One
"KYAAAHH!! He's here! Oh my God!!"
"Welcome back Tets!! Waaaahhh!"
"I saw your game last week! Ang galing mo talaga!"
"Tetsu!! Marry me! Aaacckk!"
Abot hanggang dito sa canteen ang nakaka-iritang hiyawan ng grupo ng mga babae mula sa gate ng campus. Agad kumunot ang noo ko, mga babae nga naman.
Binayaran ko na muna ang binili kong lunch sa may kahera, kakatapos lang ng first subject tapos lunch agad ang bungad. Hooray, college schedule!
"Tsukki!" Oh! that's Yamaguchi, my only friend. He's been with me since elementary, medyo nakaka-umay na nga na hanggang sa mag college ay siya pa din ang kasama ko.
Pero wala naman akong choice, at wala naman akong karapatang mag-inarte, dahil ako din naman ang gumagawa ng dahilan para kaayawan ako ng ibang tao. Si Yams lang talaga nagtiya-tiyaga sa akin.
Dapat ko na ba 'tong ika-iyak? As if!
"What's your ulam?" Conyo nyang tanong.
"Tocino... Ang walang kamatayang young pork tocino ng Tokyo University, bow!" I said with a monotonous tone.
"Eh? Isang linggo mo ng inuulam yan ah, kaya pa ba?"
Araw-araw na lang tocino ampucha! Baka ito pa ika-iyak ko eh.
Eh sa kasalanan ko bang etong meal lang na ito ang pasok sa budget ko. Kung alam ko lang na ganito kamahal mag-aral sa University at city, eh di sana nag kahero na lang ako sa tindahan nila manong Ukai doon sa lugar namin.
"By the way, ano'ng mayroon doon? Bakit nagtitilian ang mga hinugot sa tadyang?" Tanong ko kay Yamaguchi habang naghahanap na kami ng mauupuan at nang maka-kain na.
"Hinugot sa tadya-!? Grabe talaga 'to! Anyway, kaya ganyan sila kagulo ngayon kasi pagkaka-alam ko ngayong araw daw ang balik nung Volleyball varsity and star player na Kuroo Tetsuro ang name? - ah, ayun! Upo tayo doon."
"Ahh... Yung senior na mukhang manok." Tango ko. For the record, hindi ako nanlalait, dine-describe ko lang siya.
"Sama ng bibig nito... Huy, gwapo yun ah!" Tinignan ko lang si Yams na para siyang nababaliw.
"Bading." Asar ko.
"Akala mo siya hindi! Kumain ka na nga lang ng tocino! Buti pa 'tong tocino matamis, eh ikaw? Napaka-salty mo."
Inirapan ko lang siya, tapos parang nasusuyang kinain ko na ang tocinong apat na araw ko ng inuulam. In all fairness, tender naman ang pork at mukhang hindi na-stock sa freezer.
Natapos ang lunch break na, as usual, walang nangyari.
Ka-umay naman ng schedule pag college na. Yung time ng subjects ko laktaw laktaw, ang haba ng vacant pero whole day. Sayang naman pamasahe kung uuwi pa ako sa dorm, buti pa si Yamaguchi isa lang ang klase kaya naka-uwi na.
I look at my wristwatch to see the time. "*Sigh~... Seriously, three hours pa?"
If boredom could kill, matagal na siguro akong patay. Anong gagawin ko sa tatlong oras? Makikipag bato-bato-pik sa sarili sa harap ng salamin? Haayst!
Nag-ikot na lang ako sa University, at dahil do'n, nalaman kong may tatlo palang gym ang school na ito. Aba malay ko ba.
Yung gymnasium kasi na napuntahan ko pa lang is yung gym 1 na ginawang hall noong opening ceremony.
As a freshman, medyo malakas na culture shock ang natatamo ko sa college life. Sana maka-survive ako hanggang graduation. Kung hindi, sasama nalang ako kay kuya Aki na manghuli ng butete sa Pacific Ocean. Speaking of kuya Aki, ano kayang katarantaduhan ang ginagawa non ngayon?
I'm currently taking a walk near the second gym nang mapansin ko yung mga grupo ng babae na sumisilip sa loob. Probably nanonood ng mga naglalaro or nagpa-practice na players.
They're satisfying their eyes, I see.
Pero bahala kayo diyan, para kayong mga eng-eng.
Naglakad na lang ulit ako. "Saan naman kayo ako next na pupunta? Eh may two hours pang natitira sa vacant ko."
"AH! Look out!!"
Busy akong mag monologue when a yell got my attention, and as a reflex, my head turn to see who was it. But to my surprise, a ball flying 90km/h appeared in front of me. And alam niyo na iyon, syempre it hit me.
"Oww!" Napasalampak ako dahil sa impact, natanggal din ang suot kong salamin. Sh*t, pag iyon nasira na naman...
"Yung salamin ko..."
Nakarinig na lang ako ng mga yabag papalapit sa akin at sumunod no'n ay ang isang boses. "Hey, o-okay ka lang?"
Tumingala ako pero hindi ko siya masyadong maaninag sa labo ng mata ko. I squinted my eyes, as if it helps me to see clearly kahit hindi naman talaga.
Then, a pair of hands reached my face at isinuot sa akin ang salamin ko.
The blurry vision of this man in front of me became clear. He's wearing a worried face as he stares down at me who's butt is still on the ground, like a damsel in distress. Yuck.
"Okay ka lang?" Tanong niya ulit noong hindi ako sumagot.
Napansin kong medyo malapit ang mukha niya sa mukha ko, thus, I can see his facial features na kahit medyo natatakpan ng ilang strands ng buhok niya ang left side ng face niya, masasabi kong he's handsome as f/ck.
And kahit na ba naglalatik siya sa pawis, dahil siguro sa practice, nangingibabaw pa rin ang amoy ng sandalwood perfume niya that makes me a little bit dizzy, but in a good way.
At dahil nga pawis, it also means that his shirt is wet with sweat. Bumabakat tuloy ang well-toned na chest and biceps nya. I wonder tuloy kung iyon lang ba ang bumabakat. Ayy-
Gising bakla!
"Tch, mukha ba akong okay after kong lumagapak sa lupa?" Maalat kong sagot.
Inabot niya naman sa akin ang kamay niya para tulungan akong tumayo na siya namang tinanggap ko.
Hindi niya ata na-tantiya ng maayos ang force niya kaya yung pagkahatak niya sa akin ay malakas. Napasubsob tuloy ako sa may leeg niya, at mistulang napayakap siya sa akin para umalalay kung sakali mang matumba o mapasubsob ako ng malakas.
"O-oh! Sorry, I didn't know you're not that heavy." He said while smiling awkwardly.
"And what do you mean by that?" Malditahan nga natin ang kupal na ito.
"Ah it's not an insult! It's just that, ang tangkad mo kasi kaya akala ko you also weigh heavy." He casually said pero may hint of compliment.
"Hmp." Wala na... wala na akong masabi, hindi ko na siya maaway!
"Sorry ulit, sorry po, sorry sorry. Hehe." And ayun na nga, he's acting cute, as if bagay sa kanya.
"Kyaaahh! Tetsu ang cutieee!"
Tili na naman ng mga babae sa gilid namin.
Halos nakalimutan kong may ibang mga tao pa pala sa paligid namin. Ano ba Tsukishima Kei!
"Oohh, thank you!" Kuroo Tetsuro said, thanking his girl fans with a wink.
Another squeals irritates my ears.
Sigh.... Girls.
And this flirty man. Another sigh.
"I'm outta here."
Naglakad na ako palayo pero hinawakan ako sa balikat ni Kuroo.
"Name mo?" Tanong niya, at hayan na naman ang ngiti niya. Model ba ito ng Colgate?
"None of your business." I shrugged him off at nagpatuloy na sa lakad. Ah-ah, I need to go to the clinic. Dumudugo na pala ng slight yung wrist ko dahil ito yung naipang-tukod ko kanina nung bumagsak ako.
"Oh... See you around, FOUR-EYES!"
Napahinto ako saglit, aba't ang buwisit na 'to, masyadong feeling close!
I raised my right hand and gave him a middle finger bago ako tuluyang umalis sa scene.
Sigh, college.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro