CHAPTER TWENTY NINE
~THE CRASHER~
'Shit Ivan!'
Napapamura nalang ako sa nangyayari habang tumatakbo papunta sa field.
-TYLER'S POV-
"Dre di ba natin aawatin si Ivan?baka matuluyan nya yan"aniya niGab.
"You know Ivan,he can't stop his madness, let him do that" sagot ko na inalmahan nya
"Pero dre matutuluyan nya yan lalo na sa awra ni Ivan tingnan mo nga sya" sabay turo kay Ivan na ngayo'y todo parin sa pagsuntok kay Harry.
"Di natin masisisi si Ivan,saka kasalanan nya yan,nakaaway na nya si Ivan noon di na sya nadala" sagot ko habang pacool lang na nakatingin sa kanila. Makakasuntok man si Harry pero maiiwasan ni Ivan. Nabigla ang lahat nang sikmuraan ni Ivan si Harry gamit ang tuhod.
"Ivan stop it" sabad ni Bradley na di na rin mawari ang hitsura.
Kilala namin si Ivan magalit kaya nga pag seryoso yan hinahayaan nalang namin eh. He's one of a kind na pag ginalit mo matakot ka na. Buti nga nabawasan ang pagiging war frick nya simula nung dumating sa buhay niya si Riel. Nagiging milimit na rin ang pakikipag-away nya. Never nagpapatalo yan kaya di na kami nangengealam pa.
"IVAN!" napatingin kaming lahat sa sumigaw ng pangalan ni Ivan at pati na rin kay Ivan na susuntok pa sana kay Harry habang si Harry naman ay nakapikit na at hinihintay ang pagtama ng kamao ni Ivan sa mukha nya. Napatingin si Ivan kay Riel.
Gusto nyo bang malaman kung anong nangyari?
[FLASHBACK]
Naglalakad kaming lima sa field galing sa gymnasium dahil nagpractice kami nang makita namin si Harry.
"dre wag mo nang-"hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang biglang lapitan ni Ivan si Harry at bigla nalang suntukitin ito.
"Damn Ivan!"sigaw ni Bradley,lalapit sana sya ngunit pinigilan ko sya. The beast is alive
"Mas lalong magagalit si Ivan kung pipigilan nyo ang galit nya"huminga nalamang ng malalim si Bradley at pinanood si Ivan habang sinasapak ang mukha ni Harry.
Nakakasuntok si Harry pero agad na naiilagan ni Ivan.
"Why did you that?"rinig kong singhal ni Ivan kay Harry habang hawak hawak ang magkabilang kwelyo ni Harry at masamang nakatingin dito. Si Harry naman ay mukhang hinang hina na tiningnan si Ivan habang walang emosyon.
"What?is this about your f*cking booth?a non sense booth!"nag-igting ang panga ni Ivan kaya walang kaabog abog at sinuntok muli ni Ivan si Harry sa panga.
"Is this about your revenge?f*ck you dude!I will never let you to have revenge on me!dahil ngayon palang pipigilan na kita!papatayin na kita!" nanggigigil na aniya ni Ivan at galit na galit na nakatingin dito "Are you damn gay?igaganti mo ang lahat sa booth ng girlfriend ko?do you think you scare me?No I'M NOT!"madiing sambit ni Ivan at hinawakang muli ang kwelyo nito.
"I'm not gay nor scared from you. Bakit sa girlfriend mo pa ko gaganti eh kung pwede ko namang gawin sayo ng direktahan!"sagot ni Harry sabay suntok sa mukha ni Ivan na ang tinamaan ay ang kanyang labi.
Nagsimulang muli ang suntukan nila at si Ivan ang pumaibabaw. Nakita kong may tumakbong lalaki palayo sa nangyayari. I know him,he's Riel's classmate if I'm not mistaken.
Nagpatuloy lamang sina Ivan sa ginagawa nila habang kami ay nanonood lamang. Napansin ko si Ericka na parang takot na nakatingin samin at kina Ivan na ngayo'y pagal na nagsusuntukan. Kunot noo ko itong tiningnan pero nag-iwas sya ng tingin.
'May kinalaman kaya ang babae'ng yan sa nangyayari ngayon?'
[END OF FLASHBACK]
"What are you doing?"galit na nakatingin si Riel kay Ivan habang si Ivan naman ay medyo umamo ang hitsura. Kapag nandyan si Riel umiiba ang awra ng lalaking to.
"Yel" magsasalita pa sana si Ivan nang pigilan sya nito.
"Bakit?anong dahilan?" Tumingin ito saming magkakaibigan kaya nag-iwas ng tingin sina Gab habang ako ay parang inosenteng tinugunan ang tingin nya. "Tyler!" Tawag nya sa pangalan ko,"Anong nangyari!"
"Ahm,Riel,si Harry sya yung sumira ng booth nyo" pot* bat ako kinabahan sa titig ng babaeng yan. Siguro kaya umamo si Ivan dahil sa titig ni Riel. Tiningnan ko naman si Yasmin na mukhang walang emosyong nakatingin saken.
"What!" Nag-iba bigla ang awra ni Riel at lumapit sa lalaki agad nitong kinuwelyuhan ang lalaki na nagpalaki sa mga mata ng lahat maski kami ay nagulat. Ibang klase ang mag-jowang to!
"Is that true?" Pinanlalakihan ni Riel ng mata si Harry,hirap huminga si Harry dahil nasasakal sya sa pagkakahawak ni Riel sa kwelyo nito.
Tumingin sa paligid pero biglang nawala si Ericka at ang isa nyang kaibigan. Ang natira lang ay si Jinky na animo'y walang alam sa nangyayari.
"Oo!" Sagot ni Harry
"Bakit mo ginawa yun!?" Kalmado pero may diing sambit ni Riel.
"Wala akong pake sa booth nyo!saka anong mapapala ko sa panget nyong booth!" Pabalang pang sagot nito
"Eh g*g* ka pala eh bakit mo ginawa yun!" Sigaw ni Riel
"Bakit di mo tanungin yung babaeng naghahabol sa shota mo!" Nabigla si Riel pati na rin kami nang sabihin yun ni Harry.
"What?" Bulalas ni Riel. "Si Ericka?" Tanong ni Riel
"Oo!sya ang nag-utos saken non saka wala naman akong balak gumanti sayo hindi ako duwag na sa iba igaganti ang ginawa saken" napailing nalang ako sa sinabi nito
"F*ck!" Mura ni Stephen
"That girl" tumingin sa paligid si Riel na tila may hinahanap. Nang biglang dumako ang paningin nya sa isang babaeng nakatayo sa gilid.
Nilapitan nya ito kaya umatras si Jinky.
-RIEL'S POV-
'That girl is going to my nerves damn!'
Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa dumapo ang tingin ko sa isang babae.
Nilapitan ko ito kaya napaatras.
"You!" Sabay turo kay Jinky na kaibigan ni Ericka,napalunok sya ng laway nang malapitan ko na sya. "Nasaan ang kaibigan mo?" Galit kong tanong.
Shengene ba naman eh pinaghirapan namin yun tas sisirain lang nya kulang ba sya sa aruga ng magulang nya?gerahin ko bahay nila!
"A-ah h-hindi ko alam" nauutal nitong sagot
"Really?I saw you before with her,but she leave you with your another friend" napatingin kaming parehas kay Tyler nang magsalita ito.
Napabuntong hininga ako saka tuminging muli sa kanya. "Pakisabi sa kaibigan mo. Once na magkita kami anywhere hindi lang tadyak,sampal at sabunot ang matitikman nya saken. Nagkamali sya ng binangga nya. I'm not a kind of person na madaling magpatalo. Sabihin mo isipin muna nya ang gagawin nya. Yung tipong walang makakaalam na iba para sigurado" malumanay pero mahalong pagbabanta kong sabi sa kanya. Tumalikod ako sa kanya at sinabing "Kung kaya nyang maghire ng tao para gumanti,pwes ako kaya kong i-hire si satanas para makaganti sa makating kagaya nya" saka ako naglakad palayo sa kanya. Tiningnan ko si Ivan na nakatingin din saken. I rolled my eyes then I walk away. Sumunod din saken sina Yasmin at Lesley at bumalik kami sa lugar namin kanina.
.
"Nakakaimbyerna talaga yang babaeng yun!di na nakuntentong nasabunutan mo sya noon gusto pang masapak mo ngayon gosh!" Inis na sabi ni Lesley habang inis na nililigpit ang gamit namin.
"Makita ko lang ang babaeng yon jusko!ugh!" Ganon din si Yasmin.
"Makikita nya talaga ang hinahanap nya" may galit at pagbabanta kong sambit.
"Yel!" Napatingin sina Yasmin at Lesley sa likod ko pero ako hindi. Alam ko naman kung sino yung tumawag saken eh,and that's Ivan.
"Ivan" bulalas ni Lesley.
Napabuntong hininga ako bago humarap sa likod nang nakataas ang kilay at nakacrossarms. "What?" Tanong ko
"I will explain" sagot ni Ivan. "But not here" dagdag pa nya.
"Let's go" bigla nya kong hinatak papunta sa kung saan
Nakarating kami sa hideout nila. Pinaupo nya ko sa sofa at sya naman ay lumuhod sa harap ko saka bumuntong hininga.
"Yel,sorry" walang emosyon ko syang tiningnan. "Alam kong ayaw mo na kong mapaaway lalo na dito sa school,pero hindi ko lang napigilan yung galit ko,he did that mess dapat lang nyang pagbayaran yun." Napabuga ako ng hininga bago magsalita.
"That's our problem,hindi mo na problema yun. Booth namin yun,but sana hindi mo nalang muna inunahan. That's a case,wala akong pake kung kaya mong lusutan yun dahil anak ka ng may-ari ng school pero gosh Ivan. Nakisali ka pa sa gulo ng utak ko kanina alam mo bang nag-alala ako dahil akala ko nag-init na naman ang ulo mo bigla sa isang tao dahil alam ko ang ugali mo!" Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko,agad nyang pinunasan ito ng hinalalaki niyang daliri. "Sana kasi inisip mo muna bago ka gumawa ng aksyon" dagdag ko pa.
"I'm sorry,I'll promise,I tell you before I do" sagot nya. Niyakap nya ko sa bewang habang nakaluhod sya ramdam ko ang pagsisisi nya sa ginawa nya.
"Umalis ka na nga dyan" umalis naman sya sa pagkakayakap saken kaya tiningnan ko ang mukha nya. "Tingnan mo sinira mo pa mukha mo!" Sigaw ko sa kanya. Natawa naman sya ng mahina kahit seryoso ang mukha ko.
"At least gwapo parin" natawa ako ng palihim pero di ko pinahalata sa kanya ayokong ipakita sa kanya na ok na kami. Ano sya hilo
"Kumuha ka ng first aid kit bilisan mo" agad nya naman akong sinunod at pumunta sya sa kusina ng hideout nila.
Nang makakuha na sya ng kit ay agad ko syang pinaupo sa sofa katabi ko.
Kumuha ako ng alcohol para linisin ang sugat ni Ivan sa pisngi. "Teka!masakit yan" bigla syang umalma nang ilalagay ko na yon sa sugat nya
"Parang bakla" bulong ko
"Ikaw nga takot eh"
"At least ako babae diba?"
"Pero-"
Di ko na sya pinatapos at dinampi ko agad ang cotton buds na may alcohol sa mukha nya.
"F*CK!OUCH!THAT'S HURT!" sigaw nya pero tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Matapang ka diba" saad ko pa habang tinutuloy ang paglinis sa sugat nya.
Habang nilalagyan ko sya ng beta dine di ko maiwasang mailang dahil nakatitig sya saken. As in oo naiilang parin ako. "Wag mo ko titigan baka matunaw ako" pagkasabi ko non ay hinalikan nya ko sa labi pero smack lang pero ikinanlaki pa rin ng mata ko.
"Ang manyak mo talaga!" Saway ko sa kanya at mahina syang hinampas sa braso.
"Sayo lang ako nagiging manyak" nakangisi nyang sagot napairap nalang ako ag pinagpatuloy ang paggamot sa kanya.
"Hmm Yel"
"Uhm?"
"Hmm isip ka CS natin" napatingin ako sa kanya
"Bakit?"
"Hmm wala lang"
"Ahm Yel tawag mo saken tas sayo Van,pero kung gusto mo ibahin mo" nakangiti kong sabi habang matamis syang tinitingnan.
"Hmm sige Yel" pinagpatuloy ko nalang ulit ang paggamot sa kanya.
.
Bumalik na kami sa pwesto namin kung nasaan sina Yasmin at mga kaibigan ni Ivan.
"Yel" nakangiting bati ni Yasmin saken
"Oh?" Di ko sya tinapunan ng tingnan bagkus ay umupo na lamang ako saka tumingin sa kanya na naghihintay ng susunod nyang sasabihin.
"Ahm we saw Ericka before" parang nag-alangan pa sya nang sabihin saken yon. May pag war freak talaga ako kaya ayaw nyang dumadagdag pa yon sa galit ko.
"Where?" I asked.
"Ahm bigla syang tumakbo palayo samen kaya di namin sya nahabol" dagdag pa ni Lesley.
"Tss a bitch without a sense" walang ganang saad ko at kinuha ang cellpone ko
Wala na silang ibang pinag-usapan kundi ang tungkol sa ginawa ni Ericka. Kahit saan syang lupalop magtago makikita at makikita ko sya. I'm a traveler so I will find her.
Walang klase kaya tinapos namin ang booth. Pagkatapos namin gawin yon ay pumunta kami sa canteen.
Habang naglalakad ako ay sa gilid ako nakatingin dahil tinitingnan ko yung mga paninda nang...
"Oh f*ck!" Sigaw ko nang may bumangga saken ay natapunan spaghetti sa damit.
"Duhhh!di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh!" Sigaw din nya nang may pagkamaarte. Nandilim ang paningin ko nang malaman kung sino ang nakabangga saken.
"Tss panget na nga umaga ko panget pa bubunggo saken" mayabang kong sabi
"What did you say?"
"What did I say?gusto mo talagang ipagdiinan ko sayo lahat ng ginagawa mo?gusto mong sabihin ko sayo kung anong galit ko?" Umabante ako papunta sa kanya habang sya ay paatras ng paatras pagilid. "Anong galit mo saken para gawin mo yon?ikaw. Kahit anong galit ko sayo ginawan ba kita ng masama?did you see yourself in doing that kind of shit?nakakahiya diba?"lumapit pa ko lalo dahilan ng pag-atras nya. "Binalaan na kita na once na kantiin mo pa ko hindi ako magpapatalo. Dinamay mo pa mga kaibigan ko." Nang ma-corner ko na sya ay agad akong gumawa ng aksyon.
*PAK*
"Para yan sa panggugulo mo saming magkakaibigan!"
*PAK*
"Para sa sinira mong booth"
*PAK*
"Para sa hirap namin"
*PAK*
"Para magtanda ka!"
"At ito pa!"
*PAK*
"Para sa effort mo!t*ng*na di mo pa nilubos!" Inis ko syang pinandidilatan ng mata habang pigil na kinukuyom ang kamao ko. Oo pinipigil ko pa ang sarili ko dahil kung hindi mapapatay ko to sa sampal mastiff neck lang to masaya na ko! "Ano?wala ka nang masabi?diba matapang ka?go!hit me!" Sigaw ko habang pinipigil ang sarili. "Pasalamat ka nagpipigil pa ko dahil kung hindi uubusin ko talaga yang buhok mo!" Sinampal ko pang muli sya sa huling pagkakataon. Umiiyak na kasi sya eh iyakin amp*ta
"YEL!" hindi ko pinansin ang tumawag saken dahil mataman ko paring tinitingnan ang babaeng nasa harap ko ngayon.
"Yel please stop!"napatigil lang ako sa pagtingin sa kanya nang marinig ko ang boses na nagpahina saken. "Ayaw mo ng gulo diba?please stop" napairap ako sa kawalan at tumigil na pero muli kong binalikan si Ericka.
"I hope this is the last time you mess my world. Dahil pag pinangatluhan mo pa hindi lang anim na sampal ang matitikman mo" tinulak ko pa sya sa huli muling pagkakataon saka naglakad palayo sa kanya. Shengene nanggigigil na naman ako sa kanya!!!
I'll make sure that this is the last time of being freak!
-
-
-
ABANGAN ANG NEXT UPDATE
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro