Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 6:

[Chapter 6]


Asul na asul ang kalangitan at malayang lumilipad ang mga ibon kasama ang sariwang hangin.

Nagsasayawan naman ang mga tuyong dahon ng Narra sa ritmo ng hangin habang inilalahad ko naman ang dalawa kong palad upang saluhin ito.

Kung may cellphone lang sana ako ngayon ay talagang kukuhanan ko ng picture ang magandang setting na ito kaso wala e.

Hays ang hirap pala ng buhay nila noon walang cellphone walang internet.

Pero masarap naman dahil sariwa ang hangin na malalanghap mo at wala masyadong building ang paligid at talagang nagkakaroon ka ng quality time para sa sarili mo at sa pamilya mo dahil hindi pa uso ang mga karaniwang pinagkaka-abalahan ng mga taong nabuhay sa modern world na mga video games, Facebook, Instagram, YouTube o kahit ano pa mang may kinalaman sa internet na syang minsan kumakain ng oras natin nang hindi natin namamalayan.

Napasandal na lang ako sa malaking trunk ng Narra at inisip kung ano kaya ang mga nangyayari sa modern world ngayon.

Nataasan na kaya ang sahod ng mga public employees?nasulusyunan na kaya ang matinding traffic? hindi na kaya patay sindi ang tubig sa poso? wala na kayang mga palaboy na bata sa lansangan? nasugpo na kaya ang mga lumalaganap na krimen sa pagamit ng droga? tinatangkilik na kaya ng mga kabataan ang kultura ng sariling bansa? malinis na kaya ang tubig sa Manila bay? hindi na kaya nag-papakatanga si Leica sa manloloko nyang unggoy na boyfriend?

Nakakalungkot talagang isipin ang mga kasalukuyang nangyayari sa modern world hayst, ang dami na talagang nag-bago mula sa panahong to, ibang-iba na talaga ang modern world mula sa mga nakikita ko ngayon sa lumang Pilipinas.

Napatigil na lang ako sa pag-iisip nang makita ko ang tagapagsilbi ni Sandya na syang palaging kumakatok sa kwarto ko tuwing umaga.

" Señorita pinapapunta po kayo ng iyong ina sa asotea kayo raw po ay magtatahi, " magalang nitong sabi na bahagya pang nakatungo, tumayo na naman ako at pinagpagan ang bandang pwet ko.

" Ano pala ang iyong pangalan? " tanong ko sa kanya nang akma na syang maglalakad.

Sa totoo lang alam ko naman ang pangalan nya e dahil ako naman ang lumikha sa kanya, pero sadyang ang dami lang talagang character ng mga tagapagsilbi ang binuo ko kaya hindi ko na matandaan kung ano ang pinangalan ko sa kanya.

Namamangha nya akong tiningnan.

" Kinakausap nyo na po ako Señorita! " nakangiti nya pang sambit.

Oo nga pala nakalimutan ko rin palang likas na maldita ang character ni Sandya at matapobre kaya hindi nya kinakausap at tinatrato nang maayos ang mga tagapagsilbi nya kaya maka ilang ulit na din syang linayasan ng mga tagapagsilbi nya.

" Sanya, Sanya po ang aking pangalan Señorita ", natutuwa nya pang ani.

Nginitian ko naman sya at tinanguan, kinawit ko pa ang kamay ko sa mga braso nya at nagpa-umunang maglakad.

Halata mang nabigla sya sa ginawa ko ay ngumiti na lang din sya.

" Nagagalak po ako Señorita na hindi muna ako inaaway, sabi ko na nga ba at darating din ang araw na kakausapin mo na ko at alam ko naman pong mabuti ang inyong puso taliwas sa mga sinasabi ng kapwa kong tagapagsilbi, " muli nya pang wika at binigyan ako ng isang malapad na ngiti

Hindi nga pala maganda ang pakikitungo ni Sandya sa mga tagapagsilbi nila kaya palagi syang sinisiraan.

" Salamat, " yun na lang ang tanging naisagot ko sa kanya, ngumiti naman sya bago nagsalita.

" Wala po iyon Señorita, " nakangiti nya pa ring sambit.

" Ah Sanya pwede bang huwag mo na akong tawaging Señorita?vbinibini na lang, "saad ko sa kanya.

Tumango naman sya at mas lalo pang lumapad ang mga ngiti nya.

" Kung iyon ang inyong nais Señor--ah binibini, " Pag-sang ayon nya pa.

" Buen hecho Sandya, está bello(good job Sandya it's beautiful), " papuri pa sa 'kin ni Doña Eliza matapos makita ang gawa ko.

Ibinurda ko ang isang sunflower na favorite kong bulaklak, umabot pa kami ng isa't kalahating oras sa pagbuburda hanggang sa matapos na namin.

" Muchas gracias...mama(thank you mother), " pagpapasalamat ko sa kanya.

Nagdalawang isip pa 'ko kung tatawagin ko ba syang mama dahil hindi naman sya yung nanay ko.

Pero sa huli ay napagdesisyunan ko ring tawagin syang mama dahil kahit papano ay gusto ko pa rin namang maranasan na may tatawagin ulit akong mama.

Napangiti sya nang malapad sabay yakap sa 'kin.

" Napakasaya ko aking anak! dahil muli mo na akong tinawag na mama! " saad nya pa sa gitna ng yakap nya.

Niyakap ko naman sya pabalik, o nga pala ipinagkait ko sa kanya bilang ina ang tawaging mama ng anak nya, dahil ginawa kong hindi sila magkasundo ni Sandya dahil likas ang pagiging maldita nito kaya galit sya sa mama nya dahil palagi nitong pinupuna ang mga maling ginagawa nya.


" Tayo na sa hapag muna at ako'y nahuhuyong na, mamaya na lang natin ipagpatuloy ang ating yakapan, " nakangiti nya pa ring wika matapos putulin ang yakapan namin.

Napangiti naman ako sa kanya at tumango sabay kawit ng kamay ko sa braso nya.

Namiss ko na naman tuloy si mama, siguradong 'pag nabubuhay sya ngayon ay ganito rin kami.

Kaya masaya ako na kahit papano kahit sa loob man lang ng kwentong 'to ay nagawa kong maranasan ang pakiramdam na magkaroon ulit ng ina na kung saan syang ipinagkait ng mundo sa 'kin sa halos isang dekada at limang taon.

Alas-otso na ng gabi at oras na ng pagtulog ngunit heto ako at nakatanaw lang sa madilim na tanawin na syang tanging nakikita ko sa labas ng bintana ng kwarto ko.

Nahihirapan pa rin akong makatulog marami pa ring tanong ang paulit-ulit na gumugulo sa isip ko.

Katulad ng asan kaya ang totoong katauhan ng character na Sandya? o kung bakit ang character nya ang naging katauhan ko? hayst nakakabaliw pa rin! at nakakabobo ang mga nangyayari!

At dahil sa hindi ako makatulog ay naisipan kong bumaba at pumunta sa garden para makalanghap ng sariwang hangin.

Bitbit ang isang lampara ay tahimik akong lumabas sa kwarto ko at naglakad sa hallway ng second floor ng mansyon nadaanan ko pa ang kwarto nila Heneral Marcelo at Doña Eliza, may maliit na siwang ang pinto nila dahil hindi maayos na nakasara ito kaya nakikita ko si Doña Eliza na natutulog mag-isa.

Hindi pa pala nakauwi si heneral Marcelo.

Saglit ko pang tiningnan si Doña Eliza saka ko isinara nang marahan ang pinto.

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa 'kin pagkabukas ko nang pinto.

Kaya inayos ko ang suot kong kulay dilaw na tsaketa(jacket).

Umupo akong muli sa trunk ng Narra at tumingala sa maningning na kalangitan.

Nababalutan ito ng milyon-milyong makikinang na bitwin ngayon, ngunit ang talagang umagaw ng atensyon ko ay ang crescent moon na ngayon ay parang barko dahil sa horizontal nitong pagkaayos.

Hindi na ito masyadong maliwanag dahil medyo natatakpan na sya ng ulap, pero kahit ganoon ay hindi pa rin sya nabigo sa pagbibigay ng liwanag—liwanag na syang tipo na kahit milyon-milyong bitwin pa ang nakapalibot sa kanya ay parati pa rin syang nangingibabaw.

Sa lahat ng meron sa kalangitan ay ang buwan ang paborito ko sa lahat dahil para sa 'kin ang buwan ay sumasalamin sa buhay ng tao, na kahit nag-iisa at naiiba sya ay nagni-ningning pa rin sya pinapakita nya pa rin ang angkin nyang liwanag, na kahit takpan man sya ng mga ulap ay pilit nya paring sinisikap na ipakita ang liwanag niya.

Patunay na lahat tayo sa mundong to ay iba-iba pero kahit na ganun ay may kanya-kanya tayong taglay na liwanag, at na kahit dumating man ang mga pagsubok sa buhay natin ay kailangan lang nating manatiling matatag dahil sa kabila nito ay makikita pa rin natin ang siwang ng liwanag ng pag-asa.

" Sino ka?! " nagulat ako matapos marinig ang isang boses sa tabi ko.

Inilapit nya pa sa mukha ko ang hawak nyang gasera para maaninag kung sino ako, at nang makita nya na ang mukha ko ay agad syang napayuko.

" Paumanhin binibini, hindi ko po inaakalang kayo pala iyan, " nahihiya nya pang wika.

" Okay lang, " nakangiti ko namang sagot sa kanya na pinapakitang ayos lang talaga ang ginawa nya.

" Oki? ano po ang ibig sabihin ng salitang inyong tinuran? at ano po pala ang salitang ito? " naguguluhan nya pang tanong.

O nga pala hindi pala sila nakakaintindi ng English.

" Okay, 'yan ay salitang English at ang ibig sabihin nyan ay ayos lang, " nakangiti ko pang paliwanag sa kanya napatango naman sya na animong manghang-mangha.

" Tunay ngang kayo ay napakatalino binibini, " papuri nya pa sa 'kin.

Ngumiti na lang ako sa kanya bilang sagot at saka ibinalik ang atensyon sa kalangitan.

" Kung inyong mararapatin po binibini ay nais ko sanang tanungin kung ano ang inyong ginagawa dito sa hardin nang ganitong oras, " muli nya pang tanong sa magalang at naiilang na paraan.

Tumingin naman ako sa kanya bago nagsalita.

" Hindi ako makatulog, " maikli kong sagot sa kanya napatango naman sya.

" Ikaw? anong ginagawa mo rito? " tanong ko sa kanya pabalik.

Napangiti naman sya sa tanong ko at muling ibinalik ang tingin sa kalangitan.

" Dahil po ay nakasanayan ko na pong tingnan ang mga bitwin sa kalangitan tuwing sasapit ang gabi, " sagot nya habang nanatiling nakatingin sa kalangitan.

Magkasalungat pala kami ng pinagmamasdan.

" Bakit gusto mo ang mga bitwin? "tanong ko sa kanya at ibinalik na rin ang paningin ko sa kalangitan.

Gusto ko sanang makarinig ng ibang pananaw ng tao tungkol sa mga bitwin, dahil ang sariling pananaw at ni Leica lang naman ang alam ko at pareho pa kami ng pananaw.

" Dahil po siguro sa angkin nitong ganda ngunit sa likod nito ay ang katotohanang unti-unti silang namamatay araw-araw, " malungkot na sagot ni Sanya, tama nga naman sya stars gradually die every single day.

" Para po kasi sa 'kin ay sumasalamin sa buhay ng tao ang mga bitwin, ikinukubli nila ang malungkot na katotohanan sa pamamagitan nang mapanlinlang nilang ningning. Katulad ng buhay ng tao na kung saan kahit tayo ay nasasaktan at nalulungkot sa kaloob-looban natin ay pilit pa rin natin itong tinatakpan ng isang matatamis na ngiti. At ang katotohanang hindi po lahat nang nakikita natin ay totoo dahil maaaring ang iba ay hindi tunay, " aniya sabay tingin sa 'kin habang sinasambit nya ang huling mga salitang binitawan nya na may diin pa ang pagkakabigka.

Na syang nagdulot sa 'kin nang isang matinding kaba, dahil pakiramdam ko ay may malalim pa iyong kahulugan.

Teka! may idea na kaya sya?na hindi totoo ang lahat ng ito? na isa lamang syang karakter sa kwento? o kung hindi kaya'y alam nya na kayang hindi ako ang tunay na Sandya? na iba ang katauhan ng babaeng kaharap nya ngayon?.

Ipagpapatuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro