Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7:

[Chapter 7]

" Bakit po binibini? ", tanong ni Sanya hindi ko man lang namalayang nakatitig na pala ako sa kanya, " ah w-wala ", nauutal ko pang sagot sa kanya, hayst bakit ba kasi nau-utal ka pa Sansa masyado kang obvious.

" Tayo na po binibini at malalim na ang gabi, ihahatid ko na po kayo sa inyong silid, " yaya nya sa 'kin at naunang tumayo.

Tumango na lang din ako sa kanya mukhang wala naman siguro syang nalalaman, pero kailangan ko pa rin syang bantayan.

" Nawa'y makatulog kayo nang maayos binibini, " wika nya pa matapos nya akong mahatid sa kwarto ko, ba't parang ang weird nya?

" Ah ikaw rin Sanya sige good night, " naiilang kong sagot sa kanya.

Bahagya pang napatagilid ang ulo nya na para bang inuunawa ang huling salitang sinabi ko, magsasalita pa sana ako kaso naunahan nya na ako.

" Kayo'y mag-iingat binibini, " magalang nyang tugon bigla naman akong na goosebumps.

Ano ang ibig nyang sabihin? posible kayang may alam talaga sya?.

Tatawagin ko pa Sana sya para tanungin kung ano ang ibig nyang sabihin kaso nagpatuloy na sya sa paglalakad.

Hindi pa man sumisikat ang araw ay niyaya na ako ni mama o Doña Eliza na mamalengke, excited naman akong sumampa sa kalesa.

Dalawang kilometro rin ang naging byahe namin bago kami nakarating.

Namamangha kong tinitingnan ang mga nakahilerang paninda sa pamilihan, habang abala naman ngayon sa pagkikilatis nang gulay at prutas na bibilhin si mama.

Iniabot ko sa kanya ang isang buo na Watermelon napangiti naman sya dahil maayos ang pagkakapili ko.

Sunod ay inabot ko naman sa kanya ang sakto sa lutong na Saging tinaggap nya naman iyon at muling napangiti.

" Tila ikaw ay bihasa sa pamimili ng prutas aking anak, " malambing nya pang saad napangiti naman ako.

Ang sarap talaga sa pakiramdam na tinatawag kang anak ng iyong ina o kahit ibang tao man.

"  Nasanay lang po mama, " sagot ko sa kanya, ngumiti naman sya saka ibinalik ang atensyon sa mga tinda.

Inikot ko naman ang paningin ko sa paligid, at halos magliwanag ang mata ko sa nakita ko isang book store!

At dahil miss ko nang magsulat at magbasa ay, nagpaalam ako saglit kay mama na pupunta sa tindahan ng mga aklat, pumayag naman sya at sinabihan akong dun na lang daw nya ako dadaanan binigyan nya pa ako ng pera pambili.

Ngunit nang buksan ko ang palad ko para bilangin ang binigay nya ay para akong matatae na ano, 7 pesos! 7 pesos lang ang binigay nya!,

Makakabili kaya ako nito ng notebook, ballpen at libro?e chichirya sa kanto lang ang nabibili ko rito sa modern world.

Ipinagkatiwala ko na kay Batman ang mga hinuha ko at nilakasan ang loob na pumasok sa loob ng book store.

Pagkapasok ko pa lang ay sumalubong na sa 'kin ang nagtataasang cabinet ng libro, napanganga pa ako.

Hindi ko inaasahang ganito pala karami ang tinda nilang libro.

" S-señorita Sandya kayo po ba ay may kailangan? " Tila natatakot na wika ng isang babaeng may katandaan na.

Sa tingin ko ay mukhang sya ang may-ari ng tindahang 'to.

Ngumiti naman ako sa kanya saka lumapit at nagsalita.

" Ahm ale, may libro po ba kayo tungkol sa mga witchcrafts? " tanong ko sa kanya nagitla pa sya sa tanong ko pero nanatili lang syang naka tungo.

" Paumanhin Señorita ngunit hindi ko maunawaan ang salitang iyong tinuran, " magalang, at tila natatakot pa rin nitong sabi, na para bang kapag nagkamali sya sa sagot nya ay babatukan ko sya, napailing na lang ako sa sarili ko.

Ano ba kasing tagalog ng witchcrafts? ah pangkukulam.

Kaya lang pag sinabi ko yun sa kanya ay baka ipa-garrote ako dahil sa panahong 'to ay mahigpit iyong ipinagbabawal.

Ano bang sasabihin ko? kailangan dapat good ang approach nung words, ah alam ko na!

" Ang ibig ko pong sabihin ay kung may libro po ba kayo tungkol sa mabuting pangkukulam, " tumawa pa 'ko nang kaunti para hindi na ma-intimidate ang ale pero.

" Kayo po ba ay mangkukulam!? " gulat nyang sigaw na para bang kapag nalinga lang ako saglit ay tatawag na sya ng gwardya civil para ipa garrote ako.

Naku! eto na nga bang sinasabi ko! namiss-interpret nya talaga, ang tanga ko naman din kung bakit ba kasi pangkukulam na salita yung sinabi ko pwede namang about sa magic na lang o White magic's.

" Ah hindi po ang ib-- ", naputol yung dapat kong sasabihin nang may isang pamilyar na boses ang nag salita sa likod ko.

" Sa aking palagay ang hinahanap ng Señorita ay ang ganitong libro, " walang kaemo-emosyon na wika ni Franco sabay lahad sa harapan ko ng isang fantasy book.

Gulat ko naman syang tiningnan.

Bakit sya nandito?wala naman akong isinulat na pupunta sya sa bookstore sa araw nato ah.

" Batid kong ganyang klase ng libro ang iyong hinahanap Señorita Sandya, " muli nya pang wika na para bang hinuhulaan nya ang mga tanong sa isip ko.

Pero mali naman yung hula nya.

Pero kahit ganun ay nagpapasalamat naman ako sa kanya dahil sa pag-save by the bell nya sa 'kin, dahil kung hindi baka ipa-garrote na ako ngayon, hindi pa man din ako magaling gumawa ng palusot.

" A-ah oo nga po ito nga po ang ibig kong sabihin, " pakikisakay ko na lang sa sinabi ni Franco.

Kahit hindi naman talaga iyon yung hinahanap ko gusto ko talaga sanang maghanap ng libro o isang textbook ng mga magic o pangkukulam o kahit ano, basta may kinalaman sa maaaring pag-kunan ko ng sagot sa mga kababalaghang nangyayari ngayon sa buhay ko.

" Kung gayun ay akin na itong ibabalot Señorita, " magalang pa rin na sagot nung ale saka kinuha ang libro sa kamay ni Franco.

Tumango naman ako sa kanya at pumunta sa hilera ng mga talaarawan.

Magaganda at iba-iba ang disenyo ng mga talaarawan nila, ang ilan ay hango pa sa Europe ang styles at ang iba naman ay may nakaguhit lang na iba't ibang uri ng bulaklak.

Nakangiti kong dinampot ang nagustuhan kong talaarawan may guhit ng Sunflower ang cover nito at may taling gawa sa kinulayan na abaka rin ang naka attach dito para hindi mabuksan nang madali " aking nahihiwatigan na ikaw ay mahilig sa bulaklak na Mirasol Señorita ", hindi ko inaasahang wika ni Francis, hindi ko man lang napansin na sinundan nya pala ako, teka nga lang!bakit ba parang ang feeling close nya ngayon?ano bang nakain nito at parang nag-iba ang approach nya sa character ni Sandya? dahil as far as I remember ginawa kong ayaw nya kay Sandya, pero bakit ngayon parang mag-bestfriends na ang approach nya?.

" Ito ay isang magandang talaarawan, gawa pa sa kahoy na kamagong(mahogany)ang papel nito, habang gawa naman sa pinagtagpi-tagpi na abaka ang suklob nito, natitiyak kong ito ay matibay ", muli nya pang wika nang hindi ako sumagot, na para bang isa syang sales boy sa Ayala mall na nagsa-sales talk sa binibinta nyang eskinol product.

" Ahm Francis thank you pala kanina ah "nakangiti kong sagot sa kanya, hindi ko alam kung bakit ganun ang reply ko sa kanya, basta feel ko lang na parang need akong mag thank you sa kanya dahil sa pagtulong nya sa 'kin sa pagpapalusot sa nangyari kanina.

" Ano ang ibig sabihin ng salitang iyong winika señorita? tink yu? ", tanong nya pa natawa na lang ako sa isip ko dahil sa bulol nyang pag-kasabi,   " thank you 'yan ay English na salita na ang ibig sabihin ay salamat ", sagot ko sa kanya, kumurba naman sa isang ngiti ang pinkish nyang mga lips na lalong nagpadagdag sa kagwapohan nya, ang gwapo-gwapo nga talaga ni Francis, iba rin pala ang nagagawa ng imahinasyon ko.

" Heto, isang napakagandang pluma iyan ay galing pa sa bansang Pransiya s
Señorita, " dagdag nya pa sabay abot sa 'kin ng isang napakaganda ngang pluma, makulay ito at may balahibo pa ng Paboreal(Peacock)sa dulo, isa itong calligraphy pen! hindi ko inaasahang may calligraphy pen na pala noon.

" Iyo bang naibigan Señorita?, " muli pang tanong ni Francis, seriously?ang weird nya talaga ngayon ibang-iba sa Francis na isinulat ko, at kanina pa sya tawag nang tawag sakin ng Señorita nakakaumay!, " ah oo nagustuhan ko ang ganda  " sagot ko sa kanya at kunwaring natawa, ngumiti naman sya.

" Ahm Francis pwede bang huwag mo na akong tawaging Señorita? binibini na lang o kung gusto mo ay Sans—ah Sandya na lang, ayaw ko kasi na tinatawag akong Señorita, " suhestyun ko sa kanya at ngumiti pa na parang aso.

Limang piso lang ang nabayad ko sa lahat ng pinamili ko, grabe!hindi ako makapaniwala na makakabili na ako nang magagandang bagay sa perang yun, ang cool pala talaga sa panahon na 'to ang laki ng value ng pera.

E kung magdala kaya ako rito ng 100,000 pesos? naku!tiyak ako na ang pinakamayan baka gawin pa akong gobernador-heneral ng Pilipinas!.

" Hindi ka pa ba uuwi Seño--ah binibining Sandya? ", tanong nya nang huminto ako sa labas ng tindahan, " ah hindi dadaanan daw ako dito ni doñ--ah mama! ", sagot ko sa kanya napa tango-tango naman sya, " nasaan ba si Doña Eliza? ", muli nya pang tanong sa 'kin, bakit ba tanong sya nang tanong? kanina pa sya ah, " ah nasa wet market sya ", sagot ko napa-kunot naman sya ng noo at kalaunay ngumiti rin, " ikaw nga ay tunay na maalam binibini, ngayon pa lamang ako nakatagpo ng isang taong bihasa sa pag-bigkas nang mga salitang Ingles ", namamangha nya pang tugon.

" Ngunit ano ang ibig sabihin ng wit markit binibini?", dagdag nya pa, hays hindi na ba talaga matatapos ang kakatanong nya?dinaig nya pa ang reporter sa GMA e, teka i-suggest ko kaya sa kanya na mag apply sya as reporter dun?tiyak na pasok sya sa media industry! kaso pano?hindi naman sya tao..hayst wag na nga lang kung ano-ano talaga ang mga iniisip ko.

Tapos ko ng ipaliwanag kay Francis kung ano ang ibig sabihin ng wet market, at sinabi nyang puntahan na lang daw namin si mama sa pamilihan, nilakad lang namin dahil hindi naman ganun ka layo. Habang naglalakad kami ay hindi nakaligtas sa mapag-matyag kong mga mata ang mga echoserang chismosa na nagbubulung-bulungan sa tabi ng nadadaanan namin, siguro ay iniisip nilang may relasyon kami ni Francis, dahil sa panahong to ay hindi normal na makitang mag kasama ang isang binata at dalaga, kaya nag-physical distance muna ako mula kay Francis.

Sinulyapan ko naman sya saglit at mukhang hindi nya naman pansin ang mga chismosa dahil seryuso lang syang nakatingin sa daan, na para bang binibilang nya kung ilang alikabok ang nagliliparan sa tuwing lumulundag ang paa nya sa lupa, " asan dito ang iyong ina binibini? ", bigla nyang wika at nagulat pa ako dahil deretsong sa mata ko tumama ang mga mata nya pagka-angat nya ng ulo, gumapang naman ang ilang sa katawan ko.

" Umalis na daw si Doña Eliza, ayun sa aleng nagtitinda ng prutas ", wika nya pa matapos tanungin ang aleng pinagbilhan namin ni mama ng prutas kanina.

Hala!ba't nya ko iniwan?pano na to?pano na 'ko makakauwi.

Napanguso na lang ako, mukhang kailangan kong lakarin ang 2 kilometro, hayst nakakainis!pati ba naman si Doña Eliza iiwan ako?.

" Huwag kang mag-alala binibini ika'y sumabay na lang sa akin ako ay magtutungo din sa inyong tahanan ", bigla pang wika ni Francis, parang ang galing nya lang manghula ah?i suggest ko kaya sa kanya na mag tayo sya ng Abra cadabra house nya ang galing nyang manghula e, dinaig pa yung fortune teller na binisita ko lately sa modern world, hulaan ba naman daw akong magiging maganda ang takbo ng married life ko, e wala nga akong nobyo!ang sinungaling lang diba?!.

" Tayo ay pumanhik na binibini, baka hindi ko maabutan ang iyong ama ", daldal nya pa, naguilty naman ako dahil mukhang kanina pa sya salita nang salita pero hindi ako sumasagot, dahil lunod ako kakaisip sa mga kalokohan ko, " ah sige, pero teka ano palang gagawin mo sa bahay namin? ", tanong ko pa sa kanya, " ako ay naatasan ni ama na maghatid ng imbitasyon sa iyong ama, " sagot nya napa-tango naman ako , nakalimutan ko pala na kaarawan ni Don Epifanio bukas, napaka-ulyanin ko na talaga palagi ko na lang nakakalimutan ang mga scene sa storyang 'to, baka nga ay naisulat ko din na dadaan sya sa bookstore ngayong umaga at nakalimutan ko lang.

Walking distance lang naman ang pinag-lagyan nya ng kalesa kaya madali kaming nakarating, " tayo na at tumungo sa tahanan ng heneral Obedosa mang Carlos ", tugon nya pa sa kutsero nya tumango naman ito at agad sumampa sa pwesto nya sa kalesa, inilahad nya naman ang kamay nya para alalayan akong sumakay, pero parang may kung ano sakin na nahihiyang hawakan ito, kahit pa nagawa ko nang hawakan ang ilang bahagi ng katawan nya nung una naming pagkikita.

Muli ko na naman tuloy'ng naalala ang kahihiyang ginawa ko noon siguro inisip nya na napaka-pusok kong babae dahil basta-basta ko na lang sya hinawakan, na isang malaking kapangahasan sa panahon ngayon, hayst ba't ba kasi nakalimutan kong conservative ang mga tao sa panahon ngayon.

Sa huli ay pinili ko ring abutin ang kamay nya, at nang maka-upo na kami sa loob ng kalesa ay pilit kong isinisiksik ang sarili ko sa gilid dahil nahihiya pa rin ako hanggang ngayon.

Nagsimula na namang tumakbo ang kalesa, at ni kahit kunti ay hindi talaga ako tumingin sa kanya, itinuon ko lang ang atensyon ko sa labas, at nanlaki ang mga mata ko sa gulat matapos makatagpo ang isang pares ng mata na matalim na nakatingin sa 'kin, sinubukan kong ngumiti sa kanya pero hindi man lang nag-bago ang tingin nya matalim at masama pa rin ang tingin ni...

Sansa 2..

Ipagpapatuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro