Chapter 9: The Case of Manny the Mad Murderer(2)
AGNES
*Clank* *Clank* *Clank*
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang nakakarinding tunog ng chains sa kamay at paa ko, kisame na gawa sa kahoy ang unang bumungad sa akin nang luminaw ang mata ko. I tried to move my body but it's still feel numb, actually I feel nothing at all, it gave me a hunch that the drug is still in effect and flowing around my veins making me paralyzed, tanging mga daliri ko lang sa kamay at paa ang maari ko maigalaw sa ngayon pero bawat galaw na pinipilit ng kamay ko ay nakaka likha ng tunog ng kalampag galing sa chains na nakakasakit sa tenga.
I really hate the sounds of chains
Every clanking sound pierces my eardrums that make my head drive crazy, and every time I hear them jingle I feel like it's dragging me to remember that place that I call my worst nightmare, that hellish room that I no longer want to go back anymore.
It took me awhile to register where I am and what situation I fell myself into right now. Napansin ko na nakahiga ako sa malamig na sementadong sahig, naka gapos ang mga kamay at paa sa chains, a bulk of cloth stuffed in my mouth to prevent me from screaming or talking. At sa tingin ko ay nasa gitna ako ng malaking pentagram na gawa sa dugong naka ukit sa hinihigaan ko.
Walang bintana sa silid na kinaroroonan ko ngayon, tila napapalibutan lang ng mga semento at nag iisa lang ang pinto na nagsisilbing entrance at exit sa kwartong ito, wala ring ibang gamit dito maliban sa isang higaan, the one you'll see in the hospital, di kalayuan sa direksyon ko, may katawan nakahiga doon which I believe is the body parts of those dead girls being stitched together para sa ritwal na gagawin ngayon ni Madman Manny, a.k.a Emmanuel Dixon.
And speaking of him, busy siya sa pagsisindi ng mga kandila na nakapalibot sa akin, isang kandila bawat point ng pentagram, ang ilaw lang ng kandila ay nagsisilbing liwanag sa buong kwarto at dahil walang bintana ay umiinit na ang buong paligid, every second goes by makes the air thinner and harder for me to breath because of the built up heat from the candles, its lavender smell makes it even more suffocating.
Bumalik ang tingin ko sa kisame, inaalala kung bakit sumang ayon ako sa plano ng Kris na yun, at 'bat parang late ata sila? 'Wala pa sila hanggang ngayon! Ilang minuto nalang at iaalay na ng lakaking 'to ang kaluluwa ko they should be here by now! I swear if they don't make it here on time I'll drag that asshat Kris' soul with me in the depths of hell.
Flashback
"I have a plan." Kumurba ng isang ngiti ang labi ni Kris na parang confident siya sa planong sasabihin niya sa amin at 100% sure na gagana iyon. "I'm certain that Madman Manny will come back for Samantha and abduct her, she also in fact one of Manny's victims. We'll use that moment as bait in capturing him red handed."
"Ambush ba laban kay Madman Manny ang nais mong gawin?" Tanong ni Bobby.
"I won't call it an ambush, if you use that word it means a number of people will attack him at once which is futile, it'll only put his victim in danger, he might use her as hostage or worse kill her." Sumandal si Kris sa swivel chair at nilaro ito. "We'll let him do as he pleases in abducting his victim as we will stay hidden behind the shadows waiting and following him until he arrives at his hideout then capture him. But of course, hindi hahayaan ng Conspiracy Research Club na mapahamak si Samatha kaya a dummy would be better." Nilaro niya muna ang mga daliri niya bago dahan dahan na lumipat ang tingin sa akin.
Luh? Ako?
"Oh no, count me out mister, hindi ako magbubuwis ng buhay para diyan, 'bat di nalang ikaw? Tutal plano mo naman yan eh!" Not that I'm afraid to die, I'm an assassin, not their club's fish bait to lure the killer, nasaan naman ang dignidad ko bilang assassin kung magpapa alipin ako sa sarili kong target!? At hindi rin ako confident sa plano ni Kris, it's too risky.
"I just thought that you're a perfect candidate to be Samantha's replacement, hindi ba pinagmamalaki mo pa sa harap namin ang galing mo sa pakikipag laban? Why not put it to good use and lure Madman Manny for us hmm? Oh and in case you've forgotten, this is the last day for students to join their clubs, if you don't join a single club you'll get a bad record, we wouldn't want that so I've been thinking if we could consider you joining us." Mas lalong lumapad ang ngiti niyang may halong pang aasar, di pa talaga siya maka move on sa away namin kanina? And being manipulative is one thing I hate about him.
"Ano ayaw mo?" He sneered. "Fine" I hissed, wala na akong magawa kundi sundin ang gusto niya, papatay pa ako ng tao kung gusto nila all for the sake of joining this club.
He claps his hands and smile with victory. "Then it's settled, but there's more to your role than playing the victim, you need to subdue or distract him from continuing the ritual."
"I could just beat him up before abducting me." Bulong ko pero sapat ang lakas nito para narinig ni Kris.
"I don't want the club to be held liable for collateral and civil damage. At gusto din ng mga pulis na i-retrieve yung mga body parts so you have to lead us to whereabouts."
"Edi next week na natin ma e-execute yung plano dahil isang linggo ang interval ng pagpatay ni Madman Manny?" Tanong ni Emily.
"Ah hindi na kailangan mag antay ng isang linggo dahil kumpleto na ang body parts na nakolekta ni Manny, sabi ni BettyTilapia143 isang kaluluwa nalang ang kailangan isakripisyo sa demonyo para makumpleto ang ritwal, a soul for a soul kumbaga, it's the kind of practice satanists do para makapag buo sila ng kasunduan sa demonyo." Ani ni Marco habang binabasa ang comment ng viewer niya at tumingin sa akin, mukhang di niya alam kung ano sa sabihin niya kaya ngumisi nalang siya awkwardly.
Teka, teka. At kailan pa ako nag agree na gawing sacrificial lamb?
"You already took your word, stupid." Magsasalita pa sana ako to defend myself pero tumayo si Kris and declared his final say. "Our operation starts tonight."
Napa face palm nalang ako.
Pagka dismiss ng klase sa hapon ay agad kaming nagkita kitang apat at dumiretso sa bahay kung saan kasalukuyang tinutuluyan ni Samantha, she's currently staying with her aunt dahil wala siyang kasama sa former niyang bahay. Kinwento namin sa kanila at sa mga pulis ang insights namin and our plans to capture Madman Manny.
Samantha was of course petrified lalo nang malaman niya na siya ang susunod na kukunin ni Mandman Manny but has calmed down when we assured her that I would get abducted in her place-na labag parin sa kalooban ko-Pinakiusapan din namin ang mga pulis to not raise security at baka maghinala ang culprit, in fact pinakiusapan namin to not get them involve during the operation, dun nalang sila maki alam kapag nasundan na namin si Madman Manny sa hideout niya. Sumang ayon naman si Inspector Watson but insisted in coming along with us at mukhang ok lang naman para kay Kris, we need his ride after all.
The operation has commenced at midnight and Madman Manny has indeed sneaked up to Samatha's room situated on the second floor. And this time he used the window that I purposely left unlocked, I took a peak from under the covers only to see that he look exactly like Samantha has described, wearing a black cloak, has skull-shaped mask that covered all his face up to his neck, has black leather booths creating a soft thumping sound every time he took a step, and black gloves that are now lifting the covers of my face down to my hips, automatic kong ipinikit ang aking mga mata dahil dun, at lalong dumilim ang paligid nang maramdaman ko ang malamig na likido na dumadaloy sa ugat ko mula sa injection na tinurok sa pulso ko, tuluyan akong bumigay at nawalan ng malay.
End of Flashback
Napatingin ako Kay Emmanuel Dixon nang tumayo siya sa gitna, I got a better look at what he looked like without his mask on, magulo ang itim niyang buhok, napaka stress ng mukha kaya at kapansin pansin ang nakausli niyang cheekbones, malalalim ang bags sa mata at balingkinitan ang pangangatawan na parang ilang araw na siyang hindi nakakapag pahinga at kumakain, I'm surprised that he still has the strength to carry me. He looks tired and dreadful, he's not the righteous doctor he used to look like when I first saw him in Marco's profile. He looked like all sanity has snapped and he's no longer Dr. Emmanuel Dixon, he's all but a mad killing machine.
He is now Madman Manny.
Tumingin muna siya sa kanyang wristwatch at bilang saglit lang ay kinuha niya yung libro sa nakalatag sa sahig, he flipped a few pages at nagitla ako nang sinimula niya itong basahin gamit ang linguaheng hindi ko maintindihan pero iisa lang ang pumasok na ideya sa isip ko.
He's chanting. At ibig sabihin lang nun ay nag uumpisa na ang ritwal.
'bat ang tagal nila?
Nanatili lang akong kalmado at nag iisip kung ano pwedeng gawin ko, unti unti namang nawawalan ng epekto ang droga pero hindi pa sapat para magalaw ang buong katawan ko at nakaka ramdam pa rin ako ng manhid.
Nagsimula na akong kabahan nang humakbang si Madman Manny papalapit sa akin, habang nag c-chant ay nag labas siya ng hunter's knife mula sa bulsa sa likod ng pantalon niya, nagsimula nang tumibok ng napakalakas ang puso ko.
He's going to kill me!
Sinubukan kong galawin ang katawan at labanan ang pamamanhid nito but my body resisted because of the clanking sound of the chains that is piercing through my ears. I whimpered in the bulk of cloth stuffed inside my mouth as my situation became a fight between my life and the horrifying sound that unveils my past nightmare.
Napatigil ako nang ma-realize na nasa tapat ko na pala siya, lumuhod siya at yumuko, tumingin siya sa akin habang ni-r-recite ang mga huling sentence ng chant niya, his eyes are soulless at walang ibang expression sa mukha niya kundi ang pighati, galit, at kagustuhang kumitil ng buhay, he has the face of a murderer
And a crazy smile of a psychopath.
Iniangat na niya ang hunter's knife sa tapat ng puso ko, dali dali nang nagpapahiwatig sa sakin ang conscience ko na kailangan ko nang gumalaw. Fortunately, adrenaline came rushing in to my system at nagawa kong hawakan ang kamay niya bago tumama ang hawak niyang kutsilyo sa dibdib ko, kita ang pagkabigla ng itsura niya at bago pa siya maka react ay agad Kong binali ang buto ng kamay niya, naglikha ito ng tunog kagaya ng pagputol ng isang ruler na gawa sa kahoy.
"AAAAAHHHHHH!!"
Napahiga siya sa sobrang sakit na nadama niya at pagulong gulong ito, tila nag e-echo sa buong kwarto ang sigaw at hagulhol niya which is music to my ears. Nang naramdaman kong nawala na ang pamamanhid ng katawan ko at nanumbalik ito sa dati niyang lagay ay agad akong bumangon at isa isang tinanggal ang pagkabit ng mga kadena sa mga kamay at paa ko.
Nagsimula nang mataranta si Madman Manny nang makita niya akong tumayo, tila nalipat sa kanya ang takot ko kanina. Umusog siya ng ilang distansiya palayo sa akin habang iniinda ang sakit at sinubukan ding tumayo para komprontahin ako. Hinablot niya ang revolver sa bulsa niya gamit ang free hand niya.
"Diyan ka lang at huwag mong subukang gumalaw o papuputukin ko 'to!" Pagbabanta niya amidst of his trembling voice.
Pero di ako nakinig at ngumisi sa kanya, agad siyang nagpaulan ng ilang bala nang sumugod ako papalapit sa kanya. Being Mr. Kwoon's student and having years of deathly training with him, natutunan kong iadjust ang paningin ko para makakita ng anumang bagay gaano man ito kaliit, kalayo ang distansiya at kung gaano ito kabilis kumilos. Kaya kita ko kaagad ang maliliit na bala na papasalubong sa akin at mainam ko itong iniwasan.
Bakas sa mukha ng kalaban ko ang kanyang pagkabigla at lalo pang lumaki ang mata niya nang sa isang iglap lang ay di niya namalayan na nasa harapan niya na pala ako, di ko na hinayaan ang pagkakataon at agad kong sinipa ang kamay niya para madulas ang pagkahawak niya sa baril at habang lumilipad ito sa ere ay kumawala ako ng isang malakas na suntok na sa panga niya dahilan para tumalbog ang katawan niya at bumagsak sa sahig.
Napa 'tsk' ako nang makita ko siyang gumagalaw pa, nahihirapan siyang tumayo at dinig ko ang mahina niyang paghikbi dahil sa iniindang sakit, I got pissed dahil hindi pa sumusko yung kalaban ko, paika-ika siyang naglalakad papunta sa pinto, his broken right arm flailing from different directions mukhang gusto niyang tumakas.
Hindi pa niya pinipihit ang doorknob nang muli siyang sumigaw sa sakit dahil binaril ko ang kaliwang kamay niya gamit ang baril niya na pinulot ko, him shouting in agony makes my ears feel all the joy and my eyes oozing with satisfaction just seeing him suffer and bathing in blood, my lips of course never stopped smiling.
Now he won't be using his hands anymore.
Lumapit ako sa kanya at hinablot ang kwelyo niya, inilayo ko siya sa pinto and threw him on the ground at para hindi na siya gumalaw ay tinapakan ko ang leeg niya, he looked at me like a scared child, at dahil wala na siyang laban he resorted to his childish solution-pleading.
"P-please spare me! Ginawa ko lamang iyon para makapiling ulit ang anak ko, nawala ang lahat sakin nung namatay siya. Sinigurado ko ng lahat ng features, hubog ng katawan, tangkad, blood type ay kapareho ng anak ko. Hindi ko pinalampas ang bawat detalye, pati ang oras at araw kung kailan ko makukuha ang body parts nila, sinunod ko iyon ayon sa nakasulat ng ritwal! Isang kaluluwa nalang ang kailangan para mabuhay ang anak ko, nagawa ko pang talikuran ang pananampalataya ko sa diyos dahil desperado na akong makita siya ulit, mayakap, at makausap. Kaya nakikiusap ako, isang kaluluwa lang, at matatapos na ang lahat nang ito. Isang sakripisyo nalang." Pagsusumamo niya.
Tahimik ang buong silid, tunog ng malalalim na hinga lamang ang tanging umaalingawngaw sa paligid, nanatiling nakatingin ang mga mata niya sa akin hoping that I should spare his life kahit kakaunti lang ang pagkakataong iyon.
Tears welled up in his eyes dahil hindi ako umiimik, batid niya na kahit anong gawing pagmamakaawa niya ay hindi siya pakikinggan because of all the lives he had ended under the palms of his hands, and all the sins he committed had made justice and all the good things in this world turned against him.
My eyes remained expressionless as he looks pitiful. Tila nabasag ang katahimikan sa paligid nang magsalita ako. "You know, you just got unlucky having me as your hostage, and I'm sure I-or even the devil themselves-" nanlaki ang mata niya nang itinutok ko ang baril sa noo niya, I smiled sweetly. "-doesn't give damn about you."
"This is the Tremerton City police force and we order you to remain in your place!"
About time!
Huminga ako ng malalim the police managed to break in before I could pull the trigger and end Madman Manny's life.
"Magaling ang ginawa mo hija, okay ka lang ba?" Narinig ko ang boses ni Mr. Watson, lumingon ako at nakita ko siyang palapit sa akin kasama ang iba niyang kasamang pulis.
"Okay lang ako Inspector." Sabi ko at ibinigay sa kanya yung hawak kong baril, unti namang pinosasan nung dalawang pulis si Madman Manny at kinaladkad palabas.
"Muntik na akong atakihin nang makarinig kami ng mga putok ng baril, dahil dun halos magkandarapa yung mga kasama mo, kanina pa sila di mapakali." Wika niya, ibig sabihin nag alala sila sa kalagayan ko? Kasama ba nun si dumbo Kris na siyang naglagay sa akin sa sitwasyong 'to?
"At mukhang kailangan mo rin ng medic." Dagdag niya pointing his eyes sa kaliwang braso ko na di ko namalayang may sugat pala at tumutulo ang mainit kong dugo, I also got stains on my sleeves, baka dumaplis yung isa sa mga bala sa braso ko habang umiilag ako sa mga putok ni Madman Manny kanina.
"Halika at dadalhin kita sa medic, nandoon din ang mga kasama mo naghihintay sayo." Hindi na ako nagsalita at sinundan nalang siya.
Naningkit ang mga mata ko dahil sa iba't ibang kulay ng ilaw na nakakasilaw sa mata mula sa labas, kulay red at blue na ilaw galing sa siren ng mga police cars, at white na nagd-dominate sa lahat, kumukuti-kutitap ang mga ito na parang disco ball at halos silhouette at anino nalang ang nakikita ko sa mga tao sa labas, lahat busy doing their role in the operation.
Pero may isang silhouette na nakatayo lang sa tapat ng entrance, nakapamulsa siya at parang may hinihintay. I was surprised to see it was Kris when my eyes had adjusted to brightness at luminaw ang paningin ko, his brown eyes looking at me calmly when I stood in front of him.
"I'm bleeding." Sabi ko sa kanya.
"I can see that stupid." Sabi niya sakin.
"It's your fault I'm injured."
We stared at each other.
Gusto kong siyang sitahin at mag reklamo dahil ang tagal nilang dumating, who knows what might happen to me kung di lang naagapan ang pag kawala ng epekto ng droga.
Ibinuka niya ang bibig niya pero bago pa siya magsalita ay biglang nagsidatingan sina Emily, Marco, at Bobby, maluha-luha silang nagkumpulan sa harap ko.
"Wahhh Agnes akala ko may masama nang nangyari sayo!" Hagulhol ni Bobby, naghahalo na ang tumutulo niyang sipon sa luha niya.
"May sugat ka sa braso halika at magpagamot sa medic mukhang malalim yung sugat." Sambit ni Emily na may halong pag alala, dinig ko ang panginginig ng boses niya at ramdam ko ang lamig ng kamay niya habang inalalayan ako papunta sa ambulance.
Umakbay naman sa akin si Marco habang kami ay naglalakad. "Alam mo ba na hindi kami mapakali sa kaligtasan mo dahil hindi namin alam kung ano ang kalagayan mo sa mga oras na yun? Halos maihi na sa pantalon si Bobby dahil sa sobrang takot." Narinig ko namang nag 'hoy' mula sa likod si Bobby. "Kaya mahabaging diyos, laking pasasalamat ko sayo at ligtas at buo si Agnes! Halika dito Agnes at humarap ka sa camera, gustong malaman ng mga viewers natin ang kalagayan mo, batiin mo sila." Nagitla ako nang iniharap niya sa akin ang camera niya, kita ko ang mukha ko sa screen habang kinukunan ako ng video.
Sumimangot ako bago tiningnan si Marco ng masama. "F**k off." I hissed bago dumeretso sa paglalakad at iwan siya.
Nanatili naman siya sa pwesto niya, bewildered bago siya tinapik ng napaka lakas ni Bobby.
"O diba? F**k daw vlog mo!" Pang aasar ni Bobby.
"Camera shy lang siya baboy ka!" Sigaw ni Marco at nagsimula na silang maghabulan at magsipaan.
"Ako na ang humihingi ng tawad sayo in behalf of the club, Agnes." Napatingin ako Kay Emily na nasa kanan ko, nakaupo kami ngayon sa likod ng ambulance at gingamot ng isa sa mga nurse ang sugat ko sa braso. "Lalo na sa President namin na si Kris, masyado siyang padalos dalos at basta ka nalang ilagay sa panganib." Sabi pa niya, nakatuon lang ang titig niya sa lupa. Sa kanilang apat, kita ko sa mga kilos niya na siya ang pinaka nag-alala sa kalagayan ko, I can see through her eyes that she's kindhearted and sweet.
Ngunit hindi ko alam if her actions are sincere or not.
"It's fine, wala naman nangyaring masama sakin, and I didn't inflict any civil damages like your president wanted" I blunted said.
"P-pero paano nga kung may masamang nangyari sayo?! Kahit sinong matinong tao ay iisipin na delikado iyon and yet pinush ka pa rin ni Kris, naisipan pa niyang i-black mail ka! Hindi ko matatanggap kung may masamang mangyari pa sa mga kaibigan ko Agnes, hindi ko kakayanin!" Tears started to fell from her eyes na sa tingin ko ay kanina pa niya pinipigilan, pero mas naagaw ang pansin ko nang sinabihan niya ako na isa akong kaibigan.
Kaibigan? I don't believe in such word, dalawa lang naman sa mundong ito ang tinuturi kong kaibigan, and both are not with me anymore. And if you did see me as one kahit ngayon lang tayo nagkakilala, well, you're so bad at picking friends.
Hinimas ko nalang ang likod niya, kunwari kino-comfort ko siya.
"Don't keep it to yourself Emily, hindi naman ikaw ang may kasalanan, kung may taong dapat sisihin dito iyon ay ang magaling niyong Club President." Napatigil naman si Emily at takang tumingin sakin na may halong pagtataka.
"He's annoying, childish, arrogant, hostile, snob, he makes people feel uneasy." Naramdaman kong sinisiko ako ni Emily pero di ko siya pinansin.
"He's rude, crude, masungit, feel niya hari siya, na lahat ng mga sinasabi niya tama dahil matalino siya, ang taas ng pride niya, at napaka hambog niya sa puntong nagmumukha na siyang lobo dahil lakas ng hangin niya, at higit sa lahat he makes people feel stupid-"
"You're stupid."
Natigilan ako dahil sa biglang pagsulpot ng isang malalim at malamig na boses sinlamig ng hamog, lumingon ako kung saan galing ang boses na iyon only to find out na tama ang hinala ko na galing Kay Kris iyon. Nakatayo siya sa harap namin bitbit ang isang puting jacket sa kaliwang braso niya, naka kunot ang noo at masama ang tingin sa akin, kaya pala kanina pa kumakalabit sakin si Emily, narinig kaya niya lahat ng sinabi ko?
"I was about to congratulate and welcome a new member for the club, but your side comments makes me feel like I'm the bad guy here." Ani niya.
"Totoo naman kasi yung mga sinabi ko. 'Bat ko pa id-deny? Tsaka dahil sa plano mo na injured ako." Sabi ko pointing my injured right arm.
"Mas na injured pa nga si Madman Manny kesa sayo. I remember saying to subdue him, not break his arms."
"Wala ka kasi dun kaya di mo alam kung ano nangyari. I was fighting for my life you dummy-" Napatigil ako sa pagsalita nang maramdaman ko ang pagsaklob ng mainit na tela sa ulo ko, it was a white jacket na suot ni Kris.
"It's cold." Iyon lamang ang huling sinabi niya bago tumalikod at naglakad palayo sa amin, hands slid in his pockets.
Tumingin ako Kay Emily and she just smiled at me, muli kong ibinaling ang atensyon ko Kay Kris nang magsalita siya ulit.
"Oh, before I forget. Welcome to the club." Sabi niya habang nakatalikod pa rin sa amin, I was taken aback nang lumingon siya and smiled at me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro