Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 21




Maki Say's: Kung hindi babasahin ang author's note, bawal magtanong kung kailan ang next update.

---

            

Nabalisa siya sa nalaman. Mabilis siyang sumakay sa sasakyan at sumugod sa ospital. Habang nagmamaneho ay nagdadasal siya sa kanyang isip. Hinihiling na iligtas si Esmeralda sa kapahamakan. She couldn't stop blaming herself because of that. She was careless. Nagpatangay siya sa sariling emosyon. Dapat ay hindi.

Tumakbo siya sa kinaroroonan ni Esmeralda nang makuha niya sa nurse station kung saan ang silid nito. Sa labas non ay maraming mga tauhan ang pamilya Tanjuatco, isa lang ang pamilyar doon, Si Wyatt. Bakas ang pag-aalala sa guwapong mukha nito. Nakapamulsa at tila pagod ang katawan na nakapahinga ang likod sa tabi ng pinto. His eyes were closed, lips on a thin line. He opened his eyes when he felt her presence, his eyes bore her.

Bumukas ang bibig niya para humingi ng tawad pero walang salita ang lumabas. Napayuko siya sa talim ng titig sa kanya ng binata.

"W-wyatt, I- I am so—"

"Sorry?" Malamig na tanong nito.

"It was never my intention to---"

Hinila ni Wyatt ang kanyang pulsuhan, masakit ang pagkakadiin nito saka siya nito itinulak sa pader kung saan sila lang ang naroon.

"This is how you planned this? Masaya ka na?"

"Plano?"

"I knew you were trouble! Sana ako na lang ang ginago mo dahil handa akong makipag-gaguhan sayo! I know you!" Mariin ang salita nito at ramdam niya ang init ng hininga nito sa kanyang noo. She heard him gritted his teeth and she was scared.

"W-what do you mean?" Kinakabahang tanong niya.

Wyatt's eyes were bloody red, full of anger. "I know who you are. Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit hindi naaapprove ang membership mo sa Temptation Island? Because I was avoiding you! I know you since the day at the church. I heard you call him Papa. Nakita ulit kita sa outreach na inorganize ni Mommy nang taon ding iyon. I know your mother's name. I know you better than you think Mirabella Eury Mercado. I know you! P*tangina, kilala kita!" Kita niya ang pamamasa ng mata nito dahil sa galit.

"Masaya ka na na nakaganti ka kay Mommy?" Tiim ang bagang nito. Nanghihina naman ang kanyang tuhod. Pumikit siya at huminga ng malalim bago muling dumilat.

"Hindi ko ginustong mapahamak si Tita Esmeralda, Wyatt." Parang sinasaksak ang puso niya habang nagpapaliwanag, nanginginig ang kanyang boses. He needs to know the truth, her truth. "Hindi ko plinano ang pagkikita natin. Hindi ko plinano na mahalin ka."

May nanunuyang ngiti sa labi ng binata, "Oh you did?" Tumingin pa ito sa malayo bago siya binalikan ng mas mapanganib na tingin "Too bad, I never loved you. Inunahan lang kita sa plano mo. How does it feel to fall in your own trap?"

Kumalabog ang puso niya sa isang masakit na pagsabog. Binalot siya ng takot at di pagkatiyak.

"H-hindi mo ako minahal?" Sa lahat ng pangungutya nito ay ngayon lang siya naapektuhan ng husto. All the while she believed that someone did love her. That finally, she met someone who will look at her beyond her face and her body.

"Bakit? Minahal mo nga ba ako, Miru?" Lumiit ang mata nito.

Tumango siya, paulit ulit. Kahit ang bawat pag-angat ng kanyang ulo ay nasasaktan siya. "Oo, kaya sobrang sakit dito." Itinuro niya ang dibdib niya.

Umiling si Wyatt, titig na titig sa kanyang mga mata. "I was all in all disgusted." Mabigat siyang itinulak nito sa malamig na pader ng ospital. Wala siyang sugat pero pakiramdam niya ay daig pa niya ang sinaksak ng ilang beses.

She loved the man, truly. And it was painful.

---

When she was a kid, she taught herself how to wipe her tears properly. That is to get up and face the world with a smile even life threw you sht. Even if it stings like hell.

Kinolekta niya ang pinakamabangong bulaklak sa flowershop ng kaklase niya sa kolehiyo at saka isinakay iyon sa kanyang sasakyan. Pupuntahan niya si Esmeralda, makikibalita siya sa lagay nito. Ayawan man siya ni Wyatt, hindi niya hahayaang mabuhay ang mabait na ginang na may kinamumuhian. Oo, mabubuhay. She was really hopeful that Esmeralda will survive.

Dumating siya sa ospital bitbit ang mga bulaklak na ipinantakip sa kanyang mukha. Pasimple siyang sumisilip sa kaganapan sa labas ng silid ni Esmeralda. There were two guards watching at the door.

"Bossing, may tao po sa loob bukod kay Tita Esme?" Simple niyang pakli. Nagdududa siyang tiningnan ng guwardiya.

"Bakit?"

"Gusto ko lang pong dalawin ang tiyahin ko." Pagsisinungaling niya. "Ibibigay ko lang ang bulaklak."

"Nag-almusal lang sa ibaba si Sir Lemuel. Kung gusto mo ako na lang ang maglalagay niyan o intayin mo si Sir."

Mabilis siyang umiling, gusto niyang makita si Esmeralda. Wala nga sa isip niya ang makilala pa si Lemuel. She's ruining the beautiful family and she won't do anything more.

"Sisilipin ko lang naman, wala pang five minutes, kung gusto mo, samahan mo ako sa loob."

Pagkatapos ng ilang minuto ay mukhang nakumbinse din niya ang guwardiya. Sinamahan siya nito papasok ng silid na para bang may gagawin siyang hindi maganda.

Nakita niya ang natutulog na si Esmeralda sa gitna ng napakalawak na suite. May mga aparatong nakakabit sa katawan at payapa ang itsura ng mukha nito. Agad niyang ipinatong ang bulaklak na dala niya sa bakanteng lamesa at hinawakan ang kamay nito. Naalarma agad ang guwardiya pero nang makita nito na wala naman siyang gagawing kakaba, nanatili na lang ito sa likod niya.

"Tita Esme, sorry po. Magpagaling ka po." Mahina niyang bulong sa natutulog na ginang. "Hindi ko naman hiningi na maging anak ako ng asawa niyo." Pinunasan niya ang luhang agad na bumaha sa kanyang pisngi gamit ang likod ng palad niya.

"Yung anak niyo, pinaglaruan lang ako. Akalain niyo yun?" Pinilit niyang ngumiti kahit hindi tumitigil ang kanyang luha. "Magpagaling ka. Gumaling ka lang, hindi na ako magpapakita sa pamilya niyo. Promise."

Nakaramdam siya ng mahinang pagpintig ng daliri sa kanyang palad. Sinilip niya ang kamay ni Esme pero hindi na ito muling kumilos. She took it as a 'Yes, Please.'

"Pero dadalaw pa din ako bukas. Kasi matigas ang ulo ko. Dadalawin kita at kukulitin na magising hangga't hindi mo pa iminumulat ulit ang mata mo. Magpagaling ka po. Kailangan ko nang umalis bago—"

Bumukas ang pinto ng ospital at muntik na siyang mahimatay. Akala niya ay si Lemuel ang makikita niya pero nagkakamali siya. It was Wyatt, with Rafaela. Sabay itong pumasok sa pinto, tutok ang mata sa kanya.

"What are you doing here? Alin ba ang hindi malinaw sa sinabi ko sa'yo kahapon?" Agad na angil sa kanya ng binata. Narinig niyang napatapik ng noo ang guwardiyang kasama niya, alam na nagkamali ng desisyon na papasukin siya.

"Hindi ikaw ang ipinunta ko dito." Kahit nakakaramdam ng matinding pait sa sikmura ay nagawa niyang sabihin.

"If you want your inheritance, go and talk to your father. Tigilan mo na si Mommy."

Agad na kumapit si Rafaela sa braso ni Wyatt para pigilin ito sa bugso ng damdamin, doon naman lumipat ang kanyang mga mata. Rafaela was more beautiful in person. Kaunti lang ang agwat nito kay Wyatt. Her skin glows, even more with a red lipstick on her pouty lips. Maliit ang bewang nito sa suot na simpleng floral dress na maigsi. Women would die for those legs that takes forever. Agad niyang naikumpara ang sarili. She's small, petite. She's not ugly, but not that beautiful.

"Ilang beses na akong nasaktan, ilang beses na din akong bumangon. Madali lang ang isang 'to." Para sa kanyang sarili iyon pero napalakas ang pagkakasabi niya.

Tumuwid siya ng tayo at matapang na pinunasan ang luha sa mata. Nilagpasan niya si Wyatt at Rafaela at hindi ni muling lumingon pa.

--

"Ano ba naman yan.. Bumangon ka nga at kumain." Tiningnan niya lang si Melody na dalawang linggo na ding nakikitira sa kanya. Hindi niya ito pinayagan, pero hindi din naman niya ipinagtulakan. Pilit siyang sinasamahan nito at iniwanan din ang trabaho sa club sa takot nitong mawala siya o di kaya magpakamatay. Miru thought that all pain are all the same. Hindi pala ganoon.

The intensity of the pain depends on how much you give. There's a void inside you that you cannot take back.

"Two days ago pa ang huling kain mo. Girl, di ba sabi ko naman sa'yo, lahat ng una, masakit. Ganoon lang yan."

"Just give up on me, Mel. I am a bad person."

"No, you are not!" Tutol nito. "Kung hindi dahil sa'yo, hindi madadala sa Singapore si Teptep. Miru, umpisa pa lang ng laban ni Teptep. Kailangan mo magpakatatag. Kakayod pa tayo."

"I have no means. Naka-indefinite leave ako sa trabaho. Ikaw nga lang ang nagpapakain sa akin."

"Duh, of course you have means. Eh mas mayaman ka pa nga sa akin. Hindi mo pa sinasagot si Mr. Tanjuatco. Baka naman makahingi ka ng tulong sa kanya."

"Ayoko. Isipin pa nilang oportunista ako. Gaya nung iniisip ni Wyatt." Nasaktan siyang muli nang mabanggit ang pangalan ng binata. Bakit hindi niya nahalata na meron pala itong ideya sa pagkatao niya at pinag-isipan pala siya nitong naghihiganti. Now, she's reaping his wrath. Advance din mag-isip ang loko.

"Hindi ka oportunista. I told you, it is your birth right. And it is for Teptep. Ito," Kinuha ni Melody ang cellphone niya, ito ang nakakausap ng kanyang ama. Ito nga din ang kumuha ng sample niya para ipa-DNA test. Pakialamera ang kaibigan niya dahil talagang pinursige nitong patunayan na tunay siyang Tanjuatco. Esmeralda woke up a week ago and recuperating really fast. She's very happy, yun nga lang ay hindi na siya muling nakadalaw dito.

"Melody, please tell Mirabella that I have a proposal for her." Binasa ni Melody ang palagay niya'y mensahe ng kanyang ama, "And remind her to eat. Esme is getting better. She misses her."

"Oh, di ba, textmates na kami ni pudrabels mo! Mukhang mabait naman at tanggap ka kahit wala pa ang DNA result."

"Pakitang tao."

"Hey, you are so sad I should buy you a happy meal!" Maarteng iwinasiwas ni Melody ang kamay, "Alam ko namang si Wyatt lang ang inuungot mo diyan."

"Excuse me!"

"Bakit? Mali ba ako? Look, you have a welcoming family then what is your problem?"

"Si Wyatt." Bulong niya. Tiyak na hindi siya tanggap nito at paparusahan pa lalo siya kapag nagkita sila.

---

"I am okay, Hijo.." Natatawa ang kanyang ina sa kanya dahil hindi niya alam kung anong iaalok dito. Wyatt's happy that his mother was getting better but he's still worried. Matagal nang may sakit ang kanyang ina sa puso kaya hindi ito nagtatrabaho noon pa man. He spoils her so much because of that. Ayaw niya itong bigyan ng sama ng loob.

"Si Miru, hindi niya ba ako dadalawin? I really miss her, Son."

"Mom.."

"Wyatt, call her, please. I really want to see her. I have plans. I want to travel—"

"Mom, she's not what you think she is. Nakita niyo naman ang ginawa niya.."

"Ano bang ginawa niya? Ang sakit ko sa puso, noong bata pa ako. Bago pa siya ipanganak." Esmeralda waved her hand dismissively.

"But she caused your—"

"What? The stress? Stress is everywhere. Tanungin mo pa si Leona, masama na talaga ang pakiramdam ko ng araw na iyon pero makulit akong nagpunta. I didn't even hear some words she said on the microphone. I heard the whole story from Lemuel. Nang panahong nagsasalita si Miru, inaatake na ako."

He knows his mother was lying, hindi na lang niya kinontra ito.

"That poor little girl, she had a miserable life. She was abused by her uncle—"

"Akala ko ba hindi mo narinig ang parteng iyan?"

"Well, that was the last part I heard before passing out." His mother giggled. Naalala na naman niya ang mukha ni Miru nang ikwento nito ang pinagdaanan. Nakita niya ang mukha nitong nasasaktan sa alaala. He had a gist about her life but not her deepest and darkest secret, well, who knows if she was telling the truth. Alam niyang may motibo ito kung bakit nagkukrus ang landas nila. Hindi niya lang akalain na aabot sa ganito.

"Wala siyang kasalanan, Wyatt. That girl was so broken. Naramdaman ko iyon unang kita ko palang sa kanya sa orphanage. She's looking for a family, a love that will accept her, a kind of love that she will feel safe. I know she's sorry about what happened to me. And I know she wanted to visit me but she knows that you are mad at her. Mahal ka niya. Bilang nanay mo, naramdaman ko ang sincerity niya sa'yo. Nag-aalala siya tuwing tanghali, iniisip kung kumain ka na. Tuwing gabi naman, inaalala niya kung mabilis ka bang magmaneho o hindi. The beautiful girl is for keeps, Hijo. Tulungan mo siyang pagalingin ang sugat na meron siya ngayon."

Napatiim bagang siya at kinontra ang malakas na pagkurot sa kanyang puso. Parte ng utak niya ay gustong kausapin si Miru, pero may parte din doon ay iniisip na niloloko lang siya nito. Hindi na niya alam ang gagawin.

"I was so sad when I heard her story. But I didn't get mad. My attack because my heart bleeds for the poor girl with a good soul. She doesn't deserve the sadness. She's very kind." Tiningnan niya ang ina na seryosong tinatanaw ang bintana.


       

♁☆♁☆♁☆♁☆


Update please is okay, calling me mabagal is never okay.

As much as I appreciate that you crave for my updates, ipinaliwanag ko naman kung bakit hindi posible over the weekend, may trabaho po ako. Please stop whining 'WHY SO BAGAL?" Minimum anim na oras ang kinukonsumo sa oras namin bago makagawa ng isang chapter, kalahating araw. Kapag may update ako sa tanghali, ibig sabihin gumising ako ng alas-singko ng umaga para magsulat at wala na akong ibang magagawa pa sa freelance jobs ko, mind you, I am juggling three, four, including my business.

Ideas don't type itself automatically. Yung iba pa ay hinahanapan din kami ng grammatically perfect chapters. It is really hard to be a Wattpad writer, a career woman, a wife, a mother in one. Please be considerate and lessen your expectations. I know I have a lot of new readers on this story. I am not asking much, normally. I give more than what is asked kaya nakakadisappoint din kapag may nanghaharas sa akin sa inbox ko.

Anyway, I will stick to last four chapters. Book version will be a whole lot more :) Thank you for voting and commenting. You matter the most, I write for you and I mute the inconsiderate peeps. Thanks for the support!

Social media accounts:

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro