Kabanata 9:Liham
[Chapter 9]
Parang biniyak ang ulo ko sa sakit pag-ka gising ko, nanlalabo pa ang mga mata ko, kigwa naman oh!. " Binibini, gising ka na! " biglang sigaw ni Sanya sa tabi ko, kigwa na naman! masakit na nga ulo ko sumisigaw ka pa!, di ko na lang sya sinagot o pinansin pa ang sakit-sakit talaga ng ulo ko.
Dali-dali syang lumapit sa 'kin saka inalayan akong maupo sa kama, pagkatapos ay nag-paalam, tatawagin nya raw ang Doña. Napabuntong-hininga na lang ako, akala ko ay hindi na ulit mangyayari sa 'kin ang bagay na yun, dahil ilang linggo na rin nang hindi na ako binabagabag nito, pero kahapon lang ay ayan na naman, nakakainis!hindi ko pa nga alam kung paano ako makakalabas sa mundong to, dumagdag pa ang isang yun!, hindi ko alam kung bakit paulit-ulit may isang boses na bumubulong sa 'kin, at ang malas talaga dahil nakakakilabot na nga yung bigla-bigla na lang may bumubulong, dumagdag pa yung panget na mensahe.
'magsisisi ka!'
Kinilabutan ako nang bigla ko itong maalala.
Ano ang ibig sabihin nun? Teka!may kinalaman kaya to sa notebook?
Pagkaroon ko ng idea matapos maalala ang mga nakasulat sa weird notebook ' escribir y arrepertersi ' posible nga!dahil mula nung nagsulat ako sa notebook na yun, ay sumunod ang pagkapunta ko sa loob ng kwento, at sunod naman ay ang kakaibang bulong at mensahe nito, pero hindi ko lang maintindihan kung bakit palagi akong nawawalan ng malay sa tuwing nangyayari yun.
Kaimbyerna!talaga tong buhayng to! ano ba kasing nagawa ko at ginawang kababalaghan ang buhay ko? " anak!maayos na ba ang iyong pakiramdam? ", biglang sigaw ni Doña Eliza, habang tumatakbo papunta sa kama ko, pagkarating nya ay agad nya akong niyakap, bakas na bakas sa mga mata nya ang pag-aalala at labis na pagkatuwa, kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko mabuti na lang at andyan si Doña Eliza.
" Don Epifanio?maaari nyo po bang suriin muli ang kalagayan ng aking anak? ", muling wika ni mama matapos humiwalay sa pagkakayakap sa 'kin, napatingin naman ako sa bandang kanan ko at nakita si Don Epifanio na nakatayo. Naka suot sya nang makapal na salamin at isang bonggang kulay puti na kamiso de tsino, saka pina ibabawan nya nang kulay itim na coat pang Europe.
Isa nga pala syang mahusay na doktor, na sinundan ng anak nyang si Francis kilala at tanyag ang apilyedo nila sa larangan ng medisina, maging sa Laguna, Bulakan, at kahit sa bansang Europa man ay tanyag ang apilyedong Verano sa galing nito sa pangga-gamot.
Tumango sya saka lumapit sa 'kin, kinuha nya ang stethoscope mula sa kayumanggi na maletin(maleta) na dala nya, saka ito tinutuk sa dibdib ko para pakinggan ang heartbeat ko, sunod naman ay kinapa nya ang leeg ko at gamit ang liwanag ng isang lampara ay tiningnan nya ang dila ko, bahagya akong nahiya dahil kakagising ko lang at hindi pa ako nakapag-toothbrush, baka nangangamoy kanal pa ang bibig ko!. Napayuko na lang ako pagkatapos nya akong suriin.
" Ella está bien ahora, pero aún así te daréalgo de medicina, la ayudará a dejarsu dolor de cabeza(She's fine now,but still I will give some medicine, it'll help her cease her headache) ", wikang Don Epifanio, grabe bilib talaga ako sa kanya wala akong sinabi na masakit ang ulo ko pero alam nya, mag-ama nga talaga sila ni Francis mahusay manghula. Tumango naman si mama saka nagpasalamat, nag paalam na rin si Don Epifanio na pupunta na raw sya sa sarili nyang bahay paggamutan, " Sandya anak, wala bang masakit sa iyong katawan? ", tanong ni mama saka muling bumalik sa pagkakaupo sa kama ko, umiling naman ako sa kanya bilang sagot, inabot nya ang dalawang kamay ko saka hinimas-himas ito bago mag salita, " ikaw ba ay sigurado anak?", muli nya pang tanong, tumango naman ako sa kanya saka marahang ngumiti para hindi na sya mag-alala pa, unti-unti namang humupa ang pag-aalala sa mga mata nya.
" Kung gayon ako ay magtutungo muna sa botika, bibilhin ko lamang ang gamot na iyong iinumin, iiwan ko si Sanya upang mag bantay sayo, magpahinga ka muna anak huwag ka munang lumabas sa iyong silid ", bilin pa nya, tumango naman ako at ngumiti, hinagod nya naman ang buhok ko ng may ngiti, saka tuluyang lumabas kasama ang tagapagsilbi nyang si Ismaeng.
Sinubukan kong tumayo para pumunta sa bintana ng kwarto ko, sinuway naman agad ako ni Sanya pero kalaunay wala din syang nagawa kundi alalayan na lang ako ng magpumilit ako. Kinuha ni Sanya ang silya mula sa lamesang katabi ng bintana at inilagay ito sa mismong bukana nang bintana, umupo naman ako saka pinagmasdan ang magagandang bulaklak sa garden, ang preskong na simoy ng hangin at magandang tanawin ay nakatulong para unti-unting maibsan ang headache ko.
" Ah Sanya ano pala daw nangyari sa 'kin kagabi pagkatapos kong mahimatay? ", tanong ko sa kanya, napangiti naman sya nang mapang loko.
Problema nito?
" Ayun sa kaibigan kong tagapagsilbi sa hacienda Verano, matapos daw po kayong mawalan ng malay, ay ikaw raw po ay binuhat ni Señor Francis, patungo sa asotea nagulat at nagalit pa raw ho ang iyong ama dahil sa paghawak nya sayo, ngunit inalala na lamang nila ang iyong kalagayan ", paliwanag nya pa na animong kinikilig, nagulat naman ako sa katotohanang binuhat talaga ako ni Francis, pero dapat naman talaga dahil kapag iniwan nila ako sa garden,valone and unconscious, sasapakin ko talaga sya pag ka gising ko, pero!hala!baka nag selos si Sansa 2!.
" Ah kasama rin ba daw ni Francis si Sansa 2--ah esti Sansa?", Muli ko pang tanong sa kanya, mas lalo namang lumapad ang mapanloko nyang ngiti.
Adik talaga tong character nato eh!
" hindi ho binibini,sapagkat siya'y nag tungo sa kwadra ng mga kabayo nang may narinig siyang lalaking sumisigaw ", aniya, napa sapo naman ako sa noo, hala!.. si kuyang guard pala!nakalimutan ko!. I feel bad tuloy about sa pagsira ko sa promise ko kay kuyang guard, sana naman hindi sya nagalit sakin.
" Señorita, may panauhin po kayong dumating ", biglang wika nung isang tagapagsilbi pagkatapos kumatok ng marahan sa pinto, napakunot naman ang noo ko, dahil wala naman akong visitor at bakit ba ngiting ngiti to si Sanya?. aning na bata!.
" Patutuluyin ko ho ba sa inyong silid? ", nakangisi pa ring tanong ni Sanya, nginiwian ko na lang sya at itinango ang ulo ko as if I'm signalling her para patuluyin ang surprise visitor ko.
Nanatili lang ako sa pagti-tingin tingin sa mga bulaklak sa garden, at sa mga ibon na ngayon ay naglalaro na sa himpapawid. Dumako ang tingin ko sa pinto ng kwarto ko matapos marinig itong bumukas, napaigtad ako sa upuan ko at halos madapa pa ako sa sahig dahil sa gulat matapos makita kung sino ang elmentong pumasok, " binibini ikaw ba ay ayos lang? paumanhin kung ikaw ay aking nagulat ", aniya habang kinakamot ang sentido nya, na kyutan naman ako sa ginawa nya, para syang bata na inutusang bumili sa kalagitnaan ng panonood nya ng favorite cartoon movie.
Inayos ko ang tindig ko saka naglakad pabalik sa kama ko, parang bumabalik na naman ang headache ko. Hindi sya naglakad ni kumilos man lang sa halip ay nanatili lang syang nakatayo sa kinaroroonan nya at nakatitig lang sa 'kin gamit ang mapag paumanhing mga mata. Para syang tanga. "May handog pala akong prutas sa iyo binibini, ito ay makakatulong upang gumaan ang iyong pakiramdam ", aniya saka naglakad sa vanity table ko, parang kanina lang hindi sya makagalaw tapos ngayon parang feeling nya at home na at home sya ay!, teka..bakit nga pala to nandito? " salamat iwan mo na lang dyan ", wika ko sa kanya habang itinuturo ang vanity table ko, tumango naman sya saka inilapag ang dala nyang tela, wala ba talaga silang cellophane sa panahon ngayon? panay tela at dyaryo lang ang ginagawa nilang supot eh.
" Nagtungo lamang ako rito binibini upang tingnan ang iyong lagay, kamusta na ang iyong pakiramdam binibini? ", wika nya pa, ang gentleman nga naman ni Francis, nginitian ko na lang sya bilang sagot napaiwas naman sya ng tingin
Problema nito?hindi naman makalabas ang ngipin ko ah...
" A-ah kung gayon ako'y tutungo na binibini, magandang araw sa iyo ", natataranta nya pang wika saka inilagay ang sombrero nya sa dibdib nya para magpaalam, na weirduhan naman ako sa kanya, para ba akong multo 'pag ngumingiti?kaya ganun na lang sya ka taranta na umalis agad?.
Lumapit na lang ako sa vanity table ko ng makalabas na sya at tiningnan ang dala nyang prutas, saka ako umupo sa kama parang natatakam na 'ko pagkatapos makita ang kulay dilaw na bilugang prutas.
oymygas!my favorite!
" Sanya!Sanya! ", tawag ko sa kanya dali dali naman syang pumasok sa kwarto ko, " ano po iyon binibini? ", nakangisi nya pa ring tanong, kunti na lang talaga eh iisipin ko na talagang sya ang founder ng drugs sa mundong to.
" Pwede mo ba akong dalhan ng asin at suka? ", wika ko sa kanya, parang sinasabi ko pa lang sa kanya ay nangangasim na ang panga ko. " Bakit binibini?ikaw ba ay magluluto sa iyong silid? ", naguguluhan nya pang tanong, napakamot naman ako sa sentido ko, " hindi ako magluluto, basta magmadali ka na lang dalhan mo na lang ako dito ng pinapakuha ko sayo ", wika ko sa kanya tumango naman sya kahit naguguluhan pa rin saka lumabas na ng kwarto ko.
Hindi ko pala napasalamatan si Francis kanina, bukas na lang. Sinimulan ko na lang kainin ang dala nya, iba't ibang uri ng prutas ang dala nya, para tuloy akong ignorante dahil manghang-mangha kong sinusulyapan ang mga prutas, ng mamataan ko ang isang piraso ng papel, nakataas ang isang kilay ko itong dinampot, wala namang nakasulat pero may bakas ng mga letra, kaya naisipang kong kumuha ng lampara saka isenentro ang papel sa apoy nito saka dahan dahang hinihila patagilid at pabalik balik hanggang sa dahan-dahang lumabas ang mga letra, naalala ko na ito ang inimbento ni Dr. Jose Rizal na tinta na gawa sa asin at kahit anong acid, kaya ito rin ang isinulat ko sa story bilang paraan ng pagpapadala namin ng mensahe at nang walang ibang makakabasa kundi kami lang.
Nagulat ako matapos mabasa ang nakasulat,
" Magandang araw sa iyo binibini, paumanhin kung sa ganitong paraan ko isinulat, sapagkat ako'y nahihiya na iyong mabasa ka-agad, nais ko lang pala sanang ika'y anyayahang lumabas kapag maayos na ang iyong pakiramdam, nawa'y iyong paunlakan ang aking imbitasyon ako'y tutungo sa inyong tahanan bukas ng tanghali upang malaman ang iyong pasya, muli magandang araw binibini.
- Francis "
Seryuso?
Sa ganitong paraan pa talaga nya isinulat?parang ang tanga naman nya dahil kung hindi ko lang sana alam ang paraan ng pagsusulat nya ay hindi ko talaga to mababasa, pero bakit yayain nya kong lumabas?date ba to?omaygas! hindi naman sana dahil 'pag nagkataon ay baka maging ganap na kontrabida na talaga ako sa love story nila ni Sansa 2, na syang love story ko naman. Hayst nakakainis!ang gulo-gulo ng sitwasyon ko!...
Ipagpapatuloy…
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro