Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1: 100620

AGNES

MADILIM ang gabi ng hunyo, mga bituin at buwan na sumisilip sa mga maiitim na ulap ang nagsilbing ilaw sa dilim na tanawin. Huni ng mga kuliglig lamang ang maririg dito sa lugar na napapalibutan ng malalaking puno, sabay pa ang pag kaluskos ng malamig na hangin na dumadapo sa mga damuhan. 

Ngunit kahit gaano pa kalamig ang gabi ay hindi nito mapapatinag ang mga paa ko na nakapako sa sahig, mga kamay na mahigpit ang kapit sa abot langit na steel bars at mga matang nakatuon sa dilim na hatid sa kabila. My eyes were drifting to the dark abyss like it's dragging my mind, inviting me to open the gate and linger the mystery of what lies ahead.

Though my curious stares were interrupted as I felt something crawling at the back of my neck, it's legs felt sharp and ticklish, napatili ako nang matanto kung ano iyon.

"EEEYYIEEEEEE IPIS!" 

Patalon-talon kong inalis ang nilalang na gumagapang sa leeg ko, nang maalis ko ito ay inis kong nilingon ang batang lalaki na siguradong may pakana sa ginawang kalokohan, naka balot pa ang mga kamay niya sa tiyan habang tumatawa ng malakas.

"Nakakainis ka!" Sigaw ko habang pinapalo-palo at sinasabunutan ang kanyanng buhok.

"Kanina pa kasi kita tinatawag, hindi ka naman sumasagot," bulalas niya sa gitna ng kanyang mga tawa. "Kapag nalaman ni Gin na tatamad-tamad ka at hindi sumusunod sa plano namin, ako na ang babatok sayo." 

Nagumisi siya at sinuklayan ang kulay itim at magulo niyang buhok na bagay sa maputi niyang kutis. Napansin ko ang bahid ng dugo sa kaliwang pisngi niya na kasing kulay ng mga mata niya. I guess he's already starting his hunt.

"Sino ang tamad?"

Napatalon kami nang maramdaman namin ang boses ni Gin mula sa likod namin. The moon illuminated his silver hair and blue eyes as he smiled when we turned to him. He has a small frame, given that he has a weak body but his beautiful silver hair and sea blue eyes outshines them.

At dahil nandito na si Gin, napagtanto ako na kumilos agad at hinawakan ang kamay niya.

"Gin! Inaasar nanaman ako ni Ryder!" Pagsumbong ko, iniyugyog ko pa ang magkabilang kamay niya at umaarte na iiyak na. Napangiti naman ako nang makitang nanlaki ang mga mata ni Gin. 

Napaawang labi si Ryder, aware of my childish intention in bringing Gin into my side kaya nagsumbong na rin siya, "Si Agnes wala pang ginagawa! Wala pa siyang nahuling outsiders paano tayo papasa nito? Panigurado babagsak tayo sa E-class!"

"Ryder, how many times should I tell you not to pick on girls or they will hate you for life?” Napatahimik si Ryder na ikina ngisi ko, “And no need to rush, lamang pa naman tayo."

Humiwalay ako sa kamay ni Gin nang mapansing may bahid ng dugo ang kulay puti niyang uniform, he smiled when he looked at me. "What are you doing standing at the academy's gates by the way?"

"Naduduwag—"

"Nakita ko kasi dito pumasok ang mga outsiders.” Pagputol ko sa sasabihin ni Ryder. “Napaisip ko kung anong klaseng lugar ang mayroon sa kabila ng gate at pinagbabawal tayong lumabas," sabi ko at tinuro ang gate sa harap.

Gin showed a curious stare and head towards the gate, clasping his small, snow-white arms on the bars made of steel. He took a look at the dark. "I don't know. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan nating manghuli ng outsiders like they're some animals," he said.

"Because they're trespassers, duh!" Sabay kaming napatingin kay Ryder na walang emosyong nakatingin sa gate, both hands rest behind his head. "We're only 12, still clueless about the outside world. Pero kung may alam man tayo tungkol sa batas ng Phantom Academy, iyon ay ang pagbabawal na lumabas, and of course, trespassers aren't allowed."

"Pero hindi ka ba curious kung ano ang meron sa labas? Kung saan nanggaling ang mga taong iyon?" 

"The only thing I care about is becoming an assassin, Agnes. At makakamit ko lang iyon kung magiging A-class ako. Kapag bumagsak tayo dahil wala kang nai-ambag itutulak kita imburnal. Now get your ass moving, bawal makampante." At nauna na siyang maglakad.

Magsasalita pa sana ako para kaihit papano maipagtanggol ko ang sarili ko ngunit hindi natuloy nang tinapik ni Gin ang aking balikat at nagsabi na sundin nalang si Ryder na ituloy namin ang assignment kung saan manghuhuli kami ng mga outsiders na nakapasok sa Phantom Academy. It's an assignment that will determine our ranks base on the number of outsiders we'll capture, and we're doing the assignment per group of three.

"Magiging A-class naman tayong tatlo," Gin said softly to ease the tension between us as we head towards the academy's forest. 

"Psh. I doubt Agnes will become one, hindi nga siya makapatay ng ipis," chill na pang-aasar ni Ryder, nakatingin pa siya sa langit at pa-cool habang naglalakad.  Babatukan ko na sana siya sa inis kung hindi lang ako pinigilan ni Gin. "Kung hindi ka papatay ng tao sa assignment na'to, sa E-class ang bagsak mo."

"Nye-nye, ano naman kung maging E-class? Nagiging assassin naman sila, at magagaling din sila kagaya ng iba," sabi ko at inilabas ang dila.

"Oh…” Ryder turned to face us, walking backwards. “Then can you name us a few of those E-class seniors that actually has potential to become one?" He plastered an annoying, boyish grin like what I've said was a joke to him. "They're the dumbest of the dumb, impossibleng maging assassin ang mga iyon."

"Kuya Kenneth." I answered, confidently.

Ryder snorted. "You mean the oblivious Kenneth who plays with kids?" 

"Yep, that kuya Kenneth."

"The dude can't even hold a knife!"

"Well, tama naman si Agnes.” Gin cut us off. “Sa galing ng estudyante ang batayan kung magiging assassin sila o hindi no matter what class you are," 

Binigyan ko si Ryder ng told yah-wagi-nanaman-ako-look. Inirapan niya ako.

"Pero alam niyo? Kung magkahiwalay man tayo dahil sa rankings—mapa A-class man, B-class, o E-class— we'll still look out for each other. We're a team, mananatili tayong magkakaibigan kahit anong mangyari."

Napatigil kaming dalawa ni Ryder sa paglalakad at napatingin kay Gin na nakangiti. Nakakahawa ang mga ngiti niya kaya hindi ko namalayan na nakangiti na rin pala ako. He's a good friend, a guardian angel for me and Ryder. He's reliable, smart, and he lifts our spirits with his words kaya parang kuya na rin ang tingin namin sa kanya. 

I was taken aback nang lumapit sa amin si Gin at niyakap kami ni Ryder sa balingkinitan niyang mga bisig. It let me off guard and Ryder was about to shove him because the sudden behavior was too much for his pride to handle. But Gin's hugs are so tight, so soft, warm and comforting, hinayaan nalang niya. 

"We're going to be the best assassins of Phantom Academy," he whispered, hugging us tighter, as if assuring us with his words. "And Ryder, you should know more about our seniors. Kuya Kenneth is at the same level as Kuya Kwoon."

Ryder shove him away, defeated, tinawanan namin siya.

As an ignorant, carefree 12-year old, of course it boosted my confidence, mas lalo akong na-motivate na pagbutihin ang pag-aaral ko para maging isang ganap na Professional Assassin. 

Little did I know that things will change after the assignment.

After the determination of ranks.

And how I wish it never happened.
Ryder is right, we're still clueless as to what the world would bring, even within the secluded Phantom Academy where we educate ourselves to enter the world of assassination. 

Akala ko magiging simple ang tatahakin ko, akala ko pantay pa rin ang tingin ng mga school mates ko matapos kaming i-assign sa ranggo namin at manatili paring magkakaibigan kagaya ng dati noong mga bata pa kami. 

But I was so naïve. 

In the end academic effort is what sets some people apart to rise above the others. At any rate, students change over time based on their actions given to the kind role they play in society.

5 years later (Present day) 

"Ihagis niyo ‘yan sa fountain!" 

The girl from A-class with the long, thick auburn hair and green eyes ordered. She has a tiny nose, succulent pink lips, and fair skin. Her overall appeareance would make everyone see her as an innocent princess but her bitchy expression says otherwise. 

Dalawa sa mga kasama niyang babaeng taga B-class ang bumuhat sa akin. Nasa likod ko yung isang babae, binuhat niya ako gamit ang braso niya pulling me up from underneath my armipts. Yung isa naman ay nasa sa paanan ko, tawang tawa siya mag-isa sa ginagawa niya. Sabay silang nagbilang habang inu-ugoy ang katawan ko, pagkatapos ng pangatlong bilang ay sabay nila akong hinagis sa fountain. They laughed as I gawked for air, hindi naman sa malalim ang tubig sa fountain, naunang bumagsak ang upper body ko kaya nahirapan akong ibalik ang balanse ko. 

The worst part is where this fountain is placed, after years of staying here ito lang ang alam kong nag-iisang fountain na may statue ng School Master na naka maskara, and it was placed in front of the main building kaya panigurado, center of attraction nanaman ako.

"Did you see her flapped her arms? Mukha siyang penguin!" bulalas ng isang boses ‘di kalayuan sa amin at tumawa ng malakas.

Nakarinig din ako ng mga bulong galing sa mga estudyanteng pumapalibot sa amin, they're making fun of me. I shove away those mocking stares at kinusot nalang ang mga mata ko nang mabawi ko ang aking balanse at nagawang umupo, but just when I got my vision cleared naaninag ko nanaman si Beth sa harap ko, wearing her playful grin. 

"Enjoy E-class." 

Nagitla ako nang may ibinuhos silang isang malapot na likido sa ulo ko, napa takip ako sa ilong dahil sa sobrang sangsang ng amoy, bigla itong lumusot sa aking ilong dahilan ng pagkirot ng aking pangamoy, sobrang sakit nito sa ilong! Kung hindi ko pa pinigilang amuyin ito baka sumuka na ako. Mas malala pa ang kulay dahil kulay brown ito at base sa amoy, pinagsama itong sirang pagkain, suka, patis, dumi ng tao, lupa at earthworms?! 

Dali dali kong tinanggal ang mga nakakadiring earthworms sa gumagapang ulo at sa kamay ko, mas nakakapagdala ito ng panic sakin kesa sa mga estudyanteng nakapalibot.

"HAHAHAHAHAHAHA!" 

"Grabe nawala stress ko!"

"Deserve niya yan. Mga bobong E-class!"

Hindi ako makagalaw gawa ng masasakit insulto galing sa mga estudyante, walang pigil din sa pagtawa ang tatlong babaeng nasa harap ko na pinangungunahan ni Beth. Lahat ng mga titig, tawa, at mga salitang lumalabas sa kanila ay parang tumutusok sa puso ko. Gusto kong lumaban pero wala ako sa posisyon para gawin iyon, instead, I looked down at agad na nagsisi sa ginawa dahil kita ang repleksyon ko sa tubig.

Napaka kawawang nilalang.

Dahil isa akong E-class, parang binigyan ko na rin sila ng karapatan na gawin nila ito sa akin, hindi lang ako, kundi lahat ng E-class students. We are trash. That's the kind of role we play in this game called heirarchy. Hindi kami katulad ng iba, we're useless, just leftovers of this school, ang silbi lang ata ng mga E-class ay maging source of entertainment ng mga estudyanteng sadista.

I sighed. Though at times like this you either pick yourself up or you let yourself down.

"Are you done?" I said amidst of their laughter, napatigil sila nang magsalita ako. 

Bumuga ng hangin si Beth bago punasan ang luha sa sobrang tawa. "Gusto mo pa?" Tanong niya.

"Hindi ba dapat nag re-retouch ka na ngayon?" I looked at Beth as she tilts her head with curiosity, pinipilit na alalahanin. Nang maisipan niyang wala ay tinaasan niya ako ng kilay. "Ngayong araw dadating ang The Five Virtuosos, hindi ba? Hindi mo ba sila a-abangan?"

Biglang nag iba ang timpla ng mukha ni Beth, at lalo siyang nag panic nang biglang tumunog ang malaking kampana ng campus, senyales na bubukas ang gate para sa arival ng The Five Virtuosos. "Kasalanan mo 'to E-class! Kung nahanap sana kita ng mas maaga edi sana nakapag full glam make up ako!" Panisi niya.

"Gurl later na yan, magbubukas na yung gate!" Ani ng isang babaeng kasama ni Beth at hinila ang kamay niya. "Tara na hinihintay ka na ng Gin mo."

Automatic na nanlambot si Beth pagkarinig ng pangalan ni Gin. In normal cases ayaw niya na may humahawak sa kanya, nandidiri siya at feel niya kakalat ang germs ng ibang tao sa balat niya, pero dahil narinig niya ang "magic word" hinayaan niya na magpahila sa isa sa mga goons niya. 

I don't care, I just...want them to leave.

Nagmadaling umalis ang tatlo patungo sa iron gates na kasalukuyan nang binibuksan hindi ganoon kalayo mula sa fountain. Nag kumpulan ang mga estudyante para abangan ang arrival ng The Five Virtuosos, karamihan ay mga fangirls ng boy members sa grupong iyon ang nasa unahan at nandoon din si Beth na nakikipag digma laban sa mga kababaihan para angkinin ng pinaka magandang espasyo. 

Nakita kong bumukas ang napaka taas na iron gates at isa-isa nitong niluwa ang limang estudyanteng mas kilala bilang "The five Virtuosos". Sila ang lima sa pinaka talented at mababangis na estudyante ng A-class kung saan pabor sa kanila ang School Master dahil sa kanilang abilities, at assassination style. Sila ang may pinaka mataas na ranggo at dahil dun, they are privileged to go outside the academy's walls for their very first assassination.

"Kyaah!! Andiyan na sila!" 

"Omoo! Si Ash!"   

"Elsie my labs!"

"Wala siya sa kaseksihan ni Suzy!"

"Waahh! Si Jack the Reaper!"

I can hear the girls fangirling and screaming their lungs over their idols, napakasikat talaga nila at napaka charismatic. Yung tipong matatameme ka tuwing dumadaan sila sayo o kahit ma-i-spot lang sa peripheral vision niyo, ganoon katindi ang impact ng The five Virtuosos sa mga estudyante. 

They are pretty amusing, may mga araw din na napapa daydream ako na someday magiging bahagi ako ng team na iyon, napapatawa nalang ako sa sarili dahil alam ko naman na hindi mangyayari iyon. I felt a slight twinge in my chest when my eyes landed to the last guy who just stepped inside the campus' iron gates. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga kababaihan nang maaninag ang nakakaakit niyang silver hair, blue eyes, pale skin, and angelic face. 

It's Gin.

Bigla akong nakaradam ng lungkot, naalala ko pa ang mga  pangako niya sa amin ni Ryder noong mga bata pa kami na kami lang ang mananatiling team. But in the end he made his own team of geniuses. It didn't bother me honestly, hindi naman sa tinalikuran niya ang friendship naming tatlo, it's already impossible to complete the trio since I'm an E-class, and Ryder is long gone. Kaya siguro ganoon katindi ang lungkot na nararamdaman ko kapag nakikita si Gin, dahil pakiramdam ko ganoon lang kadali sa kanya ang mag move-on sa nangyari kay Ryder, habang ako, nahihirapan pa rin makatulog sa gabi.

Nabigla ko nang magtama ang mga namin, up until now I won't deny that his blue eyes are mesmerizing, it reminds me of the good old days whenever I look at them. But those memories suddenly collapse after realizing how Gin looks at me now with those eyes.

His gaze is dull and emotionless, he wouldn't even bother trying to hold it. Nang magtama ng mga mata namin agad siyang umiwas at ngumiti sa mga estudyanteng tumatawag sa kanya, lalong sumikip ang dibdib ko.

I got up, quickly escaping the place knowing na wala naman akong mapapala at mas lalo akong magmukukhang katatawanan kapag magtagal pa ako dito. Tatakas na din naman ako kay Beth at sa mga alagad niya habang nasa Virtuosos pa ang attensyon nila so there's no point in staying here any longer.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro