Four
"Tsukki... Huy!"
Nagulat ako nang tapikin ako ni Yamaguchi sa balikat.
"Bakit?"
"May problema ba? Kahapon ka pa parang wala sa sarili." Inilapag niya ang bag niya sa lamesa at umupo kami sa cafeteria table.
Lunch na, pero wala akong ganang kumain.
"Wala. Problemado lang sa mga subjects ko." Pagsisinungaling ko.
"Ikaw? Mamo-mroblema sa subjects? Magugunaw na ba ang mundo?" Pang-aasar niya naman.
"Pake mo ba. Eh di sana nga magunaw na, mas gusto ko pa iyon."
"Same..." sagot niya lang at saka nagsimulang kumain.
"Alisin mo man lang sana muna tong bag mo sa lamesa bago ka magsimulang kumain, ano?" Saway ko.
"Ayy, sorry."
Kumain na lang rin ako, pero wala pa din talaga akong gana. So far, normal pa naman ang atmosphere sa school. Walang tsismis o kung ano man.
Sigh. Ano kayang iniisip ni Kuroo tungkol sa'kin ngayon?
Ay wait! Bakit naman ako macu-curious kung anong tingin niya sa akin ngayon?! Wala naman akong pake doon.
Tinusok ko ng mariin ang Tocino sa plato ko.
"Patay na 'yan, kaawaan mo naman." Sita ni Yams sa ginagawa kong pananaksak sa nananahimik kong ulam.
"Sana all patay." Sagot ko na lang.
"Tsukk----i!" Nagulantang kaming dalawa ni Yamaguchi nang may biglang umakbay sa akin at tumabi sa upuan.
Pag tingin ko kung sino, si Kuroo pala.
Tinignan ko lang siya ng tingin na nagsasabing hindi siya welcome na maki-upo sa amin. Ang daming bakanteng upuan, hesusmaryosep!
"Ginagawa mo?" Bored at inis kong tanong sa bagong dating.
"Makikisabay mag lunch, wala akong kasabay eh." Sagot niya sabay turo sa tray niyang may kanin, sabaw, karne, at dalawang cupcake.
Nahiya naman ang tocino namin ni Yamaguchi, diba.
"Iyan lang ulam mo?" Puna ng manok.
"Pake mo?"
Tinitignan lang kami ni Yamaguchi na parang hindi mawari na close pala kami ng ugok na ito. Yams, tigilan mo 'yan, hindi kami close!
"Sungit naman, oh." Nagulat nalang ako nang lagyan niya ng beef ang plato ko, inabot niya na din ang isang cupcake sa tray ko sabay binigay din kay Yamaguchi iyong isa pa.
"Bawiin mo 'to, hindi naman ako nanghihingi sa' yo!" Inis ko siyang tinignan.
"Shunga, trade yan. Barter ganon. Wala akong inumin eh. Pahingi ako ng tubig mo." Nakangiti niyang sabi.
Napa-anga na lang ako. Trade ampota.
"Ba't hindi ka na lang bumili ng tubig mo?" Tanong ko ulit.
"Katamad pumila sa counter eh." Sagot niya at sinimulang kumain na din.
"May vending machine."
"Sira, hindi gumagana."
"Sigh. May gamot tubig ko."
"Ano ka elementary?"
"Tch... Mahal ang tubig ko, pahingi pa ako ng karne sa ulam mo." Pa-simple kong sabi na ikinabuga ng tawa ni Yamaguchi sa harap namin.
"Pfft! Forda the moves ang ferson hahahah!"
Sinamaan ko siya ng tingin at saka siya natigil.
Kuroo chuckled beside me pero binigyan niya pa din naman ako ng cut ng beef sa ulam niya. Nag share din siya ng potatoes and beans na mayroon as side dish niya.
Sa wakas, natatabunan na ang lasa ng tocino sa bibig ko!
Pagtapos naming kumain, kinuha ko ang tubig ko tsaka uminom.
"Pahingi ah." Bulong ni Kuroo sa gilid ko.
Ay oo nga pala, muntik ko nang ubusin.
"Tch. Oh." Inabot ko sa kanya yung bote at tinanggap niya 'yon.
Hindi ko sana papansinin kaso may na-realize ako. Pinagmasdan ko siyang idikit ang mga labi niya sa bukas na bote ng inuminan ko at uminom.
Takte! Bakit mukha siyang model sa commercial ng tubig!
Everytime he gulps, his Adam's apple moves at napapalunok na din ako sa sariling laway.
Nakaramdam ako ng sipa sa may paahan ko, pagsilip ko, paa ni Yams kaya tinignan ko siya.
Sumenyas ang bading na nagsasabing tigilan ko daw ang pagtitig dahil baka mabutasan ko na ang mukha. Oh eh di maganda!
Joke.
Pagkatapos uminom ni Kuroo, ibinalik niya sa akin ang bote ko.
"Thanks, Tsukki." Inabot ko iyon at akmang lalayasan na sana siya nang hatakin niya ako sa braso.
"May klase ba kayo agad?" Tanong kay Yamaguchi.
"Mamaya pa. Bakit?"
"Pwede bang mag-usap muna kami nitong si Tsukki?" Tinignan ko ng masama si Yamaguchi para warningan na huwag na huwag na huwag na huwag siyang aalis at iwan ako kasama ang lalaking 'to, pero hindi umubra.
"Ah sige lang, sa library muna ako. Enjoy~" Lumayas siya... Iniwan niya ako. Anak ka ng---
"Anong enjoy pinagsasasabi no' n?" Tch. Umupo nalang ako ulit at hinarap si Kuroo.
"Tara sa garden?" Pagyayaya niya sa akin.
"Ano ba kasing sasabihin mo bakit kailangan lumipat pa ng lugar?" Nakakatamad kayang maglakad.
"May itatanong lang, and I have to clarify something na din."
Sigh. Wala na din naman akong nagawa kaya pumayag na ako. Para lang sa ikatatahimik ng kaluluwa naming pareho, sige na!
-
Pagdating namin sa school garden, sakto walang tao. Umupo kami sa may damuhan sa gilid ng Acacia tree.
"Yung kahapon. You didn't report it to the professors?" Paumpisa niya.
"Wala namang benefits. Tsaka ako naman ang nangialam sa inyo no'n. Pero mali niyo rin, bakit sa school niyo ginagawa."
Natahimik ulit kami pareho. Siguro he's contemplating na din dahil sa sinabi ko.
"Sorry... I'll never do it again." Nakayuko niyang sabi.
Naks! I received an apology. From this person, nonetheless.
"Hmm." Tango ko lang.
"And, sorry din. When I disrespected you and said bad things to you."
I've never received an apology for disrespecting me before. This is a first. And so, I don't know what to respond. Tatanggapin ko ba? Tapos ano?
"Why... Why did you said it, back then? Why did you gave me an offer like that? Alam mo ba simula pa lang na bakla ako?" Tanong ko.
"Ahh... So, you're really gay? I thought you were just kidding nung sinabi mo kahapon. Or you're just making excuses to run away from me. I didn't know. I have no idea, hindi din kasi halata sa'yo." Paliwanag niya.
"Ahh... Hindi naman kasi ako openly gay."
"Ohh... I see."
Another katahimikan between us, this is getting awkward kaya naman naisip kong umalis na kung wala naman na siyang ibang sasabihin.
"Is that all? Babalikan ko na si Yams, then..."
"I don't know if I'm allowed to say this. But yesterday, when you said you're different, that you're gay, I... I felt happy for unknown reason."
"Huh?!" He felt happy? Dahil bakla ako?
"When I saw you yesterday barging inside the storage room, interrupting us, I felt excited. My heartbeat became unreasonably fast, and the next thing I knew, I said that to you. I'm sorry."
He... did I heard it correctly?
"You... you just look very attractive to me." He finally lift his head and look at me.
Nagulat ako sa expression na mayroon siya. He's confused, worried, and happy at the same time, if that's possible.
"Ever since our first meeting naging ganito na ako towards you. There's something pulling me papunta sa'yo and I don't know what it is." Tinignan niya akong maigi sa mata.
"I wanted to know what this is and confirm it. So, Kei..."
Nagulat ako nang tawagin niya ako sa first name ko. Not Tsukki, but my first name.
He slowly leans his face towards mine at bago pa ako maka-react, our lips touched.
It was soft, fluffy, warm, bright, like in the summer where you just lie down on dandelion fields and watch the clear skies and playing white clouds.
My body responds on its own, i close my eyes and just lets the moment going.
The kiss was never forced, it never involves tongues nor saliva. It's just a plain kiss, but I know this kiss will forever be engraved at my core memory.
When I look at Kuroo after our kiss, he was smiling. Sweetly, no impurities.
"Tsukki... I think...
I like you..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro