Kabanata 20
Hawak kamay sila ni Wyatt buong byahe nang bumalik sila sa Maynila. She's so happy that she didn't even open her phone. Pakiramdam niya kasi ay nasa tabi na niya ang kanyang kailangan. Goodness, in a brief moment, she felt the tenderness of a man. Para siyang baliw na nangangarap ng future niya kasama ang isang lalaki at hindi niya inaasahan yon. Mabilis, pero masarap sa pakiramdam.
Malapit na sila sa kanyang apartment ng buksan ang kanyang cellphone at bumulaga sa kanya ang sunod sunod na mensahe mula sa Angels of Hope. Binalot siya agad ng kaba.
'Malala na ang lagay ni Teptep. Nasa Children's Hospital na siya.'
Nanginig ang kamay ni Miru habang binabasa ang mensahe ni Sister Geraldine. Wyatt gave her worried stares when she started to tear up. Agad silang sumugod sa ospital nang sabihin niya ang nangyari.
Nanghihina ang tuhod niya habang naglalakad sa pasilyo ng ospital. Pamilyar ang lakad niyang iyon. Ilang beses na ba niyang ginawa iyon? Many times. Lagi siyang umuuwing luhaan pagkagaling sa ospital na ito. Ang iyakan sa ICU ay kilala na niya. Ang iyak ng mga naulilang ina sa anak ang background sa lugar na iyon, normal iyon, pero walang kasing sakit. She fcking knows the familiar cry. She cried like that, many times too.
"Sister." Niyakap niya ang madre. Nadungisan ng luha nito ang kanyang braso.
"Hinahanap ka ni Teptep. Puntahan mo na siya, Miru bago pa--" Tumango siya. Gusto niya munang kumustahin ito bago alamin ang kalagayan. Lahat naman ng dinadala dito, alam na niya ang ending, pero natatakot siya ngayon, hindi siya handa. Nagsuot siya ng labcoat at mask bago pumasok ng silid nito.
Agad niyang nakita si Teptep na nakapikit ang mata, may oxygen at namumutla. Sinilip niya ang oxygen level monitor ni Teptep at napaluha siya nang makitang mababa na iyon, ang pulso naman ay sobrang bilis. Napatakip siya ng bibig, hindi siya handang mawala ito. The child is a fighter and will never deserve this.
"Ate?"
Mabilis niyang pinunasan ang luha nang tawagin siya ng nanghihinang boses nito. Hinawakan niya agad ang kamay ng bata.
"Tep, ano? Lalaban pa tayo.."
Mahinang humikbi si Teptep kahit nakapikit ito, "Gusto ko din sana, Ate. Kaya lang, tinatawag na Niya ako.."
"Sandali, huwag kang sumama, Tep. Di ba magvo-volunteer ka pa sa Angels of Hope? Di ba magiging pintor ka pa? Sabi mo, tatalunin mo ang mga paintings ko, iniintay ko 'yon.." Hindi na niya pinigilan ang malakas na paghikbi.
"Ate, baka sa iba na lang ang pangarap na yan. Sabi ng doctor, mahal daw po magpagamot sa akin—"
Pinunasan niya ang bumagsak na luha ni Teptep.
"Hindi, ipapagamot kita. Gagawa ng paraan si Ate. Promise ko yun sa'yo 'di ba? Kaya maraming trabaho si Ate, kaya Sabado lang ako nakakadalaw sa inyo kasi nagtatrabaho ako, nag-iipon—"
"Ate, gusto ko pang gumaling kaya lang baka ayaw Niya. Hindi ko gustong iwan kayo--"
Umiling siya habang pawisan at lumuluha, hindi siya makakapayag. She may have lost her faith when the heavens did not listen to her prayers but she knows, she knows that He will listen this time. Minasahe niya ang kamay nito para maibsan ang nararamdamang panghihina, maya maya pa ay nakatulog na ito.
Iniwanan niya si Teptep nang hindi na muli itong magsalita, lumabas siya ng silid. Namamaga ang mata niya. Hinuli ni Wyatt ang kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit.
"I can help." Bulong nito sa kanya.
"Sa Singapore daw mayroong espesyalista para sa kaso ni Teptep." Sambit ni Sister Geraldine, sabay silang napatingin ni Wyatt. "Alam kong lahat ng pera mo, napupunta sa foundation, Miru. There's no other way but to hold a charity event for Teptep. Hindi mo kakayanin mag-isa."
"Mom can help you. Marami siyang kaibigan." Suhestiyon ni Wyatt.
Yun ang naging pag-asa niya. Kinabukasan ay agad silang nagkita ni Esmeralda sa coffee shop ng museum. Mahigpit siya nitong niyakap. Kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng loob niya.
"We can set up a charity gala asap, Miru."
"Napakiusapan ko din si Mr. Deviche, sinabi niyang open ang art museum niya para sa charity event. He will open rare pieces and part of the proceeds will go to Teptep." Ipinagpapasalamat niya ang mga taong nasa paligid niya. Hindi siya pinababayaan ng mga ito. Hindi kagaya noong iniwan siya ng kanyang ina at pakiramdam niya ay mag-isa siya. This time, she knows she'll win against cancer because of her solid support group.
"Nasabi ni Wyatt na painter ka din?" Sabi ng ginang habang ibinababa ng tasa.
Nahihiya siyang tumango, "It was more of a hobby. Tinuturuan ko ang mga bata na mag-paint, Tita.."
"Then, it is a good idea to have an area for the exhibit of your works! Iniisip ko nga ding kumausap ng mga painter na willing na magdonate, provided na magkakaroon sila ng sariling exhibit dito sa Museum. Lucian Monasterio was a good friend of Wyatt. He's a painter too. I am planning to hold an auction and the proceeds will go straight to the fund. I am sure they don't mind. Let's put your pieces on that auction, Hija."
"Hindi po ako makapagcommit, Tita. Madami akong iniisip ngayon, baka hindi ako makapagpaint."
"It dosen't need to be new paintings. Baka mayroon ka pang itinatago. For sure you had many when you were at the university." Kumbinsido ito. Nag-alangan naman siya. Those are personal. Hindi tapos ang karamihan. Akala ng professor niya ay style niya iyon kaya nakakapasa siya, but the truth is, hindi niya talaga matapos iyon dahil sa mapapait na alaala.
The next few days she was really busy. She's working close with Esmeralda. Ramdam niya ang sincerity nito sa pagtulong. Naisip niya tuloy, kung hindi naging duwag ang kanyang ina na ipakilala siya noon sa mga Tanjuatco ay baka handa din itong tumulong. Ito pa nga ang nagpapaalala sa kanya na kumain at madalas siyang ipagluto. Nakilala din nito si Teptep at araw araw na dumadalaw sa bata. Esmeralda is really kind.
"How are you?" Yumakap sa kanya si Wyatt. Nawala ang kanyang pagod nang bisitahin siya ng binata sa trabaho. "I heard you will have your own exhibit."
"Your mother was persistent, Wyatt. Nanay mo nga siya."
"Mukhang makikipag-unahan pa siya sa akin sa pagbili ng paintings mo. I won't allow it. I should be your number one fan."
"Hindi niyo pa nga nakikita ang paintings ko. What if they are hideous paintings?"
"I am a fan of Edvard Munch and Francis Bacon." Tukoy ni Wyatt sa mga sikat na pintor na may kakaibang taste sa pagpinta. Many can't understand why their painting sold millions of dollars.
"Wow, grabe. Hindi naman ganon ang paintings ko." She wrinkled her nose. "I love telling a story on my art.." Maybe that is why even ugly painting costs millions, people looking at the real art can connect to the painter and understand the meaning behind it. "Stories, that I cannot put to words." She smiled sadly.
"And that is?"
"My life."
"Then I should buy it."
Malungkot niyang pinasadahan ng kanyang kamay ang buhok ni Wyatt habang buong suyo siyang tinitingnan nito. It will be the first time that she'll tell her story. The first time that she will open her book in public. Hindi niya alam kung handa na siya. O magiging handa ba siya. Pero para kay Teptep, gagawin niya.
--
She's wearing a gold serpentine gown with a deep cut neckline. Pati ang slit nito ay mataas, at ang laylayan ay sumasayad sa lupa. It was revealing but not trashy. Isinuot niya ang tanging pares ng diamond earrings na meron siya. She was never fond of jewelries, but she keeps a pair of diamond earrings, gold and pearls on her accessory box.
Her hair was fixed in a french twist and her make up was light. Lumabas ang features ng kanyang mukha dahil sa kanyang ayos. Tumanggi siyang dalhin siya ni Wyatt sa venue. She wanted him to go with his family. Siya pa din naman ang curator at magtatrabaho siya ngayong gabi. Mabuti na lang at aasistehan siya ni Mr. Deviche para sa mga paintings na ibebenta nito. Her boss flew all the way from France to help, aside from this will be the biggest event that the museum ever had, John said he couldn't miss it. Painters from wealthy families unite for the cause.
Dumating siya sa venue nang marami nang tao. Deviche Museum doesn't need flashy decorations. It was aesthestically beautiful already. Para itong lumang castle na mayroong malalaking bintana at malawak ang garden sa labas. Puti ang pintura ng paligid at may mga nakalilok na mga anghel sa bawat pillar ng museo. Dinagdagan lamang ni Esmeralda ng bulaklak ang buong paligid kaya nakakahalina ang amoy ng buong lugar nang dumating siya.
Cocktail tables were set up. Sa dulong bahagi ng museum ay mayroong maliit na stage para sa auction. She was asked to formally welcome the guests even everyone already feasted their eyes with the exhibits from young and old local painters, including her work. Naglakad siya papalapit sa kanyang exhibit. Nakita niya ang likod ni Wyatt na tahimik na pinagmamasdan ang bawat isa. Nakaramdam siya ng kaba sa paraan ng paninitig nito sa limang paintings niya na naroon. It was, intense.
Lalapitan niya sana ito nang hilahin siya ng isa sa pamilyar na miyembro ng media na kakilala niya. Press flocked around her. Tinanong ang cause ng Gala. Kung paano ito naassociate sa Angels of Hope at paano naging posible ang pag-imbita sa pinakatanyag at pinakamayamang pintor ng henerasyon. Sinagot niya isa isa, mababaw lamang ang kanyang naging sagot pero hindi niya kinalimutang magpasalamat kay Esmeralda. Ayaw niyang lumalim pa ang katanungan ng mga ito kaya magalang siyang nagpaalam.
Nang oras na ay tinawag siya ng usherette para i-welcome ang mga guests sa stage at mag-entertain ng katanungan kung mayroon. Tumayo siya sa gitna ng stage at ngumiti sa lahat. The crowd went silent. Nakita niya si Melody kasama ang parents nito, even the sisters at Angels of Hope and the other volunteers. Wyatt, still looked like a greek god on his three-piece suit, he was in full gear with his piercing stares at her that made her stomach churn. Palagay niya ay mayroong bago sa paraan ng pagtitig nito, init, o hindi na niya maunawaan ang ilan.
Napatingin siya sa tabi nito. She saw Lemuel Tanjuatco eyeing her with curious stares. She swallowed hard. Esmeralda on the other hand was smiling, encouraging her to smile, so she did, awkwardly.
"We would like to thank everyone for attending this event and your willingness to help Teptep. Teptep or Stephanie is my friend from Angels of Hope. She was abandoned by her parents at the National Children's Hospital because they cannot afford to finance her medicines. Teptep is one of the story that is very common to poverty-stricken families with a cancer patient. We don't blame the families. Kaya merong Angels of Hope para kumupkop sa mga batang ito at kayo din na handang tumulong sa amin. " Bumigat ang kanyang loob habang pakiramdam niya ay nakatitig sa kanya si Lemuel nang balikan niya muli ito ng tingin. Nagtama ang mga mata nila at nakita niya ang pagkunot nito na parang nagtataka pa.
"B-because of the generosity of the artists, some pieces will be opened for auction. Including mine." Huminga siya ng malalim at nag-iwas ng tingin sa ama. "I believe everyone had time to look around the paintings, sculptures and different arts while having their early dinner? Sana ay meron na kayong napusuan."
Ipinagpasalamat niya nang natapos na ang kanyang introduction. Nanginginig ang kanyang tuhod na nilisan ang stage at ipinasa ang mikropono sa tumatayong host ng event. Sinimulan ang auction ng iba't ibang artists. Bawat artist ay nagsimulang magpaliwanag ng kanilang art kaya mas naging interesante ito sa mga bumibili.
An art is with a story.
Hindi iyon basta binibili dahil maganda ito, mas binibili ang sugat at pait sa likod nito. In fact, it will never be beautiful without the cuts and bruises where the artists gets their inspiration.
Bumalik siya sa stage nang iniakyat na ang kanyang mga paintings. Nanginginig ang kamay niya. Hindi siya sanay na tinitingnan siya. She thought it was just stage fright, but when she looked at Lemuel again, he was really ogling her. Confused look and murmurs among the crowd danced in the air. Kinabahan lalo siya.
Lumabas sa projector screen ang kanyang unang painting gamit ang acrylic. Swirls of colors in shades of blue, violet and black. Sa ibabang parte ng painting ay dalawang babaeng nakayuko, naglalakad taliwas sa ihip ng animo'y malakas na hangin.
"I entitled this Cinco." Mas lalong lumakas ang bulungan ng mga tao, kyuryoso, "I painted this when I was five."
May nagtaas agad ng kamay. Isang matandang babae na nakasuot ng pulang gown, aristokrata ito at mataba, "Maganda. Mukhang hindi limang taon ang gumawa. Hindi mo ba iyan natapos?"
Mapait siyang ngumiti saka umiling, "I didn't had a chance. Nasa cancer ward si Mama noon, ako lang ang bantay. Ginawa kong libangan ang pagpipinta." Itinuro niya ang puting bahagi ng painting na walang kahit pintura ang nakalagay.
"This, was when she died. Hindi ko na natapos at ayokong tapusin bilang paalala sa akin." Pinigilan niya ang maluha.
"So, the woman was you and your mother?" Mula sa likod ay mayroon ding nagtanong.
"Yes." Tipid niyang sagot.
Dumako siya sa sumunod na painting, "Simbahan. Ito ang working title nito. A project when I was in college and my professor asked me to paint a traditional Catholic Church."
"Manila Cathedral ba yan?" Tanong naman ng isang payat na lalaki. She nodded.
"And the woman and the young girl outside the church wearing torn clothes, was it you and your mother again? Bakit kayo nasa labas? Does it mean that you have lost your faith to God because of cancer?"
Umiling siya, "That was the exact scene I remembered when we were asked to step out of the church because my father was getting married. Hindi maganda ang aming bihis at napagkamalan kaming pulubi. Mukha sigurong nakakadiri." Napakagat siya ng labi para pigilan ang luha.
Napasinghap ang mga tao. Nagbulong bulungan ito, nagpahatid ng awa. Hindi na siya makatingin sa direksyon ni Wyatt. Binilisan niya ang pagpapaliwanag sa mga susunod na painting, nakaramdam siya ng pananakit ng sentido. Baka hindi na niya maituloy pa sa susunod.
"Hubad." Sabi niya doon sa ika-tatlong painting. A naked back of a woman embracing herself, "That was the time when I was sexually abused by my adoptive family when my mother died." Pumatak ang marahas na luha sa kanyang mukha habang naiisip ang asawa ng kanyang Tiyahin na pinapasok siya sa kwarto para hawakan ang maseselang bahagi ng katawan. He did not penetrate her. Pero sapat na ang ginawa nito para sumagat iyon ng malalim sa kanyang pagkatao.
"Gutom." She said on the fourth painting, not giving a chance to entertain questions. A woman without eyes, nose and mouth yet in tears with an empty plate on a table. That was herself, painted in abstract. Mas lalo siyang nakaramdam ng awa sa sarili. "I was hungry physically, spiritually and emotionally that time. Hindi ko natapos ang paglalagay ng mata, ilong at bibig. Naubusan ako ng materyales dahil wala akong pera."
"Hiling." Her last painting was a family of three. Merong nanay, tatay at batang babae. "That's my wish. To have a complete family."
Maraming nagtaas ng kamay kahit ayaw na sana niyang sumagot ng mga tanong pa. Every second she's getting emotional. Parang gatilyo ang mga tanong na sunod sunod ang naging putok.
"Were you able to see your father?" Malakas ang tanong ng isang taga-media.
Tipid siyang tumango. Mas lalong nagkagulo ang mga gustong umusyoso lalo na ang media.
"Anong sabi niya? Was he even proud of your paintings? They are all good! Maaari kang sumikat sa mga iyan!"
Napatingin siya kay Lemual Tanjuatco. Nakatiim bagang ito. "I don't know. Were you proud?" Nanginig ang kanyang balikat dahil sa emosyon. Tumutok ang mata ng mga taong malapit sa kanyang ama. Wyatt, was the first to look at Lemuel, followed by Esmeralda with questioning eyes. "Do you even know me? Kamukha ba kita?"
Hindi na niya inintay na sumagot ito. Ibinagsak niya ang mikropono at tumakbo papalayo sa stage. Nagtatanong pa din ang mga tao kung sino ang tinutukoy niya. Nagkaroon ng haka-haka. Nakarinig siya ng sigawan pero hindi niya na inintindi kung ano iyon. She went straight to her car and drove it as far as she could. Huminto lang siya nang hindi na niya alam kung nasaan siya.
Sa isang open space kung saan tanaw ang ibaba ng siyudad siya dinala ng kanyang manibela. Lumabas siya sa kanyang sasakyan ng bigo. She was in pain. Disappointed, too. Hindi niya dapat pinakawalan ang nararamdaman niya, sana ay inisip niya si Teptep.
"I am sorry po, Mama." She wailed like a kid. "Masakit pa din hanggang ngayon na wala ka na." Niyakap niya ang sarili at hinaplos ang bracelet nito. Hindi niya alam kung gaano siya katagal doon hanggang sa makatanggap siya ng isang mensahe mula kay Melody.
'Girl, Esmeralda Tanjuatco had a heart attack. Dinala siya sa MMC. I just think I should let you know.'
♁☆♁☆♁☆♁☆
If you're happy and you know it clap your hands! If you're happy and you know it clap your hands!
Pabaon ko ito bago magweekend. Wala akong update bukas. (Ang sama ni Author!) Wait, mag-e-explain ako! Kasi nga may brainstorming kami ng PHR Family ko mula Friday hanggang Sunday. Pressured ang lola niyo. Saka feeling ko mapapagod naman din ako don.
Did you like this update? Ako naiyak! Hahaha Matagal tagal na simula nang umiyak ako habang nag-susulat. 'Whirlwind' pa ata ang huli.
Vote and comment if I deserve it :)
Social media accounts:
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro