Kabanata 32: Kalawakan
[ Chapter 32 ]
Gulong-gulo pa rin ako sa mga nalaman ko at tila ayaw itong tanggapin ng sistema ko. Iisa ang simula kaya't ganoon din ang wakas hindi ba?
" Tapusin nyo na ang babaeng iyan, " muling wika ni Sandya, saka naglakad na papalayo.
Kung dito man magwawakas ang ating pag-iibigan ay nais kong malaman mo na hindi katulad ng isang Marisol ay kailanma'y hindi malalanta ang pagsinta ko sa iyo..
Wika ko sa isip ko, pero agad akong napailing matapos muling maramdaman ang hawak ko sa kamay punyal. Dahan-dahang lumapit sa 'kin ang tatlong lalake, habang mabilis kong pinuputol ang tali sa kamay ko.
Agad na pumasok ang isa sa kulungan saka akmang hahawakan na 'ko, pero mabilis kong inangat ang paa kong nakatali saka buong pwersa na sinipa sya dahilan para tumalsik sya papalabas. Agad kong isinara ang kulungan gamit pa rin ang paa ko, habang pilit ko pa ring pinuputol ang tali.
Inuna munang tulungan ng dalawang lalake ang lalakeng sinipa ko kanina, kaya't nagkaroon ako ng panahon para mabilis na putulin ang tali sa paa ko matapos kong maputol ang tali sa mga kamay ko.
" Pun**ta!, "Malakas na sigaw nung lalaking sinipa ko kanina matapos makitang nakawala na ako sa tali.
" Bakit nyo ba ako tinulungan pa mga hangal kayo!, " Dugtung nya pa. Habang nagmamadali akong lumalabas sa kulungan
Mabilis namang pumwesto ang dalawa pang lalake, saka akmang muli akong dadakpin. Inayos ko ang pagkahawak ko ng punyal sa eksaktong paraan ng paghawak nito para madaling masugatan ang kalaban.
Mabilis na sumugod sa akin ang isa kaya agad akong yumuko saka sinipa sya sa likod. Sinugod naman ako ng isa ng isang sipa, na agad kong naiwasan, mula sa gilid ay hinawakan ko ang paa nya saka mabilis itong inikot dahilan para mapasigaw sya. Hangga't maaari ay ayaw kong mabahiran ng kung sino mang dugo ang hawak kong punyal.
" Bwisit!, " Sigaw nung isa pang lalake saka mabilis na inilabas ang itak nya mula sa saha nito. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat, dahil sa liwanag ng apoy ay malinaw kong nakikita ang talim at kinis nito. Agad akong napaiwas ng bigla nya 'kong hinataw ng itak. Para akong nasa isang maaksyon na pelikula, at pilit na ginagapi ang mga kontrabida. Kagaya ng ginawa ko sa una ay agad ko syang sinipa sa likod, pero mukhang hindi man lang sya nadala at agad na nabawi ang balanse.
Nag-umpisa na ring bumangon ang iba nya pang kasama, dahilan para mas lalong mapaayos ako sa posisyon ko ng pag-asinta.
" Saan ka ba natutung lumaban?, " Biglang wika nung lalakeng nauna kong sinipa kanina. Nakangisi sya at puno ng sarkasmo ang tunog ng boses nya.
" Mukhang ginagawa mong ma-aksyon ang iyong pagkamatay, " banat pa nung isa. Sinuklian ko lang sila ng isang halakhak na puno ng sarkasmo.
Minsan nang nalagay sa panganib ang buhay ko, noong nasa kolehiyo pa lang ako at tinambangan ng isang grupo ng gang. Naging pahirapan din ang laban ko sa kanila, marami sila at kumpleto sa kasangkapan. Pero sa huli ay isa-isa ko rin silang nagapi, habang sumasakit din ang katawan ko dahil sa pinsalang natamo mula sa kanila. Mahigit anim silang lalake, kaya't imposible na susuko ako sa isang labanan kung tatatlo lang naman ang kalaban ko.
Sabay-sabay silang sumugod, kaya agad akong yumuko at sumirko papaikot sa kanila, saka agad na sinipa ang isa. Mabilis namang nakalingon ang isa saka sinunggaban ako ng isang suntok, kaya agad kong iwinaksi ang kamay nya at gamit ang isa ko pang kamay ay hinawakan ko ang siko nya saka binali ito sa pamamagitan ng dalawang kamay ko. Napahiyaw sya sa sakit at napamura.
Sunod naman ay hinataw muli ako nung isang lalake ng itak, muntik pa 'kong tamaan mabuti na lang at mabilis akong naka-iwas. Buong pwersa kong hinawakan ang braso nya saka hinila ng malakas at hinayaan syang sumemplang sa lupa.
Maya-maya lang ay nagulat ako matapos marinig ang malakas na mura ng isang lalake sa 'di kalayuan sa likod ko. Doon na umusbong ang kaba ko matapos makita ang lima pang lalake sa likod nya. Nagtatalo ang isip ko kung lalabanan ko ba sila? O pipiliin na lang tumakbo at tumakas?. Sa huli ay ang ikalawang bagay ang pinili ko, mabilis akong tumakbo pasalungat sa kinaroroonan nila, mabilis naman nila akong sinundan.
Sa gitna ng masukal na kakahuyan, na tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag ay naroon ako't tumatakbo papalayo. Papalayo sa panganib na dinala sa 'kin ng nakaraan.
Ngunit alin nga ba ang karapat-dapat kong pangambahan, ang muling pagkasulat ng nakaraan? O ang katotohanang sa mundong ito ay hindi magtatagumpay ang aming pag-iibigan?
Hinayaan ko na lang ang isip ko na maglakbay sa dagat ng katanungan. Habang pilit kong ina-aninag ang madilim na daan, hanggang sa hindi ko na namalayan ang tuluyang pagkawala ng luha ko. Habang pinupunasan naman nang malamig na hangin ang tubig sa mga mata ko.
Ilang segundo lang ay rinig ko na ang sigawan ng mga lalake sa 'di kalayuan. Napapagod na rin akong tumakbo na lang nang tumakbo papalayo. Sinubukan ko namang lumaban kanina, ngunit nang magtagal ay batid kong matatalo na 'ko, kaya't lalaban pa ba ako? Kung malinaw na sinasabi na ng pangyayari na tumakas na lang ako't tumakbo papalayo.
Nagulat ako matapos maramdaman ang pagbunggo ko, agad kong itinaas ang hawak kong punyal saka umaktong itatarak na iyon sa kung sino man ang nabunggo ko. Pero agad nyang nahawakan ang kamay ko at napigilan ang sanay gagawin ko.
" Zanthe!, " Gulat nyang wika, na ikinawindang at mas ikinagulat ko naman.
Agad bumilis ang tibok ng puso ko na para bang sumabak ako sa isang matinding karera.
Paano nya nalaman ang pangalan ko?
Magsasalita pa sana ako nang bigla nya 'kong hinila patungo sa madilim na bahagi ng kakahuyan. Agad nyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay nya, kusa naman akong napatahimik at kahit paghinga ko ay pinigilan ko. Matapos makita ang pagdaan ng mga lalakeng humahabol sa 'kin kanina.
Nakakamangha lang na sa kabila ng kabang naramdaman ko kanina, ay agad itong nawala matapos kong maramdaman ang presensya nya, natitiyak kong sa ilalim ng mga bisig nya ay ligtas ako.
Napahinga ako nang maluwag, habang unti-unti namang humupa na ang kaba sa puso ko. Pero muli itong bumalik matapos maalala ko, ang pangalan na itinawag sa 'kin kanina ni Francis. Bigla na lang akong nakaramdam ng ilang, nang mamalayan kong yakap-yakap nya pala ako mula sa likuran. Kaya agad akong napalayo sa kanya, pero sa paglayo ko ay aksidente kong natapakan ang isang marupok na sanga ng kahoy, dahilan para makalikha ito ng tunog.
Agad napatigil ang mga lalakeng humahabol sa 'kin kanina, saka muling naglakad pabalik sa kinaroroonan namin. Agad naman akong hinila ni Francis pabalik saka muling tinakpang ang bibig ko. Nagulat na lang kami matapos biglang sumigaw ang isa sa kanila.
" Narito sya!, " Malakas na sigaw nito na halos bumalot sa buong kakahuyan, ganun din sa puso ko.
Agad silang tumakbo papalapit sa kinaroroonan namin.
" Sansa, makinig ka sa 'kin tahakin mo ang daang ito at tumakbo ka nang napakabilis, sa dulo ay mararating mo ang isang ilog, hintayin moko roon. Tumakbo kana!, " Nagmamadali nyang wika, agad naman akong napailing pero pilit nya 'kong tinutulak palayo.
Inilabas nya ang dala nyang pana, na hindi ko man lang namalayang nakasabit pala sa likod nya. Agad nyang pinakawalan ang palaso nito, at deretso iyong tumama sa binti ng lalake. Muli pa sana nyang papana-in ang iba kaya lang mabilis na itong nakarating sa kinaroroonan nya. At kumpara sa hawak nyang pana ay mukhang dehado sya sa hawak ng kalaban na mga itak, na mas mabisa sa malapitan na laban.
Muli syang napalingon sa 'kin at agad kumunot ang noo nya matapos makitang nakatayo lang ako roon at nakatingin sa kanila. Muli syang sumigaw ng ' tumakbo kana ', na walang boses na lumalabas. Muntikan na syang tamaan ng itak, mabuti lang ay nakaiwas sya ka-agad. Sinunod ko na lang ang sinabi nya, nag-umpisa akong tumakbo papalayo kahit labag sa kalooban ko.
Pero nang marinig ko syang sumigaw ay agad akong napatigil at lumingon sa kanya. Nagulat ako matapos makitang natamaan sya ng isang sipa na nagmula pa sa ere, dahilan para mamilipit sya sa sakit ng likod nya, pero pinilit nya pa ring tumayo at muling lumaban. Sa pagkakataong 'to ay napagtanto kong, napakaduwag ko para iwan ang taong pinapahalagahan ko at tumakbo para sa sariling kaligtasan ko.
Hinanda ko ang sarili ko maging ang hawak kong punyal, at sinigurado kong hindi ito madaling mahuhulog. Agad kong sinagga ang paparating na suntok na deretso sanang tatama sa tyan nya, dahil hindi nya ito pansin dahil abala sya sa pakikipaglaban sa tatlo pa.
Nasa walong lalake ang kalaban namin ngayon, at dalawa lang kami—babae pa ako, pero hindi iyon magiging hadlang para maging mahina ako sa kanila—dahil kasama ko ang lakas ko.
Mabilis kong sinipa nang magkasabay sa tiyan ang dalawang susugurin sana kami ng itak. Agad naman akong tumakbo saka dinaplisan ang tiyan ng lalakeng sunod na sumugod. Napapikit na lang ako matapos maramdaman ang pagbasa ng hawak kong punyal at maging ang kamay ko dahil sa dugo nung lalake. Hindi ako sanay na mabahiran ng dugo ng ibang tao ang mga kamay ko, pero para sa kaligtasan naming dalawa ay handa akong ibabad ang kamay ko sa dugo ng ibang tao.
Sinulyapan ko sya ng tingin, at gulat naman syang napatingin sa 'kin. Hindi ko na lang sya pinansin pa, muli ko na lang itinuon ang atensyon ko sa mga paparating na atake. Mabilis akong sumirko sa ere, saka sinunggaban ang lalakeng nakahanda na sana para tagain ako. Sunod ko namang pinatid ng paa ko ang paparating pang isa, saka hinawakan ang balikat nya at buong pwersa itong pinaikot. Umalingawngaw ang namimilipit na sigaw nung lalake, pero wala na akong pakialam.
Tatlo na lang, ang nanatiling nakatayo. Habang ang iba ay nasa lupa na at duguan ang iba naman ay namimilipit sa sakit dahil sa baling tinamo nila. Tutulungan ko pa sana sya kaya lang pansin kong kaya naman nyang talunin yung tatlo. Mabilis ang mga pagkilos nya at bukod doon ay malakas din sya. Mabilis nyang inikot ang balikat ng isa, saka tinadyakan sa tyan ang paparating pang isa. Kinuha nya ang itak na hawak ng lalake kanina, saka akmang itataga na nya ito sa isa pang paparating na lalake, pero agad na kumaripas ng takbo ang lalake.
Napangisi na lang ako sa isip ko. Nag-umpisa na ring bumangon ang iba pa, muli ko na sana silang lalabanan kaya lang paika-ika silang tumakbo na parang takot na takot habang pasan ang iba pang duguan nilang kasama. Nagpagpag ako ng kamay na para bang madali lang sa 'kin ang ginawa ko.
Sinulyapan ko ng tingin si Francis, ngayon ko lang napansing naka-itim pala sya ng suot lahat, habang natatakpan naman ng balabal ang mukha nya. Mukha syang isang tulisan.
" Bakit hindi ka tumakbo?, " Bigla nyang wika, nagulat ako sa tono ng pananalita nya. Para syang iritado, napa-atras ako sa gulat.
" Nasaktan ka ba?, " Bawi nya ahad, na ngayon ay sa kalmadong tinig na. Umiling naman ako, saka mabilis na lumapit sa kanya para sana alalayan sya. Pero nagulat ako matapos nya 'kong hilahin sa isang napakahigpit na yakap.
" Labis akong nag-alala sa 'yo mahal ko, " sinserong wika nya habang hinahaplos ang likod ng ulo ko. Napangiti naman ako sa huling salitang binitiwan nya.
Mahal ko...
Para iyong musika sa tenga ko, at hindi ako magsasawang paulit-ulit na pakinggan. Ilang sandali pa ang itinagal namin sa pagyayakapan hanggang sa sya na mismo ang kumawala saka hinawakan ang dalawa kong pisngi, at tinitigan ang mga mata ko.
" Ano ang nangyari sa iyo? Sino ang gumawa nito sa iyo? Sino ang mga lalakeng iyon?, " Sunod-sunod nyang tanong, nagdulot naman ng saya sa puso ko ang nag-aalala nyang mukha at boses.
" Patawad kung hindi ako nakarating agad upang iligtas ka, " sinsero nyang wika agad naman akong napailing saka hinawakan din ang mukha nya.
" Ayos lang yun, 'wag mong sisisihin ang sarili mo, " panguna ko sa kanya, dahil alam kong sinisisi nya na ang sarili nya ngayon.
" Higit isang araw kang nawala, nag-aalala kami ng lubos sa iyo Sansa, " sagot nya, napataas naman ang isang kilay ko at muling bumilis ang tibok ng puso ko, matapos nya 'ko muling tawagin sa tunay kong pangalan.
" P-paano?, " Nagugulahan kong tanong, ngumiti naman sya sa 'kin saka hinawakan ang kamay ko.
" Batid ko na ang lahat, halika sumama ka sa 'kin at ilalahad ko ang kwento, " wika nya saka hinila ako, naglakad kami patungo sa daan na itinuro nya sa 'kin kanina, pagkarating sa tabing ilog ay naroon ang isang kabayo. Agad nya akong inalalayan pasakay. Ilang minuto ring naghari ang katahimikan sa 'min, ngunit hindi ko iyon inalala at nanatili lang akong nakayakap sa bewang nya. Maya-maya lang ay nagsalita sya.
" Nakita ko kung pa'no ka lumaban kanina, saan mo iyon natutunan?, " Tanong nya saka nilingon ako ng may ngiti sa labi.
" Ah nag-aral ako ng pakikipaglaban, at tamang pag depensa sa sarili, " sagot ko sa kanya, nahirapan pa 'kong ipaliwanag dahil hindi naman nya maiintindihan 'pag sinabi kong nag-aral ako ng martial arts. Napangiti na lang ako sa sarili ko matapos maalala ang mga karanasan ko noon, hirap, at pagod ang pinagdaanan ko para lang matutu pero napakinabangan ko naman ngayon.
" Iyon ba ay sa tunay na mundo?, " Tanong nya, na nagpakunot ng noo ko.
Alam nya na ba talaga?
" Ano ang ibig mong sabihin?, " Balik kong tanong sa kanya.
" Sinabi ko na sa iyong batid ko na ang lahat, hayaan mong ikwento ko sa iyo mamaya, " aniya habang nakangiti ng mapait.
Matapos ang ilang oras na paglalakbay, sakay sa kabayo ay narating na rin namin ang lugar kung saan ibig nya 'kong dalhin.
" Pinaghahanap ka na ngayon ng tauhan ng iyong ama, at ilan pang mga gwardya sibil. Ngunit maaari ko bang hilingin sa iyo na rito ka muna sa aking tabi?, " Wika nya habang inaalayan akong bumaba. Tumango naman ako sa kanya saka ngumiti.
Paulit-ulit kong nanaisin na ika'y makatabi, hanggang sa huling sandali.
Namamangha kong tinitigan ang lugar na hinintuan namin.
Ang Manila bay!
Napakaganda at napakasariwa ng hangin mula sa baya(bay). Ibang-iba sa kasalukuyan na Manila bay ay walang lumulutang na basura sa ibabaw ng tubig nito. Kundi ang magandang repleksyon ng maliwanag na buwan ang makikita mo.
Napakaperpekto!
Nagulat ako at mas lalo pang namangha matapos makita ang isang bangka sa ibaba nito na nakadaung sa gilid ng tubig. Sa 'di kalayuan ay narinig namin ang tunog ng gitara habang sinasabayan ito ng pagkanta ng isang binatilyo.
Matapos syang kumanta ay nilapitan sya ni Francis kaya wala akong nagawa kun'di sundan na lang din sya.
" Maaari ko bang hiramin ang iyong gitara?, " Tanong ni Francis, nag-aalangan ang binatilyo kung tatango ba sya o iiling. Tiningnan nya pa kami na parang naghihinala sya na baka isa kaming tulisan. Sabagay hindi ko naman sya masisisi, isang lalaking nababalot ng itim na kasuotan, at isang babaeng gusgusin, sino ang hindi maghihinala sa 'min?
Sa huli ay ibinigay na lang nung binatilyo ang gitara nya matapos syang abutan ni Francis ng barya.
Nakangiti kong pinagmamasdan ang maliwanag na buwan, habang dinadama ko ang malamig at sariwang simoy ng hangin. Suot ko ngayon ang tsaketa ni Francis, habang marahan syang nagsasagwan sa tubig. Hindi ko mapigilang mapangiti, lahat ng gusto kong bagay ay narito. Ang tubig, ang buwan at ang taong itinitibok ng puso ko.
Waring nakalimutan na namin ang mga nangyari kanina, at ang panganib sa paligid namin. At parang nakalimutan ko na rin na naging dahilan ako nang mga daing ng mga taong nakasagupaan namin kanina.
" Ngayon, sasabihin mo na ba kung ano ang nalalaman mo?, " Tanong ko kay Francis, na para bang isa akong imbestigador at atat ng malaman ang katotohanan. Kahit na kinakabahan ako sa magiging sagot nya.
May kinuha sya sa bulsa ng pantalon nya, at nagulat ako matapos makitang ang talaarawan ko iyon. Ibinigay nya yun sa 'kin, at kahit yun pa man ay agad ko ng naintindihan kung pa'no nya nalaman.
" Hinanap kita sa gitna ng pagdiriwang, ngunit hindi kita nasumpungan. Naalala ko ang mga kilos at reaksyon mo sa tuwing nay mga pagdiriwang na idinadaos, hindi mo natatagalan ang maingay at mataong lugar, kaya't pinipili mong umalis at mapag-isa. Hinanap kita sa hardin ng hacienda Rasonable, at maging sa ibang bahagi ng hacienda nila ngunit wala ka. Pero isaag bahagi pa ang hindi ko napupuntahan, kaya agad akong pumunta sa likod ng mansyon nila, at natagpuan ko nga roon ang iyong talaarawan. Agad akong kinutuban dahil hindi mo ito basta-basta na lang iiwan lalo na't naglalaman ito ng mga personal na bagay tungkol sa iyo. Kaya agad ko iyong dinampot at tinanong ko rin ang iyong mga magulang kung nasaan ka. Ngunit katulad ko'y hindi rin nila alam, sabi pa nila ay malabo daw na umuwi ka, ng hindi nagpapaalam. Kaya't nagpaalam na lang ang iyong mga magulang sa mga magulang ni.. S-sansa?. " detalyadong wika nya, at nag-aalangan nya pang binanggit ang huling salita. Tumango lang naman ako sa kanya saka nakinig sa susunod nyang sasabihin.
" Ibig ko sanang sumama ngunit hindi ko raw maaaring iwanan ng pagdiriwang ng kaarawan ni binibining Sansa, kaya hinintay ko pa itong matapos. Nang makauwi ako sa bahay ay gumayak na ako, batid kong nasa panganib ka, ngunit bago ako makaalis ay muli kong nakita ang iyong talaarawan. Mali man ngunit dala ng kuryusidad ay binasa ko ang laman nito at doon ko na nga nalaman ang lahat. Nung una ay naguguluhan pa 'ko at hindi ko maintindihan ng maayos, pero kalauna'y unti-unti ko ring naintindihan ang lahat, " dagdag nya, napalunok naman ako. Sa talinong taglay ni Francis ay hindi na kataka-takang makuha nya nang madali ang mga bagay-bagay.
" Isa kang manunulat hindi ba? At isa ako sa karakter ng nobelang iyong isinulat, at maging ang mundong ito hindi ba? Sansa?, " Naninigurong tanong nya habang naroon ang pagkadismaya sa boses nya, napalunok naman ako habang nagdadalawang isip kung tatango ba ako o iiling?. Sa huli ay napagtanto kong siguro ay ngayon na ang tamang oras para sabihin ko sa kanya ang lahat.
" Tama ka, isa nga akong manunulat. At ikaw ang karakter ng lalakeng iibigin ko sa nobela. Hindi ko rin alam kung pa'no nagkatotoo ang lahat at kung pa'no ako napunta sa nobelang isinulat ko. At mas lalong kung bakit sa katauhan ako ng kontrabida napunta, " sagot ko sa kanya.
" Ikaw ang may karapatan sa mga mangyayari at sa mga katauhan sa kwento, ngunit bakit ka bumuo ng isang kontrabida kung maaari namang wala?, " Tanong nya pa, sabagay may punto sya sa sinabi nya pero.
" Gusto ko kasi na kahit papa'no, kahit sa loob man ng isang mundong binuo ng imahinasyon ay nais kong magmukha pa rin itong katotohanan. Hindi ba't sa lahat naman ng pag-iibigan ay hindi nawawala ang mga hadlang? Maaring mga pangyayari, tao, at kung minsan ay ang tadhana ito, " malungkot kong saad. Matapos mapagtanto na dalawa sa iyon ang naging hadlang sa pag-ibig ko. Ang tao at ang tadhana..
" Ngunit hindi ko inaasahan na ang tunay na pagsinta ay matatagpuan ko lang pala sa mundong aking nilikha, " nakangiti kong dagdag, ngumiti naman sya.
Dahil sa liwanag ng buwan na tumatama ngayon sa kayumanggi nyang mga mata ay mas lalo itong nagmukhang nakakahalina. Ang mga mata nya...iyon ang pinakapaborito kong tingnan sa kanya. Wari isa itong hipnotismo na kahit sino man ang tumitig dito ay mahuhulog at mahuhulog sa lalim nitong taglay.
Ramdam ko ang pagragasa ng emosyon ko hanggang sa namalayan ko na lang na unti-unti na ngang inilalapit ni Francis ang mukha nya sa mukha ko. Hanggang sa tuluyang maglapat ang aming mga labi.
Sa ilalim ng maliwanag na buwan, at sa gitna ng payapang tubig ay naroon ang dalawang pusong pinagtagpo ng tadhana sa hindi inaasahang pangyayari at pagkakataon.
~ O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa ahh..
" Isa man akong karakter, gawa man ako sa salita at tinta, ngunit ang pagmamahal na inaalay ko sa iyo sinta. Ay tunay at hindi kayang bigkasin ng salita, " wika nya matapos maghiwalay ang mga labi namin. Napangiti naman ako sa sinabi nya. Muli nyang inilapat ang labi nya sa labi ko.
~ sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata
Kapag ikaw ang kasabay
Puso'y napapalagay
Gabing tumatamis t'wing hawak ko ang 'yong kamay...
~ O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa ahh..
~ simoy ng hangin na kay lamig sa katawan
Daig pa rin ng liyab na 'king nararamdaman
Sa tuwing tayo'y magkabilang mundo
Isang tingin ko lang sa buwan napalapit na rin sa 'yo
~langit ay nakangiti
Buong paligid ay nasasabik
Sa 'ting halik...
Ipagpapatuloy…
Pamagat ng kanta: Kalawakan
Abangan ang susunod na kabanata, maraming salamat! :›
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro