CHAPTER SEVENTEEN
~RIEL'S KISS~
Lumapit ako sa kanya pero tulog na sya kaya naman umupo ako sa sofa na nandito sa loob ng kwarto nya at nakatulog na rin ako.
***
-IVAN'S POV-
Nagtulog tulugan lang ako nang lumapit si Riel saken. Tss ewan ko ba bakit ganon?bakit parang nasaktan ako sa sinabi nya. Wala naman akong gusto sa kanya diba?w-wa-
'N-nafofall na ko sa kanya?Pero pano?eh kelan lang naman kami nagkakilala ah'
Napabalikwas naman ako sa pagkakahiga nang dahil sa iniisip ko. Napabaling naman ang tingin ko sa kanang bahagi ng kwarto ko kung saan naroon ang sofa ko. Nandon si Riel at nakahigang natutulog,tinanggal ko ang kumot ko at lumapit sa kanya,naghanap ako ng kahit anong balabal na pedeng ipangkumot sa kanya,wala akong nakita kaya pumunta ako sa closet at naghanap ng towel doon,may nahanap naman agad ako kaya Kinumutan ko na sya.
'Napofall na nga kaya ako sayo?siguro nga,kasi mabait ka,maganda,mapagmahal at maalaga. Sino ba namang lalaki ang hindi magkakagusto sayo,pero sana,kapag sigurado na ko sa nararamdaman ko,hayaan mo kong mahalin ka. Sana ikaw na ang babaeng magpaparamdam saken ng totoong pagmamahal. Sana ikaw na ang pumalit kay Mitch dito sa puso ko.'
Hinalikan ko sya noo kaya naman bumalik na ko sa kama at natulog.
-RIEL'S POV-
11:20 nang magising ako,tulog pa si Ivan kaya naman di ko na sya ginising,napansin ko rin yung isang balabal na nakakumot saken,so kinumutan nya ko?
*TUG DUG TUG DUG*
B-bat ganon minsan madalas ko na rin tong maramdaman kapag may ginagawa sya sakin'g kabaitan. Ewan d-diba dapat di ko to maramdaman?kasi-temporary lang naman to,pansamantala,iiwan rin nya ko,babalik din sya kay Mitch,ibig sabihin non babalik din to sa dati,mag-isa,walang Ivan na mangungulit sayo,walang Ivan na-aiish!bakit ganon?napofall na ba ko sa kanya?pero kelan lang naman kami nagkakilala diba?
(Ayy ate parehas kayo ng sinabi ni Ivan Aayyiiee)
Lumabas nalang ako ng kwarto at naghanda ng lunch naming dalawa.Nang maihanda ko na yon ay agad din akong umakyat,pagpasok ko doon,nakita ko agad ang maamong mukha ni Ivan na nakapikit at mahimbing na natutulog. Tuluyan na kong pumasok at nilagay ko ang tray sa mesa
Nang mailagay ko iyon ay agad akong lumuhod sa harap at tiningnan ang mukha ni Ivan na nakapikit
'Ang gwapo mo pala'
"Wag mo ko titigan baka matunaw ako"Nagulat ako nang bigla syang magsalita,nag-init naman bigla ang pisngi ko kaya napalunok ako at tumayo,aalis na sana ako sa harap nya nang bigla nyang hawakan ang kamay ko. "San ka pupunta?"tiningnan ko naman sya sa mata nya
"Hindi,kukunin ko lang sana yung upuan kasi kakain na tayo"saad ko seryoso lang syang nakatingin saken,binitawan nya naman ang kamay ko kaya
Kumuha ako ng upuan at inilagay sa gilid ng kama ni Ivan at doon ako umupo,pinapatayo ko si Ivan pero ayaw nya aiish
"Ivan tumayo ka na kakain na tayo!"naiinis kong pag-aaya sa kanya pero ayaw parin nya at nakatalukbong parin syang kumot.
"IVAN!!!"sigaw ko pero wala parin naiinis na ko!
Hinatak ko ang kumot pero nabigla ako nang ako ang hatakin nya bigla kaya ang posisyon namin ngayon,nasa ibabaw ako ng dibdib nya at sya nasa ilalim habang nakayakap saken.
"Ano ba Ivan"saway ko dito pero sya nakapikit lang at nakayakap parin saken.
Pinagmamasdan ko lang ang mukha nyang nakapikit. Ang amo ng mukha nya,saktong kapal ng pilik mata,medyo makapal na kilay,matangos na ilong at kissable lips,shengene Riel kelan ka pa naging manyak?
"Enjoying the view?"napaiwas ako ng tingin nang magsalita sya. Fudge!
"H-hindi ah!"tumingin ulit ako sa mukha nya,nakamulat na pala sya,ang ganda ng mata nya,sh*t!
-IVAN'S POV-
Nagtititigan lang kaming dalawa ni Riel at walang nagsasalita samen,ang ganda nya,hindi mo maikakailang maraming magkakagusto sa kanya,yung mata nya,yung ilong,at labi. P*ta nakakabakla mang aminin pero pag ganito ang sitwasyon naming dalawa kinikilig ako,ewan ko kung bakit,bakit ang sarap nyang asarin,bakit ang sarap magtampo sa kanya tapos sususyuin nya ko,bakit ang cute nya.
"M-may itatanong lang ako sayo"nahihiyang sabi nito at medyo namula pa ang pisngi nang sabihin yun
"Ano naman yun?"tanong ko dito,napakagat na naman sya sa ibabang labi nya pero pinipigilan kong matukso.
"A-ano,g-galit ka ba saken?"tanong nito saken,umakting naman akong nag-iisip at sa iba pa tumingin
"Hindi"sagot ko nagulat ako nang biglang...
*tsup*
Halikan nya ko,pero smack lang,s-sya ang unang humalik at hindi ako?w-wow! That's her kiss
*TUG DUG TUG DUG TUG DUG*
That heart beat again?
"M-mali yung sagot mo"nahihiyang turan nya at namula ang pisngi.
P*ta mga tol ngayon lang ako kinilig ng ganito
"Kanina galit ako pero ngayon hindi na"inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya at naglapat ang aming mga labi
I kiss her torridly, I felt this sensation again.
Nakapikit na sya sa gitna ng halikan namin kaya napapikit narin ako,wala akong gagawing masama,di ako tulad ng iba no,may respeto pa naman ako.
Unti unti kong nilayo ang labi ko at iminulat ang mata ko ganon din naman sya.
"A-ahm kuma-in na tayo"natatarantang sabi nito at umalis sa pagkakayakap ko at umupo ng maayos sa upuan na nasa gilid ng kama ko.
Umayos na rin ako ng upo at nag-indian sit sa kama ko. Nakatingin lang ako sa mukha nya habang sya naman ay nag-aayos lang ng kakainin namin.
"Oh!"sabay bigay saken ng plato na may pagkain.
Kumain nalang kami ng tahimik,ewan pero parang nahihiya ako dahil sa nangyari
Di ko nalang yun pinansin at nagpatukoy nalang sa pagkain.
"Hmm,nga pala mamaya ako uuwi mga 3" pambabasag nito sa katahimikan namin
"Pede bang wag ka na umuwi dito ka nalang" saad ko at ngumiti
"Tss tigilan mo nga ko,may pasok na bukas" napaisip naman ako sa sinabi nya.
May laro pala kami sa basketball bukas.hayst.
-TYLER'S POV-
"May lagnat pala si Ivan" saad ni Gab habang nakatingin sa cellphone
"Oh?pano yan?eh may laro tayo bukas" alalang sambit ni Stephen
"Tss parang di nyo naman kilala si Ivan,makakalaro yun,kahit may sakit sya di nya pinapalampas ang laro,lalo na ngayon,si Aaron kalaban natin,na nilalandi daw si Riel,so lalaban talaga yun di yun magpapatalo promise" natawa naman ako sa sinabi ni Bradley
"Lalabas lang ako" paalam ko sa mga ito
"San ka pupunta?" Tanong ni Gab
"Hmm coffee shop lang" sagot ko at nagpamulsa
"Gagamitin mo kotse mo?" Tanong nito
"Malamang" sagot ko
"Sige dre" umalis na ko doon at sumakay sa kotse ko.
Habang nagmamaneho ako ng kotse may napansin ang mata ko.
'Sya ba yun?'
Iginilid ko ang kotse ko at bumaba ako.
"Yasmin?" Tawag ko dito kaya lumingon sya saken.
Nagulat ako nang bigla syang yumakap saken nang umiiyak.
'What happen to her?'
"A-ayoko na!*sob*lagi nalang ba?*sniff*bakit ba kasi nila ko iniiwan?*sniff*" sinasabi nya yan habang umiiyak at halos mabasa na ang damit ko dahil sa luha nya.
Niyakap ko naman sya pabalik,maya maya pa ay bumitaw na rin sya pagkakayakap saken.
"*sniff*sorry" humihikbing sabi nya habang nagpupunas ng pisngi
At dahil sa gwapo ako,ako na ang nagpunas ng pisngi nya gamit ang panyo ko. Gulat naman syang nakatingin saken.
"Sorry for what?" Tanong ko
"Sa istorbo" sagot nya
"Ok lang saken,at least nakatulong ako"Saad ko.
"Salamat" nahihiyang turan nya
"Can I ask?what happen to you?" Tanong ko dito nagsisimula na namang magtubig ang mata nya "Look at me" iniangat ko ang mukha nya at itiningin saken. "Don't cry" nakangiti kong sabi sa kanya
"*sigh*nagbreak na kami ng-boyfriend ko" peke syang ngumiti saken "Sorry ah,dapat di ako umiiyak sa harap mo" yumuko sya dahil sa sinabi nya
"Kaya pala mataray ka,kasi may mga pinagdadaaanaan ka" saad ko dito kaya mddyo napatawa sya
"Ngayon lang naman to" saad nya
"Tara may alam akong lugar na pedeng makahilom sa sugat mo" napataas naman ang kilay nya sa sinabi ko.
"Saan naman?" Tanong nya
"Let's go" pinigilan naman nya ko nang hahatakin ko na sana syang maglakad "What?is there any problem?" Tanong ko pa
"Ahm wala naman pero pano yung kotse mo?" Tanong nya,napatingin naman ako sa kotse ko,aish!
"Wait" sambit ko at tinawagan ang pinsan kong si Samuel
After I called him
Hinintay nalang namin sya.
Mga ilang minuto rin kaming naghintay dahil medyo malapit lang naman kami at dumating na sya.
"Hey bro!sorry medyo matagal" pasensya nito
"Ok lang di naman gaano eh" sagot ko
"Wow,ang ganda ng girlfriend mo ah,Hi I'm Samuel" napakunot naman ang noo ko nang sabihin nya iyon.
"She's not my girlfriend"Saad ko kaya naman napakunot ang noo nya
"H-huh?eto?sa ganda nito di mo girlfriend? Aahh alam ko na,nililigawan mo!" Nakangiti nyang sabi
"No" sagot ko
"Huh?s-sorry" napapangiwing sabi nito
"Ok lang" nakangiting sabi ni Yasmin.
"Ah insan,alis na ko baka masapak mo pa ko eh" saad nito at napapakamot pa ng batok
"Tss sige na wag ka na babalik!" Inis kong sigaw dito habang nakapamulsa.
Sumakay na ito sa kotse ko at pinaandar na.
Tiningnan ko naman si Yasmin,ngumiti ito saken
"Ok ka na?" Tanong ko umiling naman sya kaya niyaya ko na sya sa pupuntahan namin.
-
-
-
Enjoy Reading
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro