Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 16


Ibinaba ni Wyatt ang telepono nang matapos ang tawag ng kaniyang ina. Tinungo ang restaurant kung saan siya nagpahanda ng dinner for two. Ipinareserve niya ang second floor ng Gyros ekslusibo para sa kanila ni Miru. Despite of their opposing personalities, they somehow, clicked. Just not to mention his doubts behind his mind. Isang linggo na niya itong kausap. Iniisip nga niyang kung makukulong sila sa isang isla, maaaliw siya kung silang dalawa ang naroon, relaxed conversation and heated sex would be great. Sinigurado niyang nakahanda na ang lahat para sa dinner.

Pinipigilan niya ang pagngiti habang iniisip ang magiging reaksyon ni Miru. Probably her pretty mouth got something witty to say. She's happy with simple things.

Papalabas na sana siya ng Gyros ng may masalubong siya. Napakunot ang noo niya. Her long hair, white skin and alluring beautiful face and grace will always be familiar, he's been with her for eights long years, he practically grew up with her. The woman walked to his direction. Napatiim bagang siya. Ilang taon na ba niyang iniiwasang magkabangga ang direksyon nila? And now, she's here. Was she even a member?

Umangat ang ngiti ng babae nang makalapit sa kanya.

Rafaela Montenegro. Oh how small the world is.

"How are you, Wyatt?" Pinaglaruan nito ang baso ng alak sa kanyang kamay na may lamang wine. She was lip biting making her naturally red lips more red. The splash of alcohol on her system appeared on her neck as flash of rosy patches from heat scattered on her paper white skin.

"I am good." Tipid niyang sagot, "What are you doing here? Ali allowed you?" Tukoy niya sa asawa nito.

"I heard that Temptation Island let you experience your deepest and darkest sexual fantasies. I took a leap of faith and I am here."

"Oh come on Raf, you can have that sexual fantasies even outside the island." Nagtangis ang bagang niya. He felt anger even with the mere sight of her.

"Believe me, I can't. Ali is old and a cheater. He cannot satisfy me anymore, he wants me to do all the work but a beauty like me cannot do that anytime. I want to be fcked but I cannot openly fck anyone too, Wyatt. I am carrying the Montenegro's name."

"And what do you think Temptation Island is for? A place to hold your secret?"

"No, apparently my ex I'd like to fck was a member. I did my research. You want to tie me, Mr. Herrera? I've been really really bad to you. You can spank me."

Pinasadahan ni Rafaela ng kanyang dila ang pang-ibabang labi. Inaakit siya nito. In Temptation Island's rule book there will be no age, no gender, no marital status. You are free to fck anyone you like because no one will have to know.

He knows the irritation he's feeling towards Rafaela was due to the anger he had for her in the past. She changed him. She made him skeptical and bashful. He do really want her to be sorry and beg, tie her and whip her. Yun ang matagal nang naglalaro sa kanyang isip. He even imagined Rafaela on every pain he inflected to his sex partners. And now she's here. Willing. Dumilim ang kanyang mga mata at pinasadahan ang makinis na kutis nito. Oh how he would love to punish her. Gusto niyang lumatay ang kanyang mga kamay sa makinis na kutis nito. Gusto niya. Gustong gusto.

Ipinatong ni Rafaela ang kamay nito sa kanyang dibdib. Napangisi ito.

"Anger. I can feel anger, Love. You can hurt me." Malamyos at mapang-akit na wika nito. May umapoy mula sa kanya, hindi niya matukoy kung tugon ba iyon ng pagnanasa o galit. O parehas. Binalikan niya ng tingin ang restaurant, naalala niya si Miru at ang dinner na inihanda niya. Marahas niyang pinalis ang kamay ni Rafaela, napakislot ito.

"You wouldn't want me to do that you, Rafaela. I hurt my women bad, so bad that they can't walk after I fck them. Stay away when you see me, while you can." Banta niya na nakatiim ang mga labi.

Mabilis niyang nilakad patungo sa kanyang cabin para umilalim sa malamig na shower. Gusto niyang burahin ang pagnanais niyang gantihan si Rafaela.

She's willing! His mind screams.

He wanted to hurt her physically. In BDSM, it is not politically and humanely incorrect if someone allows it. He felt a void on his stomach. Something was stopping him to do it, telling him it was not right. A week ago, he will probably grab her and fck her on her knees.

Napailing siya sa kanyang naiisip, setting aside the thought. Tamad siyang nagbihis at nang matapos na ay tinungo niya ang cabin ni Miru. She opened the door with a huge smile on her face. She was wearing a small bohemian dress, exposing her beautiful legs. Nakalugay ang buhok nito at bumagay ang ngiti sa labi. Natunaw ang inis na nararamdaman niya sa isang iglap sa pagtitig sa magandang mukha ng dalaga. He felt the urge to kiss her but he stopped himself. They are not couple. The exclusivity on bed was the only thing that connects them. Was it even valid?

Pinili nilang maglakad sa gitna ng kadiliman ng isla. The sky was clear and the stars shone brightly. The moonlight kissed Miru's skin perfectly. Lumiwanag ang bilugang mga mata nito at ang natural na mapupulang labi. She was happy and it reflects on her beauty. Kinuha ni Miru ang kanyang kamay at hawak kamay silang naglakad patungo sa Gyros.

"Wow!" Halos mapapalakpak ang dalaga nang makita ang naka-set up na dinner para sa kanila. Kagaya iyon ng kanyang inaasahan.

Walang upuan kundi mga unan na pumapagitna ang mababang lamesa sa ipina-set up niyang dinner for two. Candles where lit along the walkway, the seafront below was a breathtaking sight. They were serenaded by the soft waves kissing the shore.

"Pinaghandaan mo?"

"I just want to dine here. Nagpareserve ako. Walang meaning." Pinipigilan niyang mangiti.

"I do." Seryosong sagot ni Miru.

"What?"

"Advance ako mag-isip. Feeling ko papakasalan mo na ako."

Naiiling siyang natawa sa mga sinasabi ni Miru. She can make everything around him light. Napawi na ang galit na nararamdaman niya kanina kay Rafaela.

"That being said.." May kinuha siya sa bulsa niya, napatakip ng bibig si Miru at may pilyang kinang sa mata. He showed her a small red box.

"Open it.."

"Hindi ba dapat nakaluhod ka?" Biro ni Miru sa kanya.

"Later, I will kneel before you, sucking between your legs."

Miru giggled like a kid. Kinuha nito ang box mula sa kanya at binuksan iyon. Ang ngiti nito ay napawi at napalitan ng paglabi. Umangat ang gilid ng labi niya nang makita kung paano ito mamula sa pagpigil ng iyak pero may isang butil din ng luha ang pumatak. Such a cry baby.

"You coated my bracelet with gold?" Tanong nito. He had it requested to be made. Dumating lang din ito nung umaga.

"Mas matibay kung ganyan." Aniya. "It is still the same thing but something stronger protecting it."

"This is my heart." Miru wiped her tears.

"I know." He kissed her on the forehead and told her to sit.

Walang masyadong tao sa isla ngayon. The bulk of people will go there by Saturday, but it seems like Rafaela didn't go with the flow. So unlikely of her. O baka ayaw lang nitong may makasabay sa helicopter para hindi ito maintriga.

Bukas naman ang nakatakdang alis nila ni Miru sa isla, mabuti na lang. Having Rafaela around is a disaster in the making.

Miru helped herself with soft pita and hummus while telling him about her schedule when she comes back in the real world, and so, she says. She's really animated. May hand movements pa ito kung magkwento.

"I will drive directly to Angels of Hope. Sayang at walang souvenir shops dito para makapamili ako ng pasalubong sa mga bata."

"Do you want me to drive you?"

"No, I actually want you to ride me later." She chuckled and he frowned.

"Naku, hindi na. 'Di ba, what happens at Temptation Island stays on the island. Sa real world, hindi tayo magkakilala. Pagbalik ko sa real world, virgin pa ako."

Nagsalubong ang kilay niya sa kabila ng paghagikgik ng dalaga. Just what he thought, the exclusivity was just for the island.

"Magkakilala naman tayo sa 'real world' hindi ba?" Humalukipkip siya at seryosong pinagmasdan ang magandang dalaga.

"Yes, but we are not friends."

Tumango siya. "Is that so?"

"Yes. So." She happily chided.

Tiningnan niya si Miru na nakangiti sa panonood ng naghahalikan na mga lalaki sa ibaba at malapit sa dagat. He really needs to spell on Miru's face what he wants. He wants her, until to the real world, he wants her as his exclusive bed warmer. That's just it.

---

Natutulog si Miru sa balikat ni Wyatt buong biyahe sa eroplano. Hindi siya pinatulog ni Wyatt hanggang sa magkaroon na ng early call para sa paghahanda sa pagbalik sa lungsod. Good thing she packed her things before she was fcked. Senseless. The guy was insatiable.

Nagmulat siya nang maramdaman ang pag-land ng maliit na helicopter sa Maynila. Pollution, oh how she missed it! Without the sarcasm of course. Kinuha ang kanilang mga gamit ng empleyado ng Temptation island na pinagsama-sama sa isang cart, itinulak iyon sa valet area. Nag-intay ang mga guests ng kani-kanilang sundo. Except for herself, wala siyang sundo, kukuha lamang siya ng Grab kapag hindi na abala ang mga staff sa pagbubuhat ng gamit ng mga nakasabay nilang guests. Nakanguso siya habang nag-iintay sa labas ng gusali ng mga Monasterio nang may humintong itim na BMW sa harapan.

"Sir Wyatt." Agad na yumukod ang isang lalaking nakabarong sa lalaki na kanyang katabi. Mayaman! She inwardly let out a chuckle thinking how spoiled he was. De-driver pa ang loko. Rich kid! May ginintuang kutsara sa bibig. Pero sobrang pervert naman.

"Get my things, and hers too."

Lumaki ang kanyang mata nang makita na binibitbit ng lalaki ang mga gamit niya. Hindi dapat sila magkakilala, hindi ba?

"Wait.." Aawatin niya sana ang driver ni Wyatt nang harangin siya ng katawan ng binata.

"Hi, I am Wyatt Herrera, you are?"

Nakalahad ang kamay ni Wyatt sa kanya. Narinig niyang nagbubulungan ang mga kababaihan na kasabay din niyang nag-iintay ng sundo. Taka niyang tiningnan si Wyatt habang iniintay ang pakikipagkamay niya. Baliw ata ang lalaking ito. Tumaas ang kilay ni Wyatt, pati ang labi umangat. He let out a sexy chuckle. Damn, he's cute. Fine. She rolled her eyes.

"Miru." Alangan niyang kinuha ang kamay ni Wyatt na ilang beses na niyang nahawakan at napasok ang kanyang kaibuturan.

"Nice to meet you, Miru." Wyatt smiled and she gave him more skeptical stares. He extended his arms as he opened the car door for her. Sumampa siya sa itim na BMW at tumabi sa kanya si Wyatt.

She threw her arms around her chest as they closed the door while Wyatt snaked his arms on her shoulders. She's not the clingy person but she loves warmth. So, she can assume that she's really a cling person and now she's aware of it.

"What is this all about?" Masuyo niyang tanong.

"Making friends with you in the real world." Kaswal na sagot nito.

"Wyatt, we don't have to."

"We have to. Paano tayo magkikita?"

"Bakit tayo magkikita? If this is about the.." Hininaan niya ang boses niya at tiningnan ang driver, "sex, this isn't how it should be."

"Hindi ba sinabi kong akin ka? And how is this supposed to be? We enjoy each other's company."

"Yes, but—"

"No buts." Masungit na umirap sa kanya si Wyatt. Nakita niyang binabaybay ng kanilang sasakyan ang Angels of Hope. Hindi niya mapigilan ang excitement na makita ang mga batang namiss niya ng husto. She almost jumped out of the car when it stopped. She buzzed the doorbell as Wyatt stood beside her holding a huge box.

"Ano yan?"

"Pasalubong. Natin."

"Natin?"

Hindi siya sanay na marinig ang salitang iyon mula sa ibang tao. Natin. It is like doing something with two heads than one. Uminit ang kanyang puso at hindi niya maipaliwanag ang kakaibang tuwa na naramdaman niya. The gate of the nursing home opened. Sister Geraldine smiled at them with Moises, Iven, Jeff, Hilary, Concon and Bert. Lahat iyon ay yumakap sa kanya.

"Ate!" The kids cheered. Narinig niya ang dagundong ng yapak ng ibang bata mula sa loob ng tahanan nang marinig ang pagdating niya.

"Ano yan, Ate?" Itinuro ng bata ang kahon na hawak ni Wyatt.

"Pasalubong, n-n-namin." She stuttered. Hindi siya sanay sa pantukoy na iyon. Pumasok sila sa loob ng nursing home na kilig na kilig ang mga bata. Nasa likod niya si Wyatt na mukha ding naaaliw sa excitement ng mga ito.

"Si Teptep?" Tanong niya sa mga batang nasa paligid. Sister Geraldine shook her head sadly.

"Nanghihina pa din. Panay ang tulog pero ngayon medyo nakabawi. Nanonood ng TV pero tiyak mamaya ay tulog ulit."

Natigilan si Miru sa pamimigay ng laman ng box na dala ni Wyatt. Sugar free cookies at gluten free chips ang mga iyon. The kids feasted on the treat while her heart clenched with sadness. Ilang beses na ba siyang nakakita ng mga batang kinukuha sa Angels of Hope? Hindi lang siya nasasanay sa sakit. Parang paulit ulit na pinapalabas sa kanyang harapan ang pagkuha ng Diyos sa kanyang ina. She goes through the same process at least twice a year. Nagluluksa siya taon taon pero hindi niya magawang iwasan ang nursing home sa pag-asang siya ang magliligtas sa mga batang patuloy na lumalaban kahit sinukuan na ng kanilang mga magulang.

"Hey, mahahalata nila na malungkot ka." Naramdaman niya ang pag-akbay sa kanya ni Wyatt. She pushed herself to smile eventhough it was hard.

Dinalaw muna niya si Teptep sa silid nito nang magkaroon ng pagkakataon. Nalulungkot siyang makita na nakahiga lang ito at nanonood ng TV. She's only six years old. Payat na payat ito at maputla. Palagay niya ay naunsiyami ang paglaki nito dahil hindi makakain ng maayos dahil sa gamutan.

"Tep?"

"Ate.." Sumigla ang boses ng bata, halatang ipinipilit lang nito. May saklob ang ulo nito na kulay na asul na bandana at puting bestida naman ang damit.

"Ang ganda ganda mo talaga, Ate. Sana humaba din ng ganyan ang buhok ko."

Ngitian niya ang bata nang maupo siya sa tabi nito. May dimples ito sa parehas na pisngi at bilugan ang mata. "Kapag humaba ng ganito ang buhok mo, mas maganda ka pa sa akin. Kaya intayin mo, ha?"

"Siyempre naman, Ate. Fighter 'to. Idol kita eh. Kaya kahit madami na akong nakitang namatay dito sa orphanage, alam ko, iba ako sa kanila kasi hindi ako susuko. Hindi ako mapapagod. Tatanda ako. Idol kita, Ate."

Kinurot ni Miru ang palad niya para pigilan ang pag-iyak. She saw kids at the orphanage come and go. Karamihan sa mga ito, sumuko na. Pero iba ang nakikita niya kay Teptep. Matapang ang bata at nakakapanghinayang kung hindi niya matatalo ang cancer. She will surely ace in life and adulting if she'll survive.

"Lalaban tayo, Teptep. Magdasal ka lang lagi. Nakikinig Siya." Pagbibigay niya ng pag-asa kahit minsan sa buhay niya ay kinuwestyon niya ang Diyos nang kunin ang kanyang ina.

Tumango ang bata at mahigpit na yumakap sa kanya. Hindi niya pinakawalan ito hangga't hindi natutuyo ang sarili niyang luha na kusang bumagsak. She knows, the little girl was also crying in her arms. Nagpaalam na matutulog muna si Teptep pagkalipas ng ilang sandali. Nakapikit na ito nang iayos niya ang higa.

Nang bumalik siya sa mga bata ay tapos nang magmeryenda ang mga ito kaya nagkaroon sila ng activity. They were playing board games, the girls' team were represented by her and the boys by Wyatt. Snake and and ladder lang naman iyon pero panay ang tilian ng mga bata. Nang oras na niya para ipaikot ang dice, kinuha naman ni Wyatt ang kanyang kamay at sumabay sa pag-alog niya doon. She instantly blushed because of the sexual tension she felt. Not in front of the kids! Not in front of the kids! Her mind protested but it was too late.

"Si Ate Miru, kinikilig." Tukso ng kanyang katabi na si Emily. Sinubukan niyang suwayin ito pero hindi niya alam kung ano ang dapat unahin, ang pagsuway kay Emily, kay Wyatt o sa puso niyang biglang bumilis ang tibok.

"Boyfriend mo na ba siya, Ate? Akala ko ba ako ang magiging boyfriend mo?" Nakasimangot na tanong ni Buboy, masama ang tingin nito kay Wyatt.

Tatanggi pa sana siya nang magsalita si Wyatt.

"Akin talaga siya."

"Uyyy!" Nanunukso ang mga bata bukod kay Buboy na nakasimangot pa din. Hinampas niya sa braso si Wyatt at sinenyasang huwag nang pasamain ang loob ng bata. Palibhasa'y lumaki itong walang kapatid kaya selfish!

"Siyempre, ikaw. Iintayin kitang lumaki. Mas pogi ka sa kanya kaya ikaw ang pipiliin ko."

"Papakasalan ko siya para hindi na kayo maging magboyfriend." Giit ni Wyatt na umani muli ng kilig sa mga bata. Naiiling niyang pinatahimik ang mga ito. Baka kapag narinig nila Sister Geraldine ay sumabay din ito sa panunukso. Hindi niya kakayanin lalo't hindi naman totoo.

Miru volunteered to cook dinner for everyone after the game while Wyatt offered to help. He insisted to make slushy for the kids and seriously took their orders. Ang dami tuloy nitong binalatan na prutas dahil iba iba ang gusto ng mga bata. She prepared vegetable soup and fish cake while Wyatt served the ice cooler. Ginawan din siya nito ng Pineapple slush na naging paborito niya na mula sa Temptation Island.

Concon lead the prayer before eating their dinner at nang matapos iyon ay mayroong nagdoorbell. Sister Geraldine volunteered to open the door. Nagsimula na ding kumain ang mga bata. Magkatabi sila ni Wyatt sa upuan kaya naman ito ang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato.

"May bisita tayo." Sister Geraldine announced when she got back. Agad na tumayo ang mga bata, awtomatiko nitong response tuwing may dumarating na ibang tao. Tumayo din siya para batiin ang kung sino mang dumating. Malamang ay sponsor.

"Good evening, visitor." Sabay sabay na bati ng mga bata.

Miru was surprised to see an old woman smiling at her. Beautiful. Her A-line royal blue dress fits her perfectly. Sa kabila ng edad na tantya niya ay early fifties, kayang kaya nitong dalhin ang mahabang buhok na kinulot lamang sa dulo. Sexy and sultry for her age, she thought. Hindi niya ito kilala pero pamilyar ang mukha nito.

"Ma, what are you doing here?" Hindi na napigilan ni Wyatt ang magsalita.

Dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib. What does Esmeralda Tanjuatco doing here?

"I heard from Simeon that you headed here. I was so excited to know that you are actively participating on charity works, Wyatt. The beautiful lady must be responsible to this, am I right?"

Kinabahan siya sa paraan ng pagsasalita nito, hindi dahil may bakas iyon ng panganib kundi dahil masyadong malumanay iyon at mukhang hindi bibilang ng oras ay magugustuhan niya ang isang Esmeralda Tanjuatco kahit ayaw niya. Wyatt should be enough in her life, right?


♁☆♁☆♁☆♁☆

I am really excited when I reveal the conflict after conflict. Kayo din ba? Vote and comment please! Let's make the story SORE high, ay soar pala. Thank you for reading!

Social media accounts:

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro