CHAPTER TWENTY FOUR
~KILIG MOMENT(PART 1)~
[KINABUKASAN]
"Riel" rinig kong pagtawag saken ni Mommy pero di pa rin ako bumabangon at nagtalukbong pa ng kumot
'Aish natutulog pa yung tao eh ang aga pa oh!'
*I NEED U GIRL WAE HONJA SARANGHAGO~*
"Huta wala na bang katapusan ang mga mang-iistorbo saken?!" Malakas kong sigaw dito sa kwarto na tanging sa kwarto lamang rinig.
"Riel,gising na,andito si Ivan" napaupo ako ng mabilis nang sabihin yun ni Mommy,h-huh?ay shengene may date nga pala kami aaiisshh
"Teka lang!" Walang ganang sagot ko at tumayo na sa kama.
Pumunta muna ako sa banyo ko para maghilamos at mag-toothbrush. Syempre no nakakahiya kayang humarap sa kumag na yun nang ganito ang hitsura ko,mamaya ipagkalat nya sa buong campus na may panis na laway ako sa pisngi eh,ay shengene ayokong magkaroon ng issue sa school tas kahihiyan pa?ow f*ck!
Nang matapos akong mag-toothbrush ay naligo na rin ako haha para kunwari kanina pa ko gising,mareklamo pa naman yun(uyy kabisado na nya si Ivan ayyiiee) 'sharap otor baka kutusan kita ng isa't kalahati dyan' (Haha shuri na uyy)
Nang matapos ako sa pagligo ay agad akong lumabas ng banyo,syempre alangan namang tumira ako dyan diba?tss (tss problema ng isang to?aga aga eh)
Naglagay ako ng towel sa ulo para matuyo ang buhok ko,mamaya ko na iboblower ^_^
Bumaba na ko para naman hindi magmukhang tanga si Ivan sa baba. At nang makababa ako
'Ow shett mga besh kausap nya daddy ko,ay walang hiya talaga ang g*g*'
Lumapit ako sa kanila para makasira ng moment at ngumiti,tumabi ako kay daddy habang nasa harap ko naman si Ivan,nakangiti ito at ako naman ay nakabusangot
'Iba awra ng isang to ngayon ah?parang good mood sya'
"Ok ka lang?" Paninira ko ng katahimikan.
"Huh?Bakit naman?" Tanong nya saken kumunot ang noo ko sa tanong nya. Abnormal
"Kasi kanina ka pa nakangiti,may problema ka ba?" Pigil ang tawa ko nang sabihin ko yun,kasi naman eh biglang nagbago yung mukha nya,yung kaninang nakangiti biglang bumusangot haha kaku to!
"Ah anak,ang bait pala ng boyfriend mo,bat naman di mo agad sakin pinakilala,bakit kay mommy mo lang" parang nagtatampong saad ni daddy, niyakap ko sya mula sa tagiliran at ngumiti.
"Kasi daddy nung unang pumunta sya dito~" tingin kay Ivan "~Nasa office ka na,tas nung~" tingin kay daddy "~nung pangalawang punta nya dito tulog ka na non kasi gabi na kaya di mo sya naabutan" nakangiting sambit ko pero nung tiningnan ko si Ivan sinamaan ko sya ng tingin.
'F*ta pakitang tao eh no?sama sama ng ugali nyan tas sasabihin ni daddy na mabait?Mamamatay ulit si Kamatayan bago sya bumait'
"Ah opo ganon nga ho ang nangyari kaya ngayon ko lang kayo nameet" abugh!May pag-po at opo si Kumag. Kala mo talaga magalang.
(Bat mo ba inaaway si Ivan?eh samantalang nagpapakabait na nga eh) 'care mo ba?' (Jombagin kita dyan) 'balakajan'
"Basta iho aalagaan mo ang anak ko ah,sana wag mo syang saktan,sana hanggang mawala na kami ng tita mo ay kayo parin,sana hindi mo hiwalayan si Riel" natahimik ako nang sabihin yun ni Daddy at umalis sa pagkakayakap sa kanya. Bigla ring lumungkot ang mukha ni Ivan nang marinig iyon. "Sya lang ang nag-iisa naming anak,hindi sya spoiled brat gaya ng iba,kaya masasabi kong ibang iba si Riel sa mga babaeng nakilala at makikilala mo. Alagaan mo si Riel nang higit pa sa pag-aalaga namin sa kanya. She's our Princess,our Queen,and our Baby here in our house. You should take care of her. Kahit lamok di namin pinapadapo dyan sa balat nya kaya sana yang kamay mo,pigilan mo,kung sasaktan mo lang sya,pagbubuhatan ng kamay,babawiin namin ang kaisa isa naming anak sayo." Malumanay ngunit tagos sa puso ang sinabi ni daddy,totoo lahat ng sinabi nya kaya alagang alaga ako nina Daddy. Naiinggit nga ko sa ibang may kapatid dahil pede nilang maging sandalan yun pero ako wala.
"Mamahalin ko po sya ng higit pa sa pagmamahal nyo sa kanya" Napaangat ang ulo ko at nanlalaking matang tumingin kay Ivan nang sabihin nya yun,seriously? Di sya nahiya saken?eh Temporary nga lang to eh!
"Good, wag mo syang sasaktan Ivan,be nice to her,magbihis ka na anak para makaalis na kayo" ngumiti ako ng pilit kay daddy,tumayo sya at umalis sa sala kaya kaming dalawa lang ni Ivan ang naiwan dito.
Nang makita kong nakalayo na si Daddy ay agad akong lumapit kay Ivan at kinutusan ito. "Hoy lalaki!Ang lakas rin ng loob mong sabihin yun kay daddy?eh pansamantala lang naman to!" Mahina ngunit may halong inis kong sambit dito. Napatayo naman sya at napahawak pa sa ulo nya kung saan ko sya kinutusan.
"That's hurt!" Napapadaing nyang sambit,tiningnan ko lang sya ng masama
"Tss"tanging sagot ko
Tumayo sya ng maayos at nagpamulsa. Yumuko sya para pantayan ako bago magsalita "Pano kung sabihin ko sayong...
Galing sa puso ko yung sinabi ko may magagawa ka ba?" Nagsalubong ang kilay ko nang sabihin nya yon.
*TUG DUG TUG DUG TUG DUG*
Pabilis ng pabilis ang ang tibok ng puso ko sa narinig ko
'A-anong sabi nya?'
"Huy!" Natauhan ako nang bigla syang sumigaw kaya napatakbo ako paalis sa lugar na yon at mabilis na pumunta sa kwarto ko.
'Pano kung sabihin ko sayong... Galing sa puso ko yung sinabi ko may magagawa ka ba?'
"Shengene!!!Bat tumatak bigla sa utak ko????aarrgghhh bwiset kang lalaki ka!Pafall ka talaga!!!Nakakainis ka!!" Sigaw ko at hinampas hampas yung unan sa kama.
Mga ilang minuto ko rin yong ginawa at nagbihis na rin ako. Nagblower ng buhok at itinali na pabalumbon. Ang suot ko ngayon ay High waist na ripped jeans,crop top na white na may nakalagay na Panda,kaya di kitaa yung pusod ko mga tweh,tas naka Fila shoes ako na white. Ow yeah haha
Bumaba na ko para naman hindi na maghintay yung kumag sa baba,nang makababa na ko ng tuluyan di ko na sya nakita sa sala. "Asan yun?" Tanong ko sa sarili,pumunta ako sa kusina at nakita ko sya don na kumakain. 'Tayguts' bigla syang napatingin saken nang mapansin nyang nakatayo ako sa gilid ng pinto.
"Oh!tapos ka na?" Tanong nya saken na akala mo 100 years akong nagbihis
"Sa tingin mo?" Pairap kong sambit
"You start changing your cloth at 7:16,and you finished it at 8:39,seriously?are you turtle?sobrang bagal mong kumilos" reklamo nya,huh?ganon na ba ko katagal magbihis?halos isang oras?"Thank you po manang,ang sarap po ng luto nyo"nangbobolang saad nito kaya napakunot ang noo ko.
"Walang anuman iho" nakangiting aniya ni Manang.
"Let's go" aya nito saken habang nakangiti
"Manang mauna na ho kami" paalam ko kay manang.
"Sige Young lady mag-iingat kayo" saad pa nito na nginitian ko bilang tugon
"Young lady tawag nila sayo?" Mahinang tanong ni Ivan,tumingin ako sa kanya at tumango bilang sagot. "Naks my young lady" nakangiting sambit nya na ikinakunot na naman ng noo ko "Pero mas gusto ko parin yung babae ko" dagdag pa nya,minsan isip bata rin tong kumag na to eh no?
"Teka papaalam muna ko kina mommy at daddy" pahabol ko pa na tinanguan nya tumakbo ako papunta sa office ni Daddy dahil alam kong nandon sya. Pero nung makarating ako don si mommy nalang ang nandon "Ma?si daddy?" Tanong ko sa kanya
"Kakaalis lang honey" sagot nya na ikinalungkot ko. Hayss ang dami nang ginagawa ni daddy di pa ko makatulong sa kanila.
"Mommy aalis na kami,pahinga na po kayo,baka atakihin kayo ng sakit nyo" lumapit ako sa kanya at niyakap sya.
"I'll take care of myself honey,alam naman ng daddy mo na aalis ka so no need to have a permission from him" saad pa nya na ikinangiti ko.
"Ma,ano ba kasing sakit mo?" Nakapout kong tanong,pero tanging paghinga lamang ng malalim ang sagot nya.
"You don't need to know what's my illness,sige na umalis na kayo,anong oras na oh" pagbabago nya ng usapan.
Ngumiti ako bago sumagot "Sige ma,basta ah pag may problema tawagan nyo si daddy or ako para maalagan ka namin" saad ko,tumango sya bilang sagot,hinalikan ko sya sa pisngi bago magpaalam "Bye ma" sabay takbo sa pintuan at lumabas.
Nang makalabas ako,di ko maiwasang magtubig ang mata ko dahil alam kong nahihirapan ang mommy ko sa sakit nya na hanggang ngayon ay hindi parin nila sinasabi saken. Ako na nga lang ang nag-iisa nilang anak itatago pa nila saken yun?
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa labas. Nakita ko si Ivan na nakasandal sa kotse nya 'bat ang gwapo ng kumag na to?' Natatawa ako sa naiisip ko haha pero di ko parin maiwasang isipin yung sinabi nya kanina.
'Pano kung sabihin ko sayong... Galing sa puso ko yung sinabi ko may magagawa ka ba?'
F*ck!
Lumapit na ko sa kanya at niyaya sya.
"Let's go?" Saad ko
"Akala ko di na tuloy eh,ang tagal mo" ang reklamo talaga ng isang to!Kainis! Pumunta sya sa kabilang bahagi ng kotse kung nasaan ang passenger seat
"Huy ano?Ako gagawin mong driver?" Di makapaniwalang tanong ko dito
"Shungaks!Malamang pagbubuksan ka ng pinto!Dito ka!" Napakagat ako sa ibabang labi ko nang sabihin nya yun.
"S-sorry" saad ko. Pumunta na ko sa kabilang bahagi ng kotse at pinagbuksan naman ako ni Kumag kaya pumasok na ko sa loob ng kotse. At sya naman ay pumunta na rin sa driver's seat.
"Saan mo gustong unahin nating puntahan?Arcade?Mall?Park?Restaurant?for sure restaurant pipiliin mo,di ka pa nag-aalmusal eh" napatingin naman ako sa kanya nang sabihin nya yun. Oo nga eh di pa ko kumakain.
"Hmm,Sige sa Restaurant muna tayo,gutom na ko eh" sagot ko. Natawa naman sya ng mahina.
Hindi kami nag-imikan habang nasa byahe,nagdadrive lang sya ng sakto habang ako naman ay nagse-cellphone lang. Nang basagin nya ang katahimikan.
"Nga pala,next week pagkatapos ng intrams~" napatingin ako sa kanya at hinihintay ang susunod nyang sasabihin "Baka sumunod ako kina mommy at daddy sa London." Malungkot nyang wika "Pero one week lang ako don" dagdag pa nya
"Bat mo naman saken sinasabi yan" pagtatanong ko dito,tumingin sya saken saglit at ibinalik ulit sa kalsada ang tingin.
"Syempre may karapatan kang malaman. Girlfriend parin kita kahit papaano!tss" biglang nag-iba ang tono nya dahilan para matawa ako ng mahina. "Nga pala!Pag umalis ako wag kang makikipaglandian kay Aaron ah!ipapabantay kita kina Gab,at sa mga kaibigan mo para di makalapit yang Aaron na yan sayo!" May halong-hmm I smell something fishy,sobrang lansa mga besh haha charot lang
"Nagseselos ka?" Natatawa kong tanong dito,kahit di sya saken nakatingin kita ko ang expression ng mukha nya ngayon,seryoso,iba sya ngayon. Totoo ba?totoo ba yung kaninang sinabi nya?tss kung totoo nga sana maging totoo na to,Yes I admit,I'm slowly fall in love with him. Kasi naman eh pafall tong g*g*ng to eh!
"Tss,mag-usap tayo mamaya,pag nasa park na tayo,may sasabihin ako sayo" napaisip naman ako sa sinabi nya
'Anong sasabihin nya saken?'
Maya maya pa ay nakarating na kami sa Restaurant. "Bakit dito tayo?parang masyadong mahal" saad ko "Jollibee nalang tayo,tutal bida bida ka naman eh" nag-umpisa na namang kumunot ang noo nya.
"Bida bida?Jollibee?connect non?" Tanong nya habang magkasalubong ang kilay
"Only legend people know what's Jollibee means"mahina pa akong natawa sa reaksyon nya. Di na kasi maipinta eh haha yaan nyo syang masiraan ng bait kakaisip kung ano ang connect ni Jollibee kay Bida bida "Ano?kakain ba tayo o mag-iisip ka nalang dyan?" Tinaasan ko pa sya ng kilay na kalauna'y naglakad din papunta sa loob ng restaurant.
Nang makapasok na kami sa loob ay agad kaming iginiya ng waiter sa direksyon kung saan kami uupo. "This way mam,sir" sambit ng waiter,nang makaupo kami ay agad nya saming binigay yung menu. Nag-iisip pa ko kung ano ang pipiliin ko dahil halos lahat mahal pero masarap.
'Wag mo nang isipin kung mahal o mura di naman ikaw ang magbabayad eh'
Tama di naman ako ang magbabayad eh
Umorder na ko ng dalawang putahe lang baka kasi di ko maubos eh mahirap nang mapagkamalang tayguts choss mahirap nang magsayang ng puds sa panahon ngayon noh.
.
.
.
Enjoy Reading
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro