Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7: Conspiracy Theory Research Club

AGNES

Para akong zombie na nag lalakad sa corridor not minding the puzzling stares of students kapag nakaka salubong ko sila. Hindi ko sila masi-sisi, I do look dreadful dahil wala akong ni katiting na energy ngayong araw dahil sa kakulangan sa pagtulog.

Napag desisyunan ko kahapon that if I can't kill Kris Rogers in broad daylight, then I just have to kill him at night. Iyon din siguro ang preferable na oras kung tatanungin ko si Mr. Kwoon dahil madilim, tulog ang mga tao, at nakaka takot ang mood. Pero napag desisyunan ko ulit na sa kinabukasan ko nalang simulan dahil masakit pa yung mga sugat ko, kaya ang mag pahinga nalang ang ginawa ko nung gabing iyon para malakas ang energy ko kinabukasan.

The problem is that I couldn't sleep. 

Hindi ako sanay sa bago kong higaan, sa malambot na unan, sa maluwag na kwarto, halos mabaliw ako ingay ng mga aso sa labas, at... sa homesick, normal naman ata yun kapag nasa malayo ka sa lugar sa kinagisnan mo diba? Naka ilang sessions na ako sa pag exercise, umabot na ng isang milyon yung bilang ko ng mga tupa, at halos inalay ko na sa mga Santo yung kaluluwa ko para makatulog ako pero hindi pa rin.

Kaya wala ako sa mood ngayon patayin si Kris Rogers, ayos lang naman yun dahil wala siya kanina sa classroom. Ang gusto ko lang ngayon ay mag hanap ng komportableng matutulugan at magkapagpahinga, so consider yourself lucky today, Kris Rogers.

Nasa harap na'ko ngayon ng room 315, ang room ng Conspiracy whatever Club. Sabi ni Ms. Sarah ngayon ang huling araw ng applications ng mga clubs at mandatory daw ang sumali kaya wala na akong magagawa kundi ang sumunod. Napag desisyunan kong sumali kung ano yung unang pumasok sa isip ko--I don't care anyways--hindi naman ata ako kawalan pag hindi ako mag seseryoso. I bet madami naman sila.

Kumatok muna ako bago buksan 'yung pinto bago sumilip. May nakita akong tatlong estudyanteng nag uusap; isang babae at dalawang lalaki, naputol yung pag-uusap nila nang makita nila ako.

"Dito ba yung room ng Conspiracy Theory Research Club?" Tanong ko, nanatili yung titig nila sa akin ng ilang segundo bago sila magsitakbuhan papunta sa'akin na parang mga aso na sabik makita ang amo nila. 

Bigla akong naalarma nang hinigit nung babae yung braso ko at hinila ako papasok sa silid nila. Normally pipilitin kong bawiin 'yung kamay ko kapag may stranger na humawak sa akin dahil hindi ako komportable dun, pero dahil wala ako sa mood at wala akong energy hinyaan ko nalang magpahila sa babae.

Tumambad sa akin katamtamang espasyo ng kwarto. Sa pinaka dulo nito ay may rectangular na desk at swivel chair na naka pwesto sa tapat ng bintana, parallel sa desk na iyon ay ang dalawang mahahabang sofa na kulay dilaw na naka pwesto sa gitna ng kwarto, magkaharap ito sa isa't isa at pumagitna sa kanila ang isang maliit na mesa na gawa sa glass. Sa kaliwang side sa likod ng sofa ay may isang malaking bookshelf na naglalaman ng mga libro na sa tingin ko ay mga encyclopedia, atlases, or whatever. Sa right side naman behind the right sofa ay yung flat screen na computer nila.

Pinaupo ako sa left side ng sofa, muntik ko na palang hindi mapansin yung leopard print na carpet nila. Hindi nito sakop ang buong sahig ng kwarto just around this area ng mga sofa. 

"Ano gusto mo coffee or tea?" tanong nung babae habang nag papainit ng tubig gamit ang electric kettle. Maamo ang boses niya, halos magka height lang kami, maputla ang balat, matangos ang ilong, bagsak ang mahaba niyang buhok with curls on the edges with a silver star hair clip placed on the left side of her hair. She's innocently smiling at me with those puppy-like eyes waiting for me to answer her back.

"Coffee nalang." Sagot ko, para may panlaban ako sa antok lalo na't na t-trigger na ito dahil sa lamig ng aircon sa kwarto. 

Pansin ko din na simula nung pumasok ako sa kwartong 'to naging abala na yung tatlo. Nagwawalis yung piggy kong kaklase ng mga kalat na sa tingin ko ay pinagkaininan niya, habang 'yung isang lalaking payatot naman na mala-seaweed ang buhok dahil sa kulot ito na hanggang leeg ang haba ay parang tanga na naka luhod habang nagdadasal sa harap ng altar.

"So pwede mo bang sabihin kung ano ang pakay mo dito?" Tanong ulit nung babae at habang inaabot niya ang kape sa akin. Tinanggap ko naman ito at uminom. "Dinig ko na gusto mong sumali sa club namin." Dugtong niya.

"Ah-yeah, gusto kong sumali--" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil biglang naghiyawan sa tuwa si boy seaweed habang kayakap niya ang piggy kong kaklase at tumatalon-talon pa, pagkatapos ay sabay silang nagdasal sa harap ng altar.

"Pagpasensiyahan mo na sila, sobrang saya lang nila dahil gusto mong sumali samin...Uyy tumigil na nga kayo sa kalokohan niyo diyan!!" Sabi niya at lumapit sa dalawang tanga para suwayin at pingutin sa tenga. Napa aray naman yung dalawa.

"Baka magbago isip niya dahil sa kagaguhan niyo mahiya naman kayo!" Suway pa niya, mahina lang yung boses niya kahit sumigaw siya.

"Ano bang meron?" Taka Kong tanong, mukha kasing big deal ang pag punta ko dito at na-a-aning na yung dalawa.

"Isa kang biyaya!" 

Bahagya akong napa-usog nang nakalaya si boy seaweed sa pingot nung babae at mabilis na gumapang palapit sa akin habang kumikinang ang mga mata. Honestly, these outsiders are weirdos. "Kung hindi ka dumating panigurado mabubuwag na ang club!"

I gave them a puzzling stare dahil hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari dito. Aalis nalang kaya ako para maka takas sa mga taong 'to na maluluwag na ang turnilyo? Napansin naman nung babae na nababahala na ako kaya binitawan na niya yung piggy kong kaklase na namamaga na ang tenga sa sakit at maluha-luha na.

"It's embarrassing to say, but we originally have four members in our club. Alam naman natin ang rules na dapat minimum of five members ang kailangan para mabuo ang club kung hindi, hindi i-a-aprove ng student council ang renewal ng club at mapipilitan silang tanggalin ito. Kaya nakahinga kami ng maluwag nung dumating ka para sumali, our problem is  solved." Paliwanag nung babae. 

"Nakalimutan ko pala mag introduce, ako nga pala si Emily De Guzman." Ngumiti siya at inilahad ang kamay sakin. Tutol pa rin ako sa idea na makipag kamayan sa mga outsider, pero ayokong mawalan ng respeto kaya nakipag kamay nalang ako sa kanya kahit labag sa loob ko.

"Siya naman si Marco Yamat." Tinuro niya si boy seaweed na ngayon ay naka-upo sa harap ko. Kumindat siya sakin sabay finger gun sign and flicked his tongue. 

Emily rolled her eyes heavenwards at itinuro niya yung isa. "At heto naman si Bobby Bautista." Nag-hi naman yung kaklase kong pig na si Bobby habang naluluha parin dahil sa sakit sa tenga.

"I'm Agnes Everdeen." I shortly introduced myself, ngayon palang narealize ni Bobby na ako pala yung transfer student at kaklase niya pala niya ako kaya nagmadali siyang pumunta sa rectangular na desk at may naghalungkat sa isa sa mga drawer.

"Oy taba ano ginagawa mo?" Tanong ni Marco na chill na nakaupo habang nangungulangot. 

"Ano pa ba? Edi kukuha ng form." Sagot ni Bobby at nilabas ang application form at nilagay sa mesa sa harap ko. "Dito ka na mag f-fill up ng registration, Agnes." Utos niya.

"Ooh, isang matapang na nilalang, pinapangunahan ang prez." I felt disgusted seeing Marco moulding his booger with his fingers.

"Diba dapat i-evaluate muna siya ni President bago siya sumali? Alam niyo naman na metikoloso yun pumili ng member." Nagkatinginan ang dalawang lalaki sa sinabi ni Emily. 

"'Yang pagka metikoloso at kaartihan ni Prez ang magiging dahilan sa pag-buwag ng club, Em,"seryosong sabi ni Bobby at binigay sa akin yung ballpen na kinuha niya mula sa bulsa ng pantalon niya.

"Oo nga, tsaka sabi ng horoscope ko malaking swerte daw ang matatanggap ko ngayong araw kaya feel ko hindi bad mood ngayon si Prez, kami na ang bahala," buong kumpiyansang sabi ni Marco na may papikit-pikit pa sa mata.

"Yuck! Pinaka baduy talaga sayo ang pagpapaniwala sa mga ganyan, Marco. Nakaka bawas ng ka-astigan" Nandidiring sabi ni Bobby na ikinakunot ng noo ni Marco.

"Mas nakaka bawas ng ka-astigan 'yung mga araw na humihiram ka kay prez ng brief HAHAHA"

"Gago ka ba?" Asar na sigaw ni Bobby.

"Sino nanghihiram ng brief?" Gulat na tanong ni Emily habang nakatingin kay Marco na pinapalo pa ang binti katatawa.

"Si Marco 'tong ginawang maskara yung brief ni prez! May picture ak— kadiri ka hayop!" Umiwas si Bobby at nagmadaling tumakbo palayo kay Marco dahil papahiran sana ng kulangot ni Marco. Ayaw naman magpa-awat si Marco at gusto niyang maghiganti kaya hinabol niya ito. Nagsimula nang ma-stress si Emily dahil kahit anong suway niya hindi umaabot ang boses niya sa tenga ng dalawa at patuloy lang sila sa pag-iingay habang naghahabulan sa clubroom.

"What is this madness?!"

Biglang tumigil ang mundo sa loob ng kwarto dahil sa biglang pag bukas ng pinto at pagsulpot ng isang boses na puno ng awtoridad, boses na napaka pamilyar na ikinataas ng balahibo ni Emily na ikina pigil sa paghahabulan ng dalawang isip bata na ikina laki ng mata ko.

"Kris Rogers."

-OoO-

"Patawad sa kaguluhang ginawa namin, mahal naming Presidente. Pangako hindi na ito mauulit." Paulit ulit itong binibigkas nina Bobby at Marco habang nakaluhod at nakataas ang magkabilang kamay sa harap ni Kris na ngayon ay parang haring nakaupo sa swivel chair sa rectangular niyang desk. Hindi niya pinansin ang dalawa at ibinaling ang tingin kay Emily.

"What is that noob doing here?" My eyebrows twitched, the last time he mumbled the word 'stupid' in front of my face is when we first met at the hallways, at ngayon pakiramdam pauulanan niya ako ng mga insulto from now on.

"Sasali siya sa club natin, Kris," sagot ni Emily and handed him a cup of tea. 

Uminom siya ng ilang sips bago ilipat ang tingin niya sakin. "Are you talented in deductive reasoning?"

"No,"  sagot ko.

"Strong photographic memory or advance in memory retention?"

"Medyo."

"High in logical reasoning or a prodigy in numbers, codes, and ciphers."

"I am not confident with that. "

"Then you're free to go, you are not needed here," sabi niya saka uminom ulit ng tea.

Teka parang may mali dito.

I stood up to voice out my protest pero bago ko pa ibuka ang bibig ko agad na nag second emotion ang iba niyang ka-grupo.

"Kris please reconsider!" Pagmamakaawa ni Emily at sumang-ayon ang dalawang clubmates na nakaluhod by nodding their heads with matching puppy eyes.

"Si Agnes nalang ang kulang at hindi na mabubuwag ang club na'tin!" Sunod na nagsalita si Bobby. "Tsaka real talk lang ha, pang sampung applicant na yan simula nung magbukas tayo ng application for new members."

"At kailangan din ni Emily ng kasamang babae sa grupo para hindi siya mapagkamalang tomboy. Okay lang kahit wala siyang mai-ambag sa grupo kahit tamang seen lang sa GC ok na." Tiningan ni Kris ng masama si Marco at siniko naman siya ni Bobby dahil kahit kelan wala talagang kwenta ang mga pinagsasabi nito.

"You know very well that I don't deal with mediocrity. As long as she doesn't display her skills that will define her role for the club, she's better left with the other half hearted trash." 

His words struck my head. I was wrong about the students here in Tremerton High being any different from the students of Phantom Academy. There are some who still look down upon others and this guy in front of me is the evidence.

May sasabihin pa sana sina Emily pero pinili nalang nila na hindi umimik. Para sa kanila whenever Kris Rogers say something it is final at wala na silang magagawa dun.

In normal cases, kapag kaharap ko ang isang A-class student or any person that has the potential to belittle or harm me in any way ay hindi ko sila kakalabanin, it's either I let them do what they want with me or I escape the situation. Pero sa kasong ito, wala sa dalawa ang pipiliin ko dahil mas pinili ko ang harapin ang taong iyon for the sake of pushing my assassination forward even if it means crushing me with his words.

Sisiguraduhin ko na magiging parte ako ng club na ito.

"I have skills but not on the intellectual side." 

Nabasag ang katahimikan nang magsalita ako.

Napataas ang kaliwang kilay ng Club President. "What particular skills are you referring?" 

"I have great motor skills and I'm a fast learner. Sadyang hindi lang ako na expose sa sitwasyon na kailangan jong pigain ang utak ko." Napalingon silang apat sa akin, tila namuo sa pangalawang pagkakataon ang pag-asa ng tatlo samantala walang emosyon ang mga mata ni Kris. "In other words I'm good at fighting."

"Tapos?" Dagdag ni Kris at nag cross arms.

"I'm great in both offense and defense. I also have backgrounds in martial arts," sabi ko. Reminiscing my training with Mr. Kwoon, araw araw kaming nag o-one on one battle pagkatapos ng klase. Hindi ko na sinabi ang iba ko pang kakayahan as a student-assassin, I have to keep a low profile.

"Oh is that so?" Pumikit si Kris Rogers at bumuntong hininga. Teka hindi pa siya convince sa sinabi ko? Ano pa gusto niya, demo? 

"Is that why you picked on me the other day? Tell me, woman, are you planning on killing me?"  

Tila nanlaki ang mata ko at nagulat sa sinabi niya. I also heard Emily gasping and the other two looked at me, surprised. 

"Noong hinila mo kahapon ang necktie ko. Kahit ano ang gawin kong pagpalag, hindi mo ako binibitawan lalo na at unti na akong nahihirapang huminga as if it was like you're strangling me on purpose. The expression in your face was also sinister. You're gritting your teeth tightly and your eyes look like your thirsty for ending one's life. For a moment it felt like I was facing a serial killer. Tell me, what is your intention?"

My heart skipped a beat. How did he... Does he know already? Did I let myself get exposed in front of him unconsciously? Nabuking na ba ako? Babagsak na ba ako?

Muli ko siyang tiningnan ng deretso sa mata. His eyes has no emotion and completely empty, void and soulless. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya dahil sa expressionless niyang mukha—

He doesn't know anything, he's just testing me like Emily said a while ago. Of course, he's just taking wild guesses dahil wala siyang alam tungkol sa akin. He's only observing my facial expressions through provocative words until he arrives at a conclusion. His words are in fact true but I won't let him arrive at that conclusion. I need to shut my senses so things won't go his way.

I hid a smile. You're gonna regret manipulating me.

"You are such a jerk to think harshly of me. Of course ginawa ko lang yun para makaganti sayo. Naalala mo nung binangga mo'ko sa hallway nung isang araw? Ikaw na nga naka bangga ikaw pa ang nagalit, hindi manlang nag sorry at tinulungan akong tumayo, and worse iniwan mo lang ako sa ere at pinahiya sa maraming tao. So I took things the hard way."

Narinig ko muling nag-gasped ang tatlo and diverted their eyes at their president thinking how on earth could his actions be so ungentlemanly and childish kahit siya naman talaga ang may kasalanan. Pero nanatiling kalmado pa rin ang expression ng mukha niya at hindi manlang natinag sa mga sinabi ko.

"If you did your act to scare me, edi dapat tinuloy mo nalang ang balak mo sakin and kill me right in front of the class ngunit tumigil ka, there are two possible reasons for that." He raised his fore finger. "One, you wouldn't want the whole class to think that you're a violent person. Your eyes dilated pertaining to the fact that your subconscious has snapped your senses back. That leads to the conclusion that you have a violent personality. At pangalawa—" he continued, showing me two of his fingers. "Isa ka talagang napaka delikadong nilalang playing the role of a transfer student and you're really after me. Tumigil ka lang sa balak mo that time because you knew your identity being exposed to the public would only bring your incognito game in vain ." 

Ako naman ngayon ang tinitigan ng tatlong miyembro ng grupo. Pabaling baling ang tingin nila sa aming dalawa na nagtatalo. Kumurba naman ang labi ni Kris na nangangahulugan that the tables were turned.

Napalunok naman ako, tama ang mga ginawa niyang deductions tungkol sa akin. I am beginning to feel uncomfortable and nervous habang nagsisisi kung bakit pa ako humarap sa kanya na hindi manlang inisip na maaari kong i-expose ang sarili ko.

But damn kumukulo nanaman ang dugo ko, ayaw ng sistema ko na magpatalo sa kanya.

"Inaamin ko na may nakaraan akong hindi maganda. I tend to get violent to people who pisses me off. Pero tama ka, pinigilan ko ang balak ko sayong saktan ka dahil hindi tulad mo, may konsensiya ako."

"So inaamin mo na balak mo akong sakalin?"

"Partly, but that was all for the reason of warning you to not mess with the wrong girl." Lumapit ako sa kanya, nakaukit ang mapag larong ngisi. I don't want to lose in a battle that he already won. When all hopes are lost, you need to resort to a different tactic, no matter how illogical as long as you win. 

"How dare you insist that I'm a killer? May pruweba ka ba?"

"Your statement is full of loopholes, base sa obserbasyon ko--"

"So you've been wasting your time glueing your eyes on me since yesterday? May crush ka sakin noh?" I faked gasped, halatang napipikon na ang tao at pinipigilan niyang mag snap.

"You're being irrational!"

"Nope, ikaw ang irrational! You're giving me false accusations. Ah! Kaya pala may word na 'conspiracy' ang club niyo because you rely on baseless facts not on absolute certainty." 

Napatayo siya at tinaasan ako ng boses. "Are you mocking our club?!"

"You mocked me first!" 

"That's it! I've had it! I order you to-"

"Excuse me."

Napatigil si Kris sa pagsasalita nang biglang may sumulpot na boses ng babae. All eyes in the silhouette of a girl na naka dungaw sa pinto ng clubroom. 

"May kaso akong gusto kong I-request sana na isolve niyo." Ika niya sa kanyang maliit at nangingig na boses. 

Tumahimik ang paligid ng ilang segudo at tila nabasag ito dahil sa boses ni Marco.

"Ibig sabihin ba parte na ng grupo si Agnes?"

"SHUT UP!"

Muling nanahimik ang silid na ngayon ay may halo nang bigat sa hangin. Muling umupo si Kris sa kanyang swivel chair at minamasahe ang kunot sa noo, napa buntong hininga si Emily and gave me an assuring smile. Nanatiling naka luhod sina Marco at Bobby na parang mga bata na hindi pa naisasalba sa parusa dahil sa laki ng kasalanan. At tila may binubulong si Marco na klarado sa pandinig ko.

"Palagi nalang tayo ang pinagbubuhusan ng galit ni Prez." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro