Kabanata 5:
[Chapter 5]
" Señorita kayo po ay gumising na ".
Muling katok ng isang boses babae na kanina pa pabalik-balik sa kwartong inuokupa ko na marahil ay sya ring kwarto ni Sandya na character ng story ko.
Sa totoo lang kanina pa talaga ako gising dahil talagang nahirapan akong makatulog, na kung noon ay dahil sa ala-alang hatid ng ulan, ngayon ay dahil na sa kakaisip ko sa mga nangyayari.
" Señorita kanina pa po kayo hinihintay sa hapag ni Doña Eliza, " muli nya pang sambit.
At dahil ayaw ko namang maging ganun ka sama na tao para maging dahilan nang pagkakapaos nya ay pinilit ko na lang ang sarili kong bumangon.
Ngunit sa halip na buksan ang pinto ay naglakad ako papunta sa isang mesa malapit sa bintana na kung saan may isang malaking salamin na nakapatong, sumasakit man ang mata ko dahil sa kakulangan ng tulog ay pilit ko paring inaninag ang sarili ko.
" HALA!?ANONG NANGYARI?! " malakas na sigaw ko dahil sa gulat, nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Nagbago ang mukha ko!
" Señorita! kayo ba ay ayos lang? " narinig kong wika nung babae sa pinto.
Pero hindi ko ito pinansin at hinawak-hawakan ko lang ang mukha ko.
Hindi naman talaga malaki ang ipinagbago ng mukha ko pero yun nga lang may ilang parte ang nag-bago, nadagdagan ang tangos ng ilong ko at naging hazel din ang kulay ng mga mata ko na noon ay kayumangging-kayumanggi.
At naging mapupula ang labi at pisngi ko, at higit sa lahat ay nawala ang tatlong tigyawat sa mukha ko.
Ang ganda-ganda ko!halos magkapantay na kami ng ganda nung babae.
" La hija de Sandya es hay un problema? (Sandya daughter is there a problem?), " nag-aalalang tanong ng isang magandang babaeng mukhang may edad na rin.
Sinakop nya pa ng dalawa nyang palad ang mukha ko at pilit pinapatingin ako sa kanya hindi ko man lang napansin na nakapasok na pala sila sa kwarto ko.
" ¿Estás bien?(are you alright?), " nag-aalalang tanong nya pa sa'kin.
Kung hindi ako nagkakamali ay sya na siguro si Doña Eliza ang ina ni Sandya.
" Hablar Sandya!(speak Sandya), " muli nya pang sambit at niyugyug pa 'ko, ang sakit pa nang pagkakahawak nya sa mukha ko.
" Si, no se preocupe (yes, don't worry), " sagot ko sa kany.
Napahinga naman sya nang maluwag pero andun pa rin yung pag-aalala sa mukha nya, ganito pala talaga mag-alala ang isang ina.
" ¿Estas sigura?(are you sure), " muli nya pang tanong tumango naman ako at ngumiti nang pilit
" Está bien, vamos, necisitas comer(all right let's go you need to eat) " wika ng Doña at saka inalayan akong maglakad palabas ng kwarto ko.
Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang ayaw ko namang pagalitan nya ako.
Tahimik lang akong kumakain ng kaldereta, kakaiba ang lasa nito hindi katulad ng mga kalderetang karaniwan kong nakakain sa Filipino restaurants at sa mga karinderya.
Speaking of restaurant and karinderya kamusta na kaya yung modern world?
Baka hinahanap na ako ni Leica, namimiss ko na tuloy sya, hayst kailangan ko na talagang makalabas sa kahibangang to kailangan ko nang gumawa ng paraan.
Pero pano? saan ako magsisimulang maghanap? e kahit nga ang dahilan kung bakit ako nandito eh hindi ko nga alam.
Nakakabaliw!.
Napabuntong-hininga na lang ako ang sakit sa utak isipin ang mga nangyayari, siguro ang kailangan ko na lang munang gawin ngayon ay makisakay sa nangyayari at hindi dapat ako magpahalata, hanggang sa makahanap na ako ng paraan.
" Sandya!, " nagising ako sa pag-iisip ko matapos bumulong si Doña Eliza sa tenga ko.
Kunot noo ko naman syang tiningnan, pero napabuntong-hininga lang sya at ibinaling ang atensyon sa harap saka tumayo.
" Buenos días Don Epifanio, Señor Franco, " wika nya nanlaki naman ang mata ko sa gulat.
Nandito si Franco!?
Ang tanga mo Sansa! bakit mo ba kasi nakalimutan na pupunta sila dito ngayon, para makipagkita sa Heneral.
" Buenos días Doña Eliza, Señorita S-sandya (good morning), " sabay na wika ng mag-ama at inilagay ang sombrero nila sa dibdib bilang pagbigay-galang.
Ang gwapo-gwapo pa rin ni Franco nakasuot sya ngayon ng isang kulay itim na kamiso de tsino na lalong nagpatingkad ng mapuputi nyang balat.
Medyo magulo pa ang brown hair nya na napaka hot tingnan.
Samantalang ako, tiningnan ko pa ang kabuuan ko at halos lamunin ako ng hiya matapos makitang nakapangtulog pa ako kaya pala medyo naiilang sila nung binati nila ako, nakakahiya talaga!
Dali-dali akong tumayo at tumakbo patungong kwarto ko, tinawag pa 'ko ni Doña Eliza pero hindi ko na sya pinansin.
" Lo siento ella está cansado(I'm sorry she's tired), " narinig ko pang saad ni Doña Eliza pero wala na akong pakialam.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay agad kong nilock ang pinto at nagpunta sa salamin.
Hala! napaka-dugyut ko! sabog na sabog ang buhok ko at may ilan pang bakas ng laway sa gilid ng labi ko at may muta pa 'ko! nakakahiya! nakita ako ni Franco ng ganito ang itsura!
Nanlulumo akong nagpunta sa banyo saka lumusong sa isang bath tub, linagyan ko pa ito ng rose petals at isang body wash na sa tingin ko ay galing pang Europa dahil sa kakaibang bango nito.
Ang taray ni Sandya ang sosyal!.
Kinuskos ko pa nang maigi ang binti at mga braso ko, kailangan kong bumawi ngayon.
Kung nakita man ako ni Franco kanina na ang dugyot-dugyot ay ngayon sisiguraduhin kong makakalimutan nya ang pangyayaring yun dahil sa bango at pagka fresh ko, teka nga!
Bakit ko ba yun iniisip e pake ko ba kung ang dugyot-dugyot ko at bakit ba 'ko mahihiya e dapat nga sila yung mahiya sa 'kin e dahil ako ang lumikha sa kanila at character lang naman sila!.
Tinapos ko na ang pagbabad ko sa tubig dahil giniginaw na ako, saka ako kumuha ng tubig sa baldeng nasa gilid at nagsaboy at pagkatapos ay nagsuot ng roba at lumabas.
Isang kulay asul na pares ng hindi masyadong magarbo na baro at saya ang napili kong suotin, gusto ko sanang magsuot na lang ng square pants at baggy t-shirts kaya lang wala naman akong nakita sa closet ni Sandya, dahil puro baro't saya at damit pang Europa lang ang nakita ko.
Naka-upo lang ako sa terrace ng kwarto ko habang tinatanaw ang makukulay na garden ng hacienda ng mga Obedosa.
Katulad sa garden nila Franco ay may Sunflower din sila rito at mga Daisy, na nakahalo sa iba't-ibang klase ng mga bulaklak.
May isang punong Narra pa sila na nakadagdag sa kapayapaan ng garden nila may mga iilang ibon pa na lumilipad dito.
Napaka-ganda talaga, ang sarap-sarap sa mata ng mga makukulay na bulaklak at ang ganda-ganda sa pakiramdam ang fresh na simoy ng hangin, ibang-iba sa polluted na hangin ng Manila at sa maraming building na naka-palibot.
Naisipan kong lalo pang lasapin ang magandang tanawin at fresh air sa pamamagitan nang pagpunta sa garden.
Sinulyapan ko pa ang sarili ko sa salamin, lalo talaga akong gumanda at dahil maganda na ako ay hindi na 'ko naglagay pa ng kung ano-anong kolorete sa mukha at hinayaan ko na ring nakalugay ang dati pang mahaba at natural brownish kong buhok.
Nadaanan ko pang nagkukuwentuhan si Doña Eliza at Don Epifanio sa asotea, wala na rin si Franco hindi naman na ako nagtaka pa dahil alam ko naman ang dahilan na kung saan pinauwi sya ng kanyang ama para sabayan sa pagpunta sa Intramuros ang ama ni Sansa 2.
May ngiti sa labi akong naglakad patungo sa garden, nilagay ko pa ang dalawa kong kamay sa likod at nag palukso-lukso sa paglalakad.
Hindi ko alam pero parang ang ganda ng mood ko ngayon kahit pa napahiya ako kanina.
Siguro ay epekto ito ng ganda nang nature, pagkabalik ko talaga sa modern world ay gagawa talaga ako nang maliit na garden sa terrace ng unit namin ni Leica at pupunuin ko talaga ng halaman ang kwarto ko kahit pa magmukhang jungle.
Inamoy-amoy ko pa ang Sunflower pagkarating ko sa garden at inextend ko pa ang dalawa kong braso na para bang niyayakap ko ang hangin sabay ikot-ikot at lukso-lukso.
Wala akong pakialam kung may makakita man sa 'kin at isiping nasasapian ako dahil ang tanging pake ko lang ngayon ay ang magandang pakiramdam ko na parang walang problema at napaka-stress free ko ngayon dahil wala akong iniisip na mga sandamakmak na papeles na kailangang basahin.
Napasigaw ako sa kaba matapos makaramdam ako ng bato na nalundagan ko dahilan para mawalan ako ng balanse.
Nakapikit kong hinintay ang pagbagsak ko sa lupa pero wala!walang nangyari hindi ako nasaktan.
Mukhang talagang nakikisama ang panahon ngayon sa kapayapaan na nararamdaman ko para hindi ito hayaang masira, nakangiti kong iminulat ang mga mata ko at muling napasigaw sa gulat matapos makita ang mukha ni Franco na seryusong nakatingin lang sa 'kin.
Kanina nya pa ba ako tinitingnan?
" P-paumanhin señorita Sandya kung ikaw ay aking hinawakan nais ko lang sanang ikaw ay saluhin sa pangambang ikaw ay bumagsak sa lupa, " naiilang nya pang sambit sabay bitaw sa 'kin.
Automatic na napaayos naman ako ng tayo.
" Eh yan din naman ang sinabi mo nung una eh, " bulong ko pa sa sarili ko.
Yun naman talaga ang sinabi nya e, as if naman hindi ko alam na gusto nya lang talaga akong hawakan.
" Ano iyon Señorita? ", tanong nya pa mukhang matalas ang pandinig ng isang to.
" Ah w-wala ang ibig kong sabihin ay bakit ka nga pala nadito diba dapat na sa Intramuros ka ngayon para samahan ang ama ni Sansa 2? ah este Sansa lang pala hehehe, " hala!nakaka-intimidate naman to si Franco.
Sana pala hindi ko na lang sinali sa personality nya ang tumingin sa mata ng kinakausap, dahil mukhang gugustuhin ng kausap nya ang mag-palamon na lang sa lupa kesa titigan ang brown na brown nyang nakakahalina na mga mata.
" Paano mo nalaman?, " gulat nyang tanong sa 'kin, na nagpagulat din sa 'kin.
Oh no!
bakit ba ang daldal ko nasabi ko tuloy ang mga hindi dapat sabihin nakakainis! ano bang palusot ang sasabihin ko?
Ipagpapatuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro