Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 26: Ang pag-iba ng ihip ng hangin

[ Chapter 26 ]

Kasalukuyan kaming naghahanda ngayon ni Sanya, para sa pag-alis namin bukas ng madaling araw.

" Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maunawaan kung saan ninyo gagamitin ang punyal na iyong binili kanina binibini, " kapagkuway tanong ni Sanya, matapos ang ginagawa nya. Isinilid ko ang huling pares ng damit ko sa dala kong maliit na maleta saka umupo sa kamang kinauupuan din ngayon ni Sanya.

Napabuntong-hininga ako bago nagsalita, kahit kailan talaga ay hindi matatahimik ang kaluluwa nya 'pag hindi sya nakakakuha ng eksaktong sagot.

" Gaya nga ng sabi ko sayo kanina, ay gagamitin ko iyon laban sa mga taong masasama ang loob, ngunit iyon naman ay kung kinakailangan, " mahinahon kong sagot sa kanya, tumango naman sya at 'di na sumagot pa. Ramdam kong may gusto pa syang sabihin pero pinipigilan nya lang ang sarili nya.

Tumayo na lang ako at nagtungo sa isang vanity table sa kwarto namin. Mula roon ay kinuha ko ang librong binili ko kanina para kay Sanya, nang damputin ko ito ay muli ko na namang naalala ang mga pangyayari kanina.

Paanong nandito sa Cebu ang weird notebook?at bakit ito kinuha ni Sansa 2?. Kung iisipin ay wala namang maaaring gawin si Sansa 2 sa libretang iyon, dahil kung pagbabasehan ko ang personalidad nya ngayon ay ibang-iba na ito mula sa sinulat ko, at mukhang ang lahat ng isinulat kong hilig kong gawin ay naglaho na sa katangian nya. Idadagdag mo pa ang tila seryuso at natataranta nyang reaksyon kanina, matapos makita ang weird notebook.

" Binibini?, " Biglang tanong ni Sanya, hindi ko man lang napansin ang paglapit nya.

" Halika Sanya tuturuan kita tungkol sa mga nakapaloob sa librong ito, " wika ko na lang sa kanya sabay turo sa libro ng alpabeto. Tumango naman sya at ngumiti.

" Maraming salamat nga pala binibini, ako'y nagagalak at napakabuti ng iyong puso, " sinsero nyang sabi, na touch naman ako sa sinabi nya, pero nginitian ko na lang sya bilang sagot.

Kasalukuyan naming binabaybay ngayon ang daan patungo sa daungan ng Cebu sakay sa isang kalesa. Papasikat pa lang ang araw pero kailangan na raw naming umalis ng maaga para maaga rin kaming makarating sa Manila.

Malamig-lamig pa ang simoy ng hangin, buhat ng madaling araw pa lamang. Kaya lalo kung hinila ang suot kong bupanda para pantakip sa braso ko na ngayon ay tinatamaan na rin ng ihip ng hangin.

Habang binabaybay ang daan, ay hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ko ang mga bagay na ginawa namin dito sa Sugbo. Naroon yung minsan kaming namasyal sa kalapit na talon sa mansyon nila tiya.

Papasikat pa lang ang araw, kaya't napakaganda kung tanawin ang sinag nito sa luntiang paligid. Hindi naman mapirme ang kasabikan sa puso ko. Lalo na't pupunta kami ngayon sa isang napakagandang talon gaya ng sabi ni tiya, ito ang unang pagkakataon na mararanasan ko ang bagay na ito, at sa mismong parte ng Pilipinas na pinangarap ko pa talagang mapuntahan!

Nakahanay ang tatlong kalesang sinasakyan namin ngayon. Kasama ko syempre si mama at tiya Mariana sa loob ng kalesang sinasakyan ko. Habang nasa hiwalay na kalesa naman si Sanya kasama sila Sansa 2 at ang ina nya, dahil hindi na rin magkakasya si Sanya sa kalesa namin dahil na rin sa mga kagamitan at pagkaing dala namin.

Pagkarating sa lugar ay hindi ko mapigilang mamangha, bahagya pang nakaawang ang bibig ko habang tinititigan ang madilaw-dilaw na tubig ng talon dahil sa sinag ng araw nito. Nay kataasan ang talon, at mala-kristal ang tubig na ibinabagsak nito. Gayun din ang ilog sa ibaba nito, na ngayon ay tila gintong kumikislap dahil sa matingkad na sinag ng araw.

Agad akong tumakbo sa gilid nito, saka nakangiting isinawsaw ang mga kamay ko rito na para bang isa akong batang nasasabik na maligo sa isang dagat. Hindi ko alam pero labis ang pagkamangha ko talaga sa iba't-ibang uri ng katawang tubig " Sandya huwag kang masyadong lumapit sa tubig! baka ikaw ay mahulog!, hindi natin natitiyak ang lalim ng ilog, " naghihisteryang sigaw ni mama, narinig ko naman ang pagtawa ni tiya sa tabi nya.

" Eliza huwag kang masyadong praning, at hindi naman umaabot sa leeg ang lalim ng tubig ng talo'ng iyan, " biro pa ni tiya, pero isang matalim lang na tingin ang iginanti sa kanya ni mama. Natatawa ko na lang silang pinagmasdan habang inilalatag nila ang telang magsisilbing picnic mat namin, sa tulong na rin ng mga ina nila Francis at Sansa 2.

Kalauna'y nauwi rin sa kwentuhan nilang apat ang sandaling iyon, tungkol sa mga buhay mag-asawa at mag-ina nila. Kaya halos hindi na rin makasabay si tiya dahil wala naman syang anak, at hanggang sa kanya na nga tuluyang nabaling ang usapan.

" Binibini!, " biglang tawag sa 'kin ni Sanya, na syang ginulat sa 'kin at naging dahilan ng muntikan kong pagkahulog sa tubig. Mabuti na lang at agad akong nahawakan ni Sansa 2, na hindi ko man lang napansin na nasa tabi ko na pala.

Napangiti na lang ako sa mga pangyayaring iyon. Alam kong mananatili ang lahat ng ito bilang isang maganda at kakaibang ala-ala na habang buhay kong dadalhin, kahit pa sa oras na makabalik na ako sa modernong mundo.

Pagkarating namin sa daungan ay natanaw ko na agad ang malaking barko na papalapit, ito na marahil ang sasakyan namin. " Cuida que Eliza tenga una caja fuerteviaje, te extrañaré a ti y a titambién Sandya, asegúrate de estarvuelve aquí cuando tengas tiempo¿Vale?(Take care Eliza have a safe voyage, I will miss you and you too Sandya, make sure you'll be back here when you have time okay?), " Maluha-luhang paalam ni tiya Mariana, matapos tuluyang dumaong ang barko. Natatawa namang hinimas-himas ni mama ang likod nya. " "No llores, nosotros nopero va a morir(Don't cry we're not yet going to die), " biro pa ni mama, pero hinampas lang sya ni tiya Mariana sa balikat.

" 'Eso no es una buena broma Eliza(That's not a good joke Eliza), " seryuso at waring nagtatampo'ng ani ni tiya. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa, kung mag-usap sila ay para silang mga millennial at talagang para silang magkapatid, kahit hindi naman talaga. " (Oh Sandya don't depart your eyes from your mother okay? guard her carefully), " natatawang wika ni tiya, na para bang inaasar pabalik si mama. " Mariana!, binabaliktad mo ata, " natatawang asik ni mama, tumawa naman ang mga kasama namin.

"Está bien, eso es suficiente, el barco esya aqui cuidate Eliza y también cuidamos de nuestrahija, Okay that's enough the boat is here already(take care of yourself Eliza and also take care of our daughter), " malambing na suway ni papa, agad namang nagbago ang ekspresyon ni mama. " Talaga bang ika'y hindi sasama?, " malungkot na saad ni mama.

" Tayo'y nag-usap na ukol dito, marami akong kailangang asikasuhin dito, " mahinahong sagot ni papa, saka hinalikan sa ulo si mama, at kasunod naman ay ako. " No seas tercoSandya, sé buena(Don't be hard headed Sandya, be good), " paalala pa sa 'kin ni papa, napanguso naman ako ganun ba talaga ako kasama?.

Hindi nagtagal ay naglakad na rin kami patungo sa itaas ng barko. Si Francis lang ang tanging kasama naming lalake dahil katulad ni papa, sila Don Epifanio at Roberto ay nagpa-iwan dahil sa Ospital na itatayo nila rito sa Cebu. " Bon voyage!, " sabay-sabay nilang sigaw lahat, sabay wasiwas ng sumbrero nila maging si tiya ay iwina-wasiwas din ang hawak nyang abaniko. Ngumiti ako at kumaway sa kanila pabalik, ganun rin naman ang ginawa ng mga kasama ko.

Gaya ng dati ay tumagal ng dalawang araw ang byahe ng barko, mas mabilis nga lang ito ngayon kung ikukumpara sa nauna naming byahe. Halos lahat ay pagod sa byahe kaya't deretso sa kanya-kanyang bahay na ang nangyari, hindi naman kami natagalan patungo sa bahay lalo na't malapit lang ito sa daungan.

Pagod na pagod akong umakyat agad sa kwarto ko at ibinagsak ang sarili sa malambot na kama, tila na relax ang lahat ng cells na meron ako sa katawan ko. At para bang ilang araw akong hindi nakapagpahinga at tila napakarami kong ginawa dahil sa pagod na nararamdaman ko ngayon.

Dumaan ang ilang segundo ay hindi ko namalayang tuluyan na nga akong nakatulog.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sakit ng init na tumatama ngayon sa binti ko. Mukhang hindi ko na naman naisara ang binata ko, pero hindi ko naman ito binuksan kagabi?

Hindi ko na lang ito pinansin pa, at nagtungo na lang ako sa palikuran ng kwarto ko at naghilamos, at nag-ayos ng sarili. Kung may natutunan man ako tungkol sa mga kahihiyang nangyari sa Cebu iyon ay ang 'wag maging tamad sa pag-aayos ng sarili tuwing umaga, at ang panatilihing presentable ang iyong pustura.

" Binibini? kayo po ba ay gising na? ihahanda ko na po ang iyong ipapaligo, " biglang wika ni Sanya sabay katok ng pinto sa kwarto ko. " Oo, " maikling sagot ko rito, narinig ko naman ang pagbukas ng pinto. Sana pala ay hindi na 'ko naghilamos pa at maliligo lang din naman pala ako.

Lumabas na 'ko sa palikuran saka kinuha ang tuwalyang nadaanan ko at dinampian ang mukha ko. " Kayo po ba ay maliligo binibini?, " naninigurong tanong ni Sanya matapos ko syang makasalubong, tango lang naman ang isinagot ko sa kanya. Saka muli akong naglakad patungo sa terasa ng kwarto ko.

Pagkalabas ko pa lang ay agad na 'kong sinalubong ng malamig at preskong simoy ng hangin. Ipinikit ko ang mga mata ko at mas lalong dinama ang masarap na simoy ng hangin. Na mintis ko ang ganitong gawain, gigising pagkatapos ay lalasapin ang preskong simoy ng hangin.

Napadilat ako agad matapos maalala ang isang bagay, wala nga pala ngayon dito si papa dahil may kailangan daw syang asikasuhin sa Cebu, na syang nakapagpataka sa 'kin. Hindi ko na-aalalang isinulat ko ang ganitong eksena, at isa pa ay sa pagkakaalam ko ay hindi naman kasali si papa sa pagpapatayo ng ospital sa Cebu, pero bakit kailangan nyang magpa-iwan?

" Binibini, handa na ang inyong ipampapaligo, " tawag sa 'kin ni ni Sanya na syang nakapagpabalik sa ulirat ko. " Salamat Sanya, " wika ko sa kanya, yumuko lang naman sya saka tuluyan ng lumabas.

Napabuntong-hininga akong naglakad patungo sa palikuran, saka hinubad lahat ng saplot sa katawan ko at agad na lumusong sa tubig. Napakalamig. Wala akong ibang nararamdaman kundi lamig at kaginhawaan, tila nakatulong ang lamig nito para mamahinga ang tila pagod kong katawan.

" Ikaw ba ay ayos lang anak?, " Tanong sa 'kin ni mama, sabay tabingi ng ulo nya. Kasalukuyan kaming na sa hapag ngayon at kumakain.

" Opo mama, " sagot ko sa kanya sa magiliwng tono. " Bueno(good), " aniya.

" Ah ma, bakit po pala kailangang magpa-iwan ni papa sa Cebu?hindi naman po sya kasali sa pagpapatayo ng ospital 'di po ba?, " nagbabasakali kong tanong sa kanya. Pansamantala naman nyang inilapag ang hawak nyang tinidor at tumigil sa pag-kain, saka pinagsalikop ang dalawa nyang kamay at ipinatong ang baba rito.

" Siya'y may aasikasuhin lang, " wika nya saka bumalik sa pag-kain. Lumaylay ang mga balikat ko at walang ibang nagawa kundi tumango. Akala ko pa naman ay makakakuha na 'ko ng tiyak na sagot pero wala pala.

" Señora, may isang gwardya sibil sa labas hinahanap ang heneral, " biglang wika ng isang tagapagsilbi kay mama. " Papasukin mo, " maikling tugon ni mama, yumuko naman muna ang tagapagsilbi saka tuluyang lumabas para tawagin ang gwardya sibil.

" Buenos días Señora, Señorita (good morning), " agaran nitong bati saka hinubad ang sumbrerong sout at itinapat sa dibdib nya.

" Magandang umaga, ano ang iyong sadya?, " Mahinahon ngunit puno ng awtoridad na tanong ni mama, hindi ko akalaing ganito pala si mama makipag-usap sa ibang tao. Puno ng awtoridad.

" Ipinapatawag po ang heneral sa Fort Santiago sapagka't may isang rebelde ang nadakip, na may kaugnayan sa kasong kanyang hinahawakan, " magalang na tugon nung gwardya.

Kumunot naman ang noo ko. Rebelde?kaso?, hindi ko na-aalalang isinulat ko ito. " Wala rito ang heneral, padalhan nyo na lang sya ng telegrama sa Sugbu, at nang makabalik sya rito agad, " wika ni mama. Tumango naman ang gwardya sibil saka yumuko at tuluyan ng lumabas.

Muling nagpatuloy si mama sa pag-kain nya, habang ako naman ay naiwang nakakunot ang noo. Gulong-gulo ako sa mga nangyayari, mula pa man sa pagpapa-iwan ni papa sa Cebu hanggang sa sinabi nung gwardya kanina tungkol sa kasong hinahawakan nya ay nakakapagtaka na. Kung iisipin ay tila isang mabigat ito na kaso dahil kinakailangang ang heneral pa ang humawak, kung pwede namang ang mga nakakababa na lang sa kanya.

" Ma, anong kaso yung sinasabi ng gwardya sibil kanina?, " Tanong ko sa kanya, matapos kong hindi mapigilan ang bugso ng kuryusidad na bumabalot ngayon sa sistema ko.

" Huwag mo na lamang itanong anak, hindi lahat ng bagay ay iyong nararapat na malaman, " kalmado ngunit puno ng awtoridad nyang wika. Para naman akong natameme, at naiwang nakakunot ang noo habang pinagmamasdan si mama na ngayon ay kumakain pa rin. Hindi ko inaasahan ang magiging sagot nya, at lalo na ang kanyang ekspresyon.

Para syang irita at may malalim na iniisip, ayaw ko namang tanungin pa sya tungkol dito dahil baka lalo lang syang mairita, at baka mapagtaasan na nya ako ng boses sa pagkakataong iyon.

Tatanungin ko na lang siguro si papa tungkol dito 'pag nakabalik na sya. Lalo na't mukhang May problema silang hinaharap ngayon nila mama.

Ano kaya ito?

Ipagpapatuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro