Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 23: Selos

[Chapter 23]

Tulog na ang lahat ngunit ako ay eto pa rin, at maiging iniisip ang mga katagang binitiwan ng lola kanina.

" Iyong hanapin ang mga tunay na bagay sa pamamagitan ng iyong puso, magpakatatag ka hija, huwag mong hayaan na tuluyan kang lamunin ng mundo ng imahinasyon, iyong alamin ang tunay sa hindi "

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko na itong paulit-ulit na minememorya sa isipan ko.

Huwag kong hayaan ang sarili kong lamunin ng mundo ng imahinasyon?

Ano ang ibig nyang sabihin, hindi naman lingid sa kaalaman ko na ang mundong kinasadlakan ko ngayon, ay isang mundo na kung saan ay binuo ko lamang sa imahinasyon ko.

Kaya ano ang ibig nyang sabihin?

Tila napasabak na naman ako sa isang problema na kung saan ay mas mahirap pa sa calculus kung lutasin. Unti-unti ay dumadami ang mga katanungan sa isip ko. Mahirap para sa 'kin ang unawain ang sinabi ng lola kanina,  masyadong malalim!.

Mariin kong kinakagat ang kuko ko, habang patuloy pa ring iniisip ang isang palaisipan na kinasasadlakan ko ngayon. Ngunit sa huli ay napasabunot na lang ako sa sariling buhok, dahil sa pagkalito at kawalan ng kasagutan. Walang ibang ibinigay sa 'kin ang mundong ito kundi katanungan at kababalaghan!.

Nabuburyo akong umupo sa kama, ngunit maingat pa rin para hindi magising ang nahihimbing sa pagtulog na si Sanya. Ibinaling ko na lang ang paningin ko sa kung saan-saan, hanggang sa dumako iyon sa maliit na maletang dala ko na pinagsidlan ko ng mga damit.

Lumapit ako rito matapos mapansin ang isang bagay, nakahimlay lamang ito sa walang laman na maleta.

Nakataas ang dalawang kilay kong dinampot ito. Na-aalala ko ito ang talaarawan a binili ko noon sa bookstore, ang kaparehong talaarawan na isinuggest sa 'kin ni Francis.

Nakangiwi kong binuklat ang mga pahina nito, hindi ko man lang pala ito nasulatan. Naisip kong siguro ay ito na ang oras para bigyan ito ng laman, kaya hinagilap ko sa maleta ang plumang kalakip nito, hindi naman ako nabigo, matapos makita itong nakapiit sa isang sulok ng maleta.

Naglakad ako patungo sa isang study table, at inabot ang kalapit na lampara, saka ipinwesto ito sa harapan ng notebook para makapag-sulat ako ng maayos. Nag-isip muna ako ng panimula para sa talaarawan na gagawin ko. Ayaw ko naman itong simulan ng 'dear diary' dahil napaka-baduy niyon para sa 'kin, at isa pa ay hindi ako nasanay sa ganoong paraan, dahil nasanay ako na palaging ang mga salitang mama at papa ang panimula ng liham ko ngunit ayaw ko namang simulan ito ng pangalan ko.

Kaya na-isipan kong isulat na lang ang literal na sitwasyon.

Unang liham,

                 Hindi ko alam kung bakit ako narito sa mundong ginawa ko, ang tanging alam ko lang ay iminulat ko na lang ang mga mata ko na nasa mundong ito na.

Ngunit hindi ko inaasahan na hindi lamang pala ito ang ibibigay na kababalaghan sa 'kin dahil sunod-sunod ay parang nasa isang puzzle ako, na kung saan ay kailangan kong buuin ng wala man lang ka ide-ideya kung saan magsisimula at kung pano.

At ngayon ay ito na naman,   kailangan ko na namang bigyan ng depinisyon ang sinabi sa 'kin ng lola kanina. Na kung saan ay kahit ni isang rason o 'clue ' ay wala akong makita. Nakakalito at nakakabobo ang mundong 'to, kaya sana man lang ay may mangyaring himala kahit sa isang pagkakataon man lang, at sana magising na lang akong muli sa 'modern world'.

Naguguluminahan,
Zanthe/Sansa

Napabuntong-hininga kong inilapag ang plumang ginamit ko at isinara ang talaarawan. Kahit mag-sulat ako ng ilang beses sa talaarawan na iyon ay wala pa ring mababago, hindi pa rin ako mabibigyan ng kahit anong kasagutan.

Kaya muli na lang akong bumalik sa kama, at pilit na ipagpaliban ang mga isipin. Hanggang sa unti-unti ay naramdaman ko na langang pagdalaw ng antok sa 'kin hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog.

Kinabukasan araw ng Sabado, ay naging abala ako sa pagtulong kina mama at tiya Mariana sa pagluluto ng iba't-ibang putahe para sa dadausing 'birthday party' ni tiyo Simon. Sa katunayan, ay lahat ng nasa bahay ay abala at may kanya-kanyang ginagawa, ang ibang katulong ay busy sa paghiwa ng mga rekado habang ang iba naman ay nagpapanatili ng apoy sa pugon.

Ito ang unang pagkakataon na naka-saksi ako kung pano magluto sa pugon, hindi pala madali at napaka-hassle. Maswerte na rin pala kami sa modern world at may mga gasul na at 'electric stove'. " Sandya pakihalo ito habang inihahanda ko ang ibang rekado ", tawag pa sa 'kin ni mama sabay abot ng isang sandok, para panghalo sa kaldereta. Tumango naman ako sa kanya at lumapit sa pugon, at inumpisahan na itong haluin.

Tagaktak na ang pawis ko kahit hindi naman ako nagtagal sa paghalo, dahil na rin siguro ito sa init  ng apoy. Ibinilin ko muna sa tagapagsilbi ang paghalo, dahil pupunta muna ako sa CR matapos makaramdam ng tawag ng kalikasan. Sa halip na sa CR na malapit sa kusina ako magpunta, ay umakyat na lang ako sa hagdanan patungo sa 2nd floor ng bahay upang doon na lang sa kwartong inoukupa ko mag-CR.

Nagulat ako matapos makasalubong si Francis sa hallway, naka-sando lamang sya ng kulay puti, kaya kitang-kita ang mga biceps nya. May dala rin syang balde?

Anong gagawin nya sa balde?

Hala baka walang tubig sa taas! naku! pano na 'ko magc-CR?.

" Binibini? ", Nakakunot ang noong tanong nya, at doon ko lang napag-tanto na nakatulala lang pala ako sa kanya. Nakakahiya!.

" Ah w-wala tatanungin ko lang sana kung anong gagawin mo sa balde? ", Tanging naisagot ko na lang. Bumalik na naman sa kapayapaan ang kilay nya, saka sya marahang napakamot sa sentido nya.

Cute!

" Ako ay tutulong lang na mag-igib sa baba upang makalikom ng maraming tubig ", wika nya, napataas naman ang isang kilay ko. " Naku! 'wag na nakakahiya naman sa 'yo bisita ka kaya, kaya 'wag mo ng gawin yan may nag-iigib na naman sa baba ", sagot ko sa kanya, nakakahiya naman nga talaga na bisita sya tas tutulong pa sya sa paghahanda.

" Iyon ay ayos lamang sa akin binibini, sapagkat wala rin naman akong ibang pinagkaka-abalahan ", nakangiti nyang sagot, napabuntong-hininga na lang ako saka tumango.

Pagod ang lahat at kakatapos lang namin i-set ang birthday party ni tiyo Simon bukas. Tahimik kong kinakain ang isang puto-bungbong na  inihanda ni mama bilang meryenda. " Maraming salamat sa inyong tulong at natapos din ang mga palamuti maging ang naturang handa ", biglang masayang wika ni tiya Mariana, sinulyapan nya ang mga katulong at ang iba pang tumulong para matapos ang paghahanda.

Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sumunod na usapan, at agaran akong umalis sa sala at nagtungo sa asotea. Bumabalik na naman ang pakiramdam na kung saan ay parang nasasaktan ako sa hindi ko alam na dahilan, marahil ay sapat na nga ba ang makita kong nakangiti si Sansa 2 at Francis sa isa't isa habang nag-uusap sila kanina sa sala? yun ba ang dahilan kung bakit nasasaktan ako?.

Ngunit bakit?

Iwinaglit ko na lang ang nararamdaman ko at humigop na lang mula sa kapeng hawak ko, saka pinagmasdan ang sinag ng araw sa berdeng palayan'di kalayuan.

Mula rito ay maari mong tanawin ang luntiang palay, ang mga maliliit na kubo at ang mga taong nakatira at nagsasaka rito. Hindi katulad sa kinatatayuan ko ngayon, ay gawa lamang sa pawid at kawayan ang ilang bahay nila, malayong-malayo sa mga mamahaling bato at materyales na ginamit sa pagpapatayo ng bahay nila tiyo Simon.

Maigi ko lang na pinagmamasdan ang tanawin, nang makarinig ako ng tunog ng paa, at ang pagsandal nya sa kaparehong barikada sa asotea.

" Ako ay isang ulila na lamang, namatay ang aking pamilya matapos paslangin ng nga sundalong Espanyol sa kasagsagan ng gyera. Ako ay isang musmos pa lamang noon at walang ka alam-alam sa buhay, kaya't wala akong nagawa ng tahasang pinagbabaril ang aking inay at itay maging ang dalawa kong nakakatandang kapatid sa mismong harapan ko. Umiyak lamang ako nang umiyak sa mga oras na iyon, hanggang sa makahanap ako ng tyempo upang tumakas, at mukhang naging mapalad nga ako dahil napag-tagumpayan ko iyon ", biglang wika nya habang nakatanaw pa rin sa luntiang tanawin.

" Katulad ng mga taong nakasadlak sa pook na iyan ay ganoon din ang aking pamilya noong nabubuhay pa lamang sila. Masaya kahit mahirap lang sa buhay ", dagdag nya at nang lumingon sya sa 'kin ay unti-unti ng lumandas ang maliliit na butil ng luha mula sa kanyang mga mata.

" Patawad Sanya ", paghingi ko ng tawad sa kanya, dahil alam ko sa sarili ko na ako ang dahilan sa pagka-ulila nya, ako ang sumulat at nagtakda ng mapait at masakit nyang buhay.  Pinunasan ko ang mga lumalandas nyang luha. Siguro nga ay napaka-masarili ko upang ihalintulad ang buhay nya sa buhay ko—na isa ring ulila.

" Bakit kayo humihingi ng tawad binibini? ", nakataas ang dalawang kilay at naguguluhan nya akong tiningnan. Napabuntong-hininga na lang ako bago sumagot sa kanya.

" Nalulungkot lamang ako sa nangyari sa 'yong pamilya ", sinsero kong wika sa kanya, tumango naman sya at kalauna'y napangiti rin.

" Salamat nga pala sa iyong ibinigay sa akin binibini, napakasaya kong makatanggap niyon, sapagkat matagal ko ng hinihiling na magkaroon ng isang libreta at pluma ", wika nya habang nakangiti, napangiti rin naman ako sa sinabi nya. Ang liit ng kasiyahan ni Sanya.

" Walang anuman Sanya, magsabi ka lang sa 'kin kung may kailangan ka, o kung nais mong mag-aral tuturuan kita ", suhestiyon ko sa kanya, tumango-tango naman sya habang nakangiti pa rin.

" Salamat binibini ", aniya ngiti lang naman ako bilang sagot.

Ibinalik ko na lang ang paningin sa luntiang tanawin, ngunit nagbaba ako ng tingin matapos mahagip ang pamilyar na bulto ng tao.

Pagkatingin sa baba ay nakita ko si Hastin na nakangiti, inilagay nya ang sumbrero nya sa dibdib nya bilang pagbati. Kasama rin nya ngayon si Anel, na hindi katulad sa dati, ay nakadamit na ngayon ng maayos lalo tuloy'ng pinatingkad ang moreno nyang kulay, at dahil sa medyo may kahigpitan ang damit nya ay lalong bumakat ang matipuno nyang katawan dito.

Nagulat ako matapos makitang ngumiti si Anel at katulad ni Hastin ay inilagay nya ang sumbrero sa dibdib nya, ngunit hindi sya sa 'kin nakatingin kun'di sa katabi ko. At nang tingnan ko ang katabi ko ay ayun si Sanya at nagpipigil ng ngiti, kinilig naman ako sa kanilang dalawa. Bilib na talaga ako kay Anel at sa bilis nyang kumilos.

" Tila ika'y masaya binibini ", nagulat ako matapos marinig na may nagsalita sa tabi ko, ibinaling ko ang tingin dito at lalo pa 'kong nagulat matapos makita si Francis. Nakatingin sya sa luntiang tanawin habang nakasiksik sa dalawa nyang bulsa ang mga kamay nya.

" Ikaw ba ay nasisiyahan na muli syang makita? ", dagdag nya pa na nagpakunot sa noo ko. Kahit pilit kong huwag bigyan ng ibang interpretasyon ang sinabi nya ay 'di pa rin maipagkakaila ang iba sa tono ng boses nya—ang pagiging sarkastiko nito.

Hala nagseselos ba sya?

Ipagpapatuloy…

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro