CHAPTER THIRTY TWO
~UNTIL THE LAST
INTEGRATION~
"WWHHOOOOOHHHH!!!" hiyawan ang namutawi sa buong gymnasium dahil sa pagpasok ng bola sa ring.
'I did'
Pero hindi pa don nagtatapong ang laban. Hanggang 4th quarter ginaganahan ako sa paglalaro hanggang sa...
*EENGGKKKK*
"WAAAHHHHHH IVANNNNNNN"
Cheer sila ng cheer dahil pumasok ang bola at sakto sa pagbell. 198-188 ang laban.
Lamang kami sa kalaban kaya panalo kami. Tuwang tuwa ang lahat kaya para akong isang hari na bigla nilang binuhat dahil sa kadakilaang ginawa ko.
*
"LESLEY!" biglang sigaw ni Bradley na animo'y batang tuwang tuwa na nakita ang nanay nya. "Nanalo kami!" Tuwang tuwa nitong balita kay Lesley
"Congratssss!" Nagulat ang lahat nang yakapin ni Lesley si Bradley,maging si Bradley ay nagulat rin pero tinugunan nya ito.
"Hoy!Layo layo!ano ba!" Sigaw ni Yasmin at pinaghiwalay silang dalawa na ikinatawa namin.
"Ahm. Una na ko pupunta na ko sa chapel." Paalam ko
"Sige,Ivan sunod nalang kami" saad naman ni Yasmin
"Sige bye" umalis na ko at una munang pumunta sa bahay at nagbihis bago pumunta sa chapel.
*
"Yel" tawag ko dito saka sya hinalikan sa pisngi
"Hmm nanalo ba kayo?" Tanong nya na ikinangiti ko
"Hmm. Yes,I won the game" saad ko kaya niyakap nya ko ng mahigpit.
"Congrats van" hinalikan nya ko sa lips na ikinangiti ko.
*
[After a few days]
Ito na ang araw,ang araw na hindi namin makakalimutan. Iiwan na nga kaming talaga ng aming mahal sa buhay. Ililibing na si mommy,parang hindi ko kayang mawala sya sa buhay ko. Ngayon pa nga lang hindi ko na makaya,eh ano pa kaya kung hindi ko na sya makikita kahit sa labi manlang nya.
Napabasbasan na sa pari ang kanyang labi kaya naman isa isa kaming lumapit para maglagay ng bulaklak sa kabaong nya habang ibinababa ito.
"Thank you ma,for being my mother in almost 20yrs. For always caring me,for being my hero. Thank you mommy,I always love you. Goodbye" pigil ang hagulgol pero umaagos na ang aking luha dahil sa nakikita ko.
I miss her so bad.
*
[Few days after]
I moved on,pero di ko kinakalimutang puntahan si mommy sa sementeryo every week. Namimiss ko kasi sya eh. Tuwing may problema ako pumupunta lang ako dito para ilabas ang sakit.
"Yel,let's go" aya saken ni Ivan kaya ngumiti ako at tumayo.
"Bye ma" anas ko at naglakad na kami paalis.
...
Habang tumatagal ang araw ay hindi ko na masyadong naiisip si mommy.
Nung una kasi medyo nahirapan silang kumbinsihin ako lumabas ng bahay para manlang magpahangin pero ayaw ko pumayag dahil nga namimiss ko si mommy. Pero hindi tumigil si Ivan na kumbinsihin akong lumabas kaya pumayag na ako. Kaya eto nalilimutan ko na ang sakit.
*
[After a months]
Nandito kami ngayon sa school at busy sa harutan ang lahat.
"Hmm yel,malapit na ang graduation hmm anong plano mo?magtatrabaho ka ba sa kompanya nyo or sa iba?" Tanong ni Ivan.
"I think tutulungan ko nalang si daddy sa kompanya kasi diba wala na si mommy so kami nalang dalawa kaya tutulungan ko sya" he nodded,
"Kayo anong trabaho kukunin nyo?"
"Ako,hmm. Syempre as photographer" sagot ni Gab.
"Hmm,well we're engineers" sabad naman ni Tyler.
"I'm on bank" sagot ni Lesley.
"Sa kompanya namin. Lesley bakit ayaw mo kasama parents mo sa company nyo?" Tanong ni Yasmin.
"Hmm gusto kong maging independent muna then if I can handle some. Edi saka na ko mag-aapply sa kompanya namin" sagot nman nito.
"Hays no matter what. Kahit anong kunin nating trabaho friends parin tayo" saad ko habang nakangiti ng matamis sa kanila.
"Oo naman" nilapag ako ang isa kong palad na sinundan naman nila
"Friends forever?!" I shouted
"FRIENDS FOREVER!!" at sinundan naman nila.
I suddenly smiling with them and playing with them.
*
"Balita ko babalik daw ng pinas si Mitch" rinig kong sambit ng babae habang naglalakad ito. Napahinto naman ako sa paglalakad.
"Oo nga eh nag tweet na rin sya tungkol don. Saka parang gusto nya atang bumalik sa buhay ni Ivan. Eh pano yan bf na sya ni Riel?" Anang isang babae pa.
I sigh carefuly.
'Don't mind it,Ivan will be with you forever'
Naglakad na ko ng tuluyan at pumasok na sa room namin. Wala pa ang prof at wala pa rin sina Yasmin kaya nilibang ko muna ang sarili ko. Nag earphone ako na de-bluetooth at sinalpak na iyon sa tenga ko. Habang nakikinig ako ng 'Promise' ni Jimin ay nagtweeter ako para tingnan ang tweet ni Mitch. Yes,I follow her and she follow me back. Oh diba tanga lang.
@mitchilicious
Heyow guise,I will be back there hmm
Can you welcome me?
'Seriously?gusto nyang iwelcome sya ng Clinton Academy pagkatapos ng ginawa nya kay Ivan?tch!'
"Ok ka lang?" Napatingin akong bigla sa nagsalita at agad na itinago ang cellphone ko.
"B-bakit ka nandito?" Tanong ko dito nang nakataas ang isang kilay.
"Hmm namiss ka" mas lalong napataas ang kilay ko sa sinabi nya.
"Agad-agad?" Di makapaniwalang tanong ko dito
"Ano nga pala tinitingnan mo sa cellphone mo at kunot na kunot ang noo mo?" Curious nyang tanong.
"Hhmm,sa tweeter bakit?"
"Aah wala lang"
"Nga pala,si Mitch~"
"Hmm anong tungkol sa kanya?"
"Babalik na sya ng pilipinas" bigla syang natahimik sa sinabi ko.
"What?"di makapaniwalang saad nya
"Di ka ba nagti-tweeter?" Tanong ko
"Hindi pa"
"Hayst"
"Saka wala rin akong balak na malaman kung babalik pa sya o hindi na. Kasi may Riel na ko sa buhay ko" napatingin naman ako sa kanya,ngumiti sya saken na di ko mawari. Pero ako seryoso lang ako sa kanyang nakatingin habang pinagmamasdan ang mukha nyang mukhang nagsasabi ng totoo.
"Hindi ako natatakot na dumating syang muli sa buhay mo,pero~natatakot ako na baka agawin ka nya saken tas sasabihin nya mahal ka pa nya. Tapos baka bumalik ka sa kanya kasi mahal mo pa sya" naghi-hysterical kong sambit.
Hinawakan nya ko sa magkabilang balikat "Look at me Riel,I'm your boyfriend right?and I promise. Hindi ako babalik sa babaeng binalewala lang ako. Ikaw ang babaeng nagpabago saken kaya sayo ako sasama at hindi sa kanya. Ok? I love you, more than I love her before. Kaya please be confident that I am yours. Yours only" may pagkasweet nyang sambit habang nakatingin mismo sa mga mata ko.
Tumango ako bagk sumagot. "Sana nga,sana kapag bumalik na sya walang magbabago" niyakap nya ko ng napakahigpit kaya tumugon din ako.
*
"Hi dad" bati ko kay daddy sabay beso
"How's your day?" He asked
"Hmm,eto pagod. Dad hmm ok lang naman sayo na tumulong ako sayo sa pagpapatakbo ng kompanya diba?" Tanong ko dito
"Oo naman anak,ikaw ang nag-iisa kong tagapagmana nito kaya pwedeng pwede mo kong tulungan" pagkasabi nya non ay niyakap ko sya ng mahigpit.
*
[After a months]
"See?Mitch didn't back in the Philippines, so don't worry" nakatingin lang ako kay Ivan habang sya nakangiti ng nakakaloko.
"Tsk,not now,but soon,malay mo humahanap lang sya ng tiempo para bumalik at magpakita sayo"
"Don't be so paranoid,yel,I'm yours ok,aand I love you" sabay halik nya sa noo ko "Let's go"
"Van,ilang days nalang,graduation na,alam mo bang tuwing Vacation nagbe-break up yung ibang magkarelasyon"
"I know,bakit naman natin sila gagayahin,saka sila kasi hindi matibay ang relasyon nila. Then wala pang connection kadalasan. Hindi natin sila gagayahin. Lagi tayong nagkikita,di ko hahayaang mawala ang connection natin" sabay ngiti ng matamis saken. "I love you"
"I love you too"tugon ko.
*
" yel"
"Hmm?"
"Palitan natin cs natin" napatingin naman ako sa kanya ng nakakunot ang noo
"Bakit naman?" Tanong ko
"Kasi,yung tawagan natin tawag din satin ng mga kaibigan natin. Ibahin natin" saad nya
"Hmm sige,ikaw mag-isip"
"Ahm,Luvs?" Napatingin naman ako sa kanya,'Boy in Luv' what the fudge!
"Hmm sige,luvs" napangiti naman sya sa sinabi ko.
-
-
-
Short update muna ako bawi nalang ako next update.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro