Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Five


"I think I like you... Nye nye nyeh." Asar kong nilagay ang gamit ko sa locker bago pumasok sa unang klase ko ngayong araw.

"Tsukki!" Bulaga ni Yamaguchi sa akin at halatang kakapasok lang.

"Oh?" Seryoso kong tugon.

"Alam mo, kahapon ka pa sabog. Hindi mo ko sinabayang umuwi, hindi ka nagrereply sa mga texts at chats ko. Hindi mo rin ako sinabayang pumasok kanina. Aminin mo nga, nagsasawa ka na ba sa akin?" Litanya niya.

"Himala na ngayon mo lang na-realize yan." Naglakad ako at iniwan si Yams na nagpa-pout, as if may hahalik sa kanya sa labi...

At speaking of halik... Bakit ko pa ba naalala ang pangyayaring iyon?!

Una sa lahat, pagtapos akong halikan ni Kuroo sa garden kahapon, pumasok ako sa mga susunod na klase na tuliro at syempre umuwi rin akong tuliro.

Hanggang pag-uwi ko ng bahay at pagtulog, inaalala ko ang na walang first kiss ko.

At oo, first kiss ko iyon.

"Si Kuroo oh!" Turo ni Yamaguchi. Agad naman akong napalinga at hinanap kung nasaan si Kuroo, pero wala naman akong nakita.

"Ayon. Eh di nakuha ko rin ang atensyon mo!" Sabay binatukan ako ni Yams.

"Ara--! Isa, Yamaguchi Tadashi!" Sita ko

"Dalawa, tatlo, apat, lima. Pansinin mo kasi ako, kanina pa ako nagsasalita hindi ka naman ata nakikinig, ano bang nangyayari sa'yo ha?"

"Wala, ayokong pag-usapan."

Nagpatuloy kami sa paglalakad, medyo mahaba-habang lakatan mag mula sa locker area papunta sa classroom namin kaya naman kinuha ko ang headphones ko at sinuot, tapos ay nag scroll sa phone para humanap ng kanta.

"Tingnan mo ito, bastos. Nagsuot ng headphones, parang walang kasama ah." Rinig kong maktol ni Yams habang hindi pa ako nakakapili ng kanta.

Eto na nga lang.
Syempre hindi ko sasabihin kung anong tugtog, ayaw kong i-reveal ang laman ng playlist ko.

Maya-maya, naramdaman kong kinakalabit ako ni Yams ng marahas.

"Ano ba yon?!" Inis ko siyang binalingan.

"Si Kuroo oh." Turo niya.

"Tigilan mo nga ako, kanina mo pa yan nagawa hindi na uubra." Hindi ko na sana siya papansinin pero pagtingin ko sa harapan, nakita ko nga si Kuroo na may kausap na babae at tumatawa pa sila.

Tch...

Nag diretso ako ng lakad at hindi sila pinansin. Bakit ko naman kasi papansinin, dahil lang ba naghalikan kami kahapon? Eww.

"Hindi ka ba mag he-hello?" Tanong ni Yamaguchi matapos namin silang malagpasan.

"Ikauunlad ba ng bansa kung mag he-hello ako?" Pambabara ko.

Ayos na sana nang bigla akong tawagin ni Kuroo ng ubod ng lakas.

"TSUKKIIIIIIII!!!"

Naramdaman kong lahat ng tao sa corridor ay napatingin. Sino ba namang hindi, eh kahit naka-headphones ako at malayo na siya sa lugar namin ay narinig ko pa rin siya.

"A-ah, good morning, Kuroo." Bati ni Yamaguchi kaya nginitian siya ni Kuroo at binati pabalik.

"Hmm... Hindi mo ba ko babatiin, Kei?" Tanong niya sa akin.

"Birthday mo ba?"

"Sungit naman. Good morning! Nag-almusal ka ba bago pumasok?" Sumabay maglakad sa amin si Kuroo.

"Hindi iyan nag-aalmusal hahaha!" Sagot ni Yamaguchi, kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tinanggal ko na rin ang headphones ko para hindi naman ako mukhang bastos kahit na gustong gusto ko ng bastusin ang kasama namin ngayon dahil deserve niya naman.

"Tsk! Anong oras klase niyo? Mag breakfast muna tayo kung gano'n. Hindi pa rin naman ako nag-aalmusal eh." Parang bata niyang sabi.

"Ahh, may 40 minutes pa kami bago magstart first class namin." Si Yamaguchi ulit ang sumagot. Buti na lang talaga nandito ang best friend ko!

"Great! Tara, libre ko na." Napa-palakpak niya pang sabi bago kami hinatak papuntang cafeteria 1.
Oo, cafeteria 1. May tatlong cafeteria kasi sa University na ito.

"Can you stop dragging people on a whim? Self centered ka ba, ha?" Puna ko kay Kuroo nang marating namin ang cafeteria.

"But, you'd still come with me... Diba?" Pa-cute niyang sabi na siya namang ikinapula ng mukha ko.

Oo na! Sasama naman din talaga ako eh! Wala naman kasing choice!

"Order kayo ng kahit anong gusto niyo, huwag kayong mahihiya. I want to start my friendship with you guys, so be comfortable around me, okay?" Para siyang professional conman sa inaasta niya. Ang sarap batukan.

"Waahh, thank you kuya Kuroo." Nag-order na si Yams habang ako naman, pumipili pa rin.

"Ano na lang sa akin, hmmm... Chicken and ham sandwich at saka chocolate blend coffee." Order ni Yams.

Hindi ko pa nasasabi kung ano ang sa akin dahil hindi pa ako tapos mamili ay tumayo na agad si Kuroo.

"Yun lang? Sige, wait. Bili na ako." Pumunta siya sa counter para bumili. Akala ko ba libre niya pati ako? Bakit hindi ako hinintay?!

"Sana pala nauna na ako sa room." Seryosong mukha kong sabi kay Yamaguchi na nginitian lang ako.

Saglit lang din at bumalik na si Kuroo sa table namin na may dalang dalawang tray, tapos kasunod niya ang isang cafeteria staff na may dala namang isang tray.

"Okay, let's eat." Nilapag sa table namin ang tatlong tray ng pagkain, isa sa tray is yung order ni Yamaguchi, while yung isa is a hot latte and a peanut butter sandwich.

Yung last tray is a bit overwhelming, mayroon ba namang golden fried rice, hotdog, egg, a bowl of miso soup, and milktea.

"Tsukki, sabihin mo lang kung may gusto ka pa ha." Nagulat ako nang ilapag niya sa harap ko ang tray na may maraming pagkain.

"Sa akin 'to?" Maang ko at tumango lang siya sabay naupo na rin.

"Ano ako? Baboy? Hindi ko mauubos' to." Pumarte ako ng fried rice at hotdog tapos nilagay sa bakanteng space ng plato ni Kuroo.

"Hati tayo."

Pinagmasdan niya lang akong hatiin yung mga pagkain na alam kong hindi ko kayang ubusin.
"Andami mong binili sa amin, tapos iyan lang kakainin mo. Sira ka talaga."

After kong ibigay yung ibang food sa kanya, sumubo na ako. Hindi talaga ako sanay na nag-aalmusal, pero hindi ibig sabihin ay tatanggihan ko na ang grasya.

"Thank you..." He softly said, almost whispering it to me.
"Ako dapat ang nagth-thank you, hindi ba libre mo ito?" Naka-iwas tingin kong sagot.

I just heard him chuckled tapos ay nagsimula na ring kumain.

"Gusto mo sandwich?" Alok niya sa akin nung sandwich niya at tinanggap ko naman yung inaabot niyang kalahati no'n

"Kunwari hindi niyo ako kasama." Bulong ni Yams, na alam kong pasimpleng nagdedemonyo ang isip dahil sa nakikita ngayon.

"Tsukki, anong oras tapos ng lahat ng class mo?" Tanong ni Kuroo.
"Eh? 5:30PM, bakit?"

"Ahh... Ano kasi eh... ano... well, uhmm... Mamaya kasi... ano..."
Hindi niya masabi kung anong gusto niyang sabihin, may pakamot-kamot pa siya sa batok.

"Ano ba iyon? Sabihin mo na."

Natigil siya saglit sabay tumingin ng diretso sa akin.

"Gusto ko sanang manood ka mamaya ng practice namin ng volleyball mamaya, sa gym 2." Napayuko ako at nailapag ang kutsara nang marinig ko ang imbitasyon niya.

"Vo-... Volleyball, huh."

Napa-seryoso ng tingin sa akin si Yamaguchi. He knows how I still feel about it. Syempre naman kasi he also knows what happened in the past.

I was about to decline Kuroo's invitation pero biglang pumasok sa isip ko ang ino-overthink ko noong mga nakaraang araw.

I didn't changed at all.

All I did was to escape, pero ako pa rin yung dating mahina at takot na highschool student sa Miyagi.

If I want something to change in me, maybe I should take a further more steps and get out of my comfort zone.

"S-sige... I'll be there after class."

Napa-Yes naman si Kuroo at may pasuntok pa sa hangin na akala mo sinagot ng nililigawan.

"Para kang baliw, kumain ka na nga. Papasok pa kami."
Napangiti ako ng lihim at sinulyapan si Yams, naka-thumbs up sa akin ang gago.

Tinapos lang namin ang pagkain tapos ay hinatid kami ni Kuroo sa classroom namin sa 4th floor ng building ng department.

"Sabi ko huwag na eh, magkaiba tayo ng building tapos 4th floor pa ito. Hindi ka ba napapagod?" Tanong ko habang nasa harap na kami ng pinto ng room

"Una na ko sa loob, Tsukki. Kuya Kuroo, thank you." Paalam ni Yams.

"No prob!..." Bumaling sa akin si Kuroo. "Hindi naman nakakapagod kasi kasama kita eh." Nakangiti niyang sabi.

"Ikaw... seryoso ka ba sa ginagawa mo?- More like, alam mo ba 'tong ginagawa mo?" Seryoso kong tanong.

Ibinalik niya sa akin ng seryosong tingin ang tanong ko.

"To be honest, I'm not sure yet. Ngayon ko lang naman naramdaman to sa kapwa lalaki eh. So..." He trailed off.

"Later na lang, hintayin kita sa gym mamaya ah! Bye bye, Kei! Aral mabuti." Nakatakbo siyang kumakaway paalis.

"At least finish what you're saying bago umalis. Tch..."

Pumasok na ako sa room at hindi nagtagal, nagsimula na rin ang mga klase ko.

Pero imbis na mag focus ako sa mga discussions at lessons, tila ata nasa ibang lugar ang utak ko.

Gusto ko nang matapos ang mga klase ko... At tumakbo papunta sa gym 2.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro