama agad? Sana hindi Mo na lang sila ipinakilala sa amin. Sana hindi ko na lang sila minahal kung kukunin Mo lang paulit-ulit." She was crying hysterically. Painfully. Until a warm body covered her into a tight embrace. Galit niyang nilingon kung sino man ito.
"Anong ginagawa mo dito?" Asik niya. Hindi niya ipinaalam kung nasaan siya. Wala ito dapat dito.
"I called Sister Geraldine. I heard the news. I am so sorry."
"No you are not sorry. Masaya ka ba na mas nasasaktan ako ngayon? Ito ang gusto mong makita mula sa akin, hindi ba?"
"What? No! Miru, wala akong iniisip na ganyan. Malungkot ako para kay Teptep at para sa'yo."
"Hindi ka malungkot. Wala kang pakialam! You don't trust people. You don't care about them—"
"I care about you."
"You never did." Nagtaas baba ang kanyang dibdib. "You are happy to see me mourning because you still think that I played games on you. Umalis ka, Wyatt. I don't need you! I don't need anyone else!"
Imbes na pakinggan siya ng binata ay binalot lang siya nito muli ng yakap. Hinayaan na lang niya ito. Wala na siyang lakas pa para lumaban. Hindi na niya kaya ang sobrang pighati at lungkot.
She was really emotional. Wala siya sa huling paghinga ni Teptep. Marahil alam nito na tututol siya at pipilitin niya itong lumaban pa. Marahil ay napapagod na talaga ito. You can't really fight for someone who have long gave up the battle.
Parang halik ng hangin ang araw na lumipas. It was brief, short, she almost missed it. Hindi siya iniwanan ni Wyatt kahit na ipinagtabuyan niya ito ng ilang beses. Naroon ito sa hotel room niya. Pilit siyang kinakanlong tuwing umiiyak siya hanggang sa makatulog siya. She's not sure if it is comforting or she's just numb. Hindi niya ito pinapansin.
Sa huling araw niya sa Singapore ay pinili niyang mamasyal. Maaga siyang naghanda. Nasa ilalim siya ng shower nang may bulto ng hubad na katawan ang tumabi din sa kanya. Naiinis niya itong tiningnan at nagpatuloy sa pagligo.
"Where do you want to go today?" Kaswal pang tanong nito.
"Anywhere without you."
"That cannot happen."
Alam niya. Wala naman siyang hiningi na pinagbigyan nito. She decided to hop in on a train at Clarke Quay station near her hotel. Mayroong nakabuntot sa kanyang likod at hindi niya inalintana kung sumusunod iyon sa kanya basta hindi siya nito kakausapin.
She opted to go at Gardens by the Bay. Si Wyatt ang bumili ng ticket nilang dalawa. Hindi pa din siya nagpapasalamat. Binusog niya ang kanyang mga mata sa halaman at bulaklak sa paligid. The orchid display was so enchanting that she could paint where she's seated. She felt a hand enclosed hers. Agad niya iyong binawi na parang napaso.
"You don't understand, do you?" Angil niya kay Wyatt. Ramdam niya na ang pagkapikon dito. Sa unang beses ay tiningnan niya ito ng matagal. He hasn't changed. Defined facial structures, intense eyes, sharp nose and narrow, sexy lips. Hinipan ng hangin ang buhok nito kaya bahagyang nagulo.
"I don't want you here. I don't want your touch. I don't need it. Hindi mo kailangang makonsensya. Kung ano man ang nangyayari sa buhay ko, you don't need to feel responsible about it. Niloko mo ako, at nagpaloko naman ako. Mas kasalanan ko iyon." Puno ng pait na sabi niya. Walang pumatak na luha. Manhid na siya doon. Manhid na manhid na.
"I am really sorry, Miru." Tiningnan niya lang ang mukha nitong nakakaawa.
"God, this is really the time when I need to move on." Umiwas siya ng tingin.
"Don't." Mas humigpit ang hawak nito sa kamay niya. "This is just a start. I promise to make it up to you. Alam kong nasaktan kita. Alam kong mali ako. Maling-mali. Just give me a chance to correct it."
"Walang chance, Wyatt. Hindi ko kayang tingnan ka, hindi ko kayang mag-alala pa sa'yo kagaya ng dati. You blew your chance, I don't like the heartbreak. I will never get used to it."
"Am I not worth the heartbreak?"
Umiling siya, "No one will ever be worth it. Never again."
Tumayo siya at tinalikuran ang binata kahit para pinupunit ang puso niya.
"Hindi na kita sasaktan ulit. Alam ko na.. Alam ko na kung bakit ayaw mo sakin dahil nagkamali ako. I hurt you because I was scared of the possibility that you will hurt me. I was wrong. Wala akong kasingsaya nung kasama kita. And even if you don't like me now, I will take the risk, because you are worth it."
Natigilan siya sandali pero ipinagpatuloy niya pa din ang paglalakad. This better be right. Scratch that. This is the best decision she will ever make.
--
"Akala ko hindi ka aabot." Adrian gave her a bear hug.
"Pupwede ba naman yon? Alam mong hindi kita bibiguin." Ngumuso siya at pinasadahan ng tingin ang paligid. Madilim at bilang lang ang tao sa club ni Melody. Indeed this is an exclusive party. Abala ang kanyang kaibigan sa pagseserve ng drink sa nag-gagwapuhang kalalakihan, este, kabadingan.
Goodness, hindi din siya makapaniwalang matatakasan niya si Wyatt. Itinaon niyang naliligo ito kaya naman nakatakas siya. Wala siyang buntot! Finally. Hindi naman siya inaabala ni Wyatt. Sinusundan nga lang siya nito which is irritating. Hindi kasi ito nagsasalita at dinaig pa ang bodyguard.
"I heard the news." Malungkot siyang tiningnan ni Adrian. Ngumiti siya at umiling.
"She's on a better place now." Pinalis niya ang lungkot sa dibdib.
"Hey, your friends are hot. Sigurado ka bang bading ang lahat ng iyan?" Malutong na humalakhak si Adrian.
"I am very sure, darling!"
"Hindi naman kayo nanganganak, paano kayong dumami? Ang popogi pa ng lahi niyo!"
"I don't know, pero I am warning you. You are not supposed to make eye contact with Miguel. Sa iba diyan, pupwede."
Napailing siya. Inalis niya ang suot niyang loose white shirt. Sa ilalim non ay sexy lingerie bra, itim iyon at yari lamang sa lace na merong pulang lining.
"Goodness, Mirabella, you are perfect!" Punong puno ng papuri na pinasadahan nito ng tingin ang kanyang katawan habang ibinababa niya ang suot niyang jogging pants. Sa ilalim 'non ay itim din na thong na merong hollow out open crotch thighs panty hose. She really looked lethal. Ang nilagay niya sa mukha na make up ay pulang lipstick at kinulot niya pa ang kanyang buhok. Definitely, she could give an old man a heart attack.
"I am ready!" She excitedly mused.
"Sure you are." Inayos pa nito ang kanyang buhok at lumabas na patungo sa club area.
Maya maya pa ay nakita niyang umupo si Miguel doon sa gitna ng dancefloor. Mukhang hindi nito alam ang mangyayari. Narinig niya ang panimulang music na kanyang isasayaw.
'Like a river, like a river, sh-...'
Marahan siyang naglakad patungo sa dancefloor. The gays cheered in anticipation. Lahat ng mga ito ay bihis at boses lalaki kaya baritono ang boses na lumabas sa mga ito. Nilapitan niya si Miguel na napaawang ang labi. She smiled flirty and rolled her hips..
'Shut your mouth and run me like a river.. Shut your mouth, baby sand and deliver.. Holy hands oh they make me a sinner...'
Tumayo ito para lumapit sa kanya pero itinulak niya ito pabalik sa upuan. Gays roared with her moves and she give them a mysterious smile.
Maya maya pa ay nalunod na siya sa pagsasayaw. Ang mga nanonood ay walang ginawa kundi ang mamangha sa kanya. She danced at the stage like she owns it. She split, glided sensually. Ang ilan ay nakikisayaw na din sa kanya. Nakadikit ang katawan sa kanya. Mukhang nakalimutan na ng mga bakla ang preference nila at naghimala na naging lalaki ang mga ito ulit.
'Choke this love til the veins starts to shiver.. One last breath til the tears start to wither.. Like a river..'
Kasayaw niya si Adrian na nakahawak sa kanyang beywang nang tumumba ito. Narinig niyang tumili si Melody.
"Adrian!" She yelled.
Agad niyang tiningnan kung saan nagsimula dahilan at nagulat siya nang makitang si Wyatt ang naroon, madilim ang ekspresyon nito.
"Wyatt! Anong ginawa mo?" Dadaluhan sana niya si Adrian pero binuhat siya ni Wyatt papalayo. Tumutol siya pero malakas ito kaya hindi siya nakalayo.
"Baliw ka! Anong ginawa mo ha?" Agad silang sinalubong ng hangin sa labas. Hinubad ni Wyatt ang suot nitong tshirt. Pinanlakihan siya ng mata pero agad nitong isinuot sa kanya. Umabot iyon sa kanyang tuhod. Obviously, Wyatt is huge and she's tiny! Inis niyang itinulak ang walang saplot na dibdib nito. Nagtiim bagang ito. Hindi nagsasalita.
"You think you can just go around and ruin my life? I am sorry but I don't even know you! Sex is good but this has to stop! You don't own me!"
Hindi ito kumibo, kumuyom lamang ang kamao.
"Talk! Nakakainis ka!"
"I am sorry." Mahina ngunit matigas na sabi nito.
"You don't seem sorry! Sinuntok mo si Adrian! You ruined his party!"
"But you hurt my feelings!" Bumuhos din ang galit nito sa isang malakas na sigaw. Napaatras siya. "You keep on hurting my feelings but I just let you because I fcked up! I lied. Big time." Napayuko ito, "And I am hoping that you will learn to love me again. Damn, Miru. Mahal kita. Mahal na mahal naman talaga kita. Natakot lang ako na hindi ka totoo."
"Fck, I am not supposed to be mushy. But fck, I love you. Sabihin mo naman sa akin kung paano ko aayusin 'to."
Napakurap kurap siya. Bumukas ang mga labi. "Pero sinaktan mo ako. Alam mo ba kung gaano kasakit yon?"
"Oo, kagaya ng ginagawa mo sa akin ngayon." Namasa ang mga mata nito, tinapunan siya ng malungkot na tingin pagkatapos ay naglakad na patungo sa sasakyan nito.
Nakaramdam agad siya ng pangungulila nang makita ang mga hakbang nitong papalayo sa kanya. God, what is she supposed to do now?
Humingi lang siya ng tawad kay Adrian at Miguel nang bumalik siya sa party. Maunawain ang mga ito at pinilit din siyang umuwi na. Maayos niyang itiniklop ang tshirt ni Wyatt at nagpalit siya ng kanyang damit. Nagmamadali din siyang umuwi. They really need to sit down and talk about things.
Nang makarating siya sa mansyon ng mga Tanjuatco ay agad niyang nakasalubong si Wyatt. May dala itong duffle bag. Napalunok siya dahil mukhang papaalis ito. His tired gaze bore to her.
"S-saan ka pupunta?"
Hindi kumibo ang binata at nilagpasan siya. She panicked. They will talk, alright. Kailangan niyang kumalma.
"Are you going to Temptation Island? Will you whip someone else's butt just because I hurt you?"
Nagpatuloy ito sa paglalakad. Hindi siya pinansin hanggang sa makalapit sa sasakyan nito.
"Ano? Ayaw mo na kasi masakit na? Na-turn off ka na?"
Hinawakan nito ang pinto ng kanyang Porsche nang hindi makatingin sa kanya.
"Do you even have the slightest idea what I really feel right now? I want to talk to you. But it seems that you don't want it and you're leaving so what am I supposed to—"
"Damn it, Miru. You can just tell me that you want to come with me. Ang dami dami mo pang sinasabi."
"Bakit ang sungit mo?"
"Sa tingin mo magiging mabait ako pagkatapos mong sayawan ang mga lalaking yon? You think that's okay? You are so unfaithful!" Sinarhan ni Wyatt ang pinto ng sasakyan at inilang hakbang siya nito. "Kapag tampuhan, tampuhan lang! Walang magtataksil!"
"Wow, nagsalita!" Muntik pa siyang mapapalakpak. " What about you? You keep on dating that ex-girlfriend of yours and you think that is okay?"
"Sure it is not okay, that is why we aren't dating."
"You fck."
"Oh stop putting words on my mouth."
"Then stop whining! Maglalayas ka? Eh bahay mo nga 'to? Kung ganyan ang gusto mo, ako na lang ang aalis."
"Ako na lang!"
"Walang aalis." Sabay silang napatingala nang makita ang mag-asawang Tanjuatco na nanonood na pala sa kanila. "Pumasok kayo sa loob at doon niyo yan pag-usapan." Utos ni Lemuel. Parehas matatalim ang tingin nila sa isa't isa habang humahakbang papabalik sa loob ng mansyon. Hindi pa nga ata nila namalayan na nasa library na sila at nagsisiringan.
Inalis ng Daddy niya ang salamin nito at kinusot ang mata. Halatang papatulog na ang mag-asawa dahil nakasuot ito ng ternong roba. Habang tumatagal siya sa mansyon ay hinahangaan niya ang samahan ng dalawa. She couldn't believe that something like this still exists.
"I understand na meron kayong pagtitinginan."
"Dad."
"Papa."
Sabay nilang tutol ni Wyatt. Nagkatinginan pa sila.
"Huwag na kayong magsinungaling. Parehas lang naman kayong nasasaktan. Wyatt, pinalaki kita. Kahit hindi ka akin ay pinalaki kitang maayos. I didn't know that I was preparing you to take care of my own daughter—"
"Dad.."
"I am expecting a lot from you, Wyatt. My daughter went through a lot. Wala ako sa tabi niya habang lumalaki siya. I cannot protect her because obviously, I have lesser time in this world than you do. I only trained a man, to take care of her like I would."
Nakita ni Miru na nagpunas ng luha si Esmeralda. Nakangiti ito kahit naiiyak.
"We are rooting for you, anak." Wika ni Esmeralda.
"Ma, Pa. Huwag naman kayong ganyan. You do realize that this is humiliating."
"Because you were acting like a kid." Singit niya.
"Ako lang ba?"
"Mabuti pang iwanan muna natin ang dalawa, Esme. Mukhang bukas pa matatapos ang away nila." Napailing ang Daddy niya at inabot ang kamay nito sa asawang nag-aalala ang tingin sa kanila.
"Kaya siguro hindi tayo nagkaroon ng maraming anak, Lemuel. Masakit sa ulo ang ganitong away. Too petty, but hayyy. Too cute! They are my OTP."
"What's OTP?" Inosenteng tanong ni Lemuel.
Pinanood nila ang kanilang mga magulang na lisanin sila sa library. Bumalik ang mabibigat na tingin nila sa isa't isa. Goodness, this is really funny. Huminga siya ng malalim.
"About what happened tonight. I was invited by Adrian at his Bachelor's party. He's gay and everyone's gay. They just thought of having a little fun so instead of having a macho dancer, they invited me."
"I was jealous. You used to dance to me, only to me."
Hindi niya mapigilan ang pagkawala ng pilyang ngiti, "I can still do that." Lumapit siya sa kinauupuan ni Wyatt. Napakapit ito doon.
"No, no. We are still talking. You are not supposed to do that."
"Really? So what's our problem?" She straddled him. Umiwas ang mukha ni Wyatt pero itinulak niya iyon papabalik sa kanya.
"Do you trust me now?" Malungkot na pinagmasdan ni Wyatt ang kanyang mukha.
"Do you?"
"Break me, if you still find it necessary. Magpanggap ka na akin ka, at kung babasagin mo ako bukas, hindi na ako matatakot. Bigyan mo lang ako ng oras para baguhin ang isip mo."
Ngumuso siya, "You still don't trust me."
"Haven't you heard? I trust you with my heart, Miru. Do whatever you want to do with it. I am yours."
♁☆♁☆♁☆♁☆
Pinost ko na ang prologue ng Temptation Island 7, pakiadd sa library niyo.
Yes, mabilis ang story TI2, bitin, etc. But the story was designed for 60,000 words only, sa book version 70,000 na nga ang nagawa ko. Hindi din ako sanay sa sobrang kaunting word count kasi kapag 50 chapters ito, 100,000++ words na. I want to go detailed with the kilig and all but it will defeat the purpose on having it squeeze on a pocketbook. Kapag mahaba naman, sasabihan naman akong paikot ikot lang :D Ano na mga fren? Saan kami lulugar? :D
The last chapter which will be posted tomorrow will conclude the story. Siyempre mababasa niyo pa din ang ending pero ang book version merong karagdagang ending at iba pa ang epilogue. Gusto ko man ipost lahat dito (hindi po ako mukhang pera ha, dahil ang Publisher ko po ang magbabayad sa akin kung sakali) gusto ko lang may i-lookforward pa din ang nagpaplanong bumili ng book at pipila sa MIBF. Mahabang panahon naman na nasa bookstore ito (kung sakaling maiprint), ipon kayo ng piso at sa loob ng isang taon, may sukli pa kayo kung bibili kayo ng book. Wala pang presyo, jusko mga besh, hindi pa nga approved ang manuscript! haha kalma tayo at magdasal na maapprove.
Social media accounts:
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro