Chapter 15: Peace Offering
🍭
Messenger
3:33 PM
Crystal:
i saw that.
Milka:
Saw what?
Crystal:
nagbigay ka ng regalo kay tearrance sa labas ng gate!
ah, nagsisikreto ka na hmp
Milka:
Hindi ko siya binigyan.
Bakit ko siya bibigyan ng regalo?
Crystal:
huli ka na nagde-deny ka pa!
bakit ka nagsisikreto sa akin, bff ko? ༎ຶ‿༎ຶ
Milka:
Wala nga akong binigay sa kanya.
Siya ang nagbigay sa akin.
Crystal:
eh, bakit ikaw ang nakita kong nag abot sa kanya?
ano iyon, exchange gift?
wala pang pasko.
Milka:
Binalik ko regalo niya.
Peace offering daw dahil may kasalanan daw siya sa akin. Binalik ko sa kanya kasi wala naman akong maisip na may kasalanan siya sa akin. I’m really clueless.
Crystal:
minsan slow ka rin, ano?
malamang ang kasalanan na nagawa niya ay ang pag drunk text sa ’yo.
Milka:
Kasalanan ba iyon?
Kailangan ba ng peace offering sa aksidenteng iyon? People nowadays are so overreacting.
Crystal:
inamo ka. ಥ‿ಥ
ang sakit mo magsalita, bff ko.
oo na, oa na!
anyway, nakakakilig iyon, imposibleng hindi ka kinilig? kinilig ka, ano?
Milka:
No.
Are you confusing me to feel something about it?
I’m going to sleep. Good bye.
Crystal:
buti na lang matalino ka, sisteret.
sakit mo sa atay.
༎ຶ‿༎ຶ
Seen
Crystal:
pero ang effort, ah, malayo-layo school nina jason, eh. naks! nag-effort para sayo iyong tao.
Milka:
Nagpasalamat naman ako. Hindi ko lang tinanggap.
Crystal:
sayang!
Milka:
Edi ikaw tumanggap.
Sabi ko nga ay hindi na kailangan, hindi ko naman deserve ng peace offering.
Crystal:
oh siya, may sagot ka na sa booklet?
Milka:
Yes, why?
Crystal:
pakopya!
.·´¯'(>▂<)´¯'·.
Milka:
No.
I can teach you tomorrow but I won’t let you copy my answers. Deal?
Crystal:
ihh
Milka:
Wala kang matututuhan sa ginagawa mo, letche ka.
Let your boyfriend help you instead. Baka mas ganahan ka.
Crystal:
ihh, gusto ko iba ginagawa namin kapag magkasama kami.
Milka:
👊🏼
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro