Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 22




            

Nakaupo siya sa isang magarang couch. Tuwid na tuwid ang kanyang likod. She knows that Lemuel Tanjuatco was filthy rich, not 'this kind' of rich. The grandoise staircase proudly stood at the center of the whole mansion. Mirrors were composed of colorful pilgrim glass that sheds colorful light on the white tiled floor as the sunshine bounce to it. Ang apat na pillar sa living area ay may mga nakatayong antique wood carvings na tiyak niyang mula kay Bonifacio Arevalo. At ang painting-- ang painting na nakasabit ay pawang gawa niya, ang pina-auction niya.

"Welcome home.." Napatayo siya bigla nang may magsalita. Napalunok siya. Mabuti na lang talaga at pinilit siya ni Melody na maligo, ito din ang naglagay ng manipis na make up niya kaya kahit papaano ay hindi nakakahiyang humarap sa lalaking matagal nang laman ng kanyang isipan simula pagkabata.

"Good afternoon po."

"Mabuti at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko, Mirabella." The man was tall, about on his early fifties. Wala pa ito masyadong puting buhok ngunit halatang kagalang galang. His Spanish-Chinese blood was very dominant. Chinese mestizo ito. Singkit ang mata, pero matangos ang ilong.  Nakasuot ito ng polo barong at nakatuon ang mga mata sa kanya.

"I am so sorry." Nagulat siya ng yakapin siya nito. Tuwid na tuwid ang kanyang katawan, para tuloy yumakap ang kanyang ama sa poste.

"S-sandali po, Sir. Hindi pa tayo nakakasiguro—" Wala pa ang DNA test results.

"I know. Nakikita ko sa'yo ang mukha ng Lola mo. You are the exact carbon copy of her. Formality na lang ang DNA testing, your friend Melody insisted, ayoko na sana. I am so sorry for your mother. Hindi ko alam. Nakilala ko si Elena sa Olongapo dahil sa isang proyekto doon. Nakagaanan ko agad siya ng loob sa isang buwang pananatili namin doon, she's beautiful and you got her smile. Hindi na kami muling nagkita pagkatapos ng proyekto dahil bigla din siyang nawala. I am really sorry."

Umiling siya, "It was not a love story you both had. Kundi isang obligasyon. Kaya nagdalawang isip din si Mama na guluhin ka pa. Nagpunta ako dito para sabihing wala akong hihingin sa inyo. Hindi ako hihingi ng parte ng mana o posisyon sa kumpanya. Gusto ko lang ng donation para sa pagpapagamot ni Teptep."

"That's why I want to talk to you, Mirabella. Sumunod ka sa akin."

Sinundan niya ang kanyang ama nang maglakad ito sa mansyon. Hindi niya mapigilan ang paghanga sa disenyo ng buong bahay. Indeed, his father is an artist more than a businessman. Binuksan nito ang unang pinto sa may second floor. Bookshelves filled with books and a long table made of hardwood welcomed them. It looked cozy, with a red two-seater beanbag sitting at the back of the shelves.

Umupo silang mag-ama sa malapad na lamesa. Sumeryoso ang mukha ni Lemuel at napahilamos ang mukha, tila nag-iingat sa sasabihin.

"I don't want to do this to you but Esme and I really want to know you more. I am excited to know that I have a daughter. Really. I can't put to words how happy I am and Esme, too."

Tumango siya. Normal lang naman siguro ang makyuryoso sa kanya ang mag-asawa, "And we decided to finance Teptep's hospitalization until she gets well."

Napangiti siya. Wow.

"But."

But.

"You need to promise me to familiarize yourself about our business. Give it a chance."

Magsasalita sana siya nang tumaas ang kamay nito, "And you need to stay here while learning. But hopefully for good."

Goodness. That fast? Ano bang alam niya sa negosyo? Fine arts graduate siya at isa siyang choreographer. Wala man lang siyang minor subject sa business.

"Sir—"

"Dad." Pagtatama nito.

"D-dad, wala naman akong alam sa pagnenegosyo. Hindi din po ako interesado."

"But you know about arts, hindi ba? Our clients believes in our capability to think outside the box. Ako din naman ay mas pabor sa artistic touch ng negosyo. Some people will do the work for you. You just need to know the basic like looking at sales report, cash flows and asset management."

"Pero si Wyatt ang magiging tagapagmana—"

"You know what, it is also a blessing in disguise. People know who's Wyatt's father is. Nakatakda na ding magretire si Fidel kaya ipinapamana ang Petrol business sa kaisa-isang anak nito na si Wyatt. I was desperate too, I don't have an heir until you came."

Bakas ang kasiyahan kay Lemuel. Hindi niya tuloy alam kung paano pa siya tatanggi.

"Susubukan ko lang po. Isang buwan, D-dad.."

"That's good enough. I am very sure that you will like it."

Miru did not expect that their meeting will be as light as this. Kung alam niyang ganito lang pala kadali ay sana nagpakilala na siya noon pa at tapos na. Our worries aren't usually true, most the time. Lemuel asked how her life went, he even offered an assistance to file a case against her abusive uncle but she refused. Tapos na iyon. Hindi naman nito nasira ng husto ang buhay niya. Ang pananaw niya lang.

She went out stronger, actually.

"Bukas ay lalabas na si Esme. She's really excited to see you."

"I am sorry po for what happened to Tita."

Umiling si Lemuel, "Wala iyon. She's not mad at me or you, she was so sad about what happened in your life. My wife loves you so much, lagi ka nga niyang ikinukwento. She even wanted to adopt you if Wyatt and you won't end up together, imagine us adopting a 25 years old? Silly but we are happy that you are really part of the family. You may be destined to be part of this crazy bunch."

"About Wyatt.."

"Don't think about him. He will definitely understand."

But he doesn't..

"What's your favorite color?" Lemuel shuts down her thoughts by asking random things about her. Her favorite brand and artists.

Gabi na nang pakawalan siya ng ama. Sa library na nga din sila naghapunan. Wala naman daw itong inaasahan na makakasabay. She tasted home on their meal. Ganito pala ang lasa nang may makakasabay na pamilya. Tumanggi siya nang magsabi itong ihahatid pa siya patungo sa parking lot. Masyado na siyang matanda para maligaw. Nasa may maindoors na siya ng mansyon nang masalubong ang taong ilang araw nang laman ng kanyang isip.

Si Wyatt.

He's wearing a polo shirt and khaki jeans. Sa ibabaw ng shirt ay khaki jacket din. Mukhang hindi naman ito galing sa trabaho. Nagtama ang mga mata nila. Siya ang unang nagbawi ng tingin. Nilagpasan siya nito pero hinila nito ang kanyang braso.

"Bitiw." Malamig niyang utos. Hindi sumunod si Wyatt.

"Bitiw, Wyatt. Alam mong ayaw na ayaw kong pinipigilan ako gapos o ng kahit ano. Bitiw."

Marahan siyang binitawan nito. "Thank you."

Mabilis niyang nilagpasan ito.

--

"No, we don't have an available unit. Akala ko ba you love your home? Kaya nga kahit 28 years old ka na, hindi ka pa din umaalis sa bahay niyo."

"But Lucas.." Pakiusap niya. Naroon siya sa pribadong opisina ng panganay ng mga Monasterio. He needs to find his own place, asap. Otherwise, Miru will be his nightmare. Sinabi sa kanya ni Lemuel na titira na ang anak nito kasama nito. Like it was easy. Like they did not share something- Yeah, something what?

Hindi naman siya duwag. Hindi siya natatakot kay Miru. Kaya lang ay tiyak na magtatalo lang sila at baka mas lalong mamrublema lang ang kanyang ina. Yeah right.

"Imagine having a hot little stepsister around? Man, you are one hell of a lucky!" Lucas chuckled.

"She's a con, Man." Inis na giit niya.

"Or you were just overthinking? The lady been through a lot. Imagine being sexually abused as a teenager? I could kill for her if I was her long lost brother."

"I did my part."

Tumaas ang kilay ni Lucas, "What part?"

"The guy was limping when he went to jail." That was the most he could do for Miru. Pinamatyagan niya ang tiyuhin nito. Nang makita ito ng mga tauhan niyang may pinipilit na babae sa kalsada ay kinuha nito ang pagkakataon para bugbugin ito at dalhin sa presinto.

"I thought you don't believe her?"

"Apparently the guy was a pervert. Marami na din itong reklamo doon sa Olongapo."

"So you really did your research, Baby Boy?" Naiiling si Lucas pero ngiting-ngiti ito. Naiinis siya sa pang-aasar sa kanya.

"That was nothing."

"Nothing?" In a sing-sing voice, Lucas teased.

"Fck you."

---

"Hija, I am really happy that you are now here." Si Esmeralda mismo ang tumanggap sa kanya sa pamamahay ng mga Tanjuatco. Narito sila sa garden. Nakatungkod ang babae pero hindi naman ito mukhang nahihirapan. Hindi niya napigilan na mapayakap dito at umiyak sa balikat nito. Nang matahan na siya ay hinila siya nito at ito mismo ang nagpunas sa luha niya.

"I am so sorry, Tita."

"Tss, call me Mommy. I am your stepmother so you may do so. At wala kang pagkakamali. Alam kong mahirap ang sitwasyon mo. Kami ang dapat magsorry. We should have known you before. But see? I have an instant daughter and a travel buddy! I cannot wait to recover! Let's go to Osaka! Just the two of us."

Pumasok sila sa mansyon. Inalalayan niya si Esme na maglakad gamit ang tungkod nito. "Paparating na si Lemuel at si Wyatt." Sabay sabay silang mananghalian. It will be the proper welcome for her. Panandalian lang naman ito. Isang buwan lang. Of course she will respect her father's leading in her life but if she cannot do it, better to back out. Baka maging disaster pa kapag iginiit niya na kaya niya kahit hindi naman.

Kabado siya nang nakaupo sila sa harap ng hapag kainan. Katabi niya si Esme at hinahainan siya ng soup na para bang hindi ito nagkasakit. She was in her usual self. Masayahin, punong puno ng energy. Nagkukwento pa ito ng paborito niyang pagkain. The woman was so lovely. Kaya lang ang atensyon niya ay kung paano palulubugin ang kaba sa harap ni Wyatt.

He have hurt her and it cut deep. Deeper than all her experiences. Umasa siya ng husto. Nagmahal ng unang beses. Pinatay siya nito at hindi niya alam kung makakabawi pa siya o magmamahal pa ulit. It was more than her traumatic experiences.

Nakarinig sila ng mga yabag. Mas naging excited si Esme, siya naman ay gusto na lang lumubog sa upuan.

"Hello, my wife." Humalik sa pisngi ng asawa si Lemuel. Agad naman siyang napatayo mula sa hapag, hindi alam ang gagawin. Kinuha niya ang kamay ng ama at agad na nagmano. Kitang kita niya ang pagtaas ng kilay ni Wyatt na nasa likod ng ama. Ginulo ni Lemuel ang buhok niya at nawala ang mata nito dahil sa matinding pagkakangiti.

"Sa pagmamano ka ba nasanay, Anak?"

Anak. It sounded surreal.

Tumango siya. "Opo, sorry po."

"No, no, I liked it. I love seeing you here. Kakatapos lang namin mag-golf ni Wyatt. Wyatt, say hi to Miru."

"Hi." Tipid na sabi nito nang hindi tumitingin sa kanya. Lihim siyang napasimangot. Ang sarap tirisin ng lalaki. Ito pa ang galit sa kanya. Come to think of it, wala naman siyang planong masama, bukod sa naglihim siya dito ay wala na. Hindi naman pala talaga lihim dahil kilala naman pala siya nito sa umpisa pa lang.

"Hi Kuya." She smiled from ear to ear. Annoying the hell out of him. Hindi man niya mabawi ang pananakit nito sa kanya, kaya naman niya itong asarin.

"Kuya?" Humalakhak si Lemuel at si Esmeralda. Halos maubo pa ang dalawa sa kinauupuan. Kitang kita niya ang pamumula ng tainga ng binata.

One for Miru, zero for Wyatt.

"Mali po ba?" Maang na tanong niya. Umiling ang kanyang ama.

"Hindi naman. Solong anak kasi yan si Wyatt both sides, I am not sure if he'll like it. Or if he'll ever get used to it."

"Sa Olongapo po kasi, nasanay na akong gumalang sa mas nakakatanda."

Two for Miru, still zero for Wyatt.

Gusto niyang humagikgik sa halatang pagiging galit ni Wyatt, mabuti na lamang ay nagkuwento ng ibang bagay si Esmeralda para maipagpatuloy na nila ang pagkain.

"I really do hope that you'll love your room." Kapagkuwa'y sambit ni Lemuel.

"Naku, oo. Parang bumubuo ng nursery room si Lemuel, hindi nakapasok sa opisina kakadesign ng magiging silid mo. Ayaw ka na talaga niya bigyan ng dahilan para umalis pa." Pagmamalaki ni Esmeralda.

"Salamat, Dad." She smiled sweetly. Libang na libang sa kanya ang ama at si Esmeralda. Parang gusto pang pisilin ang pisngi niya. Buong pananghalian naman ay nakasimangot lang si Wyatt at walang kibo.

"Anyway, tomorrow will be the start of your training. Wyatt will introduce you to the company."

Kahit nagulat ay hindi niya ipinahalata. Nagpeke ng ngiti si Wyatt at tinaasan siya ng kilay.

"I would love to train, Miru. My pleasure."

"Thanks, Kuya." She winked. Para naman itong nagulat at mabilis na binalikan ng tingin ang plato.

Natapos naman ang kanilang pananghalian nang hindi sila nagsasaksakan ni Wyatt. Panay ang patama nito sa pagkatao niya bilang happy-go-lucky at walang alam sa negosyo. Tinawag niya lang naman ito ng Kuya at nag'po' at 'opo' tuwing kinakausap niya ito. Nagpaalam na magpapahinga ang mag-asawa, siya naman ay papunta na sana sa kuwarto niya. May mabigat na kamay ang pumigil sa hawak niya at naramdaman niyang si Wyatt iyon.

"If you think you can fool them, ibahin mo ako."

"What? Kuya? Fool who? My father? Bakit naman? Do you really think I want to live under one roof with you? Come on, this set up is so suffocating. Napipilitan lang ako dahil gaya ng sabi ko, marunong akong rumespeto sa matanda."

"Siguraduhin mo na totoo ang sinasabi mo. I'll be watching you."

"Tuwing kailan, Kuya? When I'm inside my room, touching myself while moaning a name so familiar to you? Be my guest." In a throaty voice she whispered to his ears, nabitiwan siya nito kaya kinuha niya ang pagkakataon para magmadaling tunguhin ang kanyang kwarto. Huminga siya ng malalim para pigilin ang kaba.

Pumikit siya ng mariin. Damn, Wyatt. I will not let you skin me alive!

---

A short white dress was what she chose on her first day at Tanjuatco construction, pinatungan niya iyon ng puti na blazer at nude heels, kadalasang isinusuot niya sa art museum. Ang kanyang hanggang balikat na buhok ay kinulot niya ang dulo at naglagay din siya ng manipis na makeup.

Lumabas siya ng silid at doon niya napagtanto na magkatabi pala sila ng silid ni Wyatt dahil nagkasabay pa sila sa pagbubukas ng pinto.

"Change." Mabilis na utos nito.

"How about a 'No'?" Umirap siya at nagpatiuna sa paglalakad. Sinadya niya pang umindayog ang kanyang pang-upo dahil alam niyang pinapanood pa din siya ni Wyatt.

"Oh my, pretty, Hija! Baka mawala sa focus ang mga empleyado kapag nakita ang kagandahan mo." Esmeralda greeted her a good morning. Sinalubong din siya ng kanyang ama na nakabihis pero kaswal. Mukhang hindi ito papasok sa opisina.

"May check up si Esme ngayong araw. Pinaaayos ko na ang formal party para sa pagpapakilala sa iyo. But Wyatt will show you around and introduce you to our employees as my daughter. I hope that he'll teach you well. I am counting on you, Wyatt." Tumingala ito at tiningnan si Wyatt na naiwan doon sa may hagdan.

Matamis siyang ngumiti, "Huwag po kayong mag-alala, Dad. He's a good teacher."

Natawa muli ang Daddy niya. Nakasimangot namang bumaba ng hagdan si Wyatt at nagpatiuna sa breakfast table. Matapos ang breakfast ay nagkani-kaniyang paalaman ang mga tao sa mansyon. Isang eksena na ni sa hinagap ni Miru ay hindi niya naisip na makakasaksi siya. All her life she lived alone. May mga kasama man, pero walang may pakialam sa kanya.

Sumakay sila ni Wyatt sa Porsche nito. She was smiling when he opened the door for her. Naamoy niya ang mamahaling pabango nito. Earthsy, woodsy and mint. Hinarap niya pa ito at halos tumama ang kanyang noo sa ilong nito.

"Thank you." Gahibla ang buhok ang layo ng kanilang mga mukha. Wyatt's jaw clenched. Nagkibit balikat naman siya at sumakay sa shotgun seat.

Kinakabahan siya pero ayaw niyang ipahalata. Kaya naman nakialam siya sa sterio ng Porsche ng binata, pinindot niya ito pero agad na pinatay ng binata. Siniringan niya ito pero diretso lang ang tingin nito sa kalsada.

"What should I expect later, Kuya?" She tried to open a conversation to kill the boredom. Sobrang traffic at mabagal ang usad ng sasakyan.

"Can you stop calling me Kuya?"

"What? Hindi ba tunog foreplay iyon? Huwag po, Kuya. 'Di ba ganon ang mga gusto mo?"

"Stop."

Tumagilid siya ng upo at nginitian ito, "Ang bilis mo naman mapikon. I think magandang role play ang ganon."

"I said stop!"

Malakas na prumeno ang sasakyan. Dahil nakatagilid siya ay umabot ang pagtalsik niya sa dibdib nito. Wala masyadong nagawa ang seatbelt niya. Lumakas ang tibok ng puso niya lalo na nang magtama ang mga mata nila.

Goodness, hindi siya maaaring maging marupok. Now, she's looking at the man she's missing so much. Something on her lady part clenched. Napalunok ang binata at bumaba ang titig sa mga labi niya.

Mali iyan, Miru.

Mabilis niyang ibinalik ang katawan niya sa upuan. "Pikon." She rolled her eyes to hide blushing.

Dumating sila sa Tanjuatco Construction at sa unang beses niyang umapak dito ay namangha na siya agad sa ganda ng lugar. Miru heard that the building itself received awards in Architectural designs. She can't help but to be proud of her father.

Maraming mata ang agad na napunta sa kanila nang pumasok sila sa loob ng gusali. Because why not? Wyatt is gorgeous. Ang suot niyang fitted gray polo na merong lining ay yumakap sa katawan nito. Binibigyang ideya ang mga babae kung ano ang nasa loob ng manipis na tela. Diretso lang ang lakad ni Wyatt at bahagya siyang nagpahuli para titigan ang perpektong pang-upo nito na nakahubog sa suot nitong slacks.

"Your eyes, Miru." Tiningnan siya ni Wyatt gamit ang gilid ng mata nito. Sabay silang sumakay sa loob ng elevator, walang ibang lulan iyon.

"What do you think about a quickie in an elevator, do some people really do that?" Pangungulit niya.

Tinapunan siya nito ng masungit na tingin, "Not possible if I am the one fcking you. Dapat matagal para sulit."

Nag-init ang kanyang pisngi at hindi na niya maitago pa iyon. Mabuti na lang at bumukas ang pinto ng elevator at agad na nabungaran niya ang isang malawak na function hall kung saan nakatayo ang lahat ng empleyado at mukhang may iniintay.

"Good morning everyone." Mabilis at baritonong bati ni Wyatt. Akala mo naman ay walang sinabing kabastusan sa elevator!

Natahimik ang mga nagkukwentuhan at agad tumuon ang tingin sa kanilang dalawa. Ang mga lalaki ay nagtutulakan habang nakatingin sa kanya. Kumuyom ang kamao ni Wyatt.

"Delos Santos, merong problema?" Tila galit na tanong nito sa empleyado. Mabilis na umiling ito at ang mga kasama.

"I am with Miru Mercado Tanjuatco, Lemuel Tanjuatco's long lost daughter. Please be good to her and stop eyeing her like that if you don't want to lose your jobs." Itinuro nito ang grupo ng kalalakihan sa ibang dako na titig din sa kanya. Natahimik ang lahat hanggang sa i-adjourn na ni Wyatt ang meeting. Pinauna nito ang mga tauhan na bumaba kaya naiwan sila doon sa buong floor.

"Ang sungit mo naman."

"Then stop looking like a sin, Miru. I told you to change. You are really stubborn."


       

♁☆♁☆♁☆♁☆

Sa mga nagtatanong, ito po ay ilalabas under Precious Pages sa MIBF, LIB Bare po ang imprint.

Target po na ilabas sa MIBF (September 15), kakapasa ko palang ng manuscript ng book version sa Publisher ko ngayong umaga, kaya din naman hinihingi ko na mag-ingay kayo para iapprove agad hahaha! (Kunyari sikat. Chos!)

Paano kung nasa abroad, nasa bundok, etc. Meron pong online shop ang Precious Pages kaya kapag nailaunch ito, pupwede kayong bumili ng e-book doon.

Yung iba ko pong book like He Married His Secretary under Psicom (although Young Adult romance yun) ay nasa National Bookstore pa din. Yung Vagabond's Creed ay nasa Precious Pages bookstore daw, pero meron daw branch na naubusan na. Magrereprint daw ng karagdagang kopya. Taos puso akong nagpapasalamat dahil sinuportahan niyo agad ang Vagabond's Creed at kahit wala pang isang buwan, kinulang yung copy, siguro kasi bente lang ang prinint ni Sir Jun, binili pa ng mga kamag-anak ko. Charot! Thank you! At Thank you pa din! Sana mainit din ang pagtanggap sa TI2.

PS. Huwag kayong malungkot pag natapos ito, gagawin ko agad ang TI7, ipapakilala ko kayo sa bagong characters na mamahalin at paiiyakin ulit kayo! Haha


Social media accounts:

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro