Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER NINE

~MEET MY PARENTS~

"Malayo pa ba?" angal ni Riel, akala mo naman siya 'yong nahihirapan.

"Oo! Malapit kasi 'yon do'n sa arcade." sagot ko sa kaniya.

"Inaantok na 'ko," saad pa niya bago ipinatong ang ulo sa balikat ko. Napagod siguro siya kakalaro kanina.

"E, 'di matulog ka, h'wag ka maglalaway, ah." wala na akong sagot na nakuha mula sa kaniya kaya naman alam ko nang tulog na siya. Kaya nagpatuloy na lang ako papunta sa pinagparkingan ko ng kotse.

Nang marating ko iyon agad kong ginising si Riel pero hindi siya nagigising. Putek, tulog manok. Kaya naman nahirapan akong ilapag siya sa passenger seat. Muntikan pa nga siyang mauntog, e pero buti na lang at hindi natuloy kasi kung hindi lagot ako sa babaeng 'to.

Inayos ko ang pagkakasandal niya sa sandalan ng kotse at umikot sa kotse para pumasok na rin sa loob. Habang pinapaandar ang sasakyan ay tumingin muna ako sa kaniya bago ako magdrive palayo ro'n ay nakita kong nakaharang ang ibang buhok sa mukha niya kaya naman iginilid ko iyon at nilagay sa likod ng kaniyang tainga.

'Maganda ka pala, kaso sadista ka.' Sambit ko sa aking isip.

Nagdrive na lang ako nang tuluyan papunta sa bahay namin. Yeah nasa bahay pa rin ako ng mga magulang ko kahit na dapat nakahiwalay na 'ko. Sabi kasi nila mas okay kung do'n muna ako at hintayin na magka-asawa ako para makahiwalay na 'ko sa bahay nila. Akala nga nila mag-aasawa na 'ko dahil matagal na kami ni Mitch pero hindi, hindi pa nila alam na break na kami ni Mitch dahil 'di ko alam kung pa'no ko sasabihin sa kanila. Gusto nila si Mitch na mapang-asawa ko pero wala e, siya ang unang nagloko at hindi ako. Kaya wala akong magagawa kung 'di ang tanggapin ang katotohanan.

Nakarating na kami sa bahay, ipapakilala ko itong babaeng 'to sa magulang ko para naman informed sila 'di ba? Pinarada ko na ang kotse ko sa garahe at gigisingin sana si Riel pero nauna pa siyang magising. Nagkusot siya ng kaniyang mga mata at kunot noong tumingin sa akin.

"Hmm, uhm, nasaan tayo?" tanong niya sa akin.

"In my house," simpleng sagot ko

"What?! In your house?! ABNORMAL! IUWI MO 'KO!!" sigaw nita at hinampas ako kaya naman pilit kong hinawakan ang kamay niya para patigilin siya.

"Can you please stop thinking nonsense thing! I'm not going to rape you! I just want you to meet my parents! Let's go outside!" inis kong paliwanag dito kaya naman huminto siya at lumabas na ng kotse kahit na nagpupuyos pa sa galit na dinala ko siya rito.

-RIEL'S POV-

Bwiset na lalaking 'to akala ko talaga rereypin niya 'ko. Shengene lang 'di ko siya mapapatawad kung ganon! Kahit tumalon siya sa crater ng bulkang Mayon!

"Teka lang!" napalingon naman siya sa 'kin at tinaasan ako ng kilay. "Ahm, bakit mo 'ko ipapakilala, e temporary lang naman 'to 'di ba?" tanong ko bago yumuko sa kahihiyan. Ramdam kong lumapit siya sa akin.

"You're still my girlfriend, so whether you like it or not, you will face my parents." maawtoridad nitong sagot sa 'kin kaya naman agad akong napatingin sa kaniya. "Inaantok ka na kaya bilisan mo na diyan at ihahatid na kita sa bahay niyo kapag nakilala mo na sina Mommy at daddy," sabay talikod niya bago naglakad kaya naman sumunod na rin ako sa kaniya at pumasok na kami sa loob. Nakayuko ang mga maids at halatang ginagalang talaga siya at naggu-good evening sa kaniya.

'My gosh like a boss talaga'

Napapaisip ako, ang laki ng bahay nila pero walang gaanong maingay, sa amin kasi kahit malaki maingay pa rin e, hinahayaan naming magpatugtog ang mga kasambahay namin para mag-enjoy din sila habang nagtatrabaho. Pero dito walang buhay. Geezz!

"Nasa opisina na ho ang ma'am at sir." bungad no'ng medyo may edad nang lalaki kay Ivan.

"Call them, I have something to tell to them. And also to introduce." utos nito sa lalaki sa maawtoridad na boses habang nakapamulsa.

"Yes master," sagot naman ng lalaki at naglakad na palayo.

"Sino siya?" tanong ko kay Ivan sa nagtatakang boses. Tumingin naman ito sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"My right hand," sagot niya. Estudyante palang may kanang kamay na! Ibang klase. Iginiya niya ako paupo sa sofa habang naghihintay.

Mga ilang minuto pa ay may nakita na kaming bumababa ng hagdan. Oh my! Masyadong glamorosa ang mommy niya at hunk ang daddy niya. What a perfect match! Seryosong bumababa ang mommy at daddy niya kaya napalunok laway ako. Shit ano na 'to? Baki5 ba ako narito?

Tumayo si Ivan at iginaya sa pag-upo ang mommy niya. "Mom, Dad, I want you to meet my girlfriend, Riel. Riel this is my Mom and Dad," nakangiting pagpapakilala ni Ivan sa akin. Mas lalo lang akong kinabahan.

"Ahm, hello po," tumango tango ako bilang paggalang habang naglalahad ng kamay.

"What? Girlfriend? E, 'di ba si Mitch ang girlfriend mo?" Hindi makapaniwalang tanong ng mommy niya. Nanliit ako at naging bahaw ang ngiting iginawad sa kanila bago dahan-dahang ibinaba ang kamay.

"Mom, wee broke up last week." sagot naman ni Ivan.

"What?"

"I explain to you later," saad naman ni Ivan habang seryoso ang boses.

Tumayo si Ivan at umakyat kaya naman ako at ang parents lang niya ang naiwan sa sala. Tang*na lang ng lalaking 'to. Walang modo. At iniwan pa talaga ako rito! Anong gagawin ko?!

"Hmm, hija, saan ka nag-aaral?" tanong ng mommy niya sa akin. Shit para akong pinagpapawisan kahit may Aircon sa bahay nila. At malakas naman 'yon.

"Ahm, sa Clinton Academy po," sagot ko. Bakit ba kinakabahan ako? Bakit gano'n?

"Hmm, so you're from a rich family?" tanong pa nito sa akin.  Hmp! Napakanaman.

"Ahm, opo, but I'm not a spoiled brat. Uhm mayroon po kaming company at mga resorts sa iba't ibang lugar dito, medyo marami po 'yong branches." sagot ko sa nahihiyang boses.

"Hmm, kailan pa naging kayo ni Ivan?" may pagtaas ng kilay na tanong ng mommy ni Ivan.

"Uh... Last day lang po," nakayuko kong sagot.

"Sorry kung ganito ang pakikitungo ko sa 'yo ngayon. Gusto pa kitang makilala. I hope we could have more bonding for us to know you more, at sana magkasundo tayo." saad niya at may maliit na ngiti sa labi.

"Sige po, uh, we can make a schedule naman po." sagot ko sa magalang na boses.

"Mom, Dad, we have to go. Ihahatid ko pa si Riel," biglang singit ni Ivan na ngayo'y nag-aayos pa ng damit niya. Tss ang epal.

"Okay, hija I'm glad to meet you." saad ng daddy niya kahit hindi naman siya nagsalita kanina.

"Me too, Tito." sagot ko habang nakangiti sa kanila.

"Sige, hija bye. Mag-ingat kayo sa daan." saad ng mommy niya at nakipagbeso sa akin bilang pagpaalam.

Ngumiti ako at kumaway sa kanila at lumabas na kami ng bahay nila.

"Hindi mo man lang ako sinabihan na pupunta tayo dito, e 'di sana nakapagready ako 'di ba? Tss." inis kong maktol sa kumag na 'to. Hindi ako handa.

"It's okay, pinakilala lang naman kita." nagdrive na siya at hindi na rin ako umimik dahil wala naman siyang kwentang kausap. Oo wala syang kwentang KAUSAP nakakainis nga e, tao ba to?

Nang makarating kami sa bahay ay 9:32pm na shi late na 'ko. Magagalit na 'yon si mommy.

"Bye!" paalam ko rito at lumabas na ako ng sasakyan niua. Nagulat ako sa kaniya nang lumabas din siya. "Hindi ka pa aalis?" tanong ko habang nagtataka sa kaniya.

"Sasamahan kita, baka kasi magalit 'yong mommy mo dahil ngayon ka lang umuwi." napaisip naman ako sa sinabi niya. Sabagay, para siya pagalitan.

'Seryoso ba sya? Tengene ang gwapo niya kapag seryoso.'

Pumasok na kami sa loob at nakita ko naman si mommy na nakaupo sa couch. Mukhang nag-aalala na.

"M-mom?" tawag ko sa kaniya. Agad siyang nag-angat ng tingin at bago tumayo at naglakad papunta sa akin.

"Honey! Bakit ngayon ka lang?" tanong niya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Nakita naman niya si Ivan na nakatayo sa gilid, tinaasan niya ito ng kilay.

"Sorry, ma," paumanhin ko at hinagod ang braso niya.

"Pinakilala ko po kasi siya sa parents ko. Sorry po hindi ko po siya ipinaalam." sabay yuko nito na humihingi ng dispensa. Napanguso ako.

"It's okag, Ivan, basta sa susunod sabihin mo sa akin para hindi ako nag-aalala," ani mommy habang nakangiti nang tipid.

"Si daddy?" tanong ko para mabago ang usapan.

"Pinagpahinga ko na kasi kagagaling lang sa company," sambit niya na ikinatngo ko.

"Mauna na ho ako, tita." paalam ni Ivan kaya tiningnan ko siya at nginitian. I had fun today.

"Bye!" paalam ko nang inihatid ko siya sa pinto hanggang sa makasakay siya ng kaniyang sasakyan at makaalis.

Bakit ang seryoso niya ngayon? Umiling na lang ako. Umakyat na kami ni mommy at nagpalit na ko ng damit at natulog na rin.
-
-
-
Enjoy Reading

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro