Prologo
" M-maari ko na b-bang m-marinig a-ang t-tulang iyong n-nilik-kha? ", hirap man ay pinilit mo pa ring magsalita. Naluluha akong tumango sa 'yo habang hawak-hawak ang iyong duguang kamay.
" P-pinakamamahal kong s-sinta
K-kung sakali mang tayo'y tuluyang paglayuin ng t-tadhana
A-ay nais ko na iyong m-mabatid
Na ang pag-sinta ko sayo'y k-kailanma'y 'di malulupig.
D-dumaan man ang ilang segundo
M-mapunta man t-tayo sa ibang dimensyon ng m-mundo
A-ay nais kong m-malaman mo
Na m-mananatiling i-ikaw ang una't h-huling mamahalin ko ". Pilit kong pinipigilan ang hikbi ko habang sinasambit sa iyo ang tulang ginawa ko.
Ginantihan mo naman ako ng isang ngiti'ng marahan, sabay pilit na inabot ang luhaan kong mukha.
" T-te amo mi a-amor ", wika mo, sabay ngiti ng marahan at pilit. Kasabay naman nito ay ang pag-agos ng luha ko, at ang paghagupit ng sakit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro